Share

Kabanata 4

Author: Cathy
last update Last Updated: 2026-02-05 16:22:11

Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas.

“Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat.

“Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito.

“Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya.

“Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?”

“Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya.

Kumuha si Miguel ng isang pakete ng gamot sa sipon, tiningnan ang petsa ng expiration, at naglagay ng maligamgam na tubig sa baso at iniabot iyun sa kanya

“Huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano. Magpahinga ka ngayong gabi.”

Ang maligamgam na tubig ay nagbigay ng kaunting ginhawa sa kanyang palad, ngunit ang alaala ng nangyari kanina lang, hindi niya pa rin maiwasan na makaramdam ng takot.

“Huwag kang matakot. Nandito lang ako,” marahan nitong sabi.

Matangkad si Miguel, may awtoridad ang tindig, halos anim na talampakan at tatlong pulgada ang taas. Ang presensya niya pa lang ay sapat nang punuin ang buong silid.

Nakaramdam si HIraya ng kaunting kapanatagan. Tumingala siya at hindi sinasadyang nasalubong ang malalim at madilim niyang mga mata—malamig, ngunit sa di maipaliwanag na paraan ay nakapagpapakalma.

“Uncle, gusto ko sanang dito ka na magpalipas ng gabi kaya lang, naalala ko, wala palang extra na kwarto dito..”

Tatlo lang ang silid: isang kuwarto-tulugan, isang studio, at isang design room.

Lumambot ang ekspresyon ni Miguel, kaswal ngunit matatag ang tinig.

“Ayos lang. Sa sofa na lang ako ngayong gabi.”

“Naku, nakakahiya sa iyo, Uncle. Ako nalang dito sa sofa at doon ka na sa room ko.” nahihiyang sagot niya naman dito

“NO, it’s okay, Hiraya. Ayos na ako dito sa sofa.” Nakangiting sagot naman ni Miguel sa kanya. Muli siyang napangiti sabay tango.

****

***

Pagod na bumagsak si Hiraya sa kanyang unan at agad nakatulog. May pampakalma ang gamot sa sipon, kaya mahimbing siyang natulog hanggang sa pumasok ang maliwanag na sikat ng araw sa umaga.

Lumipas na ang bagyo, at ang langit ay naging maliwanag at bughaw.

Nakalabas si Hiraya ng kanyang silid na nakatsinelas at nadatnan niyang nakatayo si Miguel sa balkonahe, nakasuot ng itim na suit.

Pumasok ang sikat ng araw sa salamin, binibigyang-diin ang kanyang matangkad at matatag na tindig.

Nang marinig niya ang mga yapak, lumingon ito. Tinamaan ng liwanag ang kanyang mga mata, nagbibigay sa karaniwan niyang malamig na titig ng bihirang init.

“Magandang umaga, Uncle,” bati ni Hiraya habang may ngiting nakaguhit sa mapula niyang labi

“Magandang umaga,” sagot din naman nito sa kanya “May ilang bagay akong kailangang asikasuhin. Nilagay ko ang almusal mo sa thermal box. Huwag kalimutang kumain.”

“Salamat po, Uncle.” Habang hindi niya mapigilan na mapatitig sa cellphone na nasa ibabaw ng center table. Katabi nito ang tablet na binili niya kahapon sa mall.

Dinampot niya ang cellphone nang mapansin niya na may mensaheng pumasok.

Isang voice message iyon mula sa matalik niyang kaibigan na si Lina Gomez.

“Hiraya, nakuha mo ba ang mga ticket sa exhibition? Wala akong nakuha rito. Kung wala rin sa’yo, hihingi ako sa kuya ko ng dalawa.”

Tahimik ang silid at malakas ang volume. Nataranta si Hiraya at agad pinababa ang tunog. Natapos ang sampung segundong mensahe sa isang iglap.

Nailang siya, hindi alam kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay.

Ngumiti si Miguel malalim ang boses.

“Iyong touring exhibition ng Louvre sa France dalawang linggo mula ngayon?”

Mabilis na sumagot si Hiraya, “Opo, Uncle.”

“May ilang ticket na ipinadala sa akin. No worries, bibigyan kita.” Nakangiting sagot nito sa kanya

“Ha? Naku, huwag na po. Masyado na pong nakakahiya!” kusa niyang pagtanggi.

Karamihan sa mga ipinapakita sa exhibition ay mga orihinal na likha mula sa Louvre, at napakahirap makakuha ng ticket. Ang nakakatakot na nangyari kagabi ang dahilan kung bakit tuluyan niya itong nakalimutan.

“Sayang naman kung walang gagamit, Hiraya. Huwag ka nang tumanggi kung hindi magtatampo ako sa iyo”

Hindi niya naman mapigilan ang mapakagat labi sabay tango.

“Okay, Salamat po, Uncle.”

Pagkatapos niyang magpasalamat kay Uncle Miguel, tuluyan na din itong nagpalaam sa kanya. Nilisan nito ang condo niya na may nakikita siyang mumunting ngiti sa labi nito.

Nang mapag-isa, nagpasya na din siyang kumain. Habang nakaupo sa mesa, muli niyang dinampot ang kanyang cellphone upang i-message ang kaibigan niyang si Lina.

Ngunit, bago niya pa man nagawa iyun, wala sa sariling napatitig siya sa kanyang cellphone at napakunot noo.

“Teka lang, ano ang nangyari? Bakit, biglang nawala ang basag nitong phone ko?” mahina niyang bigkas.

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang cellphone pero wala talaga eh. Walang kahit na anong bakas ng sira ito.

“Ibig bang sabihin nito, inayos ito ni Uncle Miguel?” mahina niyang sambit kasabay ng munting ngiti na gumuhit sa labi niya. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman niya din ang biglang pagkabog ng dibdib niya.

“Ang laki ng pagkakaiba nila Miguel at Alfred. Sana si Miguel na lang ang naging fiancé ko. At least si Miguel, ramdam ko ang pagki-care niya sa akin kagabi pa.” hindi niya mapigilang bigkas kasabay ng muling pag-ilaw ng kanyang cellphone.

Chineck niya ang kakapasok na mensahe at nang mapagtanto niya na galing iyun kay Lina, walang pagdadalawang isip na binuksan niya iyun kung saan makikita ang isang video.

Kaagad niya din namang pinindot ang ‘play’ button.

Madilim ang bar, magulo at maingay, may kumikislap na mga ilaw.

Nang tumama ang ilaw, lumitaw ang guwapong mukha ni Alfred, nakahilata sa sofa, nakapatong ang mahahabang binti, at kaswal na nakayakap ang isang braso sa balikat ni Jona.

Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang bibig nang bigla na lang lumagok ng alak si Jona mula sa baso at pagkatapos noon, inilapit nito ang bibig sa mismong bibig ni Alfred-----

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 9

    “Kanina lang, ipinagyayabang ni Alfred ang tinatawag niyang ‘kaibigan,’. Pinagsabihan ko siya, pero sinabi niyang nag-ooverthink lang daw ako at friendly lang naman siyang tao” wika ni Abner habang pasulyap na tinitingnan si Miguel, tila sinusubukang pagaanin ang mga salitang binitiwan. Ang tinutukoy niya ay si Jona na kung makalingkis ngayung kay Afred ay parang ito ang tunay na fiancé. Wala sa sariling napayuko si Hiraya, ayaw niyang makita ng mga kaharap niya ang hiya at pagkadismaya na nararamdaman niya ngayun. Ganito pala ang ibig sabihin ni Alfred ng pagiging “busy sa trabaho” at kaya hindi siya nito nasundo kanina. Ipinapakilala ang kunwari malapit na kaibigan na si Jona sa mga panauhin, ipinagmamalaki na parang ito ang hostess ng gabi. Tunay na nakakatawang isipin. Tiningnan ni Abner si Hiraya na tahimik at nakayuko lamang, saka hinarap si Miguel. “Miguel, siguro dapat mong kausapin si Alfred. Paalalahanan mo siyang magtakda ng hangganan.” Magkakaedad sina Abner,

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 8

    “Uncle, sandali lang po. Bababa na ako ngayon.” Hindi maunawaan ni Hiraya kung bakit siya sinusundo ngayun ni Miguel Villamor. Habang isinuot niya ang kanyang high heels, muling dumaloy sa alaala niya ang naganap na aksidente ng nakaraan---- Hindi man niya personal na nasaksihan ang naturang aksidente, ngunit ang imahe ng duguang mga katawan ng kanyang mga magulang at ang kapatid niyang si Rommel ay malinaw pa rin sa kanyang balintataw, balot ng dugo, malubhang sugatan at walang malay. Tuwing naiisip niya iyon, parang hindi niya kinakaya ang sakit. Kaya nga simula noon, hindi niya na kayang magmaneho ng sasakyan. Sa sandaling maupo siya sa driver’s seat, naninigas ang buong katawan niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso, nanlalamig at naninigas ang kanyang mga kamay at paa, hirap siyang huminga, at parang nagyeyelo pati ang kanyang isipan. Hindi talaga niya kayang magmaneho. Kaya hindi niya ito ginagawa. Natatakot siya kaya nga simula noon, hindi niya na kayang humawak

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 7

    Dumating na ang selebrasyon para sa kaarawan ni Lolo Villamor. Ang Pamilyang Villamor ay nasa pinakatuktok ng mataas na lipunan sa Maynila, at ang ikapitumpung kaarawan ng matandang patriyarka ay tunay na isang engrandeng okasyon. Nagningning ang mansyon ng mga Villamor sa liwanag, halos kasingliwanag ng araw. Walang patid ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan. Ang napakalawak na pangunahing bulwagan ay kumikislap na parang palasyo. Ang mga kristal na chandelier ay tila mga ilog ng bituin na bumababa mula sa kisame, ang malambot na liwanag ay sumasalamin sa mga desenyo sa dingding. Tinakpan ng mga hinabing Persian carpet ang sahig. Ang masinsing inukit na mga kagamitan sa mesa ay nakaayos nang perpekto. Ang mga sosyalita at mayayamang tagapagmana ay nakasuot ng nakasisilaw na mga gown, ang kanilang mga diyamante at hiyas ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit at walang kapintasan ang mga kurbata, ang mamahaling relo sa kanilang mga

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 6

    Matapos makipag-usap sa kaibigang si Lina, agad bumalik si Hiraya sa pagguhit ng kanyang komiks. May likas na talento siya sa sining mula pagkabata, at nagsimulang maglathala ng mga komiks online sa edad na labing-walo. Mabilis na sumikat ang kanyang mga gawa, palaging nasa itaas ang rankings. Nakakontrata rin siya sa pinakamalaking domestic animation platform ang PixelGarden Studio. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipaalam ng kanyang editor na ang una niyang komiks, Oath of Love and Crown, ay isasalin bilang isang TV series—at siya mismo ang magiging screenwriter. Napili na ang gaganap bilang male lead, ngunit hindi pa napagdedesisyunan ang female lead. Medyo matatagalan pa bago magsimula ang filming. Masinsinang nagtrabaho si Hiraya, inaayos ang kuwento habang sinisikap panatilihin ang orihinal na diwa nito. *** ** Naputol ang kanyang konsentrasyon nang tumunog ang kanyang phone. Bahagya siyang nainis at sinilip ang caller ID. Nang makita ang pangalang “Alfred Vil

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 5

    “Magkaibigan lang? Talaga lang ha? Gawain ba ng tunay na magkaibigan ang ginagawa ng dalawang ahas na ito?” malakas na sigaw ni Hiraya. Muling pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang tinitigan niya kung paano naghahalikan sila Alfred at Jona. Noong high school, magkatabi ang naging upuan nila Alfred at Jona at doon daw nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Two years ang agwat ng edad nilang dalawa ni Alfred at magkaiba ang kanilang mga social circle. Bukod pa roon, sinapit ng Pamilyang Natividad ang sunod-sunod na kamalasan na siyang naging dahilan kung bakit naging mailap siya sa ibang tao. Kaya nga hindi niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang fiancé niyang si Alfred kay Jona eh. Wala siyang alam. Hangang sa makita niya ang video na ito. Kung hindi dahil sa utang na loob, baka magdalawang isip din siyang pumayag sa engagement na ito eh. Lalo na at may iba pa siyang priority sa buhay. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng malubhan

  • Dumped Scumbag Fiancé, Married His Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas. “Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat. “Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya. “Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?” “Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya. Kumuha si Miguel

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status