LOGINPuro mga kaibigan ni Alfred ang nasa group chat. Nang magsimula siyang makipagrelasyon kay Alfred, kusa siyang ina-add ni Jona
Binuksan niya ang group chat gamit ang nanginginig na mga daliri. Puro mga larawang ipinost ni Jona ang laman nito. Kaswal niyang tinap ang huling larawan, at agad nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding pagkagulat at pagkalito. Ipinapakita sa litrato ang isang cream cake na nakapatong sa mesa. Nakaupo si Jona sa gitna, suot ang isang birthday hat, habang mahigpit na nakayakap ang braso kay Alfred. Mistulang hindi mapaghiwalay ang dalawa—sobra ang lapit, sapat para tawagin ng kahit sino bilang perpektong magkasintahan. Nanginig ang mga daliri niya habang ini-swipe niya ang mga larawan. Si Jona at Alfred na magkasamang hawak ang plastik na kutsilyo, hinihiwa ang cake. Nakangiti si Jona habang sinusubuan ito ni Alfred na kitang kita naman ang lagkit ng pagkakatitig nito sa dalaga. Kung titigan ng mabuti, alam niyang may something sa dalawa na mas lalong nagdulot ng bigat sa kalooban niya. Alam ni Hiraya na sinadya ang mga larawang ito—ipinakita talaga para sa kanya para paselosin siya? Habang nakatingin siya, biglang nag-itim ang screen ng kanyang cellphone. Hindi niya agad napansin ang mahigpit na pagkakahawak niya dito. Na kulang na lang na durugin niya ang cellphone niya. Naramdaman niya pa nga ang pamamanhid ng kanyang daliri pero hindi sapat iyun para hindi niya mas maramdaman ang sakit ng kalooban dulot ng harap-harapan na panluluko sa kanya ng fiancé niyang si Alfred. Ni hindi niya na nga namalayan na halos magkulay papel na ang kanyang pisngi. Ni hindi niya na nga napansin ang nagtatanong na mga titig sa kanya ni Miguel Villamor at nang mapansin nito ang panginginig ng mga kamay niya doon na nabahala ang binata. “Ano ang nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?” Masuyo ang tono ng boses na wika nito na mas lalo pa siyang binalot ng kumot. “Ayos lang ako..ayos lang ako. Feeling ko, magkakasakit ako.” pigil ang emosyon sa boses na sagot niya sa binata. Tiyuhin ni Alfred si Miguel. Kapag sasabihin iya dito ang mga nakita niyang larawan, baka mapahiya lang siya. Hindi naman sa kanya ito kakampi eh kundi sa pamangkin nito. Napansin niyang napatitig sa kanya ang nang-aarok ng mga mata ni Miguel. Na para bang pilit nitong binabasa ang nilalaman ng kanyang damdamin pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin dito. Pigil niya ulit ang maluha nang maalala niya kung paano siya bababaan ng cellphone ni Alfred kanina. Kung paano siya muntik nang mapahamak dahil mas pinili pala nitong umattend sa kaarawan ng kaibigan nitong si Jona. *** ** Apat na taon na ang nakalipas, ang mga pamilyang Natividad at Villamor ay kapwa nasa rurok ng elitista ng Maynila. Matagal nang may ugnayan ang dalawang pamilya, at maganda ang relasyon ng mga nakatatanda. Naitakda na ang kasunduang kasal. Isa lamang siyang simpleng teenager noon nang biglang dumating ang isang trahedya na muntik nang nagpalubog sa kanya. Akala niya nga noon, hindi siya makakabangon eh. Pero mabuti na lang talaga, hindi siya iniwan ng mga Villamor. Apat na taon na ang nakalipas, habang papunta sa paliparan upang sunduin ang kanyang mga magulang, bumangga ang kanyang nakatatandang kapatid sa isang trak. Agad na namatay ang kanyang mga magulang. Malubhang nasugatan si Rommel Natividad at dinala diretso sa ICU. Siya naman, labimpitong taong gulang pa lamang noon, ay naiwan mag-isa. Sinamantala ng malalayong kamag-anak at mga direktor ng kumpanya ang pagkakataon upang agawin ng tuluyan ang kumpanya, at nalagay sa alanganin ang mga Natividad. Akala niya noon, wala nang pag-asawa na muling makabangon ang kumpanya at tuluyan nang makamkam ng mga kamag-anak nila pero nagkamali siya. Biglang dumating ang Pamilyang Villamor—pinrotektahan nito ang kumpanya at nagdala ng pinakamahusay na mga doktor upang iligtas si Rommel. Lubos ang kanyang pasasalamat. Kaya nang iminungkahi ng pinuno ng Pamilyang Villamor ang kasunduang kasal pagdating niya sa tamang edad hindi siya tumutol. Wala kasi siyang kawala dahil sa utang na loob. May dalawang binatang walang asawa ang Pamilyang Villamor: si Alfred at ang tiyuhin nitong si Miguel Villamor Ngunit nakapagkasunduan na kay Alfred siya magpakasal tutal naman hindi nagkakalayo ang edad nila at noong mga panahon na iyun, magkasundo silang dalawa ni Alfred. Not until dumating si Jona sa buhay nito. *** ** Samantala, sa bar. “Alfred, hindi mo ba naiisip na magagalit si Hiraya?” lakas loob na tanong ng isa sa mga kaibigan nito. Hindi naman mapigilan ni Alfred na mapataas ang kabilang sulok ng labi. Bakit naman siya mag-aalala kay Hiraya eh alam niya naman na hindi siya nito kayang iiwan? Malaya niyang gawina ng lahat ng nais niya dahil wala din naman siyang balak na pasasakop sa babaeng iyun eh. “Matagal nang nakatakdang maging asawa ko iyang si Hiraya at kahit na mgalit siya, eh ano naman? Wala akong pakialam! Ipupusta ko ang bayag ko, hindi ako kayang hiwalayan ng babaeng iyun!” puno ng pang-uuyam sa boses na sagot niya sa kaibigan niya. Mataas ang kumpiyansa niya sa sarili niya dahil alam niyang nakatakdang maging kanya si Hiraya by hook or by crook “Napakaboring niya. Napaka concervative na ayaw ko sa babae!.” “Maganda siya, oo pero parang patay! Wala man lang kalambing-lambing sa katawan. Isang taon na kaming magkasintahan, pero walang halikan, walang hawakan---piste! “Tsk, boring! Ang kapal ng mukha para pagselosan ako, eh mas hamak naman na mas maganda at wala sa kalingkingan ko kung galing sa kama nag pag-uusapan.” sabat naman ni Jona na kanina pa pala nakikinig sa usapan “Alam mo sa totoo lang, ayaw ko talaga sa kanya eh. Spoiled brat, makitid ang isip at higit sa lahat, demanding! Mabuti na lang talaga at nandito si Jona. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko!” nakangising muling wika ni Alfred. Oo, maraming beses nang may nangyayari sa kanila ni Jona. Kung totoosin nga, parang itong si Jona ang tunay niyang dyowa eh. Nagagawa nila ang lahat ng gusto nla lalo na kung tawag ng laman ang pag-uusapan. Pagkatapos ng party, dinala ni Alfred si Jona sa kanyang apartment. *** ** Samantalang sila Hiraya at Miguel naman ay tuluyan nang nakarating sa condo ng dalaga. Bumaba ang dalawa sa kotse at niyaya si Miguel na pumasok sa loob. Tagapaglitas niya ito kaya walang dahilan para hindi niya ito pakisamahan ng maayos. Ang condo na ito ay malapit lang sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nag-aaral ngayun. Binili ito ng Kuya Rommel niya sa kanya at sinsigurado nito na magiging kumportable siya dito. Maayos naman ang kanyang mga grado at kung loloobin ng Diyos, balak niyang maging doctor balang araw. Maaliwalas ang condo unit niya, pinalamutian sa modernong natural wood na estilo. Ang mga pader na kulay krema ay nagpapalambot sa atmospera, may mga indoor plants na nakakalat sa paligid. “Maligo ka muna, Hiraya. Basang basa ka ng ulan at baka magkasakit ka niyan.” Seryosong wika ni Miguel sa kanya. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. “Uncle, dapat maligo ka rin,” Basang basa ang suot nitong suit kung saan kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Matipuno, malapad ang balikat, makitid ang baywang, namumutok ang muscle at mahahaba ang mga binti. Basâ ang buhok na bumabagsak sa noo ang ilang hibla na mas lalong nagbigay dito ng kakaibang awra. Ang perpekto nitong mukha ay parang likhang-sining—malamig at mailap, naglalabas ng pagpipigil at isang aura na hindi niya maarok kung ano man. “Pero wala akong damit para sa lalaki.” “Ayos lang. May ekstrang damit ako sa kotse.” May halong lambing sa boses na sagot ni Miguel sa kanya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. “Kung ganoon, maliligo na po ako. Feel at home, Uncle Miguel.” Nakangiting wika niya tuluyan na siyang tumalikod. *** ** “Sir, ang mga damit ninyo.”walang emosyon niyang tinangap an nasabing damit. Pagkatapos noon, seryoso siyang nagsalita. “Alamin mo kung sino iyun taong nambastos kay Hiraya at siguraduhin mong mabubulok siya sa kulungan.” “Opo, Sir.” Tumango si Jun.“Kanina lang, ipinagyayabang ni Alfred ang tinatawag niyang ‘kaibigan,’. Pinagsabihan ko siya, pero sinabi niyang nag-ooverthink lang daw ako at friendly lang naman siyang tao” wika ni Abner habang pasulyap na tinitingnan si Miguel, tila sinusubukang pagaanin ang mga salitang binitiwan. Ang tinutukoy niya ay si Jona na kung makalingkis ngayung kay Afred ay parang ito ang tunay na fiancé. Wala sa sariling napayuko si Hiraya, ayaw niyang makita ng mga kaharap niya ang hiya at pagkadismaya na nararamdaman niya ngayun. Ganito pala ang ibig sabihin ni Alfred ng pagiging “busy sa trabaho” at kaya hindi siya nito nasundo kanina. Ipinapakilala ang kunwari malapit na kaibigan na si Jona sa mga panauhin, ipinagmamalaki na parang ito ang hostess ng gabi. Tunay na nakakatawang isipin. Tiningnan ni Abner si Hiraya na tahimik at nakayuko lamang, saka hinarap si Miguel. “Miguel, siguro dapat mong kausapin si Alfred. Paalalahanan mo siyang magtakda ng hangganan.” Magkakaedad sina Abner,
“Uncle, sandali lang po. Bababa na ako ngayon.” Hindi maunawaan ni Hiraya kung bakit siya sinusundo ngayun ni Miguel Villamor. Habang isinuot niya ang kanyang high heels, muling dumaloy sa alaala niya ang naganap na aksidente ng nakaraan---- Hindi man niya personal na nasaksihan ang naturang aksidente, ngunit ang imahe ng duguang mga katawan ng kanyang mga magulang at ang kapatid niyang si Rommel ay malinaw pa rin sa kanyang balintataw, balot ng dugo, malubhang sugatan at walang malay. Tuwing naiisip niya iyon, parang hindi niya kinakaya ang sakit. Kaya nga simula noon, hindi niya na kayang magmaneho ng sasakyan. Sa sandaling maupo siya sa driver’s seat, naninigas ang buong katawan niya. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso, nanlalamig at naninigas ang kanyang mga kamay at paa, hirap siyang huminga, at parang nagyeyelo pati ang kanyang isipan. Hindi talaga niya kayang magmaneho. Kaya hindi niya ito ginagawa. Natatakot siya kaya nga simula noon, hindi niya na kayang humawak
Dumating na ang selebrasyon para sa kaarawan ni Lolo Villamor. Ang Pamilyang Villamor ay nasa pinakatuktok ng mataas na lipunan sa Maynila, at ang ikapitumpung kaarawan ng matandang patriyarka ay tunay na isang engrandeng okasyon. Nagningning ang mansyon ng mga Villamor sa liwanag, halos kasingliwanag ng araw. Walang patid ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan. Ang napakalawak na pangunahing bulwagan ay kumikislap na parang palasyo. Ang mga kristal na chandelier ay tila mga ilog ng bituin na bumababa mula sa kisame, ang malambot na liwanag ay sumasalamin sa mga desenyo sa dingding. Tinakpan ng mga hinabing Persian carpet ang sahig. Ang masinsing inukit na mga kagamitan sa mesa ay nakaayos nang perpekto. Ang mga sosyalita at mayayamang tagapagmana ay nakasuot ng nakasisilaw na mga gown, ang kanilang mga diyamante at hiyas ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit at walang kapintasan ang mga kurbata, ang mamahaling relo sa kanilang mga
Matapos makipag-usap sa kaibigang si Lina, agad bumalik si Hiraya sa pagguhit ng kanyang komiks. May likas na talento siya sa sining mula pagkabata, at nagsimulang maglathala ng mga komiks online sa edad na labing-walo. Mabilis na sumikat ang kanyang mga gawa, palaging nasa itaas ang rankings. Nakakontrata rin siya sa pinakamalaking domestic animation platform ang PixelGarden Studio. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipaalam ng kanyang editor na ang una niyang komiks, Oath of Love and Crown, ay isasalin bilang isang TV series—at siya mismo ang magiging screenwriter. Napili na ang gaganap bilang male lead, ngunit hindi pa napagdedesisyunan ang female lead. Medyo matatagalan pa bago magsimula ang filming. Masinsinang nagtrabaho si Hiraya, inaayos ang kuwento habang sinisikap panatilihin ang orihinal na diwa nito. *** ** Naputol ang kanyang konsentrasyon nang tumunog ang kanyang phone. Bahagya siyang nainis at sinilip ang caller ID. Nang makita ang pangalang “Alfred Vil
“Magkaibigan lang? Talaga lang ha? Gawain ba ng tunay na magkaibigan ang ginagawa ng dalawang ahas na ito?” malakas na sigaw ni Hiraya. Muling pumatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata habang tinitigan niya kung paano naghahalikan sila Alfred at Jona. Noong high school, magkatabi ang naging upuan nila Alfred at Jona at doon daw nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Two years ang agwat ng edad nilang dalawa ni Alfred at magkaiba ang kanilang mga social circle. Bukod pa roon, sinapit ng Pamilyang Natividad ang sunod-sunod na kamalasan na siyang naging dahilan kung bakit naging mailap siya sa ibang tao. Kaya nga hindi niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang fiancé niyang si Alfred kay Jona eh. Wala siyang alam. Hangang sa makita niya ang video na ito. Kung hindi dahil sa utang na loob, baka magdalawang isip din siyang pumayag sa engagement na ito eh. Lalo na at may iba pa siyang priority sa buhay. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng malubhan
Pagkatapos maligo ni Hiraya, muli siyang lumabas ng silid kung saan nadatnan niya si Miguel na prenteng nakaupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Napansin niyang may kausap ito sa cellphone. Nakaligo at nakabihis na din ito at halatang hinihintay nito ang kanyang paglabas. “Uncle, salamat po.” Nakangiting wika niya sabay dikit ng mapula niyang labi sa pinsgi nito tanda ng taos pusong pasasalamat. “Walang anuman.” Parang na istatwa namang sagot ni Miguel sa kanya. Ilang minuto din na tulalang napatitig si Miguel sa dalaga bago siya nag-iwas ng tingin dito. “Uncle, kailan po pala kayo bumalik dito sa Pilipinas?” muling tanong ni Hiraya sa binata na sinabayan niya pa ng pagsinghot dahil feeling niya sisipunin siya. “Kaninang hapon,” sagot ni Miguel, bahagyang umangat ang kanyang kilay. “May gamot ka ba sa sipon dito?” “Meron.” Kinuha ni HIraya ang isang maliit na kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV stand. Inihanda iyon ng kanyang kuya para sa kanya. Kumuha si Miguel







