Share

Kabanata 116

Auteur: Deigratiamimi
last update Dernière mise à jour: 2025-09-22 23:36:21

Galit na galit si Cassandra nang dumating siya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Bianca Martinez—o mas kilala niya bilang si Beverly Jimenez. Ang dating mahinahon at eleganteng si Cassandra ay ngayon ay parang bulkan na sasabog anumang oras. Hindi niya inakalang magagawa sa kanya ng kaibigang matagal na niyang pinagkakatiwalaan ang pinakamalupit na pagtataksil.

Pagpasok pa lang niya sa lounge ng hospital staff, agad niyang nakita si Bianca na nakasuot ng puting coat, seryosong may hawak na medical chart habang nakikipag-usap sa nurse. Halos manigas si Cassandra sa galit at hindi na siya nag-aksaya ng segundo.

“You bitch!” sigaw niya, dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sa paligid.

Nagulat si Bianca, napatingin kay Cassandra at agad na kumunot ang noo. “Cassandra? What are you doing here? Why are you shouting—”

Hindi na siya pinatapos ni Cassandra. Malakas ang yabag niya habang papalapit, at nang makalapit, bigla niyang sinampal si Bianca sa harap ng lahat.

Napasinghap ang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Maraming salamat po. Na-miss ko kayong makita sa comment section
goodnovel comment avatar
Fam O.
Tama ang strategy ni Elias. Sila2 ang pagsabungin para sa huli sila2 rin ang maglalaglagan sa isa't isa. hehehehehe GoodJob Elias. Ang isang kaharian na divided or wasak ay hindi magtatagumpay sa masamang plano nila.
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 120

    Madaling araw. Tahimik ang buong bahay nina Cassandra. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone, hindi makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksenang napanood niya sa video—si Marco at si Bianca, nagtatalik sa condo. Pakiramdam niya ay para siyang binasag na salamin.Nag-ring bigla ang cellphone niya. Unknown number.“Hello?” halos pabulong niyang sagot, kinakabahan.Walang boses sa kabilang linya sa unang ilang segundo. Tanging malalim na paghinga lang ang narinig niya. Napakunot ang noo niya.“Who is this? Kung prank call ’to, hindi ako natutuwa.”Maya-maya, isang malamig na tinig ang sumagot. Manipis, distorted, parang sinadya talagang baguhin.“Cassandra Gonzaga.”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. “Sino ka?!”“Someone who knows your little secret,” sagot ng boses. “Or should I say… Janice Velasco?”Halos mabitawan ni Cassandra ang cellphone. Nanlamig ang buong katawan niya. “W-What did you just say?” Umiling siya nang mariin, pilit inaamo ang s

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 119

    Nakangisi si Elias sa loob ng kaniyang opisina, malamlam ang ilaw at tanging liwanag mula sa malaking monitor ang nagre-reflect sa mukha niya. Sa screen ay paulit-ulit na tumutugtog ang video: dalawang babaeng halos magpatayan, nagbabangayan habang may isang lalaking nasa gitna nila. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ni Cassandra, ang takot at luha ni Bianca, at ang malamig na ngiti ni Marco na parang siya lang ang panalo sa gulo.“Perfect,” bulong ni Elias sa sarili, sabay ikot ng swivel chair niya. “Let them destroy each other.”Alam niya, ito na ang pinaka-epektibong paraan. Hindi na niya kailangang maglabas pa ng ebidensiya para ipakita sa buong mundo na sina Cassandra, Bianca, at Marco ay hindi lang ordinaryong tao. They were criminals. Mga taong nagtago sa pekeng pagkatao at nagpatay-patayan ilang taon na ang nakalipas.Ngunit ngayon, dahil sa kasakiman at pagtataksil nila sa isa’t isa, kusa na silang maglalaglagan.Lumabas siya ng opisina, dala ang isang maliit na remote cont

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 118

    Hatinggabi na pero hindi pa rin mapakali si Bianca. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na parang may mabigat na pasaning hindi niya maibababa. Sa tabi niya, nakahubad ang pang-itaas na si Marco, nakaupo nang relaks habang umiinom ng brandy.“Bianca,” mahinahon pero may diin ang boses ni Marco, “you need to relax. Everything’s under control.”Umiling ang babae, pinunasan ang namumugtong mata. “How can you say that? Lahat ng tao sa ospital pinag-uusapan ako. Tomorrow baka kumalat na sa buong syudad. Marco, I can’t survive another scandal. Ayoko nang bumalik sa dati.”Lumapit si Marco, inilapit ang baso ng brandy sa bibig niya pero tumanggi siya. “Listen to me,” bulong niya, hinawakan ang pisngi ni Bianca. “Wala silang kwenta. Hindi sila ang magdidikta kung sino ka. Ikaw lang. At ako. Together, we’ll write your story. Hindi ‘yung mga chismosa mong kasamahan sa ospital.”“Pero paano?” halos humikbi si Bianca. “Cassandra won’t stop. She’s out for blood, Marco. She’ll

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 117

    Nakasandal si Bianca sa swivel chair ng opisina niya, basang-basa ng luha ang mga pisngi. Namumugto na ang kanyang mga mata, at nanginginig ang mga kamay habang pinipilit niyang patigilin ang sarili sa paghikbi. Sa labas ng kanyang glass office wall, kita niya ang mga kasamahan niyang dumadaan, at ramdam niya ang mabibigat na tingin ng mga ito. Hindi na niya kailangan pang marinig, pero dinig na dinig niya ang bulungan.“Kawawa naman si Cassandra… akala mo kaibigan, pero tinik pala sa dibdib.”“Doctor pa naman siya. Pero grabe, ahas din pala sa personal life.”“Sayang, maganda pa naman. Pero malandi rin pala.”Parang mga kutsilyong itinusok sa puso ni Bianca ang bawat salita. Pinilit niyang ikubli ang sarili sa likod ng kurtina ng kanyang blinds, pero lalo lang niyang naramdaman ang bigat ng hiya.Sa sobrang desperasyon, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang taong alam niyang may kasalanan kung bakit siya nasa sitwasyong ito—si Marco.“Hello?” agad na sagot ng lalaki, parang wala

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 116

    Galit na galit si Cassandra nang dumating siya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Bianca Martinez—o mas kilala niya bilang si Beverly Jimenez. Ang dating mahinahon at eleganteng si Cassandra ay ngayon ay parang bulkan na sasabog anumang oras. Hindi niya inakalang magagawa sa kanya ng kaibigang matagal na niyang pinagkakatiwalaan ang pinakamalupit na pagtataksil.Pagpasok pa lang niya sa lounge ng hospital staff, agad niyang nakita si Bianca na nakasuot ng puting coat, seryosong may hawak na medical chart habang nakikipag-usap sa nurse. Halos manigas si Cassandra sa galit at hindi na siya nag-aksaya ng segundo.“You bitch!” sigaw niya, dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sa paligid.Nagulat si Bianca, napatingin kay Cassandra at agad na kumunot ang noo. “Cassandra? What are you doing here? Why are you shouting—”Hindi na siya pinatapos ni Cassandra. Malakas ang yabag niya habang papalapit, at nang makalapit, bigla niyang sinampal si Bianca sa harap ng lahat.Napasinghap ang

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 115

    Abala si Elias sa pagpipirma ng mga dokumento sa kanyang home office nang biglang tumunog ang telepono. Sinagot niya iyon nang walang pag-aalinlangan, malamig ang tono ng boses.“Sir, may mga investors po na gustong makipag-meeting sa inyo. They said it’s urgent,” wika ng secretary niya.“Investors?” tanong ni Elias habang hindi inaalis ang tingin sa papel na pinipirmahan. “Who?”“Cassandra Gonzaga and Marco Perez, Sir. They specifically requested to meet you personally.”Napahinto si Elias. Bahagyang kumislot ang panga niya at naningkit ang mga mata. Tumigil ang bolpen sa kamay niya at mariin itong isinara.“Set the meeting,” aniya sa malamig na boses. “Tomorrow. My office. No delays.”“Yes, Sir.”Kinabukasan, dumating sina Cassandra at Marco sa opisina ni Elias. Maluwag ang conference room, may malalaking bintana na tanaw ang buong siyudad. Nasa dulo ng mahaba at makintab na mesa si Elias, tahimik na nakaupo, ang mga daliri ay magkasalubong habang malamig na nakatitig sa dalawang bi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status