"Hindi ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan. Maghiwalay na tayo, Lyra," malamig at diretsong sabi ni Tristan pagdating niya sa altar. "Hindi na kita mahal."
Parang tumigil ang mundo. Napasinghap ang mga bisita. Ang musika ng kwartet na tumutugtog sa likod ay biglang tumigil. Si Lyra, nakaangat ang kamay para sana'y hawakan ang palad ni Tristan, ay napatigil sa ere. “Tristan… please…” bulong niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. Hinawakan niya ang kamay nito, mariing pinisil na parang may pag-asang nagkakamali lang ito ng sinasabi. “Sabihin mong hindi totoo ’to…” Pero nanatiling matigas ang mukha ng lalaki. Walang bakas ng alinlangan sa malamig niyang mga mata. “I’m sorry, Lyra,” ulit niya. “I can’t do this. Hindi na kita mahal. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat… pero hindi na kita kayang pakasalan.” Napaatras si Lyra ng isang hakbang. Parang nawalan ng laman ang katawan niya. Nanlambot ang tuhod niya at kung hindi lang siya nakaheels na nakabaon sa carpeted aisle, baka bumagsak na siya sa sahig. “Tristan…” humihikbi na siya ngayon, pero pigil na pigil. “Limang taon. Limang taon tayong magkasama. Ilang beses kang nangakong mamahalin mo ako habambuhay. Bakit ngayon? Bakit ngayon mo ’ko tinatraydor?” “Because I couldn’t lie to you anymore,” sagot ng lalaki. “I tried. I really did. Akala ko kaya kong ituloy kahit hindi na ikaw ang laman ng puso ko. Pero mali. Hindi ko kayang magsinungaling sa iyo, sa altar na ’to.” “Then who?” halos pasigaw na tanong ni Lyra. “Who is she, Tristan? Who took you away from me?” “She’s pregnant, Lyra,” sagot ni Tristan. “And I… I want to do what’s right. I will marry her.” Biglang naging tahimik ang buong simbahan. Parang may granadang sumabog pero walang tunog. Nanginig ang labi ni Lyra. Tumingin siya sa paligid, sa mga taong minsang saksi sa pagmamahalan nila, ngayon ay mga mata ng pag-uusisa at tsismis. “I gave you everything, Tristan,” aniya, halos pabulong pero bawat salita ay puno ng kirot. “Bakit hindi sapat?” “I don’t know,” sagot niya. “Maybe you were too good for me. Maybe I got tired. Maybe… I just fell out of love.” “Coward,” garalgal na bulong ni Lyra. “You’re a coward.” Tumingin siya sa kaniyang ina na nangingilid ang luha. Sa kaniyang ama, nakatayo, nanginginig ang kamao na halatang gustong sugurin si Tristan. Ngunit pinigilan siya ng isang ninong. “I deserved the truth. But not like this,” patuloy ni Lyra. “Not in front of everyone. Not in the dress I worked so hard to pay for… Not when I already said yes to forever.” “I'm sorry,” huling sabi ni Tristan, pero hindi pa rin mababakas ang pagsisisi. Parang hinihintay na lang siyang lumayo. Pinunasan ni Lyra ang luha bago ito tumulo. Huminga siya nang malalim, itinuwid ang likod, at inangat ang baba. Tumalikod si Lyra, hawak ang laylayan ng kaniyang gown, at marahang naglakad palayo sa altar… palayo sa lalaking minahal niya ng buo, pero iniwan siyang durog. Mula simbahan, naglakad si Lyra nang walang direksyon. Basang-basa ang wedding dress, nanginginig ang katawan, pero wala siyang pakialam. Habang palakad-lakad sa gilid ng isang madilim na kalsada, napansin niya ang isang lalaki sa ilalim ng sirang waiting shed. Nasa wheelchair ito. Tahimik na nakatitig lang sa kawalan, parang walang pakialam sa mundo. Pinagmasdan niya ito. Ang basang buhok, ang matatalim na mata, ang pormal na suot na tila hindi bagay sa lugar na ’yon. “What are you staring at?” malamig na tanong ng lalaki, hindi man lang tumingin sa kaniya. “Nothing,” sagot ni Lyra, nanginginig pa rin. “I just… you don’t look like you belong here.” “So do you,” anito, agad na sumagot. “Hindi bagay sa kalye ang babaeng nakaputing pangkasal na nanginginig sa ulan.” Tumaas ang kilay ni Lyra. “Hindi ko rin akalaing makakakita ako ng lalaking naka-wheelchair at naka-armani suit sa dilim ng kalsadang ’to. So maybe we’re both out of place.” Tumahimik ang lalaki. Ilang segundo lang, pero sapat para madama ang bigat ng katahimikan. “You look like shit,” bulalas niya bigla. Napatawa si Lyra ng mapait, sarkastiko, ngunit may bahid ng pagkaluwag. “Thanks. I just got dumped at the altar. Pretty epic, right?” Tumingin na sa kaniya ang lalaki. Mas malapit ngayon ang tingin na parang sinusuri siya. “He’s an idiot,” sabi nito. “Tell me something I don’t know,” she muttered, pilit pinapahupa ang nanginginig na labi. Nagtagpo ang kanilang tingin. “Will you marry me tonight?” tanong ng lalaki, kalmado, diretso. Napakunot ang noo ni Lyra. “Excuse me?” “Marry me. Tonight,” ulit niya, walang pag-aalinlangan. “You’re broken. I’m broken. Maybe we’ll match.” Nanigas si Lyra. “Are you drunk?” “No. I’m just… in the mood to do something reckless.” “Gago ka ba?!” singhal niya. “I just got dumped and now you’re asking me to marry you? We don’t even know each other!” “That’s the point,” Elias said, this time sinabi na ang pangalan. “Wala tayong expectations. Walang history. No lies. Just two strangers… helping each other forget.” “Are you even serious?” “Mas seryoso pa ako kaysa sa lalaking tinakbuhan ka sa altar,” ani Elias. “At least I won’t leave you standing in front of a crowd.” Tila nawala ang hininga ni Lyra. Isang iglap, bumalik lahat ng eksena sa simbahan—ang mga matang nakatingin sa kaniya, ang mga luhang pinigilan niya, ang pakiramdam ng pagiging walang halaga. “Why?” halos pabulong niyang tanong. “Why would you marry someone like me?” Elias looked at her. This time, may bahid na ng sakit sa mga mata nito. “Because I can. And because I think I need saving too.” Nang sumagi sa isipan ni Lyra ang mga salitang binitawan ni Tristan sa altar, tumulo na naman ang luha niya. Kinuha niya ang kamay ng binata at hinawakan ito ng mahigpit. “Let’s do something stupid,” mahinang sabi ni Lyra. Makalipas ang ilang oras, nasa city hall na sila. Tulala si Lyra habang nilalagdaan ang marriage certificate sa harap ng isang hukom na kaibigan daw ni Elias. Basang-basa pa rin ang suot niya, nanginginig ang kamay, pero buo ang loob. Hindi dahil sigurado siya, kundi dahil pagod na siyang masaktan. Kailangan niyang putulin ang bangungot. Kailangan niyang gumawa ng bagong kabaliwan para takasan ang lumang sakit. “Mrs. Montero,” sabi ng judge, “you may now kiss your husband.” Ngumiti si Elias. “I’ll save that for later.” Namula si Lyra, napaikot ang mata. “Sira ka talaga.” *** Sa isang luxury hotel suite, tahimik silang pumasok. Tahimik lang si Lyra. Basa pa rin ang buhok, pero pinilit niyang ayusin ang sarili. Tumayo siya sa harap ng salamin, tinitigan ang sarili—isang babaeng hindi na niya halos makilala. Habang binubuksan ni Elias ang mini bar, tinapunan niya ito ng tingin. “So… now what?” aniya. “Gabi ng kasal natin. Should I sleep on the couch?” “No need,” anito. Pagharap niya, muntik na siyang mapaatras. Tumayo si Elias mula sa kaniyang wheelchair ng dahan-dahan at parang wala siyang iniindang sakit. “W-Wait…” nauutal si Lyra. “Akala ko…” “I never said I couldn’t walk,” Elias replied, his voice low and calm. “You lied to me, Mr. Montero!” “I didn’t. I simply let you assume.” Lyra stepped back. “Then who the hell are you?” He took a step forward. “Your husband.” Isang hakbang pa. “And tonight, I’ll prove that.” Lumapit siya kay Lyra at hinawakan ang baba nito, pinatayo ang tingin niya. “You wanted to forget, right?” bulong ni Elias. “Then let me help you forget.” Mainit ang hininga nito, mabigat ang titig. “I should hate you for this,” she whispered. “Then hate me in the morning,” sagot niya habang inilalapit ang labi sa tainga ng dalaga. “But tonight… you’re mine.”Maagang gumising si Lyra, gaya ng nakasanayan niya sa tuwing may espesyal na araw. Pero ngayong araw, kakaiba ang sigla niya. Si Elias kasi, ang asawa niyang matagal nang naging sentro ng buhay niya, ay magdiriwang ng ika-60 na kaarawan. Tahimik niyang inayos ang tray ng almusal — kape, pandesal, itlog, at kaunting fruits. May maliit din siyang cake na may nakasulat na “Happy 60th, My Forever Love.” Habang inaayos niya iyon, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, sinasaway pa niya si Elias sa kakulitan nito noong una pa lang silang nagkakilala. Ngayon, animnapung taon na ito, pero sa paningin niya, siya pa rin ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Habang paakyat siya sa hagdan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto nila. Tulog pa si Elias, pero kahit nakapikit, bakas pa rin ang lalim ng mga linya sa mukha nito — mga linyang dulot ng taon, ngunit para kay Lyra, iyon ang patunay ng bawat sandaling ipinaglaban nila ang isa’t isa. Nilapag niya
Tahimik na ang buhay ng mag-asawang Montero. Matapos ang mga gulong pinagdaanan nila, tila bumalik na sa normal ang lahat. Wala nang mga pagtatangka sa buhay nila, wala nang mga lihim na biglang sumasabog. Sa unang pagkakataon matapos ng napakaraming taon, tunay na kapayapaan ang naramdaman nila. Araw-araw, si Lyra ay abala sa pagpapatayo ng Montero Hope Foundation — isang proyekto niyang matagal nang pinangarap. Isa itong malaking gusali sa Quezon City, kung saan ilalagay ang mga batang palabuy-laboy sa kalsada at bibigyan ng pagkain, edukasyon, at tahanan. “Sir Elias, Ma’am Lyra, maganda na po ang progress sa construction site,” ulat ni Leo, ang project manager, habang tinitingnan nila ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng semento at bakal. “Baka next month, ready na po for partial opening.” Napangiti si Lyra, habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa tabi. “That’s good news, Leo. I want the place to be ready before Christmas. Gusto kong may matitirhan na sila bago mag-h
Lumipas ang mga buwan, at habang dahan-dahang lumalaki ang tiyan ni Bianca, napansin ng lahat ang pagbabago sa kanya. Noon, palaban siya — mabilis makipagtalo, laging may matalim na sagot sa kahit sinong mang-insulto. Pero ngayon, tahimik na siya. Hindi na siya halos nagsasalita maliban kung kailangan. Para bang may sariling mundo, laging malalim ang tingin, laging may iniisip. “Bianca, okay ka lang?” tanong ni Minda minsang nag-aayos sila ng mga pinagkainan sa mess hall. “Hindi ka na gaya dati ah. Dati, isang mura lang, may sagot ka agad. Ngayon, tahimik ka na parang multo.” Hindi agad sumagot si Bianca. Tinitigan lang niya ang kanyang mga kamay na nanginginig habang hinuhugasan ang plato. “I’m just tired,” mahina niyang sabi. “Ayokong makipagtalo. Wala namang sense.” “Sense?” umirap si Minda. “Hindi ka na ba marunong magalit? Eh, dati, ikaw ‘yung unang bumabangka rito.” Napabuntong-hininga si Bianca, at tumingin sa kanya. “I still get angry, Minda,” aniya. “But I learned that sho
Tahimik ang buong kulungan nang araw na iyon, pero sa loob ng infirmary, ramdam ang bigat ng hangin. Kakalabas lang ni Cassandra doon—puno ng galit, desperasyon, at sakit sa pagkawala ng anak. Sa kabilang selda naman, nakaupo si Bianca, nakatingin sa kawalan habang pinagmamasdan ang pader na tila ba roon niya gustong ibaon ang sarili. Dalawang inmate ang pumasok mula sa labas, nagbubulungan habang naglalakad. “Narinig mo ba ‘yung nangyari kay Cassandra?” ani ng isa, may halong intriga ang tono. “Nakunan daw. Wala na ‘yung baby niya.” “Talaga?” sagot ng isa, nakangiti pa. “Buti nga sa kanya. Akala mo kung sino siyang malinis. Ayan, karma.” Hindi man nakatingin, narinig lahat ni Bianca ang pinag-uusapan ng dalawa. Napapitlag siya. Parang may malamig na dumaloy sa ugat niya. Hindi siya makapaniwala. Cassandra… buntis? At… nakunan? Tumayo siya, nanginginig ang tuhod, sabay hinawakan ang tiyan niya. “No…” mahinang bulong niya sa sarili. “No, this can’t be…” Isang babaeng kasama niya sa
Sa malamig at malagim na paligid ng kulungan, may isang araw na pinayagan si Marco na makausap si Cassandra. Hindi ito basta-bastang permiso—pinakiusapan niya ang isa sa mga guwardiya, at marahil dala na rin ng awa, pumayag ito na magkaroon sila ng maikling pag-uusap sa isang maliit na silid na karaniwang ginagamit para sa mga bisita. Nasa isang sulok si Cassandra, nakayuko, hawak pa rin ang tiyan na parang hinahanap ang sanggol na nawala. Nang makita niyang pumasok si Marco, agad nanigas ang katawan niya. Parang bumalik lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng pagkawala. “Cassandra…” maingat na bungad ni Marco, mababa ang tono ng boses niya. “Please, let me talk to you.” Agad siyang tumingin kay Marco, punong-puno ng galit ang mga mata. “Ano pa bang gusto mo, Marco? Wala na, 'di ba? Naubos mo na lahat ng pwede mong kunin sa akin.” Huminga ng malalim si Marco, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “I just… I just want to say I’m sorry. For everything. Kung alam ko lang na—” “Sorry?” ma
Sa loob ng malamlam at mabahong selda, nakahandusay si Cassandra sa sulok. Walang tigil ang luha, walang direksyon ang mga iniisip. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang sariling tiyan na para bang nandoon pa rin ang sanggol na hindi niya kailanman nasilayan. “Anak ko…” bulong niya habang nanginginig ang labi. “Hindi pa kita nakikita… bakit mo ako iniwan?” Naririnig ito ng mga kasamang preso. Sa halip na kaawaan, ginamit nila iyon para siya’y insultuhin. “Aba, aba, aba,” sigaw ng isa, isang babaeng may tattoo sa braso. “Tignan niyo ‘tong baliw. Ina ka raw, pero wala namang anak!” Nagtawanan ang iba. “Hoy, Cassandra,” dagdag ng isa pa, may paos na boses. “Nagdrama ka pa r’yan. Wala ka nang pamilya, wala ka nang baby. Sino ka na ngayon? Wala.” Napatakip ng tainga si Cassandra, nanginginig. “Tama na… please…” Pero hindi tumigil ang mga ito. Lumapit ang isa at sinabunutan siya, pilit siyang iniangat mula sa sahig. “Bakit, ha? Ayan na naman ‘yung drama mo? Akala mo ba maaawa kami sa iyo