"Anak, sigurado ka bang hindi ka nangutang sa loan shark?”
Hindi mapakali si Layla habang pinagmamasdan si Lyra na abalang inaayos ang mga damit sa bagong bahay nila. Maliit lang ito. May isang kwarto, maliit na sala, kusina, at isang banyo. Pero malinis, maaliwalas, at higit sa lahat, kanila na. “No, Ma. Huwag mo nang alalahanin 'yan. Bayad na 'tong bahay. Sa atin na 'to,” mahinahong sagot ni Lyra habang inaayos ang kumot ni Lianne na nakaupo sa sahig at pinaglalaruan ang lumang manika nito. “Pero saan mo kinuha 'yong pambayad? Wala ka pa ngang isang buwan sa bagong trabaho mo. Tapos halos wala kang ipon ‘di ba?” Huminto si Lyra sa ginagawa at huminga nang malalim. "Ma, may nagbigay ng tulong. Ayoko na lang munang ikuwento ngayon kung sino. Basta legal ‘yong pera. Walang problema.” “Lyra, anak, hindi ako kalmado sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na naman ‘yang nilapitan mo. Ayokong masangkot ka sa gulo,” mahinahong sabi ni Layla, pero ramdam ang kaba sa tono niya. “Ma, wala akong ginagawang masama. Trust me, okay? Gusto ko lang kayong mailipat agad sa maayos na lugar,” matatag na sagot ni Lyra. “Ayoko nang maulit ‘yong nangyari kanina. Hindi ko kakayanin na makita kayong ginagano'n uli.” Tahimik na naupo si Layla sa gilid ng papag. "Pasensya ka na, anak. Hindi ko ginusto na umabot tayo sa ganito.” “Ma, wala kang kasalanan. Si Tristan ang may kasalanan. At ang pamilya niya. Hindi mo kasalanan na umasa tayong may magandang bukas para sa akin.” Lumapit si Lianne sa ina niya, hawak-hawak ang manika. "Ma, dito na ba tayo titira?” Ngumiti si Lyra at tinapik ang ulo ng kapatid. "Oo, baby. Dito na tayo. May sarili ka nang kwarto, ha?” “Yehey!” sigaw ng bata sabay yakap kay Lyra. Ngumiti si Layla pero kita sa mga mata ang pag-aalala pa rin. “Anak, kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Huwag mo nang sarilinin.” “Hindi mo na kailangang magtrabaho, Ma. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin. Ikaw na muna ang mag-alaga kay Lianne. Kailangan niya ng may kasama palagi.” “Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Nakakahiya naman na ikaw lang ang kikilos.” “Ma, hindi nakakahiya ang magpahinga lalo na kung buong buhay mo na kaming inalagaan.” Katahimikan ang naging sagot ni Layla. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niyang lumaki na ang anak niya. Hindi na si Lyra na palaging sumusunod, ngayon ay siya na ang gumagawa ng desisyon para sa kanilang pamilya. Kinagabihan, matapos makakain, nag-ayos si Lyra ng mga papeles sa isang sulok habang pinapatulog ni Layla si Lianne. Tahimik ang paligid pero ang isip ni Lyra ay hindi mapakali. Hawak-hawak niya ang cellphone at binasa muli ang text message galing kay Elias. Elias: “You didn’t show up at work. Don’t do that again without telling me. Are you okay?” Napabuntong-hininga siya. Hindi pa rin siya sanay sa tono ng lalaki. Pero naramdaman niyang totoo itong concern. At alam niyang may karapatan din itong magtanong. Dahil totoo ngang tinulungan siya nito kahit hindi pa niya lubos maintindihan kung bakit. Tinype niya ang reply. Lyra: “I’m okay now. Sorry for not showing up. May emergency lang.” Agad itong nag-reply. Elias: “Did you receive the money?” Lyra: “Yes. But it’s too much. I only needed a little. I’ll pay you back, promise.” Elias: “Don’t bother. Consider it my investment in you as my wife.” Napapikit si Lyra. Hindi pa rin siya sanay sa ganitong mga exchange. Lalo na’t alam niyang peke ang kasal nila. Pero mukhang seryoso si Elias sa bawat salitang binibitawan nito. Tumunog ulit ang phone. Elias: “Be ready tomorrow. I’m introducing you to my grandfather. Don’t be late.” Halos malaglag ang cellphone ni Lyra. “Anak, okay ka lang?” tanong ni Layla na kararating lang sa sala. Napakagat-labi si Lyra at tumango. “O-Okay lang, Ma.” Pero sa loob-loob niya, hindi siya okay. Ipapakilala siya kay Don Sebastian Montero—ang kilalang matandang tycoon na pinakamayaman sa bansa. Paano siya haharap? Paano niya ipapaliwanag kung paano sila naging mag-asawa ni Elias? *** Pagpasok ni Lyra sa Revive Media Corp., halos hindi pa siya nakaka-upo sa desk niya nang lumapit ang isa sa mga assistant ni Elias. “Miss Santiago, pinapatawag ka raw po ni Sir Elias sa office niya. Now.” Napalunok si Lyra at tumango lang. Sa dami ng nangyayari sa buhay niya, hindi na niya alam kung alin ang uunahin—ang inis niya kay Elias, ang pagod ng buong araw, o ang kaba sa mga susunod pang mangyayari. Pagpasok niya sa opisina ng binata, agad siyang sinalubong ng malamig nitong titig. “Nandiyan na 'yung dress mo. I suggest you wear it before 5PM,” seryoso nitong sabi, sabay turo sa isang puting garment bag na nakasabit malapit sa sofa. Napatingin si Lyra sa bag, at halos lumuwa ang mata niya sa nakita nang buksan ito. “Ha?! Anong klaseng damit ’to? Pang—pang formal event?” gulat niyang tanong. “Exactly. You’ll be wearing that tonight. I’m officially introducing you as my wife in front of the board and some family members,” kalmadong sagot ni Elias. Hindi agad nakapagsalita si Lyra. Parang hindi tumagos sa isip niya ang narinig. Tila may lumunok ng buo sa puso niya. “Wait lang... what?” Tumango lang si Elias habang nagbubukas ng tablet. “My grandfather will be in town tomorrow. I need you to stay with me until he flies back to Cebu. He wants to meet you. Personally.” “Elias…” Napaatras siya ng bahagya. “Hindi pa alam ng pamilya ko. Hindi ko pa nga alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila na kasal na ako, tapos ngayon, gusto mong doon ako tumira sa 'yo?” Pinatong ni Elias ang tablet sa lamesa at tumayo. Naglakad siya papalapit kay Lyra, saka tumigil sa harapan niya. “Lyra, hindi ito simpleng laro. Napasok mo na ang buhay ko, ayokong magkamali sa mga galaw natin. Either we act like a real married couple, or this deal ends here.” Napatingala si Lyra, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang seryosong anyo ni Elias na tila ba hindi marunong makiusap—lagi na lang may kasamang kondisyon. “Look, I’ll take care of your family if that’s what you’re worried about,” dagdag pa ng binata. Napailing si Lyra. “Hindi ‘yon ang issue. Hindi naman ako takot sabihin sa kanila ang totoo. Ang akin lang… baka magulat sila. Baka isipin nila nagpakasal ako dahil sa pera—” “Did you?” putol ni Elias. “Hindi!” mabilis niyang tanggi. “Ginawa ko ‘to kasi… wala na akong ibang option noon. Kung hindi lang ako pinagpalit ni Tristan, edi sana masaya kami ngayon!” Tumango si Elias at bumalik sa desk niya. “Then trust me. I’ll handle the rest. Isusuot mo ang damit, sasama ka sa dinner, at uuwi tayo sa bahay ko pagkatapos.” “Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?” mahinang tanong niya. “No.” Napabuntong-hininga si Lyra. Parang wala na siyang laban sa binatang ‘to. Lahat ng desisyon, siya ang may hawak. Pero sa isang banda, alam niyang kailangan niyang harapin ito. “Tatawag lang ako sa bahay. Kakausapin ko si Mama.” “Good. Use the private lounge. I’ll have someone escort you.” Paglabas ni Lyra sa opisina, parang wala siyang naririnig. Gulong-gulo ang isip niya. *** Sa loob ng private lounge ng kompanya, hawak niya ang cellphone at ilang segundo pa bago niya pinindot ang call button. “Hello, Ma?” mahinang bati niya nang sumagot ang ina. “Anak, kamusta ka na? Pauwi ka na ba?” Napakagat-labi si Lyra. “Ma... may sasabihin ako.” “Bakit parang ang seryoso mo?” “Ma... hindi muna ako makakauwi ngayong gabi. May... company event. Kailangan kong dumalo.” “Ah gano’n ba? Akala ko kung ano na,” sagot ng ina na may halong pag-aalala. “Pero anak, okay ka lang ba talaga? Hindi ka mapakali simula nang lumipat tayo sa bagong bahay.” Napapikit si Lyra. “Okay lang po ako, Ma. Basta alagaan mo muna si Lianne ha? Tapos... ‘pag may time ako, sasabihin ko sa inyo ang lahat. Promise.” Narinig niya ang buntong-hininga ng ina. “Sige. Ingat ka riyan.” Matapos ang tawag, napaupo si Lyra at hinilot ang sentido. Parang ang dami niyang kailangang unahing intindihin, pero wala siyang choice kundi sumabay sa agos ng mga plano ni Elias. Bago pa siya makapagpahinga, pumasok ang isang staff dala ang makeup kit at sapatos. “Ma’am, magpapaganda na po kayo. Fifteen minutes na lang.” Hindi na siya nakapalag. Tumayo siya at pilit ngumiti. “Okay. Let’s get this over with.” *** Author's Note: July 17, 2025 Welcome to GoodNovel my new babies, Lyra and Elias! Sana ay magustohan po ninyo. Romcom. May mga libro po akong ongoing at kumpleto. Baka magustohan ninyo. May heavy drama, dark romance, slow-burn, and action. Pa-like, comment, gem vote and rate po ng book. Maraming salamat!July 17, 2025 Welcome to GoodNovel my new babies, Lyra and Elias! Sana ay magustohan po ninyo. Romcom. May mga libro po akong ongoing at kumpleto. Baka magustohan ninyo. May heavy drama, dark romance, slow-burn, and action. Pa-like, comment, gem vote and rate po ng book. Maraming salamat!
Madaling araw na nang magising si Elias. Tahimik na ang paligid. Huminto na rin ang ulan. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan ni Lyra na nakayakap sa kanya habang natutulog. Ilang minuto niya itong tinitigang mahimbing ang tulog, tila ba hindi naalimpungatan sa mga nangyari kagabi.Dahan-dahan siyang umahon sa kama. Inayos niya ang kumot kay Lyra bago siya lumabas ng kwarto at bumalik sa sala. Doon siya naupo sa sofa at ipinikit ang mata. Wala siyang balak manggulo ng tulog ng iba. Pero ilang oras lang ang nakalipas, mag-aalas sais na nang magising siya ulit. Tahimik pa rin ang buong bahay. Hindi pa rin gising sina Lyra.Tumayo si Elias at tumingin sa paligid. Pumunta siya sa kusina. Pagbukas niya ng kabinet at ref, napansin niyang halos wala nang laman. May dalawang piraso ng itlog, isang sachet ng kape, at isang tira-tirang kanin sa loob ng kaldero.Kaya nagdesisyon siyang lumabas. May maliit na tindahan sa kanto na bukas na kahit maaga. Nagtanong siya kung saan nakakabili ng kar
Masayang pinagmasdan ni Lyra ang kapatid niyang si Lianne habang abala itong naglalaro kasama si Elias sa munting sala ng bahay. Nakakalat sa sahig ang ilang laruang pinamili niya kanina sa palengke—may plastic tea set, maliit na makeup kit, at ilang stuffed toys."Kuya Elias, upo ka diyan, ha! Lalagyan kita ng lipstick!" bulalas ni Lianne habang nakaluhod sa harap ng binata. Hawak nito ang maliit na pink na lipstick mula sa laruan.Napakagat ng labi si Lyra sa pagtawa. Hindi niya inaasahan na makikitang nakaupo si Elias sa sahig na parang bata, tahimik na sumusunod sa utos ng isang limang taong gulang."O, sige," natatawang tugon ni Elias, sabay pikit ng mga mata. “Dahan-dahan lang ha, baka maayos pa ‘yan kaysa sa makeup artist ko.”“Makeup artist? Ano ‘yon?” tanong ni Lianne habang pinupunasan ang pisngi ng lalaki gamit ang maliit na panyo.“’Yung nag-aayos ng mukha ko sa trabaho,” paliwanag ni Elias, ngumiti habang iniangat ang kilay kay Lyra.Nagkatinginan sila ni Lyra. Napailing
Sa loob naman ng kwarto, nakaupo si Lyra sa gilid ng kama, hawak ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. Napayuko siya at napahawak sa dibdib. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.Nilingon niya ang mga pinamili nila kanina. Nandoon sa kama ang ilang dress na pinasubok sa kaniya ni Elias. Sa gilid naman ng mesa, nakalagay ang isang maliit na paper bag na may lamang pabango. “For everyday use. Para maalala mo ako,” sabi pa ni Elias kanina.Napangiti si Lyra habang inaalala iyon.Binuksan niya ang bag at kinuha ang bote. Inamoy niya ito at agad niyang naalala ang halimuyak ng damit ni Elias. “Grabe ka, Elias…” mahinang sambit niya.Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot. Dahil sa loob ng maikling panahon, unti-unti siyang nahuhulog sa taong dati ay hindi niya akalaing magkakagusto sa kaniya. Hindi siya sigurado kung hanggang saan ito patungo. Pero isa lang ang alam niya—kapag si Elias ang kasama niya, panatag ang loob niya.Kinuha niya ang isa
Napansin ni Lyra ang bahagyang pagtigil ng paghinga ni Elias. Nang kumalas siya, natigilan siya sa pagkakatitig ng lalaki sa kanya. May kakaibang ekspresyon sa mukha ni Elias. Parang nagulat, pero natutuwa.Pinamulahan ng mukha si Lyra at biglang umiwas ng tingin. Tumayo siya agad at tinungo ang rack ng damit.“Susukat na lang ako,” sabi niya.Nagkunwari siyang abala sa pagpili. Kahit nanginginig pa ang mga kamay niya sa sobrang kilig at kaba, kinuha niya ang ilang dress at pumasok sa fitting room.Sa loob, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Parang ang bilis ng lahat. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong karanasan—'yung pinoprotektahan, pinapahalagahan, at ginagastusan hindi para i-kontrol siya, kundi dahil gusto lang siyang pasayahin.Isa-isa niyang sinukat ang mga damit. Halos lahat ay sakto sa kanya, parang talagang para sa kanya ang mga ito. Pagkalabas niya sa fitting room, hinintay siya ni Elias sa may lounge. Nang makita siya nito, napangiti ito at tumango.“Bagay,”
Paglabas ni Lyra mula sa opisina ni Elias, dumiretso siya sa isang kilalang toy store sa mall. Naalala niya ang bilin ng kaniyang ina na bilhan si Lianne ng laruan bilang gantimpala sa magandang performance nito sa school. Mahilig ang kapatid niya sa mga stuffed toys kaya agad siyang tumungo sa seksyon kung saan naroon ang mga malalambot at makukulay na manika.Tahimik siyang namimili. Pasulyap-sulyap pa siya sa phone niya para tingnan kung may mensahe si Elias. Bago siya umalis kanina, gustong sumama ng lalaki pero mariin niya iyong tinanggihan.“Baka may makakita sa’tin. Hindi pa oras ng uwian. Ayokong may pagdudahan sa opisina,” mariing sabi niya.Hindi na lang sumagot si Elias. Tumango lang ito at bumalik sa loob ng opisina. Pero alam ni Lyra na nasaktan ito kahit hindi nito ipinakita.Habang may hawak siyang isang medium-sized na pink unicorn plushie, bigla siyang nabundol ng isang lalaking nagmamadaling dumaan sa gilid niya.“Aray!” napasinghap si Lyra at napaatras ng bahagya.P
Umangat si Aviana na tila walang mali sa ginawa niya. “Sorry, Sir,” aniya, kunwari ay nahihiya.Straight to the point na si Elias. “I called you here because of what you did after the meeting.”Napakunot ang noo ni Aviana. “Anong ibig n’yong sabihin?”“Huwag mo na akong lokohin,” mariin ang tono ni Elias. “You pushed Lyra. In public. In front of everyone.”Napataas ang kilay ni Aviana. “Ako po? Hindi ko po siya tinulak. Nadapa lang siya. Clumsy talaga ‘yung babae—”“Ingat ka sa mga sinasabi mo,” putol ni Elias. Tumayo ito at pinindot ang isang button sa remote. May lumabas na footage mula sa isang screen sa gilid ng opisina.Kita sa video na pagkalabas ng mga empleyado sa conference room, nilapitan ni Aviana si Lyra at saka marahas na tinulak ito hanggang sa mapasubsob sa sahig.Natahimik si Aviana. Nanginginig ang labi niya.“Sir, I’m sorry…” mahinang sabi niya. “Hindi ko naman po sinasadya—”“Hindi sinasadya?” ulit ni Elias. “That was deliberate. If I didn’t know better, iisipin kon