Share

Kabanata 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-17 15:24:07

“Lyra, huwag kang kabahan. Just smile and follow my lead,” mahinang bulong ni Elias habang binabagtas nila ang marble pathway ng isang high-end private estate. Mula sa sasakyan ay kita agad ang lawak ng garden, ang malaking fountain sa gitna na tila replica ng isang Italian sculpture, at ang mansyon na kulay puti’t ginto na parang palasyo sa mga fairy tale.

Pero hindi fairy tale ang pakiramdam ni Lyra ngayon.

Kundi parang horror movie. Na siya ang bida. At anytime, pwedeng mahuli ang kasinungalingan nila.

Napalunok siya ng ilang beses habang inaayos ang mahigpit na hawak sa kanyang handbag. Suot niya ang cream satin dress na may manipis na straps at simpleng pearls sa leeg—damit na hinanda ni Elias para sa okasyon. Sa sobrang ganda ng suot at mamahaling itsura ng lugar, parang hindi siya kabilang dito. Parang kahit huminga siya ay may presyo.

“Bakit parang ayoko na?” mahinang bulong ni Lyra, pero mabilis siyang siniko sa braso ni Elias.

“Nandito na tayo. Just act like you’re madly in love with me.”

Hindi siya nakasagot. Mas inuna niya ang pagpigil sa sarili para hindi himatayin sa sobrang kaba.

Pagpasok nila sa receiving area, isang matandang lalaki agad ang lumapit—matikas pa rin ang tindig kahit may tungkod. Kulay pilak na ang buhok nito at naka-three-piece suit, pero halatang masigla pa rin. Sa gilid nito, naroon ang dalawang butler at isang matandang babae na mukhang kasambahay na matagal na sa pamilya.

“Elias, you brat! I thought I’d die before you finally marry someone!” sigaw ng matanda habang mabilis na lumapit kay Elias.

Napangiti si Elias. “Lolo, meet my wife. This is Lyra.”

Nagulat si Lyra nang biglang hawakan ni Elias ang baywang niya at hinila siya palapit. Parang biglang nabura sa utak niya kung paano huminga.

“Oh, my! You’re more beautiful than I expected!” Masayang lumapit ang matanda at agad hinawakan ang mga kamay ni Lyra. “I’ve waited so long to see Elias settle down. Finally!”

“Good evening po,” mahina at halos pabulong na sagot ni Lyra.

“Tawagin mo na lang akong Lolo,” natatawang sagot ng matanda. “Now come, let’s sit down. The food is waiting. You both must be tired.”

Sa dining area, parang isang banquet ang nakahain—may steak, pasta, roasted duck, iba't ibang klase ng tinapay, at mamahaling wine. Umupo sila sa long table, sa gitna si Elias at si Lyra naman sa kanan nito, habang si Lolo ay nasa kabilang panig.

Pero si Lyra, ni hindi makagalaw. Literal.

Nanatiling straight ang likod niya at halos hindi niya alam kung saan uumpisahan ang pagkain. Ang kamay niya ay nakakuyom sa ilalim ng mesa, at kahit gustong-gusto na niyang mag-slice ng steak, hindi niya magalaw ang kutsilyo’t tinidor.

“Lyra, kumain ka. You haven’t touched anything,” bulong ni Elias sa tabi niya, sabay hawi ng buhok niya sa tainga na parang tunay na mapagmahal na asawa.

“Hindi ako gutom,” mahina niyang sagot, pero hindi naniwala si Elias.

Maya-maya’y tumikhim si Lolo. “So, tell me. How did you two meet?”

Parang may sumabog na bomba sa loob ni Lyra. Natigilan siya at napatingin agad kay Elias.

Pero bago pa siya makapagsalita, naramdaman niyang inilagay ni Elias ang kamay nito sa baywang niya at bahagyang humilig palapit.

“We met in the most unexpected way,” panimula ni Elias habang tila lalong pinapalapit si Lyra gamit ang kamay sa baywang niya.

“Unexpected?” ulit ni Lolo habang ngumunguya ng tinapay. “Let me guess, business event?”

“No, not really,” natatawang sagot ni Elias. “I went to this cafe to meet a friend. I was late, and I accidentally spilled coffee on Lyra’s blouse.”

Huh? Kailan pa ‘yun?

“Talaga?” halakhak ni Lolo. “So, love at first spill?”

“Something like that,” sagot ni Elias na may ngiti sa labi. “She was annoyed. She glared at me like she wanted to punch me. But that was the first time someone didn’t care who I was. She scolded me like I was a normal guy.”

Lyra blinked.

“I apologized,” patuloy ni Elias. “Then I offered to replace her blouse. But instead of accepting, she told me to ‘watch where I was going next time.’ I was… intrigued.”

Tumawa si Lolo. “Ayos ka, apo. Ngayon ko lang nakita na may babaeng hindi mo nabalewala.”

“After that,” patuloy ni Elias, “I kept coming back to that café. Same time, hoping to see her again. Eventually, I asked her out. Took a while before she said yes.”

Ngumiti si Lyra kahit pilit. “Matagal ko po siyang pinahirapan,” dagdag niya kahit hindi sigurado sa sinasabi. “Ayoko pong mapahiya dahil lang nabuhusan ako ng kape.”

Nagtawanan ang mga naroon.

“Then when did you realize you were in love?” tanong ulit ng matanda.

Biglang naging tahimik ang paligid. Kahit ang mga waiter ay parang naghihintay ng sagot.

Muli, si Elias ang sumalo sa tanong.

“When I got sick with the flu,” sagot ni Elias. “I’m stubborn when I’m sick. But she came to my place, brought soup, and stayed even if I kept pushing her away. That’s when I realized… she wasn’t just someone I liked. She was someone I needed.”

Nag-init ang pisngi ni Lyra.

Tumawa ulit ang matanda. “You’re a lucky man, Elias. I can see it in her eyes. She cares about you.”

“Very much,” mabilis na sagot ni Elias sabay tingin kay Lyra, at kahit pilit, pinilit ni Lyra ang isang ngiti na kunwari ay puno ng pagmamahal.

“Now,” dagdag ni Lolo habang tinuturo ang tiyan ni Lyra, “how soon can I expect great-grandchildren?”

Naglag ang utak ni Lyra.

“Lo!” sabay na sigaw ni Elias at Lyra, parehong namula.

Tumawa lang ang matanda. “I’m serious! I’m not getting any younger!”

“We’ll… we’ll take our time po,” nanginginig na sagot ni Lyra. “We want to enjoy our time as newlyweds first.”

“Good answer,” sabi ng matanda sabay inom ng wine. “But don’t take too long!”

***

"Ha! Ikaw pala ang unang lumapit?" humahalakhak na tanong ng Lolo ni Elias kay Lyra habang hawak ang tiyan sa kakatawa. "Akala ko pa naman itong apo ko ang agresibo, ‘yun pala… ikaw itong nangligaw!"

Napakamot sa batok si Lyra habang pilit na pinapagtakpan ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Hindi po… siyempre hindi ako ang naunang lumapit. Pero… eh ‘di ba po, kapag tinutukso ka, ibig sabihin may gusto rin sayo?"

"Lumandi ka rin pala agad, apo!" muling natatawang sabat ng matanda.

Hindi na alam ni Lyra kung saan siya titingin. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawak ang baso ng tubig. Sa gilid naman niya, pasimpleng sumisinghap si Elias na parang pinipigilang matawa habang nakatingin lang sa pagkain niya.

Kaya upang maging kapanipaniwala, sinimulan nang gumawa ng kwento si Lyra.

"Actually po, unang pagkikita pa lang namin ni Elias, tahimik lang siya pero laging nandiyan. Hindi po ako sanay sa ganoon, kaya… noong una, nairita ako."

"Hmp! Magaling ka palang umarte, iha. At ikaw, Elias, ‘di mo sinasabi sa akin na marunong ka palang manuyo," ani Lolo habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Nang marinig ni Elias ang sinabi ng Lolo niya, bahagya siyang napangiti at humilig ng bahagya kay Lyra.

"Well, kung gusto mo ang babae, you do everything to get her," mahinang sabi nito, pero sapat upang marinig ng dalaga.

Kinabahan si Lyra sa biglang lapit ni Elias, lalo na’t naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa gilid ng kanyang tainga. At dahil gusto niyang ilihis ang awkwardness, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Tapos po, isang araw, nahuli ko siyang binabantayan ako sa parking area. Hindi ko alam kung creepy ba o sweet, pero... nagsimula na akong ma-curious."

"Sinundan mo? Aba Elias, stalker ka pala!" sabay tawa ng Lolo.

"Pumunta lang ako para siguraduhing ligtas siyang makauwi. That’s called being protective, not creepy," depensa ni Elias na medyo ngumisi pa.

Nagtawanan silang tatlo. Pero sa gitna ng tawanan, may kakaibang kabog sa dibdib ni Lyra. Parang ayaw niya lang na matapos agad ang gabing iyon. Hindi niya alam kung dahil sa saya ng matanda o sa biglaang lambing ni Elias, pero kakaiba ang nararamdaman niya.

Habang kumakain sila, panay ang tanong ng Lolo nila sa mga plano nila sa buhay, kung kailan daw ba susundan ng mga apo.

"Sa totoo lang, hindi na ako makapaghintay. Saan n'yo ba balak tumira? Dito sa city o balak n’yong lumipat sa bahay ko sa Tagaytay?"

Medyo napatigil si Elias sa pagkain. Si Lyra naman ay bahagyang nagtataranta sa isasagot. Napatingin siya kay Elias, at parang hudyat iyon para si Elias ang sumalo sa tanong.

"Sa ngayon po, sa bahay ko muna kami. Pero baka minsan bumisita rin kami sa Tagaytay. Malamig po doon. Perfect… para sa paggawa ng apo."

“Ha?” halos mabilaukan si Lyra habang itinatabi ang baso. Napakuyom ang kamay niya sa ilalim ng mesa habang lihim na tiningnan si Elias.

Nagulat siya sa sinabi nito. Para bang… hindi ito script na napag-usapan. Naramdaman niya ang pagtitig ng matanda kaya napatingin siya rito.

"Aba’t huwag n'yo naman akong hintayin mamatay bago ako makakita ng apo ha! Elias, bilisan n’yo! Kaya mo ‘yan, apo. Galingan mo."

***

Author's Note:

Sana ay magustohan po ninyo ang new Romcom story.

May mga libro po akong ongoing at kumpleto. Baka magustohan ninyo. May heavy drama, dark romance, slow-burn, and action.

Pa-like, comment, gem vote and rate po ng book.

Maraming salamat!

Deigratiamimi

Sana ay magustohan po ninyo ang new Romcom story. May mga libro po akong ongoing at kumpleto. Baka magustohan ninyo. May heavy drama, dark romance, slow-burn, and action. Pa-like, comment, gem vote and rate po ng book. Maraming salamat!

| 18
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Maraming salamat po 🫶
goodnovel comment avatar
Myra Salendrez Selda
mbasa po Sana Ng tuliy tuloy Ganda eh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 18

    Madaling araw na nang magising si Elias. Tahimik na ang paligid. Huminto na rin ang ulan. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan ni Lyra na nakayakap sa kanya habang natutulog. Ilang minuto niya itong tinitigang mahimbing ang tulog, tila ba hindi naalimpungatan sa mga nangyari kagabi.Dahan-dahan siyang umahon sa kama. Inayos niya ang kumot kay Lyra bago siya lumabas ng kwarto at bumalik sa sala. Doon siya naupo sa sofa at ipinikit ang mata. Wala siyang balak manggulo ng tulog ng iba. Pero ilang oras lang ang nakalipas, mag-aalas sais na nang magising siya ulit. Tahimik pa rin ang buong bahay. Hindi pa rin gising sina Lyra.Tumayo si Elias at tumingin sa paligid. Pumunta siya sa kusina. Pagbukas niya ng kabinet at ref, napansin niyang halos wala nang laman. May dalawang piraso ng itlog, isang sachet ng kape, at isang tira-tirang kanin sa loob ng kaldero.Kaya nagdesisyon siyang lumabas. May maliit na tindahan sa kanto na bukas na kahit maaga. Nagtanong siya kung saan nakakabili ng kar

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 17

    Masayang pinagmasdan ni Lyra ang kapatid niyang si Lianne habang abala itong naglalaro kasama si Elias sa munting sala ng bahay. Nakakalat sa sahig ang ilang laruang pinamili niya kanina sa palengke—may plastic tea set, maliit na makeup kit, at ilang stuffed toys."Kuya Elias, upo ka diyan, ha! Lalagyan kita ng lipstick!" bulalas ni Lianne habang nakaluhod sa harap ng binata. Hawak nito ang maliit na pink na lipstick mula sa laruan.Napakagat ng labi si Lyra sa pagtawa. Hindi niya inaasahan na makikitang nakaupo si Elias sa sahig na parang bata, tahimik na sumusunod sa utos ng isang limang taong gulang."O, sige," natatawang tugon ni Elias, sabay pikit ng mga mata. “Dahan-dahan lang ha, baka maayos pa ‘yan kaysa sa makeup artist ko.”“Makeup artist? Ano ‘yon?” tanong ni Lianne habang pinupunasan ang pisngi ng lalaki gamit ang maliit na panyo.“’Yung nag-aayos ng mukha ko sa trabaho,” paliwanag ni Elias, ngumiti habang iniangat ang kilay kay Lyra.Nagkatinginan sila ni Lyra. Napailing

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 16

    Sa loob naman ng kwarto, nakaupo si Lyra sa gilid ng kama, hawak ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. Napayuko siya at napahawak sa dibdib. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.Nilingon niya ang mga pinamili nila kanina. Nandoon sa kama ang ilang dress na pinasubok sa kaniya ni Elias. Sa gilid naman ng mesa, nakalagay ang isang maliit na paper bag na may lamang pabango. “For everyday use. Para maalala mo ako,” sabi pa ni Elias kanina.Napangiti si Lyra habang inaalala iyon.Binuksan niya ang bag at kinuha ang bote. Inamoy niya ito at agad niyang naalala ang halimuyak ng damit ni Elias. “Grabe ka, Elias…” mahinang sambit niya.Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot. Dahil sa loob ng maikling panahon, unti-unti siyang nahuhulog sa taong dati ay hindi niya akalaing magkakagusto sa kaniya. Hindi siya sigurado kung hanggang saan ito patungo. Pero isa lang ang alam niya—kapag si Elias ang kasama niya, panatag ang loob niya.Kinuha niya ang isa

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 15

    Napansin ni Lyra ang bahagyang pagtigil ng paghinga ni Elias. Nang kumalas siya, natigilan siya sa pagkakatitig ng lalaki sa kanya. May kakaibang ekspresyon sa mukha ni Elias. Parang nagulat, pero natutuwa.Pinamulahan ng mukha si Lyra at biglang umiwas ng tingin. Tumayo siya agad at tinungo ang rack ng damit.“Susukat na lang ako,” sabi niya.Nagkunwari siyang abala sa pagpili. Kahit nanginginig pa ang mga kamay niya sa sobrang kilig at kaba, kinuha niya ang ilang dress at pumasok sa fitting room.Sa loob, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Parang ang bilis ng lahat. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong karanasan—'yung pinoprotektahan, pinapahalagahan, at ginagastusan hindi para i-kontrol siya, kundi dahil gusto lang siyang pasayahin.Isa-isa niyang sinukat ang mga damit. Halos lahat ay sakto sa kanya, parang talagang para sa kanya ang mga ito. Pagkalabas niya sa fitting room, hinintay siya ni Elias sa may lounge. Nang makita siya nito, napangiti ito at tumango.“Bagay,”

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 14

    Paglabas ni Lyra mula sa opisina ni Elias, dumiretso siya sa isang kilalang toy store sa mall. Naalala niya ang bilin ng kaniyang ina na bilhan si Lianne ng laruan bilang gantimpala sa magandang performance nito sa school. Mahilig ang kapatid niya sa mga stuffed toys kaya agad siyang tumungo sa seksyon kung saan naroon ang mga malalambot at makukulay na manika.Tahimik siyang namimili. Pasulyap-sulyap pa siya sa phone niya para tingnan kung may mensahe si Elias. Bago siya umalis kanina, gustong sumama ng lalaki pero mariin niya iyong tinanggihan.“Baka may makakita sa’tin. Hindi pa oras ng uwian. Ayokong may pagdudahan sa opisina,” mariing sabi niya.Hindi na lang sumagot si Elias. Tumango lang ito at bumalik sa loob ng opisina. Pero alam ni Lyra na nasaktan ito kahit hindi nito ipinakita.Habang may hawak siyang isang medium-sized na pink unicorn plushie, bigla siyang nabundol ng isang lalaking nagmamadaling dumaan sa gilid niya.“Aray!” napasinghap si Lyra at napaatras ng bahagya.P

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 13

    Umangat si Aviana na tila walang mali sa ginawa niya. “Sorry, Sir,” aniya, kunwari ay nahihiya.Straight to the point na si Elias. “I called you here because of what you did after the meeting.”Napakunot ang noo ni Aviana. “Anong ibig n’yong sabihin?”“Huwag mo na akong lokohin,” mariin ang tono ni Elias. “You pushed Lyra. In public. In front of everyone.”Napataas ang kilay ni Aviana. “Ako po? Hindi ko po siya tinulak. Nadapa lang siya. Clumsy talaga ‘yung babae—”“Ingat ka sa mga sinasabi mo,” putol ni Elias. Tumayo ito at pinindot ang isang button sa remote. May lumabas na footage mula sa isang screen sa gilid ng opisina.Kita sa video na pagkalabas ng mga empleyado sa conference room, nilapitan ni Aviana si Lyra at saka marahas na tinulak ito hanggang sa mapasubsob sa sahig.Natahimik si Aviana. Nanginginig ang labi niya.“Sir, I’m sorry…” mahinang sabi niya. “Hindi ko naman po sinasadya—”“Hindi sinasadya?” ulit ni Elias. “That was deliberate. If I didn’t know better, iisipin kon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status