Pagkalabas ni Lyra mula sa opisina ni Elias, ramdam pa rin niya ang bigat ng ulo't dibdib. Hindi siya makapaniwala sa nangyari—hindi lang niya nalaman na CEO niya pala ang lalaking pinakasalan niya, kundi ngayong umaga lang ay ipapakilala na raw siya sa pamilya nito. At hindi lang basta pamilya—buong board, kasama ang lolo nitong parang mafia boss.
Habang sinusubukan pa niyang iproseso ang lahat, biglang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag ang kaniyang ina. Napakagat siya sa labi. Saglit siyang nag-alinlangan bago sinagot ang tawag. “Ma?” “Lyra!” umiiyak na boses ang sumalubong sa kanya. “Anak, nasaan ka ba?! Kanina pa kita tinatawagan! Pinapaalis na tayo rito sa bahay!” Natigilan siya. “Ano pong ibig n’yong sabihin?” “May dumating na sheriff, may papel galing sa may-ari ng bahay. Pinababayaran ‘yung anim na buwang advance kung gusto raw naming manatili pa! Pero Lyra, wala tayong ganung pera! Tapos biglang dumating ‘yung ina ni Tristan, kasama ‘yung babae—‘yung pinalit sa’yo. Anak, pinapalayas tayo!” Biglang nagdilim ang paningin ni Lyra. Si Tristan?! Pamilya pa niya ang may kagagawan nito? “Ma, pupunta po ako riyan. Ngayon na. Sabihin n’yong huwag gagalaw kahit anong mangyari.” “Lyra—” Pinutol na niya ang tawag. Hindi na siya nagawang magpaalam sa manager niya. Kinuha lang niya ang bag at halos takbuhin ang elevator. Pagdating niya sa kanto ng inuupahang bahay, tanaw agad ni Lyra ang gulo. Nakasalampak sa kalsada ang ilang gamit nila—mga kahon, bags ng damit, lumang lamesa. Nakatayo sa harap ng bahay ang ina niya, mukhang pipigilan ang pag-iyak. Sa gilid, nakaupo ang bunso niyang kapatid na si Lianne, may hawak na manika. Pero ang mas ikinasiklab ng damdamin niya ay nang makita kung sino ang naroroon din. Si Donya Leticia, ang matapobreng ina ni Tristan—naka-designer na blouse, shades na hindi tinatanggal kahit wala nang araw, at may hawak pang Gucci bag na akala mo ba nasa luncheon lang. Sa tabi nito ay Clarisse—ang babaeng pinalit kay Lyra. Nakataas ang kilay at tila aliw na aliw sa nangyayari. “Oh, look,” ani Clarisse nang makita siyang paparating. “The ex-fiancée finally arrives. Too late to save this dump.” Hindi nagdalawang-isip si Lyra. Lumapit siya agad, diretsong hinarap ang dalawang babae. “Ano ‘to?” galit niyang tanong. “Wala kayong puso? Ganyan na ba kayo kadesperada na pati pamilya ko kailangan niyong apihin?” Ngumiti si Donya Leticia, walang bahid ng guilt. “Hindi kami desperada, iha. We’re simply protecting what’s right. Ang daming chismis, nakakahiya. Tristan’s reputation is on the line. Hindi maganda sa image niya na ang ex niya ay nananatili sa isang property owned by our business partner.” “Hindi naman sa inyo ang bahay na ‘to!” “But we have influence. And that influence says… leave.” Tinapon ni Clarisse ang isang bag ng damit sa kalsada. “Your poverty is offensive, Lyra. Honestly. Dapat alam mong hindi ka talaga bagay kay Tristan.” Napakuyom ng kamao ni Lyra. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit. “Walang-hiya kayo. Pati Nanay at kapatid ko dinadamay ninyo. Anong kasalanan nila?” “Kasalanan nilang nagpalaki sila ng isang babaeng makapal ang mukha,” sagot ni Donya Leticia, malamig ang tinig. “You were never good enough for my son. At buti na lang at hindi natuloy ang kasal n’yo. God saved us from a disaster.” May narinig siyang impit na hikbi mula sa ina niya. Doon na siya tuluyang nagdilim. Hindi niya napigilan ang sarili. Lumapit siya at buong lakas na sinampal si Clarisse. Napaatras ito at nagulat. “Lyra!” sigaw ni Clarisse. “You psycho bitch!” “Wala kang karapatang bastusin ang pamilya ko,” banta ni Lyra, nanginginig ang boses. “Isa pa—isa pang gamit na itapon mo rito, isusubsob ko ang mukha mo sa kalsada.” “Anak, tama na,” pigil ng ina niya, lumuluha. “Hayaan mo na sila. Umalis na lang tayo.” Huminga ng malalim si Lyra. Tinapunan ng matalim na tingin ang mag-ina ni Tristan. “This isn’t over,” mariing sabi niya. “You can throw us out of a house, but you can’t erase the truth.” *** Bitbit ang mga nakuhang gamit—ilang bag ng damit, lumang rice cooker, isang kahon ng mga luma nilang gamit sa kusina—naglakad si Lyra kasama ang ina at kapatid niya sa gilid ng kalsada. Mainit ang araw. Mabigat ang hangin. Wala siyang masabi habang pinipilit niyang buhatin ang gamit, habang pinipigilan ang sariling umiyak sa harap ng kaniyang pamilya. Walang direksiyon ang mga paa nila. Hindi niya alam kung saan sila tutuloy. Ang dorm na inuupahan niya ay para lang sa isang tao at mahigpit ang patakaran roon. Bawal ang bisita, lalo na ang magpalipas ng gabi. “Anak,” mahina at garalgal na sabi ng kaniyang ina. “Baka p’wede tayong tumuloy sa kamag-anak ni Tiya Miling… sa may Navotas?” “Puno na ‘yung bahay nila, Ma,” sagot niya, halos pabulong. “May limang bata pa silang kasama.” Tahimik ulit. Naririnig lang nila ang ingay ng mga tricycle at mga batang naglalaro sa gilid ng daan habang tila napakahirap ng bawat hakbang nila. Si Lianne, ang bunsong kapatid ni Lyra, tahimik lang na may hawak na stuffed toy habang sinusundan ang bawat hakbang ng ate niya. At sa bawat pagtingin ni Lyra sa mukha nito, lalo siyang pinanghihinaan ng loob. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Elias: Where the hell are you? You left without permission. Napakagat siya sa labi. "Shit. Nakalimutan kong magpaalam sa kompanya. Baka masisante pa ako." Agad siyang nag-reply. Lyra: Sorry. Emergency. I’ll explain later. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay tumatawag na ito. Nanginginig ang kamay ni Lyra habang sinasagot ang tawag. “Hello,” mahina niyang bati. “Emergency?” malamig ngunit aligagang boses ni Elias. “Where are you? What happened?” “Wala,” mabilis na sagot ni Lyra. “Okay lang ako. I just… I need a favor.” Saglit na katahimikan. “A favor?” “Can I borrow money?” tanong niya, pilit pinapanatiling matatag ang boses. “Hindi malaki. Sapat lang para makahanap ng mauupahan.” Hindi niya binanggit ang kaniyang pamilya. Hindi niya kayang sabihin ang totoo. Ayaw niyang isipin ni Elias na ginagamit niya ito, o na umaasa siya sa yaman ng lalaking halos hindi pa rin niya kilala. “Kailan mo kailangan?” “Ngayon. I’ll pay you back. Sweldo ko sa susunod na cutoff—” “Lyra.” Pinigilan siya nito. “Stop. I’ll handle it.” “Elias, wait—” Binaba na nito ang tawag. Napabuntong-hininga siya, napaupo sa gilid ng bangketa habang pinapanood ang kaniyang ina na pilit pinapawi ang pawis ng kapatid niya. Makalipas ang ilang minuto, tumunog ulit ang cellphone niya. Notification. Napakunot-noo siya sa nakita. Bank Alert: PHP 2,000,000 has been credited to your account. “What the f—” Agad siyang nag-scroll pababa. Hindi siya makapaniwala. May resibo pa ng transfer: From Montero Private Account. Napatingin siya sa langit, tulala. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, matatakot, o maiinsulto. Two million? For rent? Sinundan agad ito ng text ni Elias. Elias: Now you can rent a mansion. You’re my wife. Act like it. I locked your account. You can’t withdraw more than 100k per day. You’re welcome. “P*****a,” bulong niya, napatingin sa langit. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Elias.” Pero kahit paano, may gumaan sa dibdib niya. Hindi niya masabing masaya siya, pero... nagpapasalamat siya. May paraan na. May matutuluyan ang pamilya niya. “Anak,” bulong ng ina niya, lumapit na’t naupo sa tabi niya. “May text ba ang boss mo? Napagalitan ka ba?” Napangiti siya kahit pilit. “Oo, Ma. Napagalitan. Pero... okay lang. Ayos na lahat. Nakahiram na ako ng pera para may pambayad tayo sa uupahang bahay natin.” Hindi na niya sinabi ang buong katotohanan. Hindi pa siya handa.Gulat na gulat si Beverly nang malamang lockdown ang lahat ng airport. Nasa departure area na siya, dala ang maliit na maleta, at ilang minuto na lang sana ay makakasakay na siya ng flight papuntang Hong Kong. Nanginginig ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa ticket, habang nakatitig sa electronic board na malinaw na nag-anunsyo ng “All flights cancelled until further notice.”“Hindi… hindi puwede ‘to…” bulong niya, nanginginig ang labi.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa malaking glass wall ng airport at doon siya natigilan. Malinaw na nakapaskil sa digital billboard ang mukha niya—her ID photo as a doctor. May nakalagay sa ilalim:WANTED: Dr. Beverly Jimenez – For Criminal Negligence and Intentional Harm.Parang biglang nawala ang lakas niya. Hindi niya in-expect na aabot sa ganito. Nanginginig ang buong katawan niya, lalo na nang sumunod na video clip ang lumabas. Sina Elias at Lyra—naka-wheelchair si Lyra, may benda pa sa braso, habang si Elias ay hawak ang kamay nito
Sabay na nagising sina Elias at Lyra, pero nasa magkaibang silid silang dalawa. Si Elias, na kagigising lang matapos makuha ang bala sa katawan niya, agad na napansin ang katahimikan sa paligid. Pagmulat pa lang ng mata niya, hinanap na niya agad si Lyra. Nang makita niyang wala ito sa loob ng kuwarto, biglang sumikip ang dibdib niya.“Lolo, where’s my wife?” mahina pero puno ng pag-aalala na tanong ni Elias habang pilit bumabangon kahit masakit pa ang katawan niya.“Nasa kabilang silid lang siya,” sagot ni Lolo Sebastian na nakaupo sa gilid ng kama niya. May bigat ang tinig nito, halatang may mas malalim na ipinahihiwatig. “Pinalipat ko. Someone tried to kill your wife and the baby inside her womb. But she’s fine na. Safe na silang mag-ina.”“What?” Halos sumigaw si Elias, gulat na gulat. Hindi makapaniwala sa narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Bumukas ang pintuan at pumasok ang isa sa tauhan ni Lolo Sebastian. “Don Sebastian, Miss Lyra is awake,” anunsiyo nito.Kahi
Sa bahay ni Beverly, hindi siya mapakali. Nanginginig ang buong katawan niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa CR kanina. Pinilit niyang isantabi ang mga alaala pero mas lalo lang siyang kinakabahan.She’s a doctor. She knows better. Pero kanina, para siyang ibang tao—isang taong walang pakialam, handang gumawa ng mali para lang maprotektahan ang sariling interes. Hindi niya akalain na kaya niyang magawa iyon. Para lang kay Elias. Para lang sa lalaking masaya sa piling ng asawang si Lyra.Hawak niya ang baso ng tubig pero nanginginig ang kamay niya. Tumulo pa ang tubig sa sahig kaya agad siyang napatayo.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang pinto. Dumating ang kaniyang mga magulang at ang kuya niyang si Brandon.“Bev?” tawag ng kaniyang ina na agad napansin ang sobrang putla niya. “Anak, what happened to you? Bakit parang namumutla ka?”Nagkatinginan si Brandon at ang ama nila. Si Brandon agad ang lumapit sa kanya. “Sis, are you okay? Parang nan
Pagdating ng doktor at mga nars sa emergency room ay agad nilang inilipat si Lyra sa kama. Mabilis silang kumilos, kinuha ang mga gamit, at pinalibutan siya ng mga puting uniporme.“Check her BP! Hook her to the monitor! Oxygen, now!” utos ng doktor habang nakatingin sa monitor na dahan-dahang kumikislap.Habang abala ang mga doktor at nars, pinapuwesto si Layla sa gilid. Nanginginig siyang lumapit sa isang doktor, halos mahulog na sa pagkakayakap si Lianne.“Doc, pakiusap… anak ko siya. Buntis siya. Iligtas ninyo pati ang baby niya. Huwag ninyo silang pababayaan,” namamanhik niyang wika, halos hindi na makalabas ang boses dahil sa sobrang kaba.“Ma’am, we’ll do our best,” sagot ng doktor na seryoso ang ekspresyon. “Pero kailangan ninyo pong kumalma at hayaan kaming gawin ang trabaho namin. Kapag magulo ang paligid, mas lalong mahirap makapag-focus.”“Mama, bakit si Ate… bakit hindi siya gumigising?” tanong ni Lianne na umiiyak habang nakahawak sa braso ng ina.“Anak, manalangin tayo…
Sa hallway ng ospital, tahimik na naghihintay ang ilang staff. Naroon din ang Lolo Sebastian ni Elias na hindi makapaniwala sa nangyari. Sa labas ng operating room, ramdam ang tensyon at kaba ng lahat.Samantala, nagpasya si Lyra na pumunta muna sa CR para maghilamos at bahagyang mapakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay niya, ramdam pa rin ang takot at sakit ng nangyari kay Elias.Habang nakatingin siya sa salamin at pilit na pinipigil ang luha, hindi niya alam na palihim pala siyang sinundan ni Beverly.Mahigpit ang hawak ni Beverly sa syringe na may lamang gamot pampatulog. Nanginginig din ang kaniyang kamay. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa matinding galit at selos na bumabalot sa kaniya.Pagpasok ni Lyra sa loob, hindi na siya nagulat nang bigla siyang sabunutan ni Beverly mula sa likod.“A-Aray! Beverly!” sigaw ni Lyra habang pilit na inaalis ang kamay ng babae sa buhok niya. “Anong ginagawa mo?!”“Hindi ka na dapat nandito, Lyra!” sigaw ni Beverly, halos pabulong nguni
Nakahawak si Lyra sa malamig na upuan sa labas ng operating room. Hindi na niya halos namamalayan ang panginginig ng mga kamay niya dahil sa sobrang kaba at takot. Paulit-ulit niyang naiisip ang eksenang nabaril si Elias habang nakayakap sa kaniya. Parang ayaw niyang tanggapin na maaaring mawala ang taong nagligtas sa kaniya at sa dinadala niyang bata.Patuloy ang pag-agos ng luha niya nang biglang bumukas ang pintuan ng hallway. Dumating si Beverly—nagmamadali, galit na galit, at halatang hindi mapakali.“Lyra!” sigaw nito, halos umaalingawngaw sa loob ng ospital. Lumapit siya agad kay Lyra na nakaupo at umiiyak. “Anong ginawa mo?! Bakit nandiyan si Elias ngayon, nakikipaglaban para mabuhay?! Kasalanan mo ‘to!”Napalingon si Lyra, nanlalaki ang mata. “Beverly… wala akong kasalanan. Hindi ko alam na may mga taong susugod sa amin. Hindi ko alam—”“Walang alam?!” singhal ni Beverly, halos mawalan ng boses sa sobrang taas ng tono. “Kung hindi mo siya sinama sa mga kalokohan mo, hindi san