Share

CHAPTER 4

AKI

"It's a goddamn death threat, Ruiz!" 

Galit na galit si Lieutenant General habang sinasabi sa akin iyon. Hindi pa nga ako nakaka-upo nasigawan niya na ako.

"Sorry, Sir." Nakayukong sabi ko.

"We're working on it na, Sir. I already told my soldiers what to do. . . I already talked to her na rin naman po." Singit ni Captain. Is he trying to cover me up?

"She's not thinking, Vendalle! She even just threw it away. She ignored it!" He's so mad at me.  

Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam kung makakatingin pa ba ako ng diretso sa kanila dahil sa kapabayaan ko. Pero hindi naman ibig sabihin wala akong ginawa wala na akong pake sa nangyayari. 

"Hindi mo ba iniisip na hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak kung ituloy man ni Hunter ang pag hunting sayo? Lahat ng sundalo na narito pwedeng madamay kung ipagpapatuloy mo 'yang ugali mo!" Tumayo si Sir Hernandez tsaka humawak sa mag kabilang baywang, "Tell me your reason. . ." 

"Sir. . . Actually, iniisip ko lang po na baka may nantr-trip lang po talaga sa akin. Bukod pa po doon isang beses pa lang--"

"Ilang beses mo ba gusto makatanggap ng death threat bago ka gumawa ng aksiyon?" Taas kilay niyang tanong sa akin. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napayuko, "I'm so sorry, Sir." Mahinang sabi ko.

"Hunter is already here in our country. Team nila Colonel Andres ang nagbigay sa akin ng information kung saan at kailan siya nakita dito sa bansa. Hindi lang ikaw ang pinadalhan ng sulat na yan dahil maging ang mga sundalo ni Andres na humawak sa kaso ni Alonzo ay nakatanggap ng parehong-pareho na sulat na natanggap mo." Seryosong sabi niya sa amin. 

May inabot na folder ang kasama niyang sundalo sa kanya. Dalawang kulay itim ang folder na may magkaibang kapal ng papel ang nakapaloob. Una niyang inabot ang manipis na folder sa akin bago inabot ang makapal kay Captain. 

"14.5 million dollars?" Nagugulat na tanong ni Captain nang mag-umpisa itong magbasa nang nilalaman ng folder.  "Ganito kalaking pera ang tinago ni Alonzo bago siya namatay?" Parang ayaw niya pa maniwala.

"Yes. . . And that is the reason why he's hunting you, Ruiz." Aniya at diretso siyang tumingin sa akin.  

Kumunot naman ako ng noo, "Ano naman ang kinalaman ko sa pera niya eh hindi ko naman po iyon kinuha. Anong gagawin ko don?" Wala sa sarili kong nasambit. 

"Akesha!" Saway agad sa akin ni Captain. 

Napapikit ako at yumuko ulit. "Sorry po." 

"Pinatay mo si Alonzo ng hindi man lang nalalaman ni Hunter kung saan itinago ni Alonzo ang mga pera niya. Iniisip niya na baka nasa kamay ng mga sundalo ang pera na tinago ni Alonzo." Aniya. 

Bakit naman parang kasalanan ko? Kasalanan ko ba na tanga si Alonzo at hindi umilag sa bala ko? Malay ko ba na gusto niya na makipag meet and greet kay satanas kaya siya namatay. Letsugas!

"Dahil si Captain ang hahawak sa kaso sa pag huli kay Hunter at ikaw naman Ruiz ang target ni Hunter, naisip ko na kayong dalawa na ang hahawak sa kaso. This mission is your first task together as a partner. . . I'll give you a few months to work in this case. " Aniya bago kinuha ang kanyang sumbrero at inayos ang kanyang pustura. 

Lumakad ito palabas pero huminto ng makarating sa pinto, "Work hard soldiers understood?" Matikas niyang sabi.   

Sabay kaming umayos ng tayo ni Captain at sumaludo, "Sir, yes Sir!" Sabay naman naming sabi.  

Tuluyan nang umalis si Sir Hernandez dito sa meeting area kasama ang dalawang sundalo. Nagkatingin pa nga kami ni Captain matapos itong tuluyan nawala sa paningin naming dalawa. 

"Wait. . ." Inabot niya sa akin ang folder na hawak niya at hinawakan pa ang kamay ko. Tumingin siya ng diretso sa akin, "Stay here, okay?" Seryosong sabi niya sa akin. 

Tango lang ang naisagot ko dahil hindi na naman nag process sa utak ko ang ginawa niya. Ang lapit-lapit niya sa akin tapos nakatitig pa siya sa mata ko.

Before he walk away, i almost couldn't move my whole body when he tapped my head before running away. 

He tapped my head. . . Isang tao lang ang gumagawa nun sa akin. That person is the reason why I'm suffering from trauma. 

All the memories from my past started to flashback to me. The simple tap in my head brings all the pain that I kept to myself in how many years. 

My eyes get blurry. My hands are shaking even my knees. The sound of crying is too loud to hear inside my head. Tuluyan na akong natumba nang marinig ako ang malakas na sigaw ng lalaki sa isipan ko.

Halos isuksok ko ang sarili ko sa ilalim ng mesa dahil sa takot. I covered my ears and started to cry. My whole body is shaking and my lips are trembling. . . After how many years, ngayon ko na lang ulit 'to naranasan. 

"Akesha?" It's a man's voice. Naramdaman ko pa ang mabilis niyang paglapit sa akin. "Akesha what happened?!" Natataranta na tanong niya nang tuluyan akong malapitan.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay na nakatakip sa tainga ko, "Akesha. . ." he sounded confused and worried.

Natataranta kong hinawakan ang kamay niya at mas lalong umiyak ng malakas. "I'm S-Sorry. . . I-I didn't mean what ha. . . ppened to you! I'm so sorry. . . Sorry. . ." I'm starting to get hysterical. 

He immediately stopped me, "Shhh. . . Akesha, It's me, Captain. . ." He cupped my face and wiped my tears, "Look at me. . ." Inangat niya ang ulo ko para mapatingin ako sa kanya. "Akesha look at me." Utos niya dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. 

"I'm sorry. . . I'm so sorry." I repeatedly told him. 

He wiped my tears and hugged me so thight. "Shhh. . . I'm here. I'm here. . ." He whispered. 

"I-I didn't mean every. . . Everything. Hindi ko gusto yung nangyari sa kanya." I felt so hopeless. 

He gets his radio communicator, "This is Captain King over. . .  Again, this is Captain King over. I need Technical Sergeant Medina and medical team here in the meeting area now! Again, I need Technical Sergeant Medina and medical team here in the meeting area now!" 

Those are the last words i heard before i lost my consciousness. 

"Thank you, Doc. I appreciate your effort." 

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Unang tumama ang paningin ko sa ilaw kaya napa-pikit akong umiwas ng tingin. Dumako ang paningin ko sa pader na kulay puti hanggang sa makita ko ang apat na lalaki na nakatayo sa labas ng pinto habang ang isa ay kausap ang doctor. 

Napunta sa akin ang tingin nung Doctor, "Oh, she's awake!" Masayang anunsyo niya. 

Sabay-sabay silang tumingin sa akin pero napako ang tingin ko kay, "Captain. . ." Wala sa sariling usal ko.

Mabilis silang lumapit sa akin. Chineck pa nung doktor ang mata ko bago nakangiting humarap kay Captain. "She's fine. She's okay. . ." 

Ngumiti naman sa kanya si Captain tsaka inilahad ang kamay. "Thank you, Doc." Aniya.

"Okay! Asikasuhin ko na muna ang mga papers niya para bukas na bukas makakalabas na siya" nakangiting sabi ni Doc sa kanya. 

Sinamahan pa siya ni Captain hanggang sa pinto habang ako naman ay naka-sunod lang ang tingin sa kanila. Nang tuluyan na itong umalis at naisarado na rin ang pinto ay napa-iwas na ako ng tingin. Nasa ospital ba ako o nasa medic area lang?

"How's your feeling?" Tanong niya nang makalapit sa akin. 

"I'm. . . I'm okay." Nahihiyang sagot ko. 

Napansin ko na lang na hindi ako naka-suot ng uniporme dahil ang suot ko pala ay hospital gown.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.  

"At the hospital." Simpleng sagot niya. 

Kunot-noo ko siyang tiningnan, "Bakit? Pwede naman ako sa barracks lang magpahinga."  

"You are unconscious for one and a half days, Akesha." Tinaasan niya ako ng kilay, "Anong maitutulong ng paghiga mo sa barracks?" Masungit na tanong niya  

One and half days? Ganun katagal akong tulog? Ganun ba talaga ang epekto nun sa akin? 

"Sorry." Nag-iwas ako ng tingin.

"Inutusan ko na si Medina na gumawa ng rest leave letter para sayo para--"

"What? Ayoko!" Tanggi ko agad. "Ayoko mag leave, Captain." 

"You need it!" Naiinis naman na singhal niya sa akin. 

"Hindi! Hindi ko kailangan yon. Ang kailangan ko maging busy para hindi na ako nag-iisip ng kung ano-ano. . . Mababaliw ako sa bahay." Halos pa bulong ko na sinabi ang huling salita. 

"I'll think about it." Seryosong aniya. 

"Aki?!" Sigaw iyon mula sa labas. "Aki?!Payagan mo akong makapasok diyan sa loob!" 

"Sir bawal po muna dumalaw kay Ma'am Aki. . ." Rinig kong sabi nung isang sundalo sa labas. 

Tumingin ako kay Captain, "Anong meron sa labas?" 

"Bantay mo." Sagot niya.

"Bantay? Bakit?!" Nagugulat kong tanong.

"Because of Hunter." Sagot naman niya.

"Sino naman yung sumisigaw na lalaki?" Tinuro ko pa yung pinto, "Bakit sumisigaw?" 

Tinatamad siyang naglakad para buksan ang pintuan. Pag bukas niya ay bumungad ang isang lalaki na may dala-dala pang isang basket ng prutas at bulaklak. Nang humakbang ito papasok sa pintuan ay agad na bumunot ng baril si Captain at tinutok iyon sa lalaki.

"Who the hell are you?!" Tanong niya habang ang baril ay nasa sintido nung lalaki. 

Sa gulat ay pare-pareho kaming nanlaki ang mata. Napa-upo agad ako lalo na nung tumutok din ng baril ang dalawang sundalo na naroon sa labas.

"Kilala ko siya!" Sigaw ko. "Please ibaba niyo ang baril niyo!" Aniko at tumingin kay Captain. "I know him. . ." Aniko ulit dahil mukang ayaw niyang maniwala. 

Napipilitan niyang binaba ang baril niya bago inutusan ang dalawang sundalo na ibaba din ang kanilang mga baril. Tumingin siya doon sa lalaki at sinamaan pa ng tingin bago lumapit sa akin.

"What are you doing here?" Siya na ang nagtanong para sa akin. 

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot, "I'm actually here to visit my--" 

"Captain pwede po ba na mag-usap lang kami saglit? Yung kami lang po sana." Paalam ko.

Matagal na tumititig sa akin si Captain bago walang salitang lumabas ng kwarto. Nang sumarado ang pinto ay nanghihina namang lumapit sa akin 'tong lalaking nasa harap ko ngayon. 

"Kinabahan ako ah! Akala ko ako na susunod na hihiga diyan sa hinihigaan mo eh. . ." Napahawak pa siya sa dibdib niya. Mukang hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya dahil nanginginig pa ang mga kamay niya. 

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" Kunot noo kong tanong sa kanya.  

Nilapag niya muna ang dala niyang prutas at bulaklak bago muling humarap sa akin. "You're not answering my calls and messages. Oh, i forgot, you blocked my number ang galing mo talaga. . . Kung hindi pa ako tumawag kay Alex para kamustahin ka hindi ko pa malalaman na nasa ospital ka pala. Tapos ito pang si Alex mukang napilitan lang na umamin sa akin sa nangyari sa'yo." Sunod-sunod niyang sabi.   

Napa-pikit ako sa inis, "Hindi pa ba obvious na ayaw kitang maka-usap o makita?" 

"Aki naman! Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo." Nagpapanggap pa siyang kalmado pero alam na alam kong naiinis na siya sa akin. 

"Hindi na rin ako natutuwa sa mga sinasabi mo!" Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at nagtalukbong ako ng kumot. "Go home, Akiro. I don't need you here. Dalhin mo na rin 'yang dala mong prutas at bulaklak and never tell to mama na galing ka dito."

Hindi ako nakarinig nang kahit na ano sa kanya. Mayamaya at narinig ko na lang ang yapak niya palapit sa akin. "Okay." Halos pabulong niyang sabi at hinalikan ako sa sintido. "Please take care of yourself, My Love." Bulong niya sa akin. 

Nanatili akong tahimik at hindi na siya nilingon. Hinimas niya pa nang paulit-ulit ang buhok ko bago ako niyakap ng mahigpit, "Always remember that I love you so much, okay?" He emotionally said then kissed me again on my forehead. 

"Go home." Aniko ulit sa kanya. 

Hindi na ako nakarinig ng salita pa mula sa kanya. Nalaman ko lang na wala na siya sa tabi ko nang sumara ang pintuan at muling nagbukas nang pumasok roon si Captain na nakasimangot at masama ang tingin sa akin. 

Tinaasan niya ako ng kilay bago nagsalita, "Tomorrow we will be starting our mission together." Sinadya niya pang diinan ang huling sinabi. 

Soon....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status