Share

CHAPTER 3

AKI

"Attention!"

Lahat kami umayos ng formation matapos marinig si Captain. Palapit siya sa gawi namin kasama ang maraming sundalo na bagong recruit. Kompleto kami dito sa field kasama halos lahat ng sundalo na pinamumunuan niya.

Pumuwesto ako sa harap kung saan katabi ko si Alex. Pumunta sa harap si Captain habang si Lieutenant Salazar naman ay tumayo sa tabi ko. Wala sa sarili akong napalingon kay Alex na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Palit us pwesto." Nakangiting bulong niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo bago nag-iwas ng tingin. Agad naman nakuha ni Captain ang atensyon ko ng mag simula siyang mag salita. Una niyang kinausap ang mga sundalong kararating lang at sa dami niyang sinabi ni isa wala talaga akong naintindihan.

"Akesha come here!" Biglang tawag niya sa akin.

Ramdam ko ang pag tingin sa aking ng karamihan dahil sa paraan ng pag tawag niya. Kahapon niya pa ako tinatawag ng Akesha. Akesha siya ng Akesha pwede naman kasing Ruiz. 

"Double time!" Nayayamot na aniya dahil hindi agad ako kumilos para lapitan siya.

Patakbo akong lumapit sa gawi niya at nang tuluyan na akong makalapit ay tumayo ako sa gilid niya, "Sir?"

Tumingin muna siya sa akin bago naglakad palapit sa mga bagong sundalo. Nag simula siyang mag bilang at ihati ang mga iyon sa dalawang grupo bago bumalik sa tabi ko.

"The first group will be your new platoon and you will be their squad leader for the rest of your duties here in camp. I will be appointing Sergeant Vincent Soriano to be your Assistant squad leader but for now, he's not able to be here because of his mission." Humarap siya sa akin at inabot ang isang portfolio. "Nandiyan lahat ng impormasyon tungkol sa kanila. . ."

"Thank you, Sir." Aniko matapos tanggapin ang inabot niya.

"Train them well." He seriously said while looking at me straight into my eyes.

"Yes, Sir." Tanging nasabi ko.

"Medina!" Bumaling ang atensyon niya sa gawi nila Alex. "Come here. . ." Utos niya.

"Yes, Sir!" Masiglang sabi ni Alex habang nakangiti na lumapit sa pwesto namin.

Nang makalapit ay tumayo siya sa gilid ni Captain kaya kaharap ko na siya ngayon. Kumindat siya at ngumiti, "Annyeong. . ." She mouthed

Napa-iling na lang ako na nag-iwas ng tingin sa kanya. Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang ugali niya.

"You will be joining Lieutenant Salazar to train the second platoon in your entire duty here in camp. Salazar is your squad leader and you are the assistant squad leader." Seryosong aniya kay Alex. Ipinuwesto niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod tsaka naglakad papunta sa unahan.

"Discipline is the soul of an army. I want you all to be responsible and respectful. Obey orders, policies and regulations. Give your hundred percent effort in every mission that the commanders assign to you. Place the good of the unit above the needs of your own. Take pride in everything you do and respect the rank of others." Ma-awtoridad niyang sabi.

Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga sundalo na naroon, "Ayaw ko sa tanga at tamad na sundalo. Kung iniisip niyo na madali ang pinasok niyo nagkakamali kayong lahat. Kung binabalak niyo na mag laro dito sa loob ng kampo ngayon pa lang umalis na kayo sa harapan ko."

Pagkasabi ni Captain noon ay napatingin ako sa platoon ko. Lahat sila seryosong nakikinig at halos mag mukang sinimentuhan ang katawan sa tikas ng tayo nila. Kung ganyan sila araw-araw wala kaming maging problema sa training.

"Our responsibility is to ensure the safety of our land and to maintain the peace and harmony of our country. You're not here to play inside this camp, instead, you are here ready to die for people and your own country." He sounded like a teacher giving his student a lecture.

"One thing, It's better to die fighting for the sake of your country than being alive but cowardly to defend your own country." Then he looked at me after saying those words.

I immediately looked away when he started to walk towards me. When he finally stopped in front of me I looked back, "Yes, Captain?" Tanong ko.

"I just want to remind you that. . ." Huminto siya sa pagsasalita at dahan-dahan na bumaba ang tingin niya sa labi ko tsaka kaonting ngumiti. Napalunok ako at napa kurap ng dalawang beses dahil sa ginawa niya. He looked at my eyes again, "While you are in my team, you are under my command. . . Understood?" Tumaas pa ang kilay niya.

I slowly nodded and answered, "Yes, Captain." Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

"Your training starts now." Mahinang aniya.

"Ha?" Nagugulat kong tanong.

Imbes na sumagot sa akin ay naglakad siya pabalik sa pwesto niya kanina. "Start your day with full of strength and dignity. Goodluck!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naglakad na siya paalis dito sa field kasunod si PFC Aguila.

"Ngek! hindi man lang ba sasabihin sakin ni Captain na under din ako ng command niya?" Bigla na lang sumulpot si Alex sa gilid ko. "Bakit pagdating sayo ang lagkit?" Nakakibit-balikat niyang sabi.

"Back to work." Tanging sinabi ko tsaka sinenyasan ang platoon ko na sumunod sa akin.

Sinimulan ko munang kilalanin silang lahat at pagkatapos noon ay nagsagawa muna ako ng basic training sa kanila. Na-isip ko na bukas na lang kami magsisimula sa pinakatraining para hindi naman sila magulat-gulat. After namin sa field ay ako na mismo ang sumama sa kanila para sa tutuluyan nilang barracks.

Hapon na rin ng matapos ako sa ginagawa ko. Naglalakad ako ngayon sa hallway pabalik sa field dahil naiwan ko roon ang folder na binigay sa akin ni Captain kanina. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa field ay nakita ko na si Alex na abot langit ang kalandian sa harap ni Lieutenant Salazar.

Nakakunot noo ako na nagpatuloy sa paglakad habang ang paningin ko ay nasa kanilang dalawa. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa ginagawa niya. "Ang harot-harot!" Naiinis na bulong ko.

Nang makuha ko na ang folder na nasa bench ay hindi na ako ng aksaya pa ng oras para tingnan ang ginagawa ni Alex doon. Pumunta na muna ako sa Canteen para bumili ng makakain dahil nagutom ako sa training.

"Magandang hapon Ma'am Ruiz!" Salubong agad sa akin nung isang sundalo.

Ngumiti lang ako sa mga sundalo na bumati sa akin. Tinignan ko muna ang mga tinda na naroon bago nagsalita, "Paorder nga--"

"Kape nga paki bilis!"

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni Alex. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Hoy?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Uy Aki, Gutom ka?" Nakangiting tanong niya

"Ma'am Medina anong kape po?" Sumingit na yung nagtitinda.

"Wala ba kayong kape puro tapos coffee mate?" Tanong niya.

"Meron po Ma'am." Sagot naman nung tindera

"Nice! Sige ako na mag titimpla, oh bayad ko." Inabot niya ang pera niya tsaka walang pasabi na pumasok sa loob at nangialam na sa mga gamit doon.

"Hoy!" Sita ko sa kanya pero di siya nakikinig. "Mahiya ka nga ang bago pa lang natin dito." Ako ang nahihiya sa mga ginagawa niya dahil ultimo pag-iinit ng tubig siya ang gumawa.

"Okay lang po Ma'am Ruiz. . ." Nakangiting sabi nung tindera.

"Bigyan mo na nga lang ako ng tubig." Aniko at inabot ang bayad ko.

Habang kumukuha ng tubig yung tindera ay abala naman ako sa paghahanap ng bakanteng mauupuan pero tanging yung bandang likod lang ang walang naka-upo.

"Ito na po Ma'am." Inabot niya sa akin ang isang bottled water. "Thank you po."

Pagkakuha ko noon ay muli kong tiningnan kung saan naroon si Alex pero wala na siya roon. Umalis siya ng hindi man lang nagsasabi sakin!

"Si Alex?" Tanong ko sa tindera.

"Kalalabas lang po." Sagot naman niya

Agad akong naglakad palabas para habulin si Alex pero sa bilis ng lakad niya ay hindi ko na siya naabutan pa. Kitang-kita ko mula rito sa labas ng opisina ni Captain kung paano siya ngumiti habang ina-abot ang dala niyang kape.

"Kahilas!" Hindi makapaniwalang aniko.

Napapa-iling na lang akong napatingin sa labas ng gate ng kampo. Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na naka-suot ng itim na jacket, sumbrero at face mask. Diretso ang tingin niya sa akin at ang mga mata ay nanlilisik pa.

Napakunot ako ng noo ng may bigla siyang kinuhang papel sa bulsa niya at tsaka casual na inabot yon sa nakabantay roon. Tumingin sa akin ang sundalo na inabutan niya. "Ma'am para sayo daw 'to!" Sigaw niya habang iwiniwagayway ang papel na nakasobre na puti.

Patakbo akong lumapit sa gawi niya para kuhain iyon sa kanya. Habang palapit ako nang palapit sa papel na iyon ay nakakaramdam ako ng kaba.

"Thank you." Aniko matapos makuha ang papel.

Dali-dali ko iyong binuksan pero napapikit pa muna ako bago iyon tuluyang basahin. Halos manginig ang kamay ko sa galit ng makita ang tatlong salita na nakasulat sa pulang tinta. Halos masakop ang buong papel sa laki ng mga letrang naka-sulat dito.

Dahan-dahan kong hinawakan ang pulang tinta dahil mamasa masa pa ito. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti sa daliri ko bago inamoy. Halos masuka ako ng maamoy ko iyon dahil ang inaakala kong simpleng pulang tinta ay dugo pala!

'I'll kill you'

Iyan ang nakasulat sa papel. Muli kong nilingon ang main gate at tiningnan kung andoon pa rin ba ang estranghero na lalaki pero wala na ito doon. Huminga na muna ako ng malalim bago binalik sa pag kakatupi ang papel tsaka patakbo na pumunta sa basurahan.

"Ayoko na ng stress sa buhay kaya wag ka na dumagdag pa!" Naiinis na bulong ko tsaka hinagis ang papel sa basurahan.

Uminom muna ako ng tubig bago tuluyang bumalik sa loob at umupo sa bench. Kahit hindi ko isipin ay kusang bumabalik sa akin ang sulat na natanggap ko kanina. Napapa-isip din ako kung sino ang walang kwentang tao ang nagpadala sa akin nun pero wala naman akong ma-isip.  Ano naman din ang mapapala niya sa akin kung papatayin niya ako?

"Akesha what the fuck is this?!"

Napatayo ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likuran ko si Captain dala ang isang papel. Salubong ang kilay niya at matatalim ang tingin sa akin.

"Captain. . . Ano po 'yan?" Tanong ko dahil hindi ko naman nakikita ng maayos ang dala-dala niyang papel. Binuklat niya ang papel at hinarap sa akin ang nakasulat roon. 'I'll kill you'

"Care to explain what this is?" Tumaas pa ang kilay niya.

Agad akong lumapit sa kanya at hinablot ang papel na iyon. "Saan mo po ito nakuha?" Nagtatakang tanong ko.

"Domingo reported to me. . . Bakit mo tinapon?" Halatang galit na siya sa akin.

"Ahm. . . Wala lang naman po 'to. Baka nantr-trip lang po yung nag bigay sa akin niyan kanina." Aniko sabay ngiti ko sa kanya para mabawasan sana ang galit niya.

"Don't fucking smile, Akesha! Hindi mo ako makukuha sa ngiti mo." He seriously said kaya binawi ko agad ang ngiti ko. 

Napayuko na lang ako at hindi na nagsalita. Bakit kasi nagagalit? Pwede naman niya akong tanungin ng maayos.

"Si Hunter. . ." Mahinang sabi niya.

"Ha?" I automatically said to him dahil hindi ko siya masyadong narinig.

"Ha?" He mocked me.

"Po. . . Po pala" Pagtatama ko.

Tumingin muna siya sa akin ng masama bago naglakad paalis habang ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. "Si Hunter ang pwedeng gumawa sa'yo nito."

"Imposible po." Napapa-iling pa ako sa pagtanggi sa sinabi niya.

He immediately stopped walking and face me, "Baka nakakalimutan mo na pinatay mo si Alonzo." Tumaas pa ang kilay niya.

"Kahit na! Hindi naman siguro ako paglalaanan ng oras nun." Talagang paninindigan kong maniwala na walang kinalaman dito si Hunter dahil imposible naman talaga. "Tsaka sa ugali kung ito Captain hindi na ako magtataka kung marami silang gusto akong mawala na."

Muling nagsalubong ang kilay niya. "Matigas kasi ang ulo mo para kang bata!" Seryosong aniya tsaka lumakad papasok sa opisina niya.

Ilang segundo pa akong natigilan sa kinatatayuan ko bago sumunod sa kanya sa loob. Pagpasok ko naman ay nandoon si Lieutenant Salazar at tatlong sundalo.

"Check all the CCTVs and in fifteen minutes you need to report every detail that you get." Kausap niya ang tatlong sundalo. "Dismiss." Kalmadong sabi niya kaya dali-dali siyang sinunod nung tatlo.

Bumaling ang tingin niya kay Lieutenant Salazar, "Ell can you check the whole area especially the main gate?" Bumaling ang tingin niya sa akin. ". . . I will just talk to her." Aniya kay Lieutenant Salazar.

Tumango lang ito sa kanya tsaka nakaka-asar na ngumiti sa akin bago tuluyang lumabas. Anong ngiti 'yon?!

Napabuntong hininga muna siya bago tumingin sa akin. Napa-iwas ako ng tingin nang samaan niya ang paraan ng pagtingin sa akin. Mayamaya pa ay tumunog ang telepono na nasa kanyang lamesa kaya napako ang atensyon niya doon.

"Okay Sir, we'll be there in five minutes. . ." Iyon lang ang sinabi niya bago ibinaba ang linya ng tawag.

"Lieutenant General Hernandez is here. . . Lagot ka." He said and smirked at me.

Soon....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status