Share

CHAPTER 5

AKI

"Akala ko ba bibigyan mo ako ng leave?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nag bago na isip ko." Sagot niya at umupo sa sofa. "Magpahinga kana dahil marami pa tayong trabaho bukas."

Napakunot ang noo ko, "You know what? I realized na hindi pa ako okay kaya tinatanggap ko na ang offer mo na leave para sa akin. Bukas na bukas pirmado ko na agad yung letter."

Sumama ang tingin niya sa akin. "Sa nakikita ko okay ka naman at malakas na. Hindi ka naman nabalian ng buto o nabaril kaya anong dahilan para mag leave ka?" Masungit na aniya.

"Ang gulo mo po." Napanguso ako.

"Matulog ka na lang." Utos niya

"Kagigising ko lang kaya!" Angal ko agad. "Tsaka hindi ka na ba babalik sa HQ?" Usisa ko.

"Ell knows what to do even without me." Muli siyang tumayo at kumuha ng tubig. "Besides, i can't leave you here dahil pakalat-kalat lang si Hunter." Aniya at uminom ng tubig.

"You can go, Captain. . . Masyado na akong nakaka-abala sa'yo." Mahinang sabi ko.

"No." Mabilis niyang sabi. Inayos niya ang unan ko at pinagpag pa ito. "Now rest." Seryoso talaga siyang patulugin ulit ako.

"Hindi pa nga ako kumakain eh." Naaasar na sabi ko.

"What do you want?" Napipilitan at nayayamot niyang tanong niya.

"Kahit ano po. . ." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Walang imik niyang kinuha ang wallet niya at naglakad palabas. Naka-sunod lang ang tingin ko hanggang sa makalabas siya ng kwartong 'to. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay biglang naglaho ang ngiti ko nang maalala ang nangyari noong isang gabi.

How can I thank him for not leaving me that night? Bukod kay Alex at sa therapist ko siya pa lang ang nakakita sa akin sa ganoong sitwasyon. Hindi ko inaakala na babalik na lang ang lahat ng ganon-ganon lang.

Why him? Bakit kailangan sa harap pa ni Captain ako nagka-ganoon?

Akala ko pa naman okay na ako. . . I really thought i'm fully healed from my past hindi pa pala. Kulang pa ba ang pagpapa gamot ko dati para tuluyan ko na makalimutan ang nakaraan na 'yon? Kulang pa ba 'yon?

Nanatili akong tulala kaka-isip sa nangyari sa akin. The simple tap in my head bring all the painful past of me. Isang tao lang ang gumagawa nun sa akin. . . Ang tao din na iyon ang dahilan kung bakit nararanasan ko 'to. It's almost 9 years passed! Bakit bumalik na naman ulit?!

"Until now ba hindi mo pa rin ako napa-patawad?"

I ended up crying in silence. Ayokong marinig yun ng iba dahil ayoko na mag-abala pa sila para sa akin. It was too hard to cry without any sounds to hear. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit everytime naaalala ko ang lahat. Those nightmares were so vivid to me. Nakaka-takot at nakaka-pagod.

"Kumain muna kayo. . . Ako na muna ang bahala kay Akesha." It's Captain 's voice.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit na ngumiti nang tuluyan na siyang pumasok dito sa loob. He was holding two paper bags from Greenwich. Nagka-tinginan kami kaya nginitian ko siya para hindi niya mahalata na umiyak ako. He put the paper bags on the table beside me then seriously look at me.

He arches his one eyebrow, "Umiyak ka ba?" Tanong niya.

Umuling agad ako, "Hindi ah! Bakit naman ako iiyak?" Tumawa pa ako para hindi ako magmukang guilty.

"I don't know. . ." Aniya at tumigil saglit, "But you can tell me why." dugtong niya.

We stared for a moment bago ako nahihiyang ngumiti at kinuha ang pagkain sa gilid ko. "Nagugutom na po ako." pagbabago ko ng topic namin.

"Let me. . ." Inagaw niya ang paper bag sa akin at siya mismo ang nag-ayos ng pagkain bago ibigay sa akin. "Ubusin mo lahat yan." Aniya matapos ilatag sa bed table ang hindi lang isa kundi limang iba't-ibang pagkain sa harapan ko.

"Bakit ang dami?" Nagugulat na tanong ko sa kanya.

"You said you're hungry." Sagot niya naman.

"Oo nga pero hindi ko naman sinabi na ganito karami ang bilhin mo." Muli kong tiningnan ang mga pagkain na nasa harap ko, "Para naman akong bibitayin nito."

Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Para sa ating dalawa yan hindi lang para sayo." Aniya.

Natigilan tuloy ako at napapahiyang tumingin sa kanya. "Bakit di mo agad sinabi? Akala ko kasi papatayin mo na ako eh."

"Tsk." Umupo siya sa gilid ng kama at inabutan ako ng kutsara at tinidor, "Ibabawas ko 'to sa sahod mo"

Nakangiti kong tinanggap ang kutsara at tinidor. Inabutan niya din ako ng bottled water pero binuksan niya muna ito bago nilapag sa harapan ko. "Okay lang." masayang sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain.

"Oo nga pala Captain, Sino na pala ang magiging partner ni Alex kung ikaw na ang partner ko sa mga misyon?" I asked. May laman pang pagkain ang bibig ko.

"Ell." Simple niyang sagot.

"Ell? Si first lieutenant Salazar?" Panigurado ko. Tumango lang siya sakin tsaka nag patuloy na sa pagkain.

Parehas na kami naging tahimik habang kumakain. He didn't even look at me or talk to me! Talagang naka focus lang siya sa pagkain niya. Nauna siyang natapos sa akin kaya after niya uminom ng tubig ay chineck niya ang labas kung bumalik na ba ang dalawang sundalo. Nang makitang wala pa ang mga ito bumalik na siya agad sa akin.

Pagkatapos ko kumain tumayo ako at niligpit lahat ng kinalat ko. Pinigilan niya pa ako pero ako na ang nag pumilit dahil sobrang okay naman talaga ako! Pakiramdam ko kasi sobrang na-abala ko na siya kaya hangga't sa maaari ako na gumagawa ng mga bagay na kaya ko namang gawin.

"Your hair is so long." Mayamaya ay aniya habang titig na titig sa buhok ko.

Hinawi ko palikod ang buhok ko, "Opo. Hindi na kasi ako nakapag-pagupit. Sorry po." Alam ko kasi ang rules pag dating sa hygiene ng mga sundalo at ang haba ng buhok ko hindi na maganda dahil halos umabot na ito sa puwet ko.

"Don't cut your hair." Seryosong sabi niya bago pumasok sa CR.

Kunot noo akong humarap sa salamin. Napapa-iling na lang akong bumalik sa higaan ko at wala pang 5 minutes akong nakahiga ay nakatulog na agad ako.

"Akesha run!" A man's voice shouted at me.

"No! I won't leave you here alone!" Umiiyak na sigaw ko rin sa kanya. "Please don't hurt him!" Paulit-ulit na sigaw ko pero kahit isa sa kanila walang nakikinig sa akin.

"Please baby, run! Save yourself. . ." He is in pain. Physically and emotionally. I see it! I see it in his eyes. I see it!

"Wake up!" He suddenly shouted.

Bigla na lang akong nag mulat ng mata dahil sa panaginip na iyon. Nang hawakan ko ang pisngi ko ay maraming luha na ang dumadaloy sa pisngi ko. Nanginginig na rin ang kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Umupo ako at ipinatong ang ulo sa mga tuhod ko. Mayamaya ay napunta naman ang paningin ko sa gilid ng kwarto kung saan naroon si Captain na ngayon ay mahimbing na natutulog.

May unan naman siya pero wala siyang kumot kaya tumayo agad ako at binuksan ang cabinet tsaka kumuha ng extrang kumot na naroon.

He is now wearing gray jogger pants and white shirt that made him look so fine. Bagay sa kanya ang ganitong mga suot dahil hindi siya mukang masungit. He's also wearing his military dog tags while his both arms are across his chest.

Ang kalmado ng pagtulog niya na isang katangian na wala ako. Kahit nakakatakot ang kilay niya kitang-kita parin sa mukha niya na maayos na maayos siyang nagpapahinga.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahan nilagay ang kumot sa katawan niya. Ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang bigla siyang nagmulat at mabilis na nakuha ang baril sa kanyang gilid at tinutok mismo iyon sa noo ko.

Napa-taas agad ako ng kamay, "Captain!" kinakabahan na tawag ko sa kanya.

"What the fuck?!" Mabilis niyang binaba ang kanyang baril at tinanggalan iyon ng magazine. "Muntik ka na don!" Siya pa ang galit ngayon.

"Gusto lang naman kitang kumutan." Napa-upo ako dahil sa sobrang kaba. "You scared me to death, Captain!" Napahawak pa ako sa puso at ulo ko.

Kumuha siya ng tubig at binigay iyon sa akin. "Hindi ko naman kailangan ng kumot, Akesha." Aniya.

Napahiya nanaman ako! Ilang beses na to ah.

"Sorry." Sabi ko na lang at bumalik na sa pagkahiga.

"It's 5:30 am, get up and get dressed." Tinapik niya pa ang paa ko para di ako tuluyang matulog.

Naguguluhan na tumingin ako sa kanya. "Ha?"

"Ha?" He mocked me

"Po?" Pagtatama ko

"We're leaving at 7 O'clock. I have meeting with colonel Andres team at 8:30 kaya maaga dapat tayong maka-alis dito." Inabot niya sa akin ang military bag ko pagkatapos sabihin iyon. "Dinala 'yan ni Alex dito kagabi. "

"Galing dito si Alex kagabi?" Tanong ko matapos tanggapin ang bag.

Tumango lang siya sa akin.

"Bakit di niya ako ginising?" Tanong ko na naman.

"She said that it was her first time seeing you calmly sleeping so she didn't bothered you." Kwento niya.

"Calmly sleeping? Ako? Imposible! Kanina nga gumising na lang akong umiiyak kaya paano ako naging kalmado sa pagtulog?" I laugh.

"You cried again?" I cam sense the concern in his voice.

Umiling ako at tumawa, "Joke lang!" Pagsisinungaling ko.

Tinitigan niya pa muna ako bago muling inutusan na mag-ayos na dahil magpapabili na muna daw siya ng makakain bago kami umalis. Kahit sobrang lamig ng tubig dito sa ospital ay pinilit ko na lang na maligo sa pinakamabilis na paraan.

Bago ako lumabas ng CR ay nag-suot na muna ako ng military shirt with military pants and boots. Naabutan ko pa si Captain na hinahanda na rin ang kanyang uniporme na susuotin.

"Feeling fresh?" Nakangiting tanong niya.

Ngumiti din ako, "Fresh na fresh."

Pumasok na siya sa loob at naligo habang ako naman ay nagpatuyo muna ng buhok bago ito tinali. Kung sa make-up naman eyebrows at nude lipstick lang ang ginagamit ko dahil hindi ako sanay mag make-up lalo na pag nasa trabaho ako.

Saktong pagkatapos kung kumain ng almusal ay dumating ang doctor ko kaya sinabi niya na sa akin ang mga kailangan gawin bago umalis. Sinabi niya rin sa akin na iwas-iwasan ko ang pag-iisip ng kung ano+ano para hindi ako mentally mapagod. Mukang alam niya rin ang mga pinagdadaanan ko tuwing matutulog ako kaya recommend niya sakin na mag pakunsulta daw ako sa psychologist.

"Thank you po pero hindi na po muna ngayon dahil kaya ko pa naman po." Nakangiting aniko.

"Ikaw ang bahala. . . Pero isipin mo muna ang kalagayan mo bago ang lahat. Wag ka na ulit babalik dito sa ospital." Pagbibiro niya.

Mayamaya ay lumabas na si Captain mula sa CR suot halos lahat ng uniporme niya maliban lang sa sumbrero at military jacket. May hawak-hawak pa siyang tuwalya habang nagpapa-tuyo ng kanyang buhok.

Pareho kami ni Doc na napatingin sa kanya kaya nagtataka siyang tumingin sa amin. "What?" Masungit niyang tanong.

"Osiya sige na! Mauuna na ako para makapag-ayos na kayong mag-asawa." Ani Doc bago naglakad palabas ng kwarto.

Mag-asawa? Kami ni Captain mag-asawa? Since when?!

"Hindi kami mag-asawa!" Pahabol na sigaw ko.

Imbes na linawin din ni Captain na hindi kami mag-asawa ay tumawa lang ito na para bang nagustuhan niya ang sinabi ni Doc sa amin.

Naiinis kong kinuha ang military jacket ko at military bag tsaka lumabas ng kwarto. Inabot ko sa isa sa mga sundalo ang bag ko bago nag lakad papunta sa nursing station. Naka-sunod naman sa akin yung isang sundalo habang ang isa ay naka bantay kay Captain.

Naiinis akong tumingin sa naka-sunod sa akin, "Ako na lang mag-isa. . . Bumalik ka na doon." Tinuro ko pa ang pinanggalingan ko.

"Pasensya na po Ma'am Ruiz, utos lang po talaga sa amin ito." Aniya.

Napa-kamot ako sa ulo ko, "Wala naman dito si Hunter kaya wag nga kayong mag-alala. Hindi naman siguro niya ako pupuntahan dito para lang pag aksayahan ng-- Aray!" Napa-upo na lang ako bigla nang may bumangga sa akin na lalaki.

Sa laki ng space sa gilid nagawa niya pa akong banggain?! Talaga ba?

Agad akong inalalayan ni Abalos para makatayo. "Ayos ka lang Ma'am?" Tanong niya nang makatayo ako.

Tumango ako at naiinis na nilingon ang bumangga sa akin. "Hoy hindi ka man lang ba--"

Natigilan ako sa pagsasalita ng dahan-dahang humarap sa akin ang lalaking naka-suot ng itim na jacket at itim din na sumbrero. Napa-kunot ako ng noo nang nakakaloko siyang ngumiti sa akin. Those eyes. . . Those are the same eyes of the person who sends me a death threat!

He evily smiled at me, "Mag-ingat ka, Akesha Ruiz. Baka sa susunod na magkita tayo bala na ang ibabangga ko sayo." Aniya at mas nginitian pa ako nang nakakaloko.

Soon....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status