Share

Chapter 3. “I’m nobody, who are you?”

Chapter 3. “I’m nobody, who are you?”

Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. May mga tao pa kanina na nagsabi na pumunta kami sa hospital pero ayos lang naman talaga ako. Pero si Gavril, may sugat siya sa may siko dahil sa pagkakahiga niya kanina sa semento. I felt so guilty about it because me he is injured now. Isa pa sa iniisip ko ay ang pangalan niya, I don’t know and I can’t remember but I think that I heard his surname a long time ago but I can’t recall exactly when and where.

Napatingin naman ako sa isang sikat na pharmacy store. Huminto ako.

“Oh bakit?” tanong niya. Tiningnan ko siya at nagtataka niya lang din akong tiningnan.

“Sandali, gagamutin ko ang sugat mo.” Sabi ko at dali-daling naglakad papasok ng pharmacy. Sumunod naman sa akin si Gavril.

“Hindi na kailangan, ayos lang ako. Malayo ‘to sa bituka.” Natatawa niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng mga gagamitin ko pang gamot sa sugat niya. “Hays, sinabi na ngang hindi na kailangan e.”

Dumiretso ako sa cashier at binayaran ang mga kinuha ko. Pagtapos noon ay lumabas na kami ng pharmacy. Napalinga-linga naman ako at naghahanap ng lugar kung saan kami pwede pumiwesto para gamutin ang sugat niya.

“Sa bahay mo na lang tayo. Di ba sabi mo malapit lang naman?” aniya. Napatingin ako sa kanya.

“Baka mapalayo ka pa sa inyo. At saka ayokong mayroong pumupunta sa bahay.” Sabi ko.

“Bakit? Kasi sabi nila haunted house?” napatingin ako sa kanya sa sinabi niya, isang seryoso at dismiyadong tingin. Tulad din ba si Gavril ng lahat ng mga humuhusga sa akin?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad na papunta sa sakayan ng tricycle.

“Hoy sandali, san ka pupunta?” tanong niya. Mabilis at inis ko siyang nilingon.

“Sa bahay.”

Sumakay na kami ng tricycle pauwi ng bahay. Ako lang mag-isa ang nasa loob ng tricycle habang si Gavril naman ay naupo sa likod ng driver sa may motor. Habang nasa biyahe ay napapa-isip pa rin ako sa mga nangyari kanina. Pinagmasdan ko ang braso kong hinawakan ni Gavril kanina. At nang hawakan niya ako kanina ay wala akong nakitang kahit ano tungkol sa kanya. I also remember how I wipe the dust from his cheek and even in that way, I still did not see anything about his death. Napapa-isip ako.

“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa aking sarili.

Maya-maya pa ay nakarating na kami ni Gavril sa village namin at binaba kami ng tricycle sa tapat ng bahay namin. Magbabayad pa lang sana ako sa driver nang bigla na lang siyang umalis. Nagtataka naman akong tumingin sa lalaking kasama ko and he is just smiling at me.

“Nagbayad na ako. And guess what, I also live in this village.” Natatawa niyang sabi na kinabigla ko. Tiningnan niya lang ang buong bahay ko mula sa labas. Habang ako naman at seryoso ko lang siyang tiningnan. I don’t know why but I sense something off about him.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa gate. Sumunod naman siya sa akin. Napansin ko na parang medyo alangan siyang pumasok sa bahay ko at panay ang tingin niya sa buong bahay.

“Papasok ka ba o hindi?” tanong ko na kinabigla niya. I saw him gulped and forcedly smile at me.

“Okay, fine. I will tell you the truth.” Aniya na pinagtaka ko. Natahimik ako habang dahan-dahan nagsalubong ang kilay habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya.

He took a deep breath and looked at it seriously.

“This is just a bet.” Panimula niya. And just like what I thought, I am right about something off about his all of a sudden show to me. “I’m sorry, but I was just dared to do this because I lose in our bet. And my friends told me to come near you and dared me to go inside your haunted house.” He explained.

“This is not a haunted house. This is my home. Why do people conclude things just because they saw what is outside and not the inside?” may inis kong sagot sa kanya.

“Kaya nga I’m sorry. I know that this is so stupid. But you’re not a monster right?” What did he just say?

“What?” I exclaimed. He is now pissing me off.

I rolled my eyes on him and walk fast entering the main door. Tiningnan ko siya ulit habang nakataas ang isang kilay. “Come and see. At saka hindi ako halimaw.” Sabi ko at inirapan siya.

Sumunod naman siya sa loob ng bahay ko. Okay, I can’t blame them for thinking that this is a haunted house. Because of what it looks like outside? You will really easily thought that this is a haunted house. May kalumaan na kasi ang bahay namin dahil simula nang mamatay sila Mama at Papa, hindi na na-renovate ang bahay na ito. But the inside is still good. Maayos pa ang mga gamit dahil palagi rin naman akong nag-aayos at naglilinis ng bahay.

Auntie Remi wants me to live with her together with her family but I chose not to. I don’t want to meddle with them especially with the kind of ability that I have. Good thing that Auntie still cares and gave me money from my parents' pension.

Nang buksan ko ang ilaw. Naglaho ang pangamba sa mukha ni Gavril at nilibot ng tingin ang buong paligid ng bahay. Napatingin siya sa akin and I can see on his face his apology. Hindi ko na lang siya pinansin at nilapag sa center table ang bag ko at naupo sa sofa. Kinuha ko ang binili ko sa pharmacy kanina to treat his wounds. Naupo naman siya sa tabi ko.

“I’m sorry.” Aniya habang inaayos ko ang mga gagamitin sa paggamot ng sugat niya.

“Wala ‘yon. I’m used to it.” Mabilis kong sagot. Narinig kong mahina siyang tumawa kaya tiningnan ko siya.

“Bakit ka ba kasi ganyan? Why do you always isolate yourself? Don’t you want to have friends? And oh, I still don’t know your name. Who are you?” sunod-sunod niyang tanong. Natahimik lang ako at tiningnan siya. Dahan-dahan namang naglaho ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

“I’m nobody, who are you?” sagot ko sa kanya.

“I’m Gavril, I already introduce myself to you earlier.” Sagot niya. Napailing-iling naman ako at natawa sa sinabi niya.

“That’s actually a poem by Emily Dickinson. That poem means that it is actually nice to be nobody than to be somebody. People think that being alone means loneliness but being alone means that you just have more time for yourself and it is better to be that way.” Sagot ko. Napangisi naman niya sa sinabi ko.

“I beg to disagree with that. Maybe sometimes it is good to be nobody but it is also happy to be somebody. Sinasabi mo na ang pagiging mag-isa ay hindi malungkot. But maybe you think that you are just avoiding something or fearing something that is why you always want to be alone.” Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko tungkol sa akin ang sinasabi niya?

Hindi ako nakapagsalita tungkol sa sinabi niya at tinuon na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng cotton at alcohol. Nang malagay ko na ang alcohol sa cotton ay napatingin ako sa braso niya. Hahawakan ko ba siya ulit?

“Akin na ang siko mo.” Sabi ko sa kanya. Tinaas naman niya ang braso niya at iniharap sa akin ang siko niya. Dinampi ko ang cotton na may alcohol sa sugat niya at napahinto ako nang dumaing siya sa hapdi nito. “Baka umiyak ka pa dahil lang sa alcohol ah.” Pang-aasar ko.

“Masakit kaya.” Pagdadahilan niya. Pinagpatuloy ko ang paggamot sa kanya. “Ano nga kasing pangalan mo.” Rinig kong tanong niya.

“Roux. Roux Brionny Besmonte.” Sagot ko saka nilinis ang palibot ng sugat niya.

“Bakit ka naman parang iiyak na kanina noong nilapitan ka ni Ma’am? May trauma ka ba sa mga teacher?” tanong niya na kinabigla at kinatahimik ko. Napatingin ako agad sa orasan at nakita kong mag-aala sais na. Napabuntong-hininga ako at inalala ko ulit ang mga nakita ko noong kalabitin ako ni Ms. Velarde kanina. Kung tama ang pagkakaalala ko ay ala siete y punto mangyayari ang pagpatay sa kanya.

“Hoy!” natigil ako sa pag-iisip nang sumigaw siya. Napatingin ako sa kanya na bakas ang takot at pangamba. Mabilis kong ginamot ang sugat niya.

“Umalis ka na.” sabi ko sa kanya pagtapos kong gamutin ang sugat niya. Nagtaka naman siya sa biglaang inasal ko.

“Ha? Why? Did I say anything wrong?” tanong niya.

“Wala.” Mabilis kong sagot sa kanya at tinalikuran na siya.

“Okay, then what is the meaning of these notes?” napahinto ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang hawak niyang mga notes ko na nakadikit sa notebook ko.

“Bakit nasa iyo ‘yan!” sigaw ko sa kanya at pilit na inagaw ang mga notes ko.

“Hey, easy. Ibabalik ko ‘to once you tell what are these.” Natatawa pa niyang sabi habang inilalayo sa akin ang mga note ko. Muli ko na namang nahawakan ang braso niya pero tulad kanina ay wala akong nakita. Mabilis ko pa itong inalis at inilayo sa takot na baka may makita ako.

Hingal na hingal na ako sa kakaabot ng mga notes ko pero matangkad siya at inilalayo niya pa sa akin.

“Just give back my notes, please.” Hinihingal kong sabi at nagmamakaawa na ibalik na niya.

“Roux, you just have to tell me what these are. Yon lang. Ayaw mo? Edi—“ mas nanlaki ang mga mata ko nang umakto siyang pupunitin ang mga notes ko.

“Those are the time and death of people!” malakas kong sigaw.

Hindi na napigilan ng mga luha ko ang umagos mula sa aking mga mata. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Hindi naman nagsasalita si Gavril marahil dahil sa pagkabigla sa mga sinabi ko.

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya saka naihulog sa sahig ang mga hawak niyang notes. “What do you mean, these are the time and death of—sino-sino?”

Tiningala ko siya at kita ko ang labis na pagkalito sa kanyang mukha. “Nakikita ko. Nakikita ko ang oras kung kailan, saan at kung paano mamamatay ang isang tao kapag hinawakan niya ako o hinawakan ko sila.” Humihikbi kong sabi.

Tulala si Gavril at hindi makapaniwala sa sinabi ko. “You mean, you also about—“

“No, wala akong nakita sayo. At iyon din ang pinagtataka ko.” Sabi ko at kinuha ang mga notes ko.

“And why are you keeping those notes?” Natahimik ako sa tinanong niya. Bakit ko nga ba tinatabi pa ang mga notes na ito.

“Maybe because someday, I will be brave enough to help them.” Sagot ko. Hindi na siya sumagot pa at parang may iniisip.

“Wait, I remember that Ms. Velarde touched you earlier. So, you mean—“

“I got a vision that…” I gulped and looked at him. Kita ko ang inis at nakasalubong niyang kilay.

“She will die tonight.” Nanlaki ang mga mata ni Gavril sa sinabi ko. “Nakita ko ‘yon kanina.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status