LOGINNakabukas ang malaking tv sa living room habang naghahanda ng agahan si Selina. May mga pagkakataon kasing gusto niyang manood ng balita tuwing umaga bago siya pumasok sa trabaho noon dahil doon lang siya may panahon para makasagap ng mga nagaganap sa bansa.
Nilalabas na niya ang mga iluluto niya sa fridge nang makarinig nang sunod-sunod na pagdoorbell. Pinunasan muna niya ang basang kamay sa tuyong tela bago naglakad patungo sa pinto. Sinilip niya sa monitor screen ang tao sa labas, nang makita niya ang pamilyar na mukha ay hindi na siya nag aksaya ng oras na buksan ang pinto. "Good morning Miss Selina!" Nakangiting bati ni Gerry. "Good morning, Gerry!" Ganting bati niya. Napansin niya ang bitbit nitong mga paper bags. Nagtaka siya nang iabot nito iyon sa kanya. "Para kanino ito?" Takang tanong. "Para sayo." Sabi nito.Nangunot ang noo niya na inisa isa ang laman niyon. Mga damit pambabae nga iyon.<Nanggaling si Pola sa mayamang pamilya at nag iisang anak lang siya kaya alam niyang siya ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng mga magulang niya pero nang magtapos ng kolehiyo, nagkaroon ng problema ang negosyo ng pamilya niya, na isang investment company, bumagsak ang stock market at bumaba ang balik ng mga in-invest ng mga kliyente dahil sa economic downturns, at dahil doon nagwithdraw ang kalahati sa mga may shares sa kumpanya dahilan para ma bankrupt ang negosyo nila. Ang mga ari-arian nila ay nawala, ang mga sasakyan, ang mga bahay, at ang mga alahas ay naibenta upang mabayaran ang mga utang. Ang malaking mansiyon na lamang ang tanging natira sa kanila. Ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama, ay labis na naapektuhan. Ang pagkawala ng matagal na itinayong negosyo ay mabilis na nawala na naging sanhi ng pagkakasakit nito. Bagaman hindi siya maluho at hindi apektado sa pagkawala ng mga materyal na bagay, alam niya na kailangan nila ng malaking pera para sa pagpapagamot
College Days... Bigla ay bumuhos ang ulan, nagtatakbong sumilong si Pola sa waiting shed, nakalimutan niyang magdala ng payong, hindi naman kasi nagpahiwatig ang kalangitan kanina ng umalis siya ng bahay, tirik na tirik ang araw ng lisanin niya ang mansiyon. Pinagpag niya ang kanyang uniporme, tila mga luha ng langit ang mga patak ng ulan na dumadaloy sa kanyang mukha. Bahagya namang nabasa ang mga libro niyang dala, ngunit ang kanyang salamin ang higit na nagdusa— nanlabo ang lente niyon na tila ba sumasagisag sa kanyang mga mata na ngayon ay tila nawalan ng linaw. Hindi tuloy niya maaninag ng malinaw ang lalaking nagtatakbong sumilong din sa shed. "Tch, sana pala dinala ko ang sasakyan ko," inis na bulong nito. Inalis ni Pola ang kanyang salamin at pinunasan ng laylayan ng damit. At nang muling isinuot niya iyon, eksaktong naghinang ang mga mata nila ng lalaki. Awtomatik na umawang ang bibig niya ng masilayan niya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa personal, sa K
Pola' POV Tahimik na sumakay ng sasakyan si Pola, ang katahimikan ng kapaligiran ay sinasalamin ng tahimik na lalaki sa tabi niya, na may malungkot na mga mata habang nakatanaw sa food house na kaniyang pinanggalingan. Ang bigat ng katahimikan ay bumalot sa kanyang buong pagkatao. Sinundan niya ang mga mata ng lalaki sa tabi niya, na nakatuon sa iisang tao - ang babae sa loob ng food house, na tilang bumalik dito ang mga alaala ng nagdaang taon. Hindi nagbabago ang tingin ni Morris, puno ng mga alaala at emosyon na tanging sa babaeng iyon lamang nakalaan. Sa tagal na niyang nakasama ang lalaki bilang kaibigan at assistant nito, nasaksihan ni Pola kung paano masaktan si Morris, kung paano nitong tiniis ang sakit. Palagi nitong sinasabi na naka-move on na ito kay Selina, ang unang babaeng minahal nito. Ngunit ang mga mata nito ay nagsasabi ng totoong nararamdaman nito, ang mga lumbay na nakakubli sa likod ng mga salita, ang pag-ibig na hindi maikakaila. Kahit matagal nang walang r
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Fried Chicken Food House. Bumaba si Eachen at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger side. "Thank you," nakangiting sabi niya. Ngumiti lang ito sa kanya. "Let me hold Ella," saad nito, pinasa niya ang anak sa kabiyak. "Mukhang madaming kumakain," komento ni Selina nang muling binaling ang atensyon sa food house. Nag umpisa na siyang maglakad papasok sa kainan, nakasunod naman ang kanyang mag ama. Dumiretso sila sa kitchen kung nasaan ang mga magulang. "Ma! Pa!" agaw niya sa atensyon ng mga ito. Mabilis na nagbaling ng tingin ang mga ito sa gawi nila. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ng mga magulang niya nang makita sila. "Oh my! Ang apo ko!" bulalas ng kanyang ina na dumiretso kay Ella. "Ang cute talaga ng baby namin, pabuhat naman sa apo ko," masayang saad nito, ipinasa naman ng kabiyak si Ella sa kanyang ina. "Kumain na ba kayo mga anak?" tanong ng kanyang ama sa kanila ni Eachen, hinalikan muna niya sa pisngi ang ama bago na
Sa conference room ng RCC, lahat ng mga matataas na opisyal at manager ng kumpanya ay seryosong nakatutok ang atensyon sa unahan, ang araw na iyon ay buwanang pagpupulong tungkol sa bagong estratehiya para sa tagumpay ng kumpanya. Habang nakikinig ang lahat sa nagsasalita sa unahan, ang presidente naman ay seryosong nakatingin sa mga dokumentong papel at nirerebisa ang mga ipinasang reports ng bawat departamento, hindi niya alintana ang mumunting ingay na ibinibigay ng karga niyang bata, hawak ang rattle toy tumayo sa kandungan niya ang anak at umakyat sa lamesa, hinablot nito ang mga papel na binabasa niya, imbis na magalit ay nakangiting binalingan niya ito at nagsalita. "Ella, that's dirty," sabi niya nang makitang isusubo ng bata ang papel, maagap niya iyong kinuha sa kamay ng anak. Nang makita niyang nag iba ang mood nito at napipinto ang pag iyak ay mabilis niya itong binuhat at hinalikan sa pisngi, natigil naman ang akmang pagtotoyo nito at sumilay ang ilang maliliit at mapup
Pagbukas ng mataas na pinto ng simbahan, bumungad ang napakagandang bride, si Selina. Sa kanyang napakaganda at mamahaling wedding gown, nakataklob ang puting belo, tila ba kumikinang siya sa kagandahang taglay. Nakita niya ang maraming taong dumalo sa importanteng araw na iyon ng kanyang buhay. Nag-umpisang tumugtog ang malamyos na tunog ng piano at kasabay niyon ay nag-umpisa na rin siyang maglakad, natuon ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa harap ng altar. Tumahip ang dibdib niya nang masilayan niya kung gaano kaguwapo ang kanyang groom. Mababakas sa mga mata nito ang pagmamahal at paghanga habang nakatingin sa kanya. Tahimik ang lahat habang nakatayong nakatingin sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang ama at naglakad sila patungo sa altar. Habang papalapit ay hindi na tumigil ang pagkabog ng dibdib niya. Sa wakas kasi ay matutuloy na ang kasal nila ng lalaking mahal niya. "Ingatan mo ang anak ko, Eachen. Mahalin at alagaan mo siya at ang anak ninyo," nakangiting sabi ng ka







