Kabanata 20 : Hangover at Hinala
Habang nakahiga pa si Chase sa kanyang kama, napabuntong-hininga siya at napailing. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit hindi niya matanggal sa isip ang halik na ibinigay niya kay Emma kagabi?Napatingin siya sa alarm clock sa tabi ng kama. Tanghali na. Minsan lang siyang mahuli ng gising, pero kagabi ay napagod siya—hindi lang dahil sa pag-aalaga kay Emma kundi dahil sa paulit-ulit na pag-iisip sa babaeng iyon."Ano ba ‘tong ginagawa mo sa akin, Emma?" bulong niya sa sarili bago siya bumangon. niSa kabilang banda, si Emma ay nagising na may matinding sakit ng ulo. Napangiwi siya at napahawak sa sentido."Ugh… Ayoko na talagang mag-inom," reklamo niya sa sarili habang dahan-dahang bumangon.Napansin niyang suot niya ang isang maluwag na pantulog. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Sino ang nagbihis sa akin?"Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. Naalala niya ang matiKABANATA 21: PILIT NA PAG-IWAS AT ISANG HINDI INAASAHANG PAGTITIPONHindi mapakali si Emma simula nang mangyari ang usapan nila ni Chase kahapon. Pakiramdam niya’y dapat na siyang lumayo, iwasan ang nararamdaman niyang hindi dapat. Pero paano niya gagawin iyon kung nasa iisang bubong lang sila?Habang nasa penthouse, todo iwas siya kay Chase. Pero imposible.Nakaupo si Chase sa couch, iniinom ang kanyang kape. Napatingin ito kay Emma, saka ngumisi. Ang mga mata nito ay tila nagniningning sa kakaibang kislap."Emma, umiwas ka pa. Wala namang nangyari kagabi, pero mukhang guilty ka ah?"Napakurap si Emma. "Anong sinasabi mo? Wala akong iniiwasan.""Talaga? Ang bilis mong tumakbo kanina nang makita mo ako sa kusina.""Ang init kaya ng kape mo! Ayoko lang matalsikan!" Nauutal niyang sagot.Napatawa si Chase. "Ha?! Ang layo mo sa akin tapos takot kang matalsikan? Ang babaw naman ng dahilan mo, Emma.""O baka
Kabanata 22: Lihim na AlingawngawNang makaalis sila sa mansion ng pamilya Donovan, kapwa sila tahimik habang nasa loob ng sasakyan. Hindi na sila nagpaalam nang maayos—isang mabilis na paalam lang kay Anabelle at isang tango kay Don Esteban bago sila umalis. Mas mabuting lumayo agad bago pa sila mapilitang sumagot sa mas maraming tanong.Si Chase mismo ang nagmaneho, halatang gusto niyang makaiwas sa anumang pag-uusisa ng kanyang lolo. Ayaw niyang marinig ang tungkol sa nakaraan niya, lalo na sa mga babaeng na-link sa kanya noon.Napansin ni Emma ang madiing hawak ni Chase sa manibela. Halatang may bumabagabag sa isip nito.“Ayaw mo nang may naririnig tungkol sa nakaraan mo, ano?” casual niyang sabi, pero may bahid ng pagsusuri ang tono niya.Saglit siyang tiningnan ni Chase, bago muling itinuon ang mata sa kalsada. “Hindi naman sa ganun. Pero ayaw kong hinuhusgahan tayo gamit ang mga dating nangyari.”Emma crossed her arms and
Kabanata 23: MULING PagkikitaLumabas si Emma ng penthouse bago pa bumalik si Chase. Ayaw niyang maramdaman ang awkward na tensyon sa pagitan nilang dalawa, lalo na pagkatapos ng nangyari kagabi. Ang halik.Bumuntong-hininga siya habang nasa loob ng taxi. “Hindi ko na dapat iniisip ‘yon.”Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang paraan ng paghawak ni Chase sa kanya, ang init ng labi nito, ang lalim ng titig nito bago siya binitiwan.“Tama na, Emma. Kasunduan lang ‘to.”Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang ituon ang isip sa ibang bagay. Papunta siya ngayon sa isang sikat na café and spa na pagmamay-ari ni Mia. Kailangan niyang mag-relax, kahit saglit lang.---Ang Lihim na Pagtatagpo ni ChaseSamantala, habang si Emma ay abala sa pagpigil sa sarili niyang emosyon, si Chase naman ay nasa isang high-end restaurant sa isang pribadong silid. Sa harap niya, isang babae ang may mahinh
KABANATA 24: ANG DALAWANG MUKHA NG NAKARAAN "Tara na, Mia." Mabilis na hinawakan ni Emma ang braso ni Mia, hindi na nag-aaksaya ng oras. Hindi na niya kayang manatili pa sa lugar na ito. "Sigurado ka bang hindi mo gustong—" "Hindi, Mia," madiing putol niya sa kaibigan. Wala siyang gustong marinig. Wala siyang gustong ipaliwanag ni Chase. Pipigilan sana siya ni Chase, pero bago pa ito makalapit, isang pamilyar na boses ang sumingit sa pagitan nila. "Tagal mong bumalik, Chase." Biglang tumigil si Chase. Si Victoria ay nakatayo sa tabi niya, isang mapanuksong ngiti ang nasa kanyang labi habang nakatitig kay Chase. “Ano bang meron? Bakit parang nagmamadali ka?” Dahil sa pagsingit ni Victoria, hindi na napigilan ni Chase si Emma. At doon tuluyang napagtanto ni Emma ang isang bagay—kasunduan lang talaga sila. Dahil kahit isang hakbang, hindi man lang siya sinundan ni Chase. Hindi siya pinigilan. Hindi niya napigilan ang pait na gumapang sa kanyang lalamunan. Tama na
Kabanata 25: Lasing na KatotohananPauwi sa Condo ni MiaHalos hindi nagsalita si Emma sa buong biyahe pauwi sa condo ni Mia. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, pinapanood ang dumaraang ilaw sa daan, pero sa loob-loob niya, ang isip niya ay nasa loob pa rin ng café na iyon—nasa loob pa rin ng sandaling iyon kung saan hindi siya sinundan ni Chase.Kasunduan lang. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili niya. Pero bakit gano’n? Bakit parang ang sakit?Napansin ni Mia ang katahimikan ni Emma kaya hindi nito napigilang tanungin, “Gusto mo bang pag-usapan?”Napatingin si Emma sa kanya at pilit na ngumiti. “Wala namang dapat pag-usapan.”Napairap si Mia. “Hoy, babae. Huwag mo akong gawing tanga, ha. Nakita ko kung paano mo tiningnan si Chase kanina. At nakita ko rin kung paano siya hindi gumawa ng kahit ano para pigilan ka.”Napakagat-labi si Emma. “Exactly. Hindi niya ako pinigilan.”“Eh ano bang
Kabanata 26: Headlines at Paparazzi Penthouse – Umaga Maagang nagising si Emma dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, agad niyang napansin ang pamilyar na kisame ng sarili niyang kwarto sa penthouse. Napabuntong-hininga siya. At least, nasa sarili niyang kwarto siya. Pero bakit parang may kakaiba? Napatingin siya sa paligid—maayos pa rin ang lahat, maliban sa isang bagay. May isang coat na nakapatong sa gilid ng kama niya. Coat ni Chase. Napakurap siya. Napahawak siya sa sentido nang maramdaman ang matinding sakit ng ulo. "Ugh, anong nangyari kagabi?" Saglit niyang pinikit ang mata at unti-unting bumalik sa kanya ang mga alaala… Si Mia. Ang alak. Si Chase na pilit siyang isinakay sa sasakyan. At— "Oh my God," napamura siya. "Hinila niya ako pauwi!" Bago pa siya makapag-isip nang maayos, may malakas na katok sa pinto niya. "Emma, gising ka na?" Napakagat-labi siya. Napaka-aga para asarin siya ni Chase. "Nagig
Kabanata 27: Apoy sa Kusina > >Tahimik na Biyahe at Lihim na Inis Pagkatapos ng insidenteng kasama sina Victoria at Alessandra, tahimik lang si Emma sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas. Pero sa loob-loob niya, naglalagablab ang inis niya. Kasunduan lang naman ito, ‘di ba? Walang dapat ipagselos. Walang dapat ikagalit. Pero bakit ang bigat sa dibdib niya? Napansin ni Chase ang katahimikan ni Emma kaya nagtanong ito, "Ano na namang iniisip mo?" "Wala," sagot niya, pero halata sa boses niya ang iritasyon. Ngumisi si Chase. "Hindi bagay sa’yo ang nagsisinungaling, sweetheart." Napalakas ang buntong-hininga ni Emma. "Ikaw kaya ang nasa posisyon ko? Magugustuhan mo bang makita ang asawa mo kasama ang exes niya habang pinapalibutan ng paparazzi?" Bahagyang natahimik si Chase, saka tumingin sa kanya. "Kung ako ang nasa posisyon mo? Simple lang. Huwag mo silang pansinin." "Wow, Chase. Ang dali pala ng buhay mo, ano?" Umirap si Emma at tiningnan ulit ang labas ng b
Kabanata 28: Isang Araw na Walang Donovan>> Chase’s Surprise GetawayPagkagising ni Emma, nagulat siya nang makita si Chase sa may kusina, nakapamulsa at nakangiti. Hindi ito nakasuot ng formal suit gaya ng dati, kundi simpleng puting shirt at dark jeans. Mas relaxed. Mas… approachable."Magbihis ka. Lalabas tayo."Napakunot-noo si Emma. "Ha? Saan?""Secret." Ngumisi si Chase. "Basta, walang Donovan Enterprises, walang media, walang istorbo."Napatingin si Emma sa kanya, nag-aalangan. "At bakit ko naman gagawin ‘yan?"Lumapit si Chase, hinawakan ang isang hibla ng buhok niya at dahan-dahang inikot iyon sa daliri. "Kasi kapag hindi ka sumama, dadalhin kita nang sapilitan."Napasinghap si Emma at tinampal ang kamay nito. "Bakit parang ang creepy mo minsan?"Tumawa si Chase. "Minsan lang. Magsuot ka ng komportable. May dadaanan tayong special."Kahit naiinis, hindi maitanggi ni Emma ang exc
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nito—hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellar—panahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouse—isang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder — laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets — alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "What’s this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos — ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: “Paano ako makakalabas sa lahat ng ito?”Bilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito — at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hangin—lahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto na—ang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. “Matagal ko nang hinintay ‘tong sandaling ‘to,” bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila ba’y may tinatagong pagsisisi at takot. “Makikita na rin niya si Amara… ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.” Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. “Chase…” mahinang tawag ng matanda. “D–dad…” Napang