ç»ć
„
Kabanata 1: Ang Huling Pag-asa
"FINAL NOTICE." Napanganga si Emma Sinclair habang nakatitig sa dokumentong hawak niya. Para itong matalim na kutsilyong tumarak sa kanyang dibdib. Kung hindi siya makakabayad sa loob ng tatlumpung araw, tuluyan na siyang mawawalan ng bahayâang tanging natitirang alaala ng kanyang pamilya. Napasinghap siya. Lumabo ang kanyang paningin dahil sa nagbabadyang mga luha. Inulit niyang basahin ang dokumento, pilit na naghahanap ng kahit anong butas o loophole. Baka naman may mali lang siya ng intindi. Baka may paraan pa. Ngunit malinaw at malamig ang nakasulat: "We regret to inform you that due to your failure to settle the remaining balance, the property located at Lot 23, Greenfield Subdivision, Quezon City, will be foreclosed within thirty (30) days." Kasunod nito ang eksaktong halaga ng kanyang pagkakautangâisang numerong imposibleng kitain o makuha ng isang ordinaryong tao sa loob lang ng isang buwan. Nanghina ang kanyang mga tuhod. Napaupo si Emma sa lumang sofa, nanginginig ang mga kamay. "Hindi... Hindi puwedeng mawala sa akin ang bahay na ito," bulong niya sa kawalan. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kahit medyo luma na ang istruktura, bawat sulok ay buhay na buhay sa kanyang alaala. Naroon pa rin ang piano ng kanyang ina, ang mesang kahoy kung saan palaging nagbabasa ng dyaryo ang kanyang ama tuwing umaga, at ang retrato ng kanilang pamilya na nakasabit sa dingding. Iyon ang isa sa iilang bagay na hindi niya ibenenta kahit noong dumaan siya sa pinakamatinding kagipitan. Bumigat ang kanyang dibdib, at tuluyan nang humulagpos ang mga alaala ng nakaraan... Noon, masaya pa ang lahat. "Emma, halika rito! Mainit pa ang bibingka!" Masayang tawag ng kanyang ina habang inilalatag ang bagong lutong kakanin sa hapag-kainan. Agad siyang sumugod sa kusina, kung saan nakangiti ang kanyang ama habang hinahalo ang mainit na tsokolate. "Sweetheart, gusto mo bang maglaro sa labas pagkatapos mong kumain?" tanong nito sabay gulo sa kanyang buhok. "Opo, Daddy!" nakangiting sagot ng batang Emma, habang ang kanyang ina naman ay mahinang humagikgik. "Basta 'wag kang lalayo, ha? Baka mapagalitan ka na naman ng lola mo!" Tawanan. Saya. Pagmamahal. Iyon ang pamilya niya noon. Buo at walang inaalalang problema, dahil mayroon silang matatag na negosyoâang Monte Sinclair CafĂ©, isang sikat na chain ng restaurant sa Maynila na itinayo ng kanyang mga magulang mula sa wala. Lumaki si Emma sa loob ng cafĂ©. Doon siya natutong magbilang gamit ang mga resibo, natutong mag-analisa ng ugali ng tao habang pinapanood ang mga customer, at doon din nalinang ang kanyang talento sa pagkilala ng personalidad ng mga taoâisang kakayahan na nagtulak sa kanya para maging part-time matchmaking consultant noon para sa mga kakilala at kliyente ng cafĂ©. Alam niyang balang araw, sa kanya ipapasa ang negosyo. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat. Nagsimula ang pagbagsak nang madawit ang cafĂ© sa isang malaking food poisoning scandal sa social media. Kahit napatunayang pekeng sabotahe lang ito ng mga kalaban, huli na ang lahat. Unti-unting nalugi ang negosyo. At ang pinakamasakit na dagok ay dumating isang gabing maulan. Nagpaalam ang kanyang mga magulang para sa isang emergency business trip upang isalba ang kumpanya. "Magdasal bago matulog, anak," ang huling bilin ng kanyang ina. Kinabukasan, ang bumubulrat na balita ng isang malubhang aksidente sa kalsada ang nagpabago sa buhay niya habambuhay. Patay ang kanyang mga magulang. Nawala ang kanyang pamilya, nalugi ang negosyo, at naiwan sa kanya ang mga naglalakihang utang. "Hindi ko papayagang mawala pati ang bahay na ito," determinadong bulong ni Emma, pilit na pinatutuyo ang luha habang bumabalik ang kanyang wisyo sa kasalukuyan. Pero paano? Tatlong buwan na siyang walang permanenteng trabaho mula nang tuluyang magsara ang cafĂ©. Sinubukan niyang mag-apply sa kung saan-saan, nagpasa ng resume online, at pumila sa mga job fair gamit ang kanyang karanasan sa customer relations at matchmaking. Ngunit palagi siyang narereject. âIâm sorry, Miss Sinclair, but we need someone with more high-profile experience.â âWeâll just call you.â Habang nakaupo sa sala at tila nawawalan na ng pag-asa, biglang sumigaw sa ingay ang kanyang cellphone. Isang hindi pamilyar na numero ang nakarehistro sa screen. Dali-dali niya itong sinagot. "Hello, this is Emma Sinclair speaking." "Good evening, Miss Sinclair," sagot ng isang malalim, baritono, at pormal na boses sa kabilang linya. "I received your application for the VIP Matchmaking position. Are you available for an interview tomorrow at 9:00 AM at Donovan Enterprises?" Nanlaki ang mga mata ni Emma. Donovan Enterprises?! Ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang conglomerate sa bansa! Napakapit siya nang mahigpit sa telepono. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong ugali ng mga bilyonaryong kliyente doon, pero isa lang ang sigurado niyaâito na ang kanyang huling pag-asa para mailigtas ang kanilang tahanan. At wala siyang balak mabigo.Kabanata 105 â Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga itoâpatuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.âSa Quezon City po,â mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahatâang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na itoâang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k
Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan â puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.âChase, please,â pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. âMukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng âyon?âBawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.âEmma, hindi ko na kaya ito.âSa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon
CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narratorâs POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay âpasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.âPero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase â isang gabi ng katotohanan.---(Chaseâs POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square â kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.âHanda na po ang lahat,
CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chaseâs POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel â pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.âGood morning, Sir Donovan!ââWelcome back, Sir!âNgumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay â at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.âMorning, boss,â bati niya, bitbit ang folder. âNarito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.âInabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.âMay nakitang kakaiba?â tanong ko.âWala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.âTumaas ang k
CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi Tulog Tahimik ang gabi sa Donovan estate. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat â ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan. --- (Chaseâs POV) Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin. Na hindi pa tapos ang laban. Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis. Hindi siya ordinaryo. Trained. At higit sa lahatâmay koneksyon sa loob. âVictoriaâŠâ mahinang sambit ko. Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik siyang lumapit at inilapag iyon sa tabi ko. âHindi ka pa rin nat
CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhanâunang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanilaâkilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. âBang!â Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha
KABANATA 78âPakiramdam ng PagkawalaâMabilis ang lakad ni Emma habang nililingon-lingon ang kanyang likuran. Hindi niya alam kung sinusundan siya ni Chase, pero ang tibok ng kanyang puso ay parang sinisigaw ang takot na baka kunin nito si Amara. Hindi pa siya handa. Hindi pa ni
Kabanata 76 : "Lihim sa Likod ng Kalikasan"Dumaan ang ilang buwan at si Chase ay nakatanggap ng alok mula sa isang businessman na nagbenta ng lupa sa Southern Leyte. Hindi sana siya magiging interesado, ngunit nang malaman niya ang potensyal ng lugar para sa pagpapalawak ng kanyang nego
Kabanata 77 " ANAK KO BA?" Southern Leyte.Mula sa sandaling nalaman ni Chase kung nasaan si Emma, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinawagan ang kanyang tauhan."Ihanda agad ang private jet. Pupunta ako ng Southern Leyte. Walang delay.""Yes, sir
Kabanata 75: âAsawang Walang AsawaâTahimik ang gabi. Sa isang condo unit sa Taguig, nakaupo si Victoria sa gilid ng kama, suot pa rin ang wedding dress niya. Ang mamahaling tela ng gown ay tila isang bigat sa kanya, isang pabigat na hindi kayang itago ng lahat ng palamuti at magaga







