Teilen

Chap 2

last update Veröffentlichungsdatum: 12.03.2025 16:52:47

Kabanata 2: Ang Rejection at ang Gabi ng Kasalanan

9:00 AM – Donovan Enterprises Lobby

Ang malamig na simoy ng air conditioning ay dumampi sa balat ni Emma nang pumasok siya sa magarang lobby ng Donovan Enterprises. Mula sa makintab na marmol na sahig hanggang sa mga modernong chandelier na nakasabit sa mataas na kisame, lahat ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.

Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang folder. Naroon ang kanyang resume at portfolio. Matapos malugi ang café ng mga magulang niya, naging freelance matchmaking consultant siya sa loob ng tatlong taon para mabuhay at mabayaran ang ilang utang, kaya alam niyang may ibubuga siya. Ito na ang pinakamalaking oportunidad sa kanyang karera.

Dumiretso siya sa receptionist na pormal na pormal ang kasuotan. "Good morning, I’m Emma Sinclair. I have an interview for the VIP Matchmaking position."

Ngumiti ang receptionist nang propesyonal. "Please take a seat, Miss Sinclair. Someone will call you shortly."

Habang nakaupo sa waiting area, pinilit ni Emma na pakalmahin ang nagwawalang kaba sa kanyang dibdib. Hindi lang ito simpleng trabaho—ito ang magiging salbabida niya para hindi maremata ang kanilang bahay.

Ilang minuto lang ang lumipas nang lumapit ang isang lalaking may hawak na clipboard.

"Miss Sinclair? This way, please."

Ang Interview

Pumasok si Emma sa isang malawak na conference room kung saan naghihintay ang tatlong executives na mukhang bihasa sa pagpili ng pinakamagagaling sa industriya.

"Miss Sinclair," bati ng isang babaeng nasa late forties, halatang senior executive. "Tell us why Donovan Enterprises should hire you."

Napakagat-labi si Emma bago lakas-loob na sumagot. "I’ve been a matchmaking consultant for the past three years. I specialize in understanding human psychology and finding deep, meaningful connections. My experience has helped me successfully pair over a hundred clients—many of whom are ngayon ay masayang mag-asawa na."

Nagpalitan ng tingin ang mga executives. Isa sa kanila ang sumuri sa kanyang resume. "Impressive numbers, Miss Sinclair. But we cater to a very exclusive clientele. Most of our VIPs require matches within the elite circle—business magnates, old-money families. Do you have high-profile connections to source your pool?"

Dito natigilan si Emma. Ang mga naging kliyente niya noon ay mga ordinaryong propesyonal at mga dating suki lang ng kanilang café. Wala siyang marangyang koneksyon.

"I may not have elite connections right now," pag-amin niya, pero pinanatili ang tingin sa kanila. "But wealth and social status don't guarantee compatibility. Real relationships are built on trust and psychological alignment. That’s what I bring to the table—the ability to see beyond the money."

Tumingin sa kanya ang senior executive na babae, malamig ang mga mata at halatang hindi na-impress. "We’ll get back to you, Miss Sinclair. Thank you for your time."

At ganoon lang kabilis—natapos ang kanyang huling pag-asa.

Ang Frustration at ang Bar Scene

Nasa isang sikat ngunit dim-lit bar si Emma nang gabing iyon, nag-iisa sa isang madilim na sulok habang iniikot-ikot ang baso ng cocktail. Hindi siya mahilig uminom, pero sa gabing ito, parang sasabog ang dibdib niya sa bigat. Ang rejection mula sa Donovan Enterprises ay tila huling pako sa kabaong ng kanyang mga pangarap.

"Saan ba ako nagkamali?" bulong niya sa sarili, sabay tungga sa alak. Ramdam na niya ang bahagyang pag-ikot ng paligid dahil sa pangatlong baso.

"Mukhang hindi ka masaya sa gabi mo."

Napalingon si Emma sa kanyang tabi. Isang lalaki ang umupo sa katabing stool. Matangkad, matipuno, at may presensiyang hindi basta-basta. Dahil sa sobrang dilim ng bar at sa neon lights na patay-sindi, hindi niya maaninag nang buo ang mukha nito—basta ang alam niya, nakasuot ito ng mamahaling dark suit at may amoy na halo ng mamahaling pabango at alak.

Bahagyang napatawa si Emma dahil sa tama ng alak. "Hindi ko lang akalain na ganito kahirap maghanap ng tamang trabaho."

"At ako naman, hindi ko akalain na ganito kahirap maghanap ng tamang tao," sagot ng lalaki, sabay lagok sa kanyang whiskey. Puno ng pagod at frustration ang malalim nitong boses.

"Sounds like a rich man’s problem," biro ni Emma, medyo gumaan ang pakiramdam dahil may karamay siya sa stress.

"Trust me, it’s worse than it sounds," sagot ng lalaki. "May mga obligasyon sa buhay na kahit anong gawin mo, hindi mo matatakasan."

Nag-order pa sila ng alak. Isa. Dalawa. Habang lumalalim ang gabi, ang dalawang taong parehong gipit sa kani-kanilang problema ay naghanap ng kapanatagan sa isa't isa. Ang alkohol ay tuluyang lumason sa kanilang lohika, at ang frustration ay napalitan ng isang biglaang pagnanasa.

"Alam mo..." bulong ni Emma, habang ang kanyang ulo ay bahagyang nakasandal na sa balikat ng lalaki. "Hindi ko naman talaga ginagawa 'to. Ang makipag-usap sa estranghero..."

"Estranghero?" ulit ng lalaki, ang boses ay naging paos at puno ng akit. Dahan-dahan nitong hinawakan ang baba ni Emma sa gitna ng kadiliman. "Pagkatapos ng gabing ito, hindi na tayo estranghero."

At bago pa nila namalayan, nagdikit ang kanilang mga labi. Isang halik na puno ng desperasyon at gutom—kapwa gustong makalimot sa malupit na realidad ng mundo.

Ang Gabi at ang Umaga Matapos ang Lahat

Hindi na matandaan ni Emma kung paano sila nakarating sa isang madilim na hotel room. Ang alam lang niya, sa ilalim ng kumot at sa gitna ng kawalan ng liwanag, isinuko niya ang isang bagay na matagal niyang iniingatan sa isang lalaking hindi niya man lang kilala.

Nang magising si Emma kinaumagahan, sinalubong siya ng malamig na hangin ng aircon. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na-realize na hindi niya ito kwarto. Napabalikwas siya ng bangon, hawak ang kumot sa kanyang dibdib.

Nilingon niya ang lalaking natutulog sa tabi niya. Nakadapa ito at natatakpan ng braso ang mukha, kaya hindi niya pa rin ito makilala nang buo. Nakaramdam si Emma ng matinding takot at hiya.

Mabilis siyang bumangon, pinulot ang mga damit sa sahig, at nagmadaling lumabas ng hotel nang hindi gumagawa ng ingay. Pagdating sa kalsada, doon lang bumuhos ang kanyang luha.

“Ano’ng ginawa ko? I just lost my virginity… to a stranger.”

Ilang minuto matapos makaalis si Emma, dahan-dahang nagising si Chase Donovan. Napahawak siya sa kanyang kumitikit na sentido dahil sa hangover.

"Damn… That was unexpected," bulong niya sa sarili. Hindi niya maalala ang mukha ng babae dahil sa sobrang kalasingan at dilim kagabi, pero may isang bagay na tumatak sa kanya—ang amoy nito. Isang pamilyar na tamis na may kasamang scent ng lavender at kape.

Bumangon siya at napansin ang isang maliit na scarf na naiwan sa gilid ng unan. Kinuha niya ito at inamoy. "That scent… I definitely know this."

Habang inaayos ang kumot, natigilan si Chase nang makita ang isang maliit na mantsa ng dugo sa puting bedsheet. Naningkit ang kanyang mga mata.

Birhen ang babaeng 'yon.

At ngayon, tinakbuhan siya nito pagkatapos ng nangyari. Napahawak si Chase sa kanyang batok. Gusto niya itong ipahanap sa kanyang mga tauhan, pero naalala niyang may mas malaking problema siyang dapat harapin sa opisina ngayon—ang ultimatum ng kanyang lolo.

Inilagay niya ang scarf sa loob ng kanyang bulsa. "Sino ka ba talaga?"

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [105]

    Kabanata 105 – Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga ito—patuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.“Sa Quezon City po,” mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahat—ang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na ito—ang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [104]

    Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan — puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.“Chase, please,” pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. “Mukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng ‘yon?”Bawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.“Emma, hindi ko na kaya ito.”Sa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [103]

    CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narrator’s POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay “pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.”Pero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase — isang gabi ng katotohanan.---(Chase’s POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square — kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.“Handa na po ang lahat,

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [102]

    CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [101]

    CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi Tulog Tahimik ang gabi sa Donovan estate. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat — ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan. --- (Chase’s POV) Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin. Na hindi pa tapos ang laban. Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis. Hindi siya ordinaryo. Trained. At higit sa lahat—may koneksyon sa loob. “Victoria…” mahinang sambit ko. Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik siyang lumapit at inilapag iyon sa tabi ko. “Hindi ka pa rin nat

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [100]

    CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (70)

    Kabanata 70 – Paglaho ng Pag-asa at Paghahanap ng PagkakataonHabang patuloy na tinatanggap ni Chase ang mga tawag, mensahe, at responsibilidad ng negosyo, ang isang hindi matanggal-tanggal na thought sa kanyang isipan ay si Emma. Ang mga alaala nila ay tumatak sa kanyang puso at isipan.

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (69)

    Kabanata 69 – Mga Pagdududa at DesisyonMatapos ang mga linggong puno ng abala at pagpapasya sa kumpanya, si Chase Donovan ay naupo sa kanyang opisina, nag-iisa, at iniisip ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga papel na nakakalat sa lamesa—m

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (68)

    Kabanata 68 – Buhay ng Bagong SimulaNasa isang tahimik na baryo sa Southern Leyte, patuloy na nagbabago ang buhay ni Emma. Habang pinapanday ang araw-araw na rutina, siya at si Mia ay nagsusumikap sa kanilang negosyo ng ihawan. Ang simpleng buhay sa probinsya ay nagbigay ng kapayap

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (67)

    Kabanata 67 – Bagong SimulaSa wakas, nakalayo rin si Emma sa magulong lungsod. Sa dami ng sugat sa puso at isip, tanging ang katahimikan lang ng probinsya ang maaaring makapagpagaling sa kanya. Kaya nang inalok siya ni Mia na pansamantalang mamalagi sa Southern Leyte, hindi na siya

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status