Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.
Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.
Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?
Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.
Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.
Suot nito ang isang puting suit na perpektong nakalapat sa matipuno nitong pangangatawan. Mukhang maamo ang mukha nito, pero ang tindig at awra ay nagsisigaw ng kapangyarihan. Para itong isang hari na naghihintay ng kanyang reyna.
Napalunok si Aliyah. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya?
Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan, hindi makagalaw. May kung anong hindi niya maipaliwanag na kaba ang bumalot sa kanya. Dahil ba iyon sa paghanga niya kay Conner? O dahil sa matinding katotohanang ilang minuto na lang, magiging opisyal na silang mag-asawa?
Napatingin si Conner sa kanya at isang mabagal, sinserong ngiti ang gumuhit sa labi nito. Para bang sinasabi nitong alam nito ang tumatakbo sa isip niya.
"You look stunning," anito, malalim ang boses, puno ng kasiguraduhan.
Muli siyang napalunok. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong init ang gumapang sa kanyang katawan.
Kailangan niyang manatiling kalmado.
Kailangan niyang ipaalala sa sarili na laro lang ito.
Isang kasunduan.
Walang emosyon.
Ngunit bakit parang hindi ganoon kadali?
Nang tuluyan siyang makalapit kay Conner, iniabot nito ang kamay sa kanya. Nag-atubili siya sandali bago niya iyon hinawakan. Mainit ang palad nito, malakas at matatag ang pagkakahawak—tila isang tahimik na pahiwatig na mula ngayon, magkasama na sila sa kasunduang ito, sa isang relasyong walang kasiguraduhan.
Sa marangyang sala ng bahay ni Conner, ang dating malamig at eleganteng espasyo ay napuno ng puting bulaklak, mahahabang kandila, at malalambot na kurtinang bumagay sa okasyon. Hindi man engrande tulad ng isang tradisyonal na kasal, sapat na ito upang ipaalala kay Aliyah kung ano ang mangyayari sa mga susunod na sandali—ang pagsisimula ng isang kasunduang kasal na itinakda hindi ng pagmamahal, kundi ng pangangailangan.
Sa gitna ng silid, naroon ang isang Judge, nakasuot ng pormal na amerikana, tangan ang ilang papeles na malapit nang lagdaan. Sa tabi nito ay dalawang lalaki—mga taong halatang may mataas na posisyon, hindi lang sa buhay kundi sa buhay ni Conner.
"Aliyah," tawag ni Conner, mahina pero puno ng awtoridad. Ipinakilala nito ang dalawang lalaki. "This is Mr. Salvador, my secretary, and Atty. Ramirez, my lawyer. Sila ang magsisilbing saksi sa kasal natin."
Tumango siya bilang pagbati, pilit na pinapanatili ang neutral na ekspresyon sa mukha. Wala siyang balak ipakita ang alinman sa mga emosyon niyang bumabagabag sa kanya.
Tahimik niyang sinuri ang paligid. Ang lahat ay masyadong perpekto, masyadong planado—tila walang puwang para sa alinlangan o pagsisisi.
Nagsimula ang seremonya ng kanilang kasal. Habang binibigkas ng Judge ang mga legal na salita na mag-uugnay sa kanila ni Conner bilang mag-asawa, naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay. Parang hindi totoo. Parang isang panaginip na hindi niya alam kung isang magandang panaginip o isang bangungot na hindi niya na mahihinto.
Tahimik siyang nakinig, sinisikap na panatilihin ang panlabas na kalmado habang sa loob niya, parang may naglalabang emosyon. Galit, panghihinayang, takot—at isang hindi maipaliwanag na kilabot na dulot ng presensya ni Conner.
Napalingon siya rito nang may inilahad ito—isang kahon na naglalaman ng isang pares ng wedding rings.
Napasinghap siya. Hindi niya inaasahan ito. Bakit tila masyadong planado ang lahat para sa isang kasal na nagsimula lang sa isang kasunduan? Kailan pa nito inihanda ang mga iyon? At higit sa lahat, bakit parang mas seryoso ito kaysa sa inaasahan niya?
Ngunit wala na siyang oras para magtanong. Kinuha ni Conner ang kanyang kamay at marahang isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Naramdaman niya ang bahagyang pagkislot ng kanyang mga daliri, ngunit hindi siya umatras. Nang siya naman ang magsuot ng singsing sa lalaki, saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang matinding emosyon ang dumaan sa titig ni Conner—isang bagay na hindi niya mabasa, hindi niya maintindihan.
At pagkatapos, dumating ang sandaling pinakaikinabahala niya.
"You may now kiss the bride."
Napatigil siya. Napatingin sa Judge, saka kay Conner.
Kasalanan niya ba kung bakit bigla siyang nataranta? Naalala niya ang halik nito sa kusina—ang paraan ng paghawak nito sa kanya, ang init ng mga labi nito, ang kakaibang epekto ng presensya nito sa kanya.
Pero iba ito. Iba ang sitwasyon ngayon.
Nang dahan-dahang lumapit si Conner, parang biglang bumagal ang mundo. Isinapo nito ang palad sa kanyang pisngi, ang haplos nito ay hindi niya maintindihan kung banayad o mapang-angkin. Ramdam niya ang init ng kamay nito sa kanyang balat, at sa saglit na iyon, nakalimutan niya kung paano huminga.
Hanggang sa tuluyan nang lumapat ang labi nito sa kanya.
Magaan, parang pagsasaliksik. Hindi mapilit, ngunit sapat upang palipasin ang anumang pag-aalinlangan niya. Isang masuyong halik, ngunit may kung anong mapanganib na pangako sa likod nito.
At doon siya nagkamali.
Dahil hindi niya inaasahan ang sarili niyang reaksyon.
Imbes na umurong, naramdaman niya ang sariling tumutugon sa halik nito. Parang hindi siya ang dating si Aliyah na laging nagpipigil ng damdamin. Parang wala na siya sa sarili nang kusa niyang ikinawit ang kanyang mga braso sa leeg ng kanyang asawa.
Napasinghap si Conner sa naging tugon niya. At bago pa niya maisipang umurong, hinapit siya nito sa baywang—mahigpit, mapang-angkin. Pinalalim nito ang halik, at doon niya naramdaman ang kakaibang kilabot na dumaloy sa kanyang katawan.
Ang dapat sanang isang simpleng halik bilang pagsunod sa tradisyon ay naging isang bagay na hindi nila inaasahan—isang halik na may dalang pagsisindi ng apoy.
Nakalimutan niyang may ibang tao sa paligid.
Nakalimutan niyang isang kasunduan lang ang kasal na ito.
Dahil sa mga sumunod na segundo, ang tanging alam niya ay ang init ng halik ni Conner at ang nakakabaliw na katotohanang ngayon, opisyal na siyang pag-aari nito.
SIMULA nang gabing iyon sa hotel, sinimulan nang iwasan ni Aliyah si Conner. Mas pinili niyang lumayo bago mahulog nang tuluyan sa lalaking hindi naman habang buhay na magiging kanya. May kasunduan lang sila kaya sila nagpakasal.Hindi na niya madalas naiisip si Benedict—sa katunayan, batid niyang tuluyan na siyang naka-move on. Wala na ang sakit. Wala na ang pait. Pero may isang bagay na mas mahirap aminin...Si Conner na ang pumalit sa puwang na iniwan ni Benedict sa puso niya.At nangyari iyon nang hindi niya namamalayan.Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Alam niyang hindi ito dapat mangyari. Hindi puwedeng mangyari. Kailangan niyang tigilan. Kaya mas pinili niyang umiwas bago pa siya tuluyang mahulog—bago pa siya masaktan. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon, ay masasaktan na naman siya, at paniguradong wala nang Conner na dadating para saklolohan siya.Pero hindi madali ang umiwas, lalo na't magkasama silang natutulog sa iisang kama, sa iisang bubong sila nakatira. Nand
Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu