Share

Chapter 9

Author: vixenriego
last update Last Updated: 2025-05-15 19:48:26

SIMULA nang gabing iyon sa hotel, sinimulan nang iwasan ni Aliyah si Conner. Mas pinili niyang lumayo bago mahulog nang tuluyan sa lalaking hindi naman habang buhay na magiging kanya. May kasunduan lang sila kaya sila nagpakasal.

Hindi na niya madalas naiisip si Benedict—sa katunayan, batid niyang tuluyan na siyang naka-move on. Wala na ang sakit. Wala na ang pait. Pero may isang bagay na mas mahirap aminin...

Si Conner na ang pumalit sa puwang na iniwan ni Benedict sa puso niya.

At nangyari iyon nang hindi niya namamalayan.

Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.

Alam niyang hindi ito dapat mangyari. Hindi puwedeng mangyari. Kailangan niyang tigilan. Kaya mas pinili niyang umiwas bago pa siya tuluyang mahulog—bago pa siya masaktan. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon, ay masasaktan na naman siya, at paniguradong wala nang Conner na dadating para saklolohan siya.

Pero hindi madali ang umiwas, lalo na't magkasama silang natutulog sa iisang kama, sa iisang bubong sila nakatira. Nand
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   Chapter 9

    SIMULA nang gabing iyon sa hotel, sinimulan nang iwasan ni Aliyah si Conner. Mas pinili niyang lumayo bago mahulog nang tuluyan sa lalaking hindi naman habang buhay na magiging kanya. May kasunduan lang sila kaya sila nagpakasal.Hindi na niya madalas naiisip si Benedict—sa katunayan, batid niyang tuluyan na siyang naka-move on. Wala na ang sakit. Wala na ang pait. Pero may isang bagay na mas mahirap aminin...Si Conner na ang pumalit sa puwang na iniwan ni Benedict sa puso niya.At nangyari iyon nang hindi niya namamalayan.Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Alam niyang hindi ito dapat mangyari. Hindi puwedeng mangyari. Kailangan niyang tigilan. Kaya mas pinili niyang umiwas bago pa siya tuluyang mahulog—bago pa siya masaktan. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon, ay masasaktan na naman siya, at paniguradong wala nang Conner na dadating para saklolohan siya.Pero hindi madali ang umiwas, lalo na't magkasama silang natutulog sa iisang kama, sa iisang bubong sila nakatira. Nand

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   CHAPTER 9

    Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   CHAPTER 8

    Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   CHAPTER 7

    Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   CHAPTER 6

    Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka

  • ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN   CHAPTER 5

    Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status