Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.
Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.
Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.
Ano na ang susunod na mangyayari?
Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.
Ang natitira na lang... ang honeymoon.
Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.
Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?
"Kanina ka pa tahimik. Ano'ng iniisip mo?"
Napapitlag siya nang marinig ang mababang tinig ni Conner. Malamig, ngunit may bahagyang amusement na gumapang sa ilalim ng kanyang mga salita. Napatingin siya rito—mali. Mali ang ginawa niya, dahil sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, parang biglang humigpit ang tanikala sa kanyang dibdib.
Nakataas ang isang kilay ni Conner, nakakunot nang bahagya ang noo, ngunit nasa mga mata nito ang isang nakakalokong ngiti—isang ekspresyon na parang sinasabi niyang alam na niya ang iniisip niya kahit hindi pa siya nagsasalita.
Napalunok si Aliyah nang lumapit ito sa kanya. Mabagal. Sinadya.
Parang isang lobo na nag-aabang, matiyagang pinapanood ang kanyang bibiktimahin.
Nagpatuloy ito sa paglapit, hindi bumibitaw sa pagkakatitig sa kanya. Hanggang sa ang pagitan nila ay halos wala nang espasyo. Inilagay nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya, itinutukod ang mga palad sa kama.
Pinapalibutan siya.
Napasinghap siya nang bumaba ang mukha nito palapit sa kanya, halos magkadikit na ang kanilang mga ilong.
Mabilis niyang naamoy ang mamahaling pabango ni Conner—mainit, lalaking-lalaki, at nakalalasing.
Hindi siya makahinga.
"C-Conner..."
Tumaas ang isang kilay nito, ngunit ang ngiti sa labi ay hindi nawala.
"Hmmm? What is it?" tanong niya, mababa ang tinig, bahagyang paos, na parang isang bulong na dumiretso sa pandinig niya.
Sa sandaling iyon, napansin niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang labi.
Parang may nagbago sa ekspresyon ni Conner—may isang anino ng emosyon na dumaan sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi niya mabasa.
Dahil doon, lalong naging mahirap para kay Aliyah ang paghinga.
At bago pa niya mapigilan ang sarili, lumabas ang mga salitang hindi niya inakalang masasabi niya.
“M-mag... mag-ha-honeymoon ba tayo?”
Walang ingay sa loob ng ilang segundo.
Napakurap si Conner, tila nagulat sa tanong niya.
Hanggang sa isang malalim at buo niyang tawa ang pumuno sa silid.
Napapitlag si Aliyah. Hindi niya inaasahang tatawa ito. At hindi lang basta tawa—ito ay isang halakhak na malaya, walang bahid ng sapilitan o pag-aalinlangan.
Para bang may kung anong pader ang bumagsak sa pagitan nila.
Nanlaki ang mga mata niya habang pinapanood ito, hindi alam kung paano magre-react.
Sa unang pagkakataon, nakita niya ang isang ibang bersyon ni Conner—hindi ang seryoso, hindi ang malamig. Ngunit isang lalaking tunay na natatawa, tila bumata ng ilang taon dahil sa ngiti sa kanyang labi.
Bakit parang… nakakagulo iyon sa kanyang isipan?
Napasinghap siya nang bigla itong yumuko, mas inilapit pa ang mukha sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito, ngunit sa pagkakataong ito, may kung anong matalim sa tingin nito—isang bagay na nagpainit sa kanyang balat.
"Gusto mo bang malaman ang sagot?"
Isang bulong. Mababang-mababa.
Napalunok siya, ramdam ang hininga nito sa kanyang balat.
Hindi siya makagalaw.
"Bakit mo naitanong 'yan, hmm?" usisa ni Conner, pinapanood ang bawat pagbabago sa ekspresyon niya.
Pilit siyang lumunok, pero nanunuyo ang kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi niya magawang iwasan ang titig nito.
"I-I just thought..."
Pero hindi na niya natapos ang sasabihin.
Dahil biglang dumampi ang daliri ni Conner sa kanyang baba, pinilit siyang manatiling nakatingin dito.
"Hmm? You just thought what?"
Mahina ang tono nito, ngunit may bahid ng amusement. Ngunit sa ilalim ng panunukso, may isang bagay pang mas malalim—isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya, pero nasabi na lang niya, "Na baka... iyon ang hinihintay mo."
At sa isang iglap, may nagbago.
Nawala ang ngiti sa labi ni Conner.
May isang matinding emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata, isang bagay na nagpabilis ng tibok ng puso ni Aliyah.
Matagal siyang tinitigan nito, bago dahan-dahang itinaas ang kamay at hinaplos ang gilid ng kanyang mukha.
Malamig ang kanyang daliri, ngunit ang haplos nito ay hindi.
Hindi siya lumayo.
Hindi siya umiwas.
Maril na sinag nito ang kaba sa kanyang mga mata dahil lumamlam ang mga titig nito at bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Conner. Nananatili ang ngiti sa kanyang mga labi, ngunit sa likod nito, may dumapong kakaibang titig sa kanyang mga mata—parang nag-aalangan, ngunit may kung anong lihim na damdaming itinatago.
Tahimik. Sila lang dalawa, kapwa natatangay ng bigat ng katahimikan. Tanging ang bahagyang tunog ng kanilang paghinga at ang malakas na pintig ng puso ni Aliyah ang naririnig niya. Para bang ang bawat segundo ay bumibigat, hinihila siya sa isang mundo kung saan hindi niya alam kung paano gagalaw.
At sa isang iglap, nagsalita si Conner—mababa, halos isang bulong.
"Aliyah... Hindi mo kailangang matakot sa akin."
Napasinghap siya. Parang lumambot ang kanyang loob sa tono ng boses nito—hindi nagbabantang, hindi nananakot. Bagkus, may bahid ng pang-unawa.
Ngunit bago pa siya makasagot, may ginawa si Conner na hindi niya inaasahan.
Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya, hindi inaalis ang titig sa kanyang mga mata. Para bang binabasa nito ang bawat damdaming nakatago sa kanya, sinusuri kung ano ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung lalayo siya o maghihintay. At sa pagitan ng sandaling iyon—nag-aalangan, hindi sigurado kung ano ang susunod na mangyayari—tila tumigil ang mundo para sa kanilang dalawa.
Mainit ang presensya ni Conner, isang hindi matakasan na puwersa. Ang pabango nito—lalaking-lalaki, mainit, nakalalasing—ay pumapalibot sa kanya, hinahaplos ang kanyang pandama. Hindi siya sigurado kung ito ba ay dala ng kaba o ng isang bagay na mas malalim pa, isang bagay na hindi niya kayang pangalanan.
"Aliyah..." muling bulong ni Conner, halos magdampi na ang kanilang mga labi.
Napapikit siya, naghihintay. Ngunit hindi dumating ang halik na inaakala niya.
Sa halip, naramdaman niya ang marahang pagdampi ng daliri nito sa kanyang pisngi, para bang tinutuklas ang bawat linya ng kanyang mukha. Isang mahinang buntong-hininga ang kumawala sa kanyang mga labi, at sa sandaling iyon, binuksan niya ang kanyang mga mata.
Nakatitig si Conner sa kanya, ngunit iba na ang ekspresyon nito. Wala na ang panunukso, wala na ang amusement. Sa halip, may matinding emosyon sa mga mata nito—isang bagay na hindi niya lubos maunawaan.
At pagkatapos, sa isang sandaling punong-puno ng hindi maipaliwanag na tensyon, marahang nagsalita si Conner.
"Hindi kita pipilitin."
Mababaw ngunit matatag ang tinig nito, tila isang pangako.
Parang may bumigat sa dibdib ni Aliyah. May isang bahagi sa kanya na tila naghintay sa hindi niya maipaliwanag na bagay. At may isang bahagi ring gustong intindihin kung ano ang ibig sabihin ng titig ni Conner—ang lalim, ang lungkot, at ang pag-aalangan sa likod ng matigas nitong panlabas.
Pero bago pa siya makahanap ng sagot, dahan-dahan nitong inilayo ang sarili, binibigyan siya ng espasyo.
"Magtulog ka na, Aliyah."
Isang segundo siyang natigilan.
Iyon lang ba?
Ang daming tanong ang bumangon sa kanyang isipan, ngunit wala siyang lakas upang itanong ang alinman. Sa halip, nanatili lang siyang nakaupo sa kama, pinagmamasdan ang papalayong pigura ni Conner.
At sa kabila ng lahat, habang lumalayo ito, may kung anong panghihinayang ang bumalot sa kanyang puso.
Bakit parang may mali?
Hindi niya alam kung bakit.
At hindi niya rin alam kung kailan niya makikita ang sagot.
Napatitig siya rito. Nakatayo si Conner sa tabi ng aparador, marahang tinatanggal ang natitirang butones ng kanyang polo. Pero kahit abala ito sa ginagawa, halatang iniwasan siyang tingnan. May bumigat sa kanyang kilos—hindi tulad kanina. Parang may pinipigilang emosyon, isang bagay na hindi nito kayang ipakita.
Hindi niya napigilang magsalita.
"Conner..."
Saglit itong natigilan, waring pinag-iisipan kung lilingon ba o hindi. Ngunit sa huli, dahan-dahan siyang tiningnan.
"Bakit?"
Walang emosyon ang tinig nito, pero sa kabila ng malamig nitong tono, may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mata.
Napakurap si Aliyah. Hindi niya rin alam kung bakit niya ito tinawag. Gusto niyang itanong kung bakit ito lumayo. Kung bakit ito huminto. Kung bakit tila siya lang ang nakaramdam ng panandaliang pagkawala nang bigla itong umatras.
Pero sa huli, iba ang lumabas sa kanyang bibig.
"Matutulog ka ba agad?"
Isang pilit na tanong. Halatang hindi iyon ang tunay niyang nais sabihin.
Napangiti si Conner—pero hindi iyon yung tipikal na ngiti niyang puno ng panunukso. Ito ay isang tipid na ngiti, isang ngiting may bahid ng pagod at isang bagay na hindi niya mabasa.
"Bakit? Gusto mo pa akong kausapin?"
May hamon sa tinig nito, ngunit wala roon ang dating mapanuksong lambing.
Nag-aalangan si Aliyah. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Ano ba ang gusto niyang marinig mula rito?
Hindi niya alam.
Sa huli, marahan siyang umiling. "Wala lang."
Ilang segundo siyang tinitigan ni Conner, para bang binabasa ang kanyang mukha, ngunit hindi na ito nagtanong pa. Tumalikod ito at dumiretso sa banyo, marahang isinara ang pinto.
At nang maiwang mag-isa sa tahimik na silid, hindi maiwasan ni Aliyah ang isang katotohanang unti-unting bumabalot sa kanya.
Hindi ito basta-bastang kasal.
At hindi rin basta-basta lang si Conner sa kanya.
Naiwang nakahiga si Aliyah sa kama, nakatitig sa kisame habang pilit pinapakalma ang sarili. Pero paano? Hindi niya maintindihan ang mga damdaming nagsisiksikan sa kanyang dibdib—ang kaba, ang pag-aalinlangan, at ang hindi maipaliwanag na lungkot na tila lumulukob sa kanya.
Kasunduan lang ang kasal nila. Isang pirma sa papel, isang pangakong may taning—dalawang taon. Pagkatapos noon, pareho silang magpapatuloy sa kanya-kanyang buhay na parang walang nangyari.
Dapat ay ganoon lang kasimple.
Pero bakit parang may bumabagabag sa kanya?
Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo, agad siyang napalingon.
Lumabas si Conner, bagong paligo, nakasuot ng maluwag na puting shirt at pajama. Napalunok siya nang makita ang patak ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang buhok, pababa sa matigas nitong panga. Isang patak ang bumagsak sa kanyang collarbone bago ito agad pinunasan ng tuwalya.
Para bang isang panaginip ang eksenang nasa harapan niya—malinaw, ngunit hindi niya mahawakan.
Tahimik lang itong naglakad papunta sa kabilang gilid ng kama. Hindi siya nito tiningnan. Hindi man lang nagsalita.
At hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong kirot siyang naramdaman doon.
Nahiga si Conner, tumalikod sa kanya, at bahagyang ipinikit ang mga mata.
"Good night, Aliyah."
Tahimik lang siyang nakatitig sa likod nito. Gusto niyang magsalita, pero sa huli, bumuntong-hininga siya at mahinang sumagot.
"Good night, Conner."
Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, pilit na itinataboy ang magulong damdaming bumabalot sa kanya.
SIMULA nang gabing iyon sa hotel, sinimulan nang iwasan ni Aliyah si Conner. Mas pinili niyang lumayo bago mahulog nang tuluyan sa lalaking hindi naman habang buhay na magiging kanya. May kasunduan lang sila kaya sila nagpakasal.Hindi na niya madalas naiisip si Benedict—sa katunayan, batid niyang tuluyan na siyang naka-move on. Wala na ang sakit. Wala na ang pait. Pero may isang bagay na mas mahirap aminin...Si Conner na ang pumalit sa puwang na iniwan ni Benedict sa puso niya.At nangyari iyon nang hindi niya namamalayan.Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Alam niyang hindi ito dapat mangyari. Hindi puwedeng mangyari. Kailangan niyang tigilan. Kaya mas pinili niyang umiwas bago pa siya tuluyang mahulog—bago pa siya masaktan. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon, ay masasaktan na naman siya, at paniguradong wala nang Conner na dadating para saklolohan siya.Pero hindi madali ang umiwas, lalo na't magkasama silang natutulog sa iisang kama, sa iisang bubong sila nakatira. Nand
Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu