Share

Chapter 64

Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila.

"Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari.

"Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.

Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.

Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?

"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson.

"Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status