Share

CHAPTER EIGHT

Kabi-kabila na ang mga planong nabubuo sa isip ko ngayon.

Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago? Magtatago ba ako? Hahanapin ba nila ako kung sakaling hindi na ako magpakita? Huli na ba para magpa-transfer ng ibang school?

Namumutla akong humilata sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto ko.

"Paano ko siya haharapin niyan kung may kasalanan na naman ako sa kanya?" bulong ko sa sarili bago muling bumuntong hininga. "Paano ko siya haharapin kung narinig niya yung sinabi ko kahapon?"

Hindi ko tuloy nagawang pigilan ang sarili ko na sisihin si Nathalie. Kung hindi lang niya ako dinramahan kahapon, e 'di sana ay walang mangyayaring ganito. Kung umiyak na lang siya nang mag-isa, e 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede niya akong kausapin, bakit kahapon pa?

Hindi ba uso sa kanya ang emails? Bakit kaya hindi niya na lang naisip na padalhan na lang ako ng text message, o kaya ay kausapin niya na lang si Lucas at sa kanya na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status