Share

EXOTIC GIRL 6

Inaasahan ko nang ipapatawag kami sa Principal dahil sa nangyaring kaguluhan sa gym pero lumipas na ang ilang araw ay walang guro, officer, o kaklase namin ang may nagsabi sa akin na pinapatawag kami. Simula din ng mangyari ang sabunutan sa gym ay hindi na lumalapit sa akin si Johnson. Hanggang tingin na lang siya. Pero hindi ko na rin sila nakikitang nag-uusap ni Ronila.

Kasalukuyan kaming nasa lilim ng punong acacia sa malawak na field. Ako, si Julia at Miana. Tanghalian ngayon at kalimitan ang mga estudyante ay kumakain at nagpapahinga dahil magsisimula ang klase sa hapon ng ala-una.

"Hindi niyo ba narinig na malapit na ang Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005. Sa 2nd week ng August, Biernes daw gaganapin para kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Di ba July na ngayon, malapit na." excited si Julia.

"Naku, Anaya baka ikaw ang kuning representative sa atin. Ikaw kasi ang pinakamaganda at seksi. Kaso sa Q & A medyo sablay ka dun," nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Miana ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status