Share

EXOTIC GIRL 5

Dito sa Santa Barbara Comprehensive School kilala si Ronnie at Ronila Capili dahil isa si Senyor Roberto sa Director ng eskwelahan. Nag-iisang exclusive school eto sa bayan ng Santa Barbara kaya maraming mayayaman at kilalang pamilya na dito nag-aaral ang kanilang mga anak.

Kilala din ang kambal na mahilig mam-bully sa kapwa estudyante lalo na kung trip nila. Wala ding may magtangkang bumangga sa kanila dahil takot mapatalsik sa eskwelahan. Kung si Ronila ay kabi-kabila ang nobyo. Si Ronnie ay ganun din. Paiba- iba din eto ng nobya bawat buwan. Hindi pa rin sila nagbabago dahil tuwing nakikita nila ako ay inaalipusta at pinapahiya pa rin nila ako na dati nila akong katulong at ang Nanay Lucia ko. Pero kapag walang tao ay sinasabi din ni Ronnie na gusto niya akong maging nobya. Patago nga lang ang pagkakasabi niya dahil baka makantiyawan siya. May hitsura din naman si Ronnie. Matangkad, gwapo at maputi 'yon nga lang nagmana din kay Senyor Roberto ang pagkapalikero. Alam kong katawan ko lang ang habol niya dahil narinig ko dati sa may canteen na nagpupustahan sila ng barkada niya. Minsan nang naabutan niya ako sa likod ng eskwelahan para magtapon ng basura ay pinilit niya akong halikan. Dahil matangkad ako at malakas ay kinalmot ko siya sa mukha at nagtatakbo. Mas lalo siyang nagalit sa akin. Pero iniwasan na rin niya akong habulin at kausapin.

Si Johnson naman ay panay din ang palipad hangin sa akin. Kahit na noong una ay may nararamdaman akong kakaiba sa kanya ay sinupil ko din iyon. Alam kong may gusto sa kanya si Ronila at panay ang papansin tuwing lumalapit siya sa akin kaya ako na ang umiiwas. Akala ko nga na silang dalawa na dahil magkakaklase sila pero si Johnson mismo ang umiiwas kay Ronila.

“Hi! Can I sit beside you? This space is available right?” alam kong si Johnson ang nagsasalita. Nandito kami nina Julia at Miana sa gym. Nanonood ng mga estudyanteng nagpapraktis ng volleyball. Wala kaming pasok sa isang subject kaya dito muna kami tumambay. May dalawang subject pa kami mamaya.

“Okay.” Hindi ko siya tiningnan. Ayaw ko naman siyang itaboy dahil palagi ko nalang ginagawa sa kanya ‘yon.

“Anaya, did I do something wrong. Why are you avoiding me?” tanong nito sa akin. Napansin kong ang ibang mga estudyante ay nakatingin na sa amin. Alam ko na makakaabot kay Ronila na kinausap ako ni Johnson at hindi na ako magtataka kung bigla na lang susulpot ‘yon.

“J-johnson, y-you know I-I …” ang hirap talaga mag-English. “Please..Johnson..no talk to me..okay?!..”

“B-but, Anaya, why?” nagtataka nitong tanong.

“Johnson.. you handsome... me ugly.. okay?” Gusto ko na talagang magtagalog. Kaya nga hindi talaga kami bagay dahil nahihirapan akong mag-English. “You.. better, other girl.. okay?”

“Anaya, can you please listen to me.” Hinawakan na nito ang aking siko at iniharap sa kanya. Hindi ko naman tinanggal ang aking siko kahit gusto ko nang ipiksi dahil nahihiya ako. Baka sabihin ng mga estudyante na nag-aaway kami.

“Anaya, I like you. Don’t push me to other girls. It hurts that everytime I come to you.. I want to talk you.. I want to be with you.. you always have excuses. Enough of that excuses!” Galit na eto. Mas lalo pa etong lumapit at hinawakan na ang dalawa kong kamay. Nakatingin eto ng diretso sa aking mata.

“Tell me Anaya, look straight into my eye.. and tell me that you don’t like me. If you can do that then I will leave you alone. I will not pester you anymore,” pananakot pa ni Johnson sa akin.

Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin kaya hindi din ako makatingin sa kanya dahil nga may kakaiba din akong nararamdaman. Takot lang akong aminin sa aking sarili dahil baka mahulog ako ng tuluyan sa kanya at pagkatapos ay masaktan lang.

Nang dahil sa aking reaksiyon ay naging hudyat din iyon kay Johnson na may nararamdaman nga ako sa kanya. Kagyat na tumabi siya sa akin at niyakap ako. Hindi inalintana na nasa loob kami ng gym.

“Oyyy… mukhang may magagalit na iba,” may narinig akong papalapit papunta sa direksiyon namin.

“Haliparot ka talagang babae ka,” boses ni Ronila ang narinig ko. Galit na galit.

Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Johnson pero bago pa tulu-

“Ay! Aray!” napasigaw ako ng may sumabunot sa buhok ko. Pinipilit kong abutin ang kamay ng sumabunot sa akin nang may humawak sa aking kamay.

“A-anaya!”

“Bitawan niyo si Anaya.”

Sigaw ni Julia at ni Miana. Samantalang niyapos ni Johnson si Ronila para bitawan ako.

“Ronila, what are you doing. Stop pulling her hair!” sigaw ni Johnson.

“Bitawan niyo ako. Ronila bitawan mo ako.” Sigaw ko. Tumutulo na ang luha ko dahil masakit na ang aking anit. Pinagsisipa ko na din ang kaibigan ni Ronila na nakahawak sa kamay ko.

“Ronil-“

“Ugh!” sa wakas ay nabitawan ng kaibigan ni Ronila ang aking kamay. Tuluyan ko na itong nasipa dahilan para eto ay matumba.

Dahil mas matangkad ako sa kanilang lahat at mas malakas kahit mas bata ay kaagad na sinabunutan ko din si Ronila para makaganti.

“Walanghiya ka. Antagal ko nang nagtitimpi sa'yo. Wala akong ginagawa sa’yo tapos bigla mo akong sasabunutan,” gigil na gigil talaga ako habang sinasabunutan si Ronila.

Ang mga estudyante ay nagsi-kumpulan at nanood ng aming away. May iba na nagtawag na ng faculty para awatin kami. Ayaw din makigulo ng ibang estudyante at baka madamay pa sila.

“You’re a b*tch! You stole Johnson from me.” Sigaw naman ni Ronila habang pinipilit tanggalin ang aking kamay sa kanyang buhok. Naging bruha na eto dahil napigtas ko ang kanyang pantali.

“Ouch! Somebody get her away from me. Magbabayad ka Anaya.” nagsisigaw na eto dahil sa aking pagkakasabunot.

“Anaya, Ronila please stop this.” Ako naman ngayon ang hinawakan ni Johnson sa bewang para matanggal ang pagkakasabunot ko kay Ronila.

“Ronila, why are you doing this to Anaya. Please stop hurting her. She’s not doing anything bad to you. Leave her alone because I like her.”

“W-wha-a-t?!”

“You like that n*grita. That ugly b*tch.” Lalong nanggalaiti si Ronila at pilit akong inaabot.

Lahat ay napahinto dahil si Ronila at Johnson na ang nagbabangayan.

“Don’t call her a b*tch , Ronila 'coz she’s not. And why are you so mad and calling her n*grita. You're a racist.”

“After what happened to us Johnson, you will chose that girl over me. I thought that we have a relationship already.”

“You’re the only one who assume that we’re in a relationship.”

“But we make love so many times.”

“Why? You’re the one who seduce me. I know you like it. So?”

Lahat kami ay parang nanonood lang ng pelikula. Parang nakalimutan nilang dalawa na maraming estudyanteng nanonood at nakikinig sa kanilang dalawa. Imbis na matuon ang atensiyon sa amin kanina ay natuon kay Ronila at Johnson ang lahat.

“You’re such an asshole. Magbabayad ka Johnson. Nobody dump me like you do. I am Ronila Capili and I’m gonna make sure that you will pay for this. And you, also.” Bago umalis ay dinuro pa ako.

Bago pa dumating ang mga faculty ay kinuha ko na ang aking bag. Ganun din sina Julia at Miana.

“Anaya, wait. I-m so sorry about what happened.” Hinawakan ni Johnson ang aking kamay. Iwinaksi ko lamang iyon.

“Johnson, please leave me. You.. you… s*x with her.. I h-hate you..” kasabay noon ay umagos na ang aking luha. Naiwan na si Johnson at hindi na ako sinundan.

Lumuluha ako habang naglalakad. Wala akong pakialam kahit makita ako ng ibang estudyante. Pinapatahan naman ako nina Julia at Miana. Dumaan muna kami ng banyo bago bumalik sa aming sunod na klase dahil may dalawang subject pa kaming natitira sa hapon. Wala naman akong karapatan kay Johnson dahil hindi ko naman siya nobyo. Kahit sinabi niya na may gusto siya sa akin ay hindi pa rin naman siya pormal na nanligaw. Kaya masakit sa aking malaman na ginagawa na nila ni Ronila ang mga bagay na ginagawa lang dapat ng mag-asawa lamang.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Trish Jose
pa unlock please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status