EXOTIC GIRL:  ANAYA VIJAR

EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR

By:  Apple Balboa  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings
82Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Paano kung ang nag-iisang taong tanging kakampi mo ay biglang nawala? Ang taong tanging tagapagtanggol mo sa mga umalipusta, nagmaliit at pinagtawanan ka dahil sa iyong maitim na kulay. Magbabalik para pagbayarin ang may sala. Gagamitin ang kakaibang kagandahan para singilin ang pamilya Capili. Ang gandang sa lugar na kinalakhan, ay pinandirihan. Gandang pinagtawanan, kinutya, minaliit at hinamak. Sa lugar kung saan ang basehan ng kagandahan ay kaputian. Hindi tanggap ang isang- EXOTIC ang kagandahan.

View More
EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Lavinia Morris
highly recommended.. this is a great story
2023-04-27 01:21:14
3
user avatar
Queenregina1994
Keep it up po! Great start!
2023-04-18 21:45:04
2
82 Chapters
EXOTIC GIRL PROLOGUE
SANTA BARBARA COMPREHENSIVE SCHOOL AUDITORIUM Year 2005 “Good evening Ladies and Gentlemen. Tonight, witness the 10 lovely dazzling candidates presenting their very best and vie for the covitous crowns right here at this stage as the new Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005.” Sabi pa ng emcee. Isang masigarbong palakpakan ang dumagundong. “To formally start our program, let us all rise for the doxology to be rendered by Mr. Rodolfo Capili, one of our Judges for tonight’s event. This will be followed by the singing of our Philippine National Anthem.” Dagdag pa nito. Tumayo ang lahat ng tao. “I’m Timmy Dulay, your host for tonight, and this is, Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005 Coronation Night. So, let’s not prolong the waiting of our audience. Isang masigabong palakpakan naman diyan!” “Woah…Woah…” sabi pa ng mga tao doon. (drum rolls) Nagsimula ang kompetesyon ng mga kalahok mula sa swimsuit hanggang sa evening gown. “It is really a tough fight between our 1
Read more
EXOTIC GIRL 1
Santa Barbara Elementary High School1998Ako si Anaya Vijar. Walong taong gulang. Ipinanganak dito sa bayan ng Santa Barbara. Ang aking nanay ay si Nanay Lucia. Biente kwatro anyos na ang nanay ko. Wala po akong tatay dahil pinagsamantalahan ang aking Nanay Lucia noong siya ay dalagita pa lamang. Isang katutubong aeta ang aking Nanay Lucia sa Quezon Province. Dahil likas na matigas ang ulo, lumayas ang Nanay Lucia ko noong siya ay kinse anyos at napadpad ng Maynila. Nagpagala gala at dahil walang matuluyan ay sa kariton lamang natutulog. Isang gabi ay may isang Bombay na lasing ang nakatulog sa kariton na tinutulugan ng Nanay Lucia ko. Dahil lasing ay pinagsamantalahan ang aking Nanay Lucia. At dahil malaking mama ang Bombay at maliit na babae naman ang aking Nanay Lucia ay wala siyang nagawa. Pagkatapos ng pangyayari ay umuwi sa kanilang probinsiya ang Nanay Lucia ko pero ilang buwan pagkatapos noon ay nalaman nilang buntis siya. Pinalayas siya ng kanyang pamilya at isinumpang wag
Read more
EXOTIC GIRL 2
2000Simula nang dumating si Senyor Roberto at ang kanyang pamilya ay tuluyan nang nag-iba ang aming pamumuhay. Si Madam Carmina ay napakasama ng ugali. Laging sinasaktan ang Nanay Lucia ko pag may iniutos at hindi kaagad nagagawa. Pero pag si Manang Letty at Manang Diday ay sinisigawan lang niya at hindi sinasaktan. Dahil sa nakikita kong trato nila sa Nanay Lucia ko ay unti unti nagkakaroon ako ng galit sa kanila. Ang kambal din ay napakasama ng ugali. Nagmana sa kanilang ina.Akala ko noong una dahil pareho lang kaming mga bata ay mababait sila pero hindi nila ako kinakausap. Si Ronila lagi akong sinisigawan pag may iniutos at pag hindi ko nagagawa ay sinasabunutan ako. Iiyak nalang ako.Hindi ako nagsusumbong kay Nanay Lucia dahil baka pagalitan niya ang kambal at pag ginawa niya 'yon, baka palayasin kami sa mansiyon. Titiisin ko nalang ang pagmamaltrato sa akin ng kanilang pamilya. Kahit nga ang drayber na si Mang Gener ay hindi din maganda ang trato sa amin. Lagi kaming sinisiga
Read more
EXOTIC GIRL 3
Walang mapagpipilian si Senyor Roberto kundi ang palayasin kami. Kahit na labag sa kanyang loob dahil alam niyang wala kaming mapupuntahan ay sinabihan na niya kaming umalis.Dala dala ang aming mga gamit ay binalot na namin ni Nanay Lucia sa bayong ang kakaunting damit. Malungkot naming nilisan ang mansiyon na sa loob ng sampung taon ay naging tahanan namin. Nang dahil lamang sa isang vase ay napalayas kami.Nilakad na namin ni Nanay Lucia ang daan papunta sa bayan. Sabi ni Nanay Lucia na kailangan naming maghanap ng matutuluyan dahil kung hindi ay magiging palaboy ulit kami kagaya ng naranasan niya noong dalagita pa lang siya.Halos mga dalawang oras din bago namin narating ang bayan. Malayo ang mansiyon sa bayan dahil malawak ang lupang pagmamay-ari ng pamilya Capili. Pagdating sa bayan hinanap muna namin ni Nanay Lucia ang simbahan at nanalangin muna. Pagkatapos manalangin ay pumunta kami sa palengke. May ilang karinderya doon na mura ang binebenta.Dahil gutom na ay napilitan ka
Read more
EXOTIC GIRL 4
2005Kinse anyos na ako.Simula nang tumira kami kay Manang Inday ay naging matapang na ako. Sila ni Nanay Lucia ang naging inspirasyon ko. Natuto ako kay Manang Inday na wag magpapadaig sa mga taong mapangmata sa kapwa. Natuto din akong lumaban pag inaapi ako. Kung dati ay wala akong kaibigan ngayon ay may mga kaibigan na akong maituturing. Kaibigan na kapareho ko ay nilalait din dahil pangit, maitim o may kapansanan.Natuto na din akong mag-ayos dahil kikay si Manang Inday. Binibilhan ako ng gamit pampaganda at mga ipit. Ang ipit ang hindi ko nagagamit dahil makapal at kulot ang aking buhok. Ang ginagawa ko na lamang ay purong niyog ang ginagamit ko para itim na itim at malambot pa rin pag hinawakan. Niyog din ang ginagamit kong panligo kaya kahit maitim ang aking balat ay pantay ang kulay at kumikinang kinang. Nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili kaya iba na ang dating ko sa tao.‘Pag wala din akong ginagawa at walang pasok ay tumutulong ako sa pwesto sa palaisdaan. Nagtitinda
Read more
EXOTIC GIRL 5
Dito sa Santa Barbara Comprehensive School kilala si Ronnie at Ronila Capili dahil isa si Senyor Roberto sa Director ng eskwelahan. Nag-iisang exclusive school eto sa bayan ng Santa Barbara kaya maraming mayayaman at kilalang pamilya na dito nag-aaral ang kanilang mga anak. Kilala din ang kambal na mahilig mam-bully sa kapwa estudyante lalo na kung trip nila. Wala ding may magtangkang bumangga sa kanila dahil takot mapatalsik sa eskwelahan. Kung si Ronila ay kabi-kabila ang nobyo. Si Ronnie ay ganun din. Paiba- iba din eto ng nobya bawat buwan. Hindi pa rin sila nagbabago dahil tuwing nakikita nila ako ay inaalipusta at pinapahiya pa rin nila ako na dati nila akong katulong at ang Nanay Lucia ko. Pero kapag walang tao ay sinasabi din ni Ronnie na gusto niya akong maging nobya. Patago nga lang ang pagkakasabi niya dahil baka makantiyawan siya. May hitsura din naman si Ronnie. Matangkad, gwapo at maputi 'yon nga lang nagmana din kay Senyor Roberto ang pagkapalikero. Alam kong katawan k
Read more
EXOTIC GIRL 6
Inaasahan ko nang ipapatawag kami sa Principal dahil sa nangyaring kaguluhan sa gym pero lumipas na ang ilang araw ay walang guro, officer, o kaklase namin ang may nagsabi sa akin na pinapatawag kami. Simula din ng mangyari ang sabunutan sa gym ay hindi na lumalapit sa akin si Johnson. Hanggang tingin na lang siya. Pero hindi ko na rin sila nakikitang nag-uusap ni Ronila.Kasalukuyan kaming nasa lilim ng punong acacia sa malawak na field. Ako, si Julia at Miana. Tanghalian ngayon at kalimitan ang mga estudyante ay kumakain at nagpapahinga dahil magsisimula ang klase sa hapon ng ala-una."Hindi niyo ba narinig na malapit na ang Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005. Sa 2nd week ng August, Biernes daw gaganapin para kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Di ba July na ngayon, malapit na." excited si Julia. "Naku, Anaya baka ikaw ang kuning representative sa atin. Ikaw kasi ang pinakamaganda at seksi. Kaso sa Q & A medyo sablay ka dun," nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Miana ka
Read more
EXOTIC GIRL 7
"Anaya, sige pa. Kembot. Kembot. Napakatigas ng katawan mo. Mabuti pala at maaga akong kinausap ni Manang Inday na sasali ka sa pageant sa school niyo." Pinagpapalo na ni Mama Baby Mara ang aking tagiliran. "Ganito, gayahin mo ako." at kumendeng kendeng na ang kilalang bakla sa amin. Kilala si Baby Mara sa amin dahil noong kabataan niya ay suki siya ng mga Gay Pageants at lagi siyang nanalo. Kapitbahay at kaibigan siya ni Manang Inday dahil magkaedaran lang silang dalawa. " Oh , ikaw na Anaya.""Okay! Iyong lakad lang muna ngayong araw ha. Sa susunod ang tamang pag pose naman. Tapos sa susunod ay talent. Sa ganda at tindig mo Anaya bagay sa 'yo ang belly dancing o fire dance. Ako din ang magtuturo sa 'yo kaya dapat lahat nang 'yan kailangan gawin mo. Tamang posture. Ha. Entiendes. " istrikto pa nitong paalala sa akin. Pag nasa eskwelahan naman ay pinapraktis ko ang tamang tindig at postura kagaya nang sabi ni Mama Baby. May praktis din kami sa auditorium sa aming rampa at productio
Read more
EXOTIC GIRL 8
“Rodolfo, hijo, I’m glad na bumisita ka dito. Ilang beses na kitang inimbitan na magbakasyon dito,” turan ni Senyor Roberto kay Rodolfo.Nasa hapagkainan silang lahat at naghahapunan. Si Madam Carmina ay tensiyonado habang kumakain. Si Ronnie at Ronila naman ay nagtataka kung sino ang lalaking kasalo nila sa malaking hapagkainan.“Papa, who’s he?” si Ronila ang naunang nagtanong kay Senyor Roberto. Hindi mapigilan ang kuryusidad. Hindi sila basta basta nagpapasabay sa hapagkainan tuwing kakain sila. Tiningnan nito ang lalaki na naka puwesto sa kanyang harap.Tiningnan din siya ng matiim ng lalaki. Hindi niya nakayanan at umiwas na lamang siya.“Ronnie, Ronila.. Uhm.. Eto na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo. Si Rodolfo ay anak ko. Siya ang panganay kong anak sa una kong asawa, si Venus Villarica. Hindi ko lamang nasabi sa inyo dahil nagkalayo din kami matapos mamatay sa aksidente ang kanyang Mama. Let's say na hindi maganda ang aming relasyon dati. But eventually h
Read more
EXOTIC GIRL 9
Santa Barbara Comprehensive School (Pre-pageant)"Good morning Anaya." sabay na bati ni Julia at Miana."Good morning din Julia, Miana." balik na bati ko sa kanila."Excited ka na ba mamaya para sa Coronation Night. Manonood kami mamaya para suportahan ka." excited na talaga si Julia."Salamat sa inyong suporta. Mamaya pupunta din ang Nanay Lucia, si Manang Inday, Mama Baby Mara at iba kong kapitbahay para manood at sumuporta sa akin. Nakakatuwa lang talaga." nagagalak ako at may mga taong sumusuporta sa pagsali ko sa pageant."Pero dinig ko na baka ang papanalunin nila si Ronila. Alam mo naman Anaya na ang Papa nun ang isa sa may-ari ng SBCS." umandar na naman ang pagkatsismosa ni Julia."Wag ka namang nega, Julia." kontra ni Miana. "Totoo 'yon. Naririnig ko sa mga tauhan namin dahil alam mo naman ang mga tao dito. Kung tayo ay inaapi at nilalait dahil sa mukha natin, may iba din na walang magawa kundi bantayan ang buhay ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa Santa Barbara at ang p
Read more
DMCA.com Protection Status