Share

EXOTIC GIRL 71

Halos sampung minuto din akong nag-iiyak sa labas ng gate. Sobrang sama ng loob ko dahil mas pinaniwalaan nga ni Rodolfo si Divine kesa sa akin. Nakatulala lang ako at nakatingala sa kalawakan. Eto na siguro ang parusa sa akin ng Maykapal dahil naghangad ako ng paghihiganti. Kung ipinasa-Diyos ko na lamang siguro ang paghihiganti ko kay Senyor Roberto ay hindi pa ako kinamuhian ni Rodolfo.

Huli na talaga ang lahat dahil kung kailan gusto ko nang sabihin ang totoo kong pagkatao ay nasira naman ako sa paningin niya.

Nang medyo kumalma na ang aking pakiramdam ay tumayo na ako at pumasok sa mansiyon. Pagpanhik ko sa itaas ay napaiyak na naman ako ng matanaw ang kwarto ni Rodolfo. Binilisan ko na lang ang pagpasok sa aking kwarto para hindi pa lalong sumakit ang puso ko.

Naglinis muna ulit ako ng katawan at nagpalit ng pantulog dahil puno ng putik ang damit ko kanina. Inayos ko muna lahat ng gamit ko at nilagay sa aking maleta atsaka nahiga.

Nakatingin lang ako sa kisame pero patuloy pa di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status