Share

Chapter 5

Nasa sala silang dalawa at hinihintay ang pag dating ng sekretarya ni Raiden. Nagtataka nga si Arielle kung bakit sumama rin ito nang bumaba siya. Tahimik silang nakaupo sa sofa ng biglang may nag doorbell sa labas ng gate. Tumakbo naman ng mabilis si Arielle papunta roon kahit wala siyang sapin sa paa.

Buti nalang ay may nakalagay na 'sign board' kung hindi ay tiyak na maliligaw siya. Masaya niyang binuksan ang gate at bumungad sa kaniya ang isang babaeng matangkad at medyo petite. Hindi niya ipagkakailang maganda nga ang sekretarya ng lalaki. Mabilis niyang kinuha sa mga kamay nito ang pagkaing dala-dala nang taong kaharap niya.

"Pwede po patulong sa pagdala papasok sa bahay?" Tinaasan lang siya ng kilay nito at marahas na inilapag ang mga 'yon sa harapan niya.

"Do I look like a helper to you? Look at yourself, para kang palaboy sa kalye. You have a messy hair, walang style sa pananamit at walang sapin sa paa. Seriously?" Pangungutya nito habang pabalik-balik siyang tiningnan nito mula ulo hanggang paa.

"Pwede mo naman sagutin ng 'yes' or 'no' ang tanong ko, eh. Why bother to insult me anyway?"

"Hindi ka kasi karespe-respeto."

"Gano'n ah? Okay. Now, look at yourself. You put a wig para magmukhang kang maganda. Your face is like a coloring book at parang kinulayan 'yon ng isang 4 years old na bata. You're style is fine. Overall, I'll rate as 2 out of 10." Insulto ni Arielle pabalik at ngumiti pa sa babaeng kaharap niya.

"HOW COULD YOU! I'M NOT WEARING A W-WIG! IT'S NATURAL!" sigaw sa kaniya kaya napatawa siya bigla.

"Hahaha kalmahan mo lang ateng ambesyosa. Tirik na tirik ang araw tapos ang init din ng ulo mo. Gusto mo bang patunayan ko sa'yo na wig ang suot mo?" Ibinaba niya ang mga kinuha niyang pagkain kanina at humakbang papalapit sa babae.

"DO. NOT. TOUCH. MY. HAIR!" pahayag nito na may diin ang bawat salita.

"What's happening?" Napalingon silang parehas ng makita ang papalapit na pigura nang isang lalaki. Agad naman siyang itinulak palabas ng sekretarya nito at nagtago sa likuran ng kaniyang amo.

"Sir 'yang katulong n'yo kung ano-anong pinagsasabi. Pinagpipilitan niyang wig lang ang gamit ko at gusto pa akong sabunutan. Naiinggit lang talaga siya sa ganda ko."

"Bakit naman ako maiinggit sa ganda mo kung wala ka naman nun?"

"YO—

"Stop. How much?" Tanong ni Raiden at hinarap ang sekretarya niya.

"Sir?" Binigyan n'ya ito ng limang libo pagkatapos ay muli siyang naglakad papasok sa bahay. Padabog namang umalis ang babae.

"HOY! RAIDEN TULUNGAN MO AKO RITO!" sigaw niya sa lalaki ngunit hindi siya pinansin nito. Kaya wala siyang choice kun'di dalhin ang lahat ng mga pagkain mag-isa. Pinagpatong-patong niya nalang 'yon tsaka bumalik sa loob.

Ng makarating siya sa bahay ay agad niyang binuksan ang mga 'yon. Mas lalo siyang nagutom ng makita ang mga nakakatakam na pagkain sa harapan niya. Mahilig talaga siyang kumain at sa tuwing galit siya, pagkain lang talaga ang nakakapagpakalma sa kaniya.

"Raiden, gusto mo ba?" Tanong niya sa lalaki na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang cellphone.

"Call me 'sir'." Pagtatama nito sa kaniya habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa screen.

"Hindi naman ako nag tatrabaho sa'yo." Sagot niya at patuloy na kumakain ng burger.

"Don't talk when your mouth is full."

"May bibig ako, eh." Sagot niya.

"Then?"

"Kakain ka ba o hindi? Kapag magpakipot ka pa diyan ay naku, mauubusan talaga kita." Pakiramdam niya ay sinayang lang ng lalaking 'yon ang effort niya sa pagbigkas ng labinlimang mga salita niya matapos lumabas ito sa bahay habang nakalagay ang cellphone sa taenga. Dahil sa inis ay inubos niyang lahat ang mga pagkain na nasa mesa. Pagkatapos ay umakyat na siya sa itaas at pumasok sa kwarto niya.

"Lagot na ako nito. Wala pa rin akong nakukuhang ebedinsiya o kahit maliit na impormasiyon tungkol sa kaniya kahit dalawang araw na ako rito." Pahayag niya habang nakatingin sa salamin at kinakausap ang sarili. Sa mga nakaraang undercover kasi ni Arielle ay hindi pa nga natatapos ang isang araw ay marami na siyang nakolektang mga ebedinsiya kaya nag aalala talaga siya sa stats niya sa Creed. Bawat Team kasi from Core to Outer ay may kaniya-kaniyang stats ang bawat agent. Kung sino ang may pinakamataas na stats sa loob ng isang taon ay may makukuhang sertipiko at regalo galing sa higher-ups. Kadalasan sa mga regalong 'yon ay libreng bakasiyon sa kung saang lupalop ka ng mundo gustong mag punta at tutuparin din nila ang isa mong kahilingan sa abot ng kanilang makakaya. Hindi sila sumasahod kagaya nang isang normal na empleyado. Their services are just voluntary. Kadalasan sa kanila ay mga mag-isa sa buhay bago pa pumasok sa Creed.

Si Arielle ay maagang naulila. Ang mga magulang niya ay namatay ng masunog ang bahay na tinitirahan nila noon. Ayon sa imbetasiyon, aksidente ang nangyaring sunog at dahil lang 'yon sa kable ng kuryente na pumutok galing sa bahay ng kapitbahay nila. Maswerte si Arielle ng mangyari 'yon dahil nasa labas siya at masayang nakikipaglaro sa mga kapuwa niya bata. Naging palaboy-laboy siya sa kalsada hanggang sa nahimatay siya kung saan may nangyayaring barilan sa pagitan ng mga undercover agents at mga krimenal. Mabilis siyang isinugod sa hospital ng isa sa kanila at doon nga'y napag alaman na dahil 'yon sa ilang araw na siyang walang kain. Pansamantala siyang kinupkop ng agents sa H.Q dahil awang-awa sila ng marinig ang kuwento ng buhay niya. Isang araw ay aksidenteng napasok ni Arielle ang silid kung saan ay nag memeeting ang mga agents sa pag-atake. Sa una palang ay namangha na siya kaya'y sinabi niya sa mga ito na gusto niya rin maging katulad nila. Sa edad na sampung taon ay natuto na siyang makipaglaban. Sinasama na rin siya sa mga minor operations na kung saan ay mag a'undercover lang siya. Ng tumuntong na si Arielle sa tamang edad ay pinahawak na siya ng baril at tinuruan kung paano gamitin.

Nakatingin pa rin siya ngayon sa salamin ng biglang may natanggap siyang mensahe mula sa H.Q. Natuwa naman siya ng makita ang salitang OPERATION. Kahit kasi nasa isang solong mission si Arielle, kasama pa rin siya sa iilang operation lalo na kung malaki-laking grupo ang huhulihin nila.

'Private property, 2KSE-12(means 2 kilometers southeast away) from your location at 12 midnight.

Transaction: Illegal firearms'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status