MasukSarina Ysabelle
Sa nagdaang walong taon, marami akong natutunan. Kaya nga kong makaligtas sa kahit ano. Sa edad na thirty five, nakaligtas at nalagpasan ko na ang mga boardroom, betrayal, at pagiging ina. Lahat ng nakakagulat na pangyayari, nangyari na, kaya wala nang makakapagpanginig ng balahibo ko o makakapagpatigil sa akin. "Ma'am Sari," sabi ng assistant ko na si Mikka, habang sabay kaming naglalakad, may hawak na tablet na parang shield sa dibdib niya. "Naipadala na po ng legal team ang final terms. Kapag tumuloy ang merger na ito, madodoble ng Aurelia Holding ang market nito. At sa loob lamang po ng labingwalong buwan, Ma'am. Sa pakiramdam ko po, ngayon na 'yon." "Alam ko kung ano 'yan, Mikka." Nanatiling nakatuon ang tingin ko sa unahan, nakataas ang baba, kagaya ng ginagawa ko lagi kapag papasok ako sa boardroom, kahit sa pinakamahirap. "Ako mismo ang sumulat ng kalahati ng mga projection na 'yan." "Opo, sorry po, Ma'am," sabi niya, bago yumuko ang ulo. Sandali akong huminto sa harap ng salaming pinto na may nakasulat na AURELIA INDUSTRIES — BOARD WING. "Ma'am, gusto ko lang po talagang maging maganda ang mangyayari dito. Alam ko po kung gaano po kayo nagpuyat para dito." Halos ngumiti na ako. Wala talagang alam ang assistant ko kung gaano kahirap, kung gaano katagal, o ano ang halaga nito. Walong taon na ang nakalipas, wala akong kahit ano kundi ang pangalan ko, at ang tibok ng pusong nasa tiyan ko. Itinayo ko ang Aurelia mula sa scratch, mula sa sarili kong ipon, at may borrowed money din. Bukod doon, wala akong tulog, ngunit walang nakaalam. At habang itinatayo ko ito, sinigurado kong sapat ito hanggang sa punto na kahit nawala ako sa mga elite na pahayagan ng Maynila sa loob ng isang taon dahil nanganak ako, walang naglakas-loob magtanong. Binuksan ni Mikka ang pinto para sa akin. Habang gumagala ang tingin ko sa paligid, buong salamin ang conference room. May mahabang mesa kung saan nakaupo na ang dose-dosenang executives, at sa dulo ng mesa, nakita ko ang lalaking halos nakalimutan ko na. Isang lalaking may suot na charcoal suit, ang manggas ay maayos na nakatupi sa paraang parang kaswal ngunit maingat, at kung natatandaan ko, ganoon talaga siya kahit noon. Nakayuko ang mukha niya sa folder, kaya hindi ko siya makita ng sobra. Pero hindi rin naman kailangan. Kilala ko agad siya. Halos memorya ko na ang tindig niya dahil sa daan-daang hapunan, libu-libong ordinaryong umaga, at isang kasal. Pero ang nakagulat sa akin, kasama niya si Yara. Kaya hindi pa rin tapos ang bagay na ito sa taong ito, hindi ba? Kesa mag stay sa labas ng room, pumasok ako nang may tiwala sa sarili. At pinalakas ko pa ang tunog ng sapatos ko. Kaya paglapag ko ng bag ko sa mesa, halos lahat ng atensyon ay napunta sa akin. "Ms. Torres," sabi ni Yara, at binigyan ko lang siya ng nakasusuklam na tingin. "Bakit ang sama sa tenga ng surname ko kapag ikaw ang nagsasabi?" Nakakalinlang kong tinanong siya, at pekeng tumawa. At naging masama at kakaiba ang atmosphere sa loob ng office. "Simulan na natin ang meeting," malamig na sabi ni Leon, kahit hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin. "At dahil nandito na ang lahat," sabi ng tagapamagitan ng merger committee, kausap ako. Siya si Atty. Reyes. "Ms. Torres, salamat sa pag aaprove ng proposal meeting na ito. Naniniwala akong hindi na kailangan pa ang pagpapakilala, pero para sa rekord—" Hindi natapos ni Atty. Reyes ang sinasabi niya nang biglang nagsalita si Yara. "Hindi ko alam na magpapadala ang Aurelia ng staff nila sa million-dollar na meeting na ito," sabi niya nang mapanuya. Sa totoo lang, hindi pa niya alam. At wala sa kanila ang nakakaalam. "Hindi kilala ng mga taong walang halaga ang pangalan ko, Ms. Whoever-you-are. But dahil I'm a business woman, hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko. Para sa mga hindi nakakakilala sa akin, lalo na ikaw. Sandali, ano ba ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba dapat nagtatrabaho sa isang nightclub?" Tapos ngumiti ako nang mapanuya. Nakita kong nainis siya, at hindi makapaniwalang sinabi ko 'yon sa harap ng lahat. Kaya tumayo siya at akmang sasampalin ako, pero pinigilan siya ni Leon at ibinalik sa kanyang upuan. "Hindi ko alam na may taong ganito kababa sa kompanyang ito. Dapat alam ko na. Kung ganoon, hindi ko na dapat ituloy ang proposal meeting na ‘to." Akmang tatayo naman ako, pero hinawakan ni Leon ang kamay ko. Sa dami ng mga scenario na inisip ko sa utak ko, ito ang pinakahindi ko inaasahan. "Please, ‘wag kang umalis. Or plan for you and your company is a way of something that will benefit us both," sabi niya nang malumanay. "Wala akong interes sa benepisyo o sa nasa kontrata at plan na 'yan. Triny lang naman akong hawakan ng kalapating-mababa-ang-lipad na kasama mo. Hindi ako nakikipag-partner sa mga taong hindi propesyonal, nakakasuklam, at walang respeto," sabi ko nang matalim. Ngunit sa pagbigkas ko ng huling tatlong salita, sinigurado kong nakatingin ako kay Yara. "Papaalisin ko lang siya, tapos pwede na tayong magpatuloy sa meet—" "You cannot do that! Part ako ng Castellano board, at ang daddy ko ang may pinakamalaking share sa kompanya n'yo!" Nakakahiyang sigaw ni Yara. Hindi siya pinansin ni Leon at nanatiling nakatuon sa akin. Hindi ko rin siya pinansin, dahil masyadong mahalaga ang oras ko para sayangin sa kanya. "Alam mo ba? Sa tingin ko, hindi na mangyayari ang million-dollar na deal na ito. Itigil na natin ang meeting na ito. Sinasayang niyo lang ang oras ko," sabi ko nang mahigpit. Tumingin ako sa mga tao sa loob ng boardroom. Halos lahat sila ay mukhang disappointed at parang nagtuturo ng daliri kay Yara sa isip nila. Pero hindi ito pinapansin ng hayop na 'yon, dahil hinawakan niya ang buhok ko. Akmang gaganti sana ako, ngunit si Leon ang unang dumating, itinulak si Yara palayo, tapos dinali-daling nilapitan ako. "Ayos ka lang ba, Sari?" kaswal niyang sabi. Sinabi niya na para bang hindi siya nagloko. Na para bang mahal na mahal niya ako. "Ms. Torres dapat, Mr. Castellano. Huwag kang maging casual masyado. Hindi kita kilala," matalim kong sabi, bago siya banayad na itinulak palayo. "Salamat sa pagdalo mo sa meeting na ito, pero ihihinto na ito. Kagaya ng alam mo, ako ang pinakamalupit at pinakamalaking halimaw pagdating sa negosyo ko. Alam kong makukuha ko ang sampung beses na mas malaking benepisyo kaysa sa inaalok ninyo mula sa ibang kompanya." Matapos sabihin 'yon, kaagad akong lumayo mula sa conference hall. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto, may humawak sa braso ko. "Ms. Torres, kailangan kitang kausapin." Si Leon 'yon. Kausapin, ha? "Ano ang ibig mong sabihin? Wala tayong dapat pag-usapan," sabi ko, tumatawa. "Hayaan mo lang akong magpaliwanag. Pasensya na, hindi ko sinadya, pero naipit ako at nabigla ako," mahirap niyang paliwanag. Kung sinabi niya sana ito noon, baka naniwala pa ako, dahil tanga ako noon. Ngunit ngayon, alam kong mas maigi na ako kaysa kaninuman. Bago ko pa namalayan, kusa nang gumalaw ang kamay ko para sampalin siya. Halos hindi makapaniwala ang lahat ng tao sa boardroom sa nakikita nila. "Huwag ka ng magpaliwanag. Hindi ko kailangan." "But, kailangan ko talaga! Hindi ako makatulog nang mapayapa, at patuloy kong—" Hindi niya natapos ang sinasabi niya, dahil bumukas ang pinto ng conference. At doon ako nakaramdam ng matinding kaba sa hindi ko malamang dahilan. Sa pagkakaalam ko, walang makakapasok sa board wing nang walang clearance. Ang lalong nakakabahala, may naririnig akong maliit na boses. Ang maliit na boses na hindi ko maaaring hindi makilala. Pamilyar ito. Kaya kaagad akong lumingon. "Mommy? Tapos na ba ang meeting? Naiinip na ako." Nanigas ang buong katawan ko. Walong taon ng maingat at kontroladong pamumuhay, ngunit nawasak ang lahat ng ito sa isang iglap dahil sa isang napaka-matigas ang ulong anak na halos walong taong gulang na. Kaagad akong bumaling kay Leon. Bahagyang nakasimangot siya, nagtataka sa hindi inaasahang batang naroon sa lugar na ito ng negosyo. Nakatayo si Theo ko sa may pinto, suot ang uniporme sa school, bitbit sa balikat ang bag niya, at gumagala ang tingin niya sa silid. Tapos napunta ang mga mata niya sa akin.Sarina YsabelleAng unang hakbang ang pinakamahirap.Nakatayo ako sa simula ng puting alpombra, hawak-hawak ang pamaypay na regalo ni Aling Nena sa isang kamay, at ang kamay ni Theo naman sa kabilang kamay, naramdaman ko ang bawat tibok ng aking puso, mabilis, malakas, tila gustong sumabog sa sobrang saya at kaba."Mommy," bulong ni Theo sa akin, tumingala, mukha buong tiwala kahit alam kong siya rin, sa kaniyang sariling paraan, ay kinakabahan. "Ready ka na po ba?""Ready na, baby," sabi ko, at ngumiti sa kaniya, kahit nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko.Nagsimula na ang string quartet ng kanilang malumanay na tugtog, ang unang ilang notes ay parang naghatid ng senyales sa buong venue na oras na para simulan ang seremonya. Isa-isang naglakad ang aming entourage papunta sa altar, sina Yara at Mikka bilang mga maid of honor, mga ninong at ninang, hanggang sa dumating na ang turn namin ni Theo."Ako muna po, Mommy," sabi ni Theo, buong sigla, inaayos ang kaniyang suit bago
Sarina YsabelleNapatigil ang buong silid. Napatingin ako kay Yara, at pareho kaming hindi makapaniwala sa narinig namin."Hindi puwede ‘yon," sabi ko, boses medyo nanginginig. "Nasa kulungan si Veronica. Paano niya nagawang makarating dito?""Ma'am, hindi ko rin po masyadong maintindihan," sabi ni Ms. Grace, mukha lalong nag-aalala. "Kaya po agad kong ipinaalam sa inyo, dahil kailangan nating malaman kung ano talaga ang totoo bago pa man lumaki ang problema."Tumayo agad si Yara, boses ngayon puno ng determinasyon. "Ako na ang bahalang tumingin, Ate Sari. Dito ka na muna, huwag mo nang guluhin ang sarili mo sa araw na ito."Habang naghihintay kami, tinawagan ni Mikka ang mga guwardiya ni Leon, na dating naka-assign sa lugar bilang parte ng seguridad para sa kasal. Ilang minuto lamang, bumalik na si Yara, hawak-hawak ang kaniyang telepono, mukha ngayon medyo natatawa sa halip na kabado."Ate Sari," sabi niya, "hindi pala talaga si Veronica ang nandiyan. Isang reporter lang pala, sinus
Sarina YsabelleNagising ako nang maaga, bago pa man mag-alas-sais ng umaga, hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa sobrang excitement na hindi ko na napigilan pang matulog pa.Tumingin ako sa bintana, at nakita ko ang unang sinag ng araw, tumatama sa aking kwarto, tila pati ang kalikasan mismo ay alam na espesyal ang araw na ito."Ate Sari, gising ka na?" tanong ni Yara, dumungaw mula sa pintuan, dala-dala ang isang tray ng almusal. "Naisip ko, dapat kumain ka muna bago tayo magsimula, dahil alam kong sobrang busy ng buong maghapon natin.""Salamat, Yara," sabi ko, ngumiti sa kaniya, hindi lubos na maisip kung gaano na kalayo ang aming narating mula noong tayo ay magkaaway.Habang kumakain ako, dumating din si Mikka, dala-dala ang isang malaking bag puno ng mga makeup at accessories. "Ma'am Sari, andito na ang makeup artist, kailangan na po nating magsimula agad para hindi tayo mahuli."Ilang oras pagkatapos noon, naupo ako sa harap ng isang malaking salamin, habang inaayos ng makeup a
Sarina YsabelleMatapos ihatid ni Leon si Theo sa sarili niyang kwarto, I'm sure, matutulog na nang mahimbing ‘yon matapos ang kanilang mahabang pag-uusap, lumabas siya papunta sa balcony, kung saan ako naman ay nakaupo, hindi rin makatulog, iniisip ang lahat ng mangyayari kinabukasan."Sari," sabi niya, medyo gulat naaninag niya siguro ang bulto ko, "akala ko, tulog ka na.""Hindi rin ako makatulog," sagot ko, ngumiti sa kaniya. "Tara."Umupo si Leon sa sarili niyang balcony habang may telang nagpapahiwalay sa'min dalawa, tinitingnan ang mga bituin sa ibabaw namin, ang hangin ng gabi malamig ngunit komportable."Kausap mo si Theo?" tanong ko."Oo," sagot niya, boses malumanay. "Natatakot pala siya, kagaya rin natin. Natatakot na baka may mangyari pa, na baka biglang mawala ang lahat ng ito.""Alam ko rin ang pakiramdam na iyon," sabi ko, hinawakan ang aking sariling mga kamay. "Kahit ngayon, minsan, gising ako sa gabi, kinakabahan na baka isa lang ‘tong panaginip, na kapag gumising a
Theo YsmaelOne night before Mommy and Daddy's wedding, I was tired because of the preparation. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ngayon.I was lying on my bed, at nakatingin sa kisame, at iniisip na ang mangyayari bukas. Iniisip ko rin ang lahat ng mga nangyari na, simula nung una kong makita si Daddy sa boardroom hanggang ngayon, at ilang buwan lang ang nakalipas, isang gabi na lang ang aantayin ko, at magiging buo na ulit kami.May kaba akong nararamdaman, hindi lang para sa aking speech, kundi para sa isang bagay na mas malalim, isang bagay na hindi ko masyadong maintindihan kung bakit hindi pa rin nawawala kahit alam kong dapat masaya lang ako.Bumangon ako mula sa kama ko, at dahan-dahang lumabas ng kwarto, naglakad papunta sa kwarto ni Daddy, dahil bukod kay mommy, siya na rin ang taong pinupuntahan ko kapag may problema ako.Nang lumapit ako sa pinto ng kaniyang kwarto, nakita ko na bukas pa ang ilaw sa loob, kaya't dahan-dahan kong kinatok ito."Theo?" tanong
Sarina YsabelleIsang linggo na lang bago ang kasal namin, dumating ang araw ng rehearsal namin, ginanap sa parehong venue na pipiliin namin para sa actual na ceremony, isang magandang garden venue sa labas ng Maynila, may malawak na damuhan at mga puno na naghahatid ng natural na anino.Dumating kami nang maaga, kasama ang buong entourage, mga ninong at ninang, sina Yara at Mikka bilang maid of honor, si Mang Bert na pumayag maging isa sa mga groomsmen ni Leon, at siyempre, si Theo, na dala-dala ang kaniyang notebook, puno na ngayon ng mga tala tungkol sa kaniyang mga goals and responsibilities."Sige, everyone," sabi ng wedding coordinator, isang babaeng nagpakilalang si Ms. Grace, let's start sa pag-practice ng buong flow ng ceremony."Habang ipinapaliwanag ni Ms. Grace ang order ng entourage, mula sa mga ninong at ninang hanggang sa flower girl at ring bearer, napansin kong si Theo ay nakikinig nang mabuti, kumukuha ng tala sa kaniyang notebook, tila hindi gustong makaligtaan ang







