author-banner
Rainemanulat
Rainemanulat
Author

Novels by Rainemanulat

Ang Haciendero at si Marikit

Ang Haciendero at si Marikit

Nang mabaon sa utang si Marikit "Kit" Reyes, isang choice lang ang meron siya: Magtrabaho bilang kasambahay sa pinakamayamang at pinakamasungit na haciendero sa Tarlac. Si Don Rafael Montenegro. Byudo. May dalawang anak. May pusong bato. Pero ang hindi alam ni Don, si Kit ang babaeng hindi matatakot sumigaw sa kanya. Ang hindi rin alam ni Kit, si Don ang lalaking ililigtas ang pamilya niya. Sa pagitan ng lugaw kapag may lagnat, sampalan sa sala, at gabi sa kubo. Sa gitna ng ex na mananakit, sakit na papatay, at korte na maghihiwalay. Matutunan kaya nilang pareho na minsan, ang bahay ay hindi mansyon. Ang bahay ay isang tao. Pero paano kung ang oras ang kalaban nila?
Read
Chapter: Chapter 101
Chapter 101: Ang Unang Iyakan Part 3Marikit ReyesNapatingin ako sa kanya. Nakita ko ang lalaking minsang natakot magmahal nang lubos dahil alam niya ang sakit ng pagkawala. Ngayon, hawak niya ang kamay ng aming anak at umiiyak hindi dahil may nawala sa kanya, kundi dahil may dumating na bagong dahilan upang magmahal. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang isang luha gamit ang aking hinlalaki.“Look at you,” sabi ko habang bahagyang tumatawa. Ngumiti ako sa kanya kahit basa pa ng luha ang aking mga pisngi. “The great Don Rafael, crying over a tiny hand.”“I don't care,” sagot niya habang tumawa nang mahina at muling hinalikan ang aking noo. “Let the whole world see me cry. You gave me another reason to be grateful.”Niyakap niya ako nang marahan, maingat na hindi maistorbo ang sanggol sa aking mga bisig. Sa pagitan naming dalawa, naroon ang maliit na buhay na ilang buwan naming inalagaan at hinintay. Sa unang pagkakataon, hindi ko na kailangang isipin kung ano ang magiging
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: Chapter 100
Chapter 100: Ang Unang Iyakan Part 2Marikit Reyes“Dahil hindi ka marunong makinig noon,” sagot ko habang napapailing. Kahit pagod na pagod ako, may maliit na ngiti pa rin sa aking labi nang maalala ang mga unang araw namin sa hacienda. “Akala mo, lahat ng bagay ay nasusunod sa utos mo.”“I deserved that,” sagot niya habang natawa nang mahina. Yumuko siya at marahang hinalikan ang aking kamay. “But look at me now. I'm listening.”“Then keep listening,” sabi ko habang bahagyang pinisil ang kanyang kamay. “At kapag sinabi kong kailangan kong magpahinga, huwag mo akong tanungin ng isang libong beses kung okay lang ako.”Napatawa siya, ngunit ang tawa niya ay may halong luha. Mabilis niyang pinunasan ang sulok ng kanyang mata gamit ang libreng kamay at muling tumingin sa akin.“I'll try,” sagot niya habang bahagyang ngumiti. “But I can't promise I'll stop worrying about you.”“Hindi ko naman hinihinging huwag kang mag-alala,” bulong ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. “Ang gusto ko
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: Chapter 99
Chapter 99: Ang Unang IyakanMarikit ReyesHindi ko malilimutan ang araw na unang narinig ko ang iyak ng aming anak.Mula pa noong madaling-araw, hindi na ako mapakali sa loob ng silid. Sa labas ng bintana, nagsisimula nang magliwanag ang langit, ngunit sa loob ng ospital ay abala na ang mga nurse sa pag-aasikaso sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Rafael habang hinihintay ang susunod na utos ng doktor. Pawis na ang aking noo, magulo ang buhok ko, at ilang beses ko nang kinagat ang aking labi para pigilan ang kaba. Sa tabi ko, hindi rin mapakali ang asawa ko. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang aking kamay, at sa tuwing napapatingin ako sa kanya, sinusubukan niyang ngumiti kahit halatang nag-aalala siya.“Look at me, Marikit,” sabi ni Rafael habang yumuyuko upang salubungin ang aking tingin. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay, ngunit maingat ang kanyang mga daliri na para bang ayaw niya akong masaktan kahit kaunti. “I'm right here. I'm not going anywhere.”“Alam ko,” sagot ko
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: Chapter 98
Chapter 98: Pangakong Hindi Bibitaw Part 3Marikit ReyesParang may humawak sa puso ko nang marinig ko iyon. Hindi dahil mali ang kanyang tanong, kundi dahil alam kong may takot sa likod nito. Sa kabila ng saya ng posibilidad na magkaroon ng sanggol, may bahagi sa kanya na nag-aalala kung may lugar pa rin ba siya sa aming pamilya. Hindi ko siya sinisi sa nararamdaman niya. Sa halip, inilapit ko siya sa akin at marahang hinaplos ang kanyang likod.“Always, Sofia,” sagot ko habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Pinilit kong gawing malinaw ang bawat salita upang maramdaman niyang totoo ang pangako ko. “Having a baby won't make me love you any less. You're already part of my heart, and that will never change.”Tumingin siya kay Rafael. Tahimik na lumapit ang asawa ko at lumuhod sa harap naming dalawa. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Sofia at marahang pinisil ang mga iyon.“Your Marikit is right,” sabi niya habang mahinahong nakatingin sa anak. May lambing sa kanyang
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: Chapter 97
Chapter 97: Pangakong Hindi Bibitaw Part 2Marikit ReyesNapangiti ako sa kanilang dalawa. Dati, madalas akong makakita ng distansiya sa pagitan ni Rafael at ng mga bata, lalo na kapag masyado siyang abala sa trabaho o kapag may hindi pagkakaunawaan sa bahay. Ngayon, mas madalas na siyang umupo kasama nila, makinig sa kanilang mga kuwento, at magtanong tungkol sa maliliit na bagay na dati ay hindi niya napapansin. Hindi perpekto ang pamilya namin, pero araw-araw ay mas natututo kaming maging malapit sa isa't isa.Nang makitang maayos na ang modelo ni Miguel, naupo si Rafael sa tapat namin. Sandali siyang tumingin sa akin, at nang magtagpo ang aming mga mata, marahan akong tumango. Alam kong kinakabahan siya. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa, at agad niya iyong pinisil pabalik.“Sofia, Miguel, there's something your Marikit and I want to talk to you about,” panimula ni Rafael habang maingat na inilapag ang kanyang mga kamay sa mesa. Sinikap niyang maging kalmado ang boses
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: Chapter 96
Chapter 96: Pangakong Hindi BibitawMarikit Reyes Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sinag ng araw na dumaan sa manipis na kurtina ng aming kuwarto. Tahimik pa ang buong hacienda, at tanging huni ng mga ibon sa labas ang naririnig ko. Nakatagilid ako habang pinagmamasdan si Rafael na mahimbing pang natutulog sa tabi ko. Isang braso niya ang nakapatong sa baywang ko, at bahagyang magulo ang buhok niya sa noo. Nakakatawang isipin na ang lalaking kinatatakutan noon ng mga kasambahay dahil sa kanyang seryosong mukha ay siya ring lalaking ngayon ay ayaw akong pakawalan kahit sa pagtulog.Dahan-dahan kong inalis ang braso niya upang makabangon, ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, hinila niya ako pabalik sa kama. Napasinghap ako nang mapadikit muli ang likod ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang mahinang pagtawa niya sa likod ko habang niyayakap niya ako nang mas mahigpit.“Where do you think you're going, wife?” tanong niya sa paantok na tinig habang idinidikit ang mukha niya sa
Last Updated: 2026-10-14
Eight Years, One Secret, and a Son Who Won't Let Go

Eight Years, One Secret, and a Son Who Won't Let Go

Nagising siya sa sarili niyang katangahan sa harap ng lalaking mahal niya. Sa sarili nilang tahanan, nasaksihan niya ang kanyang kapatid sa ama at asawa na magkahalikan nang buong pagnanasa. Hindi na siya naghintay pa ng paliwanag. At biglang bumalik sa isip niya ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Umalis siyang may dalang sariling lihim na patuloy na lumalaki sa loob niya, at pusong nangako na hinding-hindi na muling magpapaloko. Walong taon na ang lumipas at ang tadhana ay hindi kumakatok nang mahinahon, ito ay bumubukas ng pintuan ng boardroom nang buong lakas. Hindi na si Sari ang babaeng biglang nawala. Ngayon, siya ang CEO. At ang lalaking kaharap niya sa negosasyon, si Leon Castellano, ang tanging tao na kayang magpalimot sa kanya ng sarili niyang pangalan. Nakatayo sa pagitan nila ang taong hindi inaasahan ng dalawa, ang nila, si Theo. Matalas ang dila, palihim na may binabalak, at determinado siyang maging tagapagtulay sa pag iibigan ng dalawa. Ngunit ang plano ni Theo ay nagbukas ng higit pa sa pag-ibig. Habang muling nabubuksan ang mga lumang sugat, natuklasan ni Sari na ang babaeng nakita niya sa ospital ay hindi pala kailanman naging kalaban niya, at ang larawang sumira sa kanyang kasal ay isang sandata pala, binaril ng taong mas malapit sa kanya kaysa sa inakala niya. Ngayon, may anak na anim na taong gulang na patuloy na nag-aayos ng gulo sa bawat sulok, may kaaway na palihim na paikot-ikot, at may kimika sa pagitan nilang dalawa na hindi nila matatakasan, kailangang harapin nina Sari at Leon ang katotohanang inilibing nila walong taon na ang nakalipas. May mga pag-ibig na hindi na kailangan pa ng pangalawang pagkakataon. Kailangan lang nila ng walong-taong-gulang, may notebook, may master plan, at wala nang pasensya pa sa mga dahi-dahilan ng mga matanda.
Read
Chapter: Epilogue
Epilogue: The Notebook, Years LaterPierce Leon CastellanoMay mga umaga na hindi mo alam kung gaano na katagal ang narating mo, hanggang sa may isang bagay na biglang nagpapaalala sa'yo.Para sa akin, ang umagang iyon, ang paalala ay ang tunog ng gitara mula sa kwarto ni Theo, hindi na iyong mga simpleng chord na kaniyang pinag-aaralan noong bata pa siya, kundi isang buong kanta, mahusay na natutunan, tunog ng isang binatang labing-anim na taon na ang gulang, hindi na ang batang walo lang noong una kong makilala.Bumaba ako mula sa aming kwarto, at sa kusina, nakita ko si Sari, naghahanda ng almusal, ang kaniyang buhok medyo may mga puting hibla na ngayon, ngunit ang kaniyang ngiti, kagaya pa rin noong unang beses kong nakita siyang sumayaw sa akin sa aming kasal."Magandang umaga," bati ko, hinalikan ang kaniyang pisngi."Magandang umaga," sagot niya, ngumiti sa akin. "Nakikinig ka ba kay Theo? Mahusay na siya ngayon sa gitara.""Narinig ko," sabi ko, umupo sa mesa. "Hindi ko akalai
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 69: The Last Entry
Sarina YsabelleNang gabing iyon, matapos umuwi ang lahat ng aming bisita, at matapos ihatid si Theo at si Elena sa kani-kaniyang mga kwarto, umupo kami ni Leon sa sala, hawak-hawak ang lumang notebook ni Theo na kaniyang iniwan sa mesa."Leon," sabi ko, dahan-dahang binubuklat ang notebook, "gusto mo bang basahin natin ito muli, mula umpisa?"Tumango si Leon, at habang kami ay nakaupo magkatabi, dahan-dahan kong binuklat ang bawat pahina, mula sa unang tanong ni Theo, hanggang sa mga plano niya para sa "Operation Best Friends," hanggang sa mga tala niya tungkol sa kaso sa korte, at sa wakas, hanggang sa huling entry na kaniyang isinulat sa gabi ng aming kasal."Alam mo," sabi ni Leon, "hindi ko akalaing isang simpleng notebook ang magiging susi sa lahat ng ito.""Ako rin," sabi ko, natatawa. "Ngunit tingnan mo, dito nagsimula ang lahat, sa mga katanungan ng isang batang gustong lang malaman ang totoo tungkol sa kaniyang pamilya."Habang tinitingnan namin ang huling pahina, na may nak
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 68: A Family, Fully
Sarina YsabelleIsang buwan matapos isilang si Elena, nagpasya kaming gumawa ng maliit na salu-salo upang ipakilala siya sa lahat ng mahal namin sa buhay, mula sa aming mga kaibigan hanggang sa aming pamilya na nabuo sa nakaraang mga taon."Sari, saan mo gustong gawin ang celebration?" tanong ni Leon, habang kami ay nagpaplano."Naisip ko na sa bahay na lang," sabi ko, "gusto ko kasing intimate lang ang okasyon, hindi masyadong malaki, dahil gusto kong ang lahat ng tao roon ay tunay na mahalaga sa ating buhay."Nang araw ng salu-salo, dumating unang-una si Aling Nena, kasama ang ilan pang matatandang kaibigan mula sa Batangas, dala-dala ang iba't ibang regalo para kay Elena."Sari," sabi ni Aling Nena, hawak ang munting kamay ni Elena, "napakaganda niya, kagaya ng iyong ina.""Salamat, Aling Nena," sabi ko, ngumiti sa kaniya. "Salamat din sa lahat ng tulong ninyo, hindi lang sa akin, kundi sa buong pamilya ko."Sumunod na dumating sina Mang Ramon at Mang Fernando, magkasamang dala ang
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 67: Complete
Sarina YsabelleTatlong araw matapos kong ipanganak si Elena, pinapayagan na kaming umuwi mula sa ospital, at habang kami ay naghahanda para sa aming paglalakbay pauwi, hindi ko na maiwasang mapansin kung gaano na kaganda ang buhay na aming binuo."Sari, handa ka na ba?" tanong ni Leon, hawak-hawak ang car seat ni Elena, mukha buong ingat habang inaayos ito."Handa na," sabi ko, ngumiti sa kaniya, dahan-dahang tumayo mula sa aking kama.Si Theo naman, na sumama sa amin sa ospital sa buong tatlong araw, ay hawak-hawak ang isang malaking bag ng mga regalo na natanggap namin mula sa mga bisita, mukha buong tuwa habang naghahanda para sa aming pag-uwi."Mommy, Daddy," sabi niya, "excited na po ako na ipakita kay Elena ang bahay natin, lalo na po ang kwarto niya."Pagdating namin sa aming bahay, sinalubong kami ni Yara at Mikka, na nagpasya nang maghanda ng maliit na welcome sa aming pagdating, may mga balloon at isang banner na may nakasulat na "WELCOME HOME BABY ELENA.""Ate Sari," sabi
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 66: Welcome
Sarina YsabellePagdating namin sa ospital, agad kaming sinalubong ng mga nurse, at mabilis akong inilagay sa isang wheelchair habang si Leon naman ay nag-aasikaso ng mga papeles kasama si Theo, na hawak-hawak pa rin ang kaniyang notebook, mukha buong determinasyon kahit halatang kinakabahan din siya sa loob."Ms. Torres, kumusta ang inyong pakiramdam?" tanong ng isang nurse, habang isinasakay ako sa delivery room."Masakit," sagot ko, hinihinga nang malalim, "pero kaya ko pa."Ilang minuto pagkatapos, dumating si Dr. Reyes, mukha kalmado kahit halatang nagmamadali rin siyang pumunta mula sa kaniyang bahay."Sari, tingnan natin," sabi niya, sinusuri ang aking kalagayan. "Mabilis ang dilation mo, malapit ka nang manganak.""Maaga pa naman ang due date ko, Dr. Reyes," sabi ko, boses puno ng pag-aalala. "Ligtas ba ang baby?""Sa pagsusuri ko," sagot ni Dr. Reyes, ngumiti sa akin, "mukhang malusog naman ang baby, kahit medyo maaga pa ang paglabas. Huwag kang mag-alala, Sari, bantayan lang
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 65: Preparing the Nursery
Sarina YsabelleHabang papalapit na ang aking due date, nagpasya kaming pareho ni Leon na simulan na ang paghahanda ng nursery para sa aming bagong sanggol, isang proyekto na naging mas masaya dahil sa aktibong partisipasyon ni Theo."Mommy, Daddy," sabi ni Theo isang Sabado ng umaga, dala-dala ang kaniyang notebook, "nag-research po ako, at alam ko na po kung anong tema ang dapat nating gamitin para sa kwarto ng baby.""Ano iyon, baby?" tanong ko, natatawang inaasahan ang kaniyang sasabihin."AVENGERS PO!" sigaw ni Theo, buong tuwa. "Kahit po lalaki o babae ang baby, kailangan pong Avengers ang tema, dahil ganoon din po ang ginamit sa birthday ko, at napakaganda ng resulta."Napatingin ako kay Leon, at parehas kaming natawa sa katatagan ng aming anak sa kaniyang paboritong tema."Baby," sabi ko, "hindi ba dapat tayo mag-isip ng ibang idea, kung babae ang kapatid mo?""Bakit po?" tanong ni Theo, mukha nagtataka. "Kaya namang maging malakas ang mga babae, katulad po ni Black Widow o ni
Last Updated: 2026-08-25
You May Also Like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status