Share

Chapter One

"El, do it harder!" sigaw saakin ng kuya kong nasa kabilang sulok ng training room namin. He was teaching me some techniques tungkol sa kapangyarihan ko.

I was feeling lazy though but I couldn't do anything since he was the one who demanded for me to do it. Ano pa ang choice ko? Follow him, right?

Kapag humindi ako riyan paparusahan lang ako niyan, 'wag na lang. Kaya kahit tamad na tamad ako ngayon ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon.

Huminga ako nang malalim at nag concentrate sa dummy na nasa harapan ko. It looked real dahil humihinga ito at gumagalaw.

What he was teaching me ay ang pag yeyelo ko rito. Not on the outside but on the inside. Sa madaling salita ay ang dugo at puso nito ang gagawin kong yelo. It was pretty hard and it needed a lot of practice. Hindi ko na nga maalala kung pang ilang subok ko na ito.

Damn. Maybe I really needed this practice. Ito naman kasing kapatid ko, kung ano-anong naiisip, e. I could just go by with the techniques I have inside me. Hindi naman siguro kailangan alam ko ang lahat?

"Hey! Your thoughts are too loud. Mag focus ka nga. Iniisip mo na naman na hindi importante 'to, e!" Kuya shouted when he noticed that I spaced out for a while.

I rolled my eyes at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

I can feel the overflowing power inside me. It's always like this kapag gumagamit ako ng kapangyarihan ko. My white hair is glowing and so is my icy eyes.

The dummy is about to attack me pero agad 'yong nahinto at natumba. Maya-maya pa ay nagsimula na itong magyelo. I did it!

"Kuya, I did it!" masayang sabi ko. Nakita ko naman ang gulat at saya sa mukha ni kuya. I realized what I did kaya agad na ibinalik ko ang blanko kong mukha.

Ah... Cold person nga pala ang personalidad ko rito. Nakalimutan ko.

"I'm so proud of you, El!" sabi ni kuya nang makalapit ito saakin. He pat my head at ginulo ang buhok ko. I just gave him a small smile before going out of the training room.

May training room kami sa loob ng bahay. Mom and dad made this for us at talagang matibay ito. Imagine being thrown with different magic, siyempre kailangan talaga matibay.

Also, pinasadya talaga ito kasi hindi naman pwedeng sa labas kami. Nasa mortal world kami and it would be dangerous for them... And for us.

Ang weird pa naman ng takbo ng utak nila rito. I'm sure they would think na isa kaming mangkukulam at balak na pumatay ng tao kahit hindi naman.

Ganoon talaga, 'no? Iba-iba talaga 'yong pag-iisip ng mga tao basta't galing sa iba't-ibang mundo.

Pero kahit naman dito sa mortal world, iba-iba rin naman sila. I guess people are really equiped with differences— and that make this world balanced.

It's amazing and a headache at the same time because sometimes those difference can cause the biggest chaos.

Naka depende na lang talaga sa tao kung paano niya tatanggapin na iba-iba talaga lahat.

Sa ilang taon kong paninirahan dito sa mortal world, ang masasabi ko lanh ay they were just like us, but without the magic powers.

"Hey, mom!" tawag pansin ni kuya kay mommy na ngayon ay naghahanda ng makakain sa lamesa.

Oh... Hindi ko napansin na nasa sala na pala kami. I was spacing out the whole time papunta rito.

"Snack is ready. How was it?" She asked, pertaining to our training.

"I did it," I answered as I sat down on the chair. Ngumiti nang malawak si mommy at halatang proud na proud ito saakin.

Who wouldn't be? Sabi nila ang technique na iyon ay isa sa mga pinakamahirap matutunan.

"You are almost ready, El," sabi ni daddy na biglang sumulpot sa tabi ni mom. Ito talaga siya.

Hindi ko alam kung saan galing 'yan basta bigla-bigla na lang yan lumilitaw sa harapan namin. Dati nagugulat kami pero kalaunan ay nasanay na sa kanya.

Ganyan na talaga siya, e. Wala na kaming magagawa. Sanayan na lang talaga.

"Tama! We are so proud of you," she said while smiling really wide.

Hm. Although that technique really gave me a hard time, being able to finally do it didn't feel as fulfilling as it should be.

Hindi ko alam. Siguro sa dami kong nagawa at napagtagumpayam parang wala na lang ang mga bagay-bagay tulad nito.

Weird... Pero nasanay na rin siguro ako sa mga papuri.

"Siyempre magaling trainer niya, e," Kuya said while eating the chocolate cake. Ano ba 'yan, gwapo sana kaso ang dungis.

Sayang ka.

"May narinig kang nagsasalita, hon?" biro ni mommy na nakatingin kay daddy. Si daddy naman ay mukhang nag isip-isip pa.

"Meron. Kaninong boses 'yon?" Lakas din ng trip ng dalawang 'to, e. Si kuya naman ngayon ay nakakunot ang noo. Hindi na maipinta ang mukha niya. I bit my lower lip to stop myself from laughing.

Sige. Asarin niyo 'yan nang umiyak 'yan.

"Ako panganay, support niyo naman ako!" sabi nito at padabog na sinubo ang cake. I can't stand his face, ang dungis. Parang bata kung kumain— o baka nga mas malinis pa kumain 'yong bata kesa sa kanya, e.

Tinapunan ko siya ng panyo sa mukha kaya napalingon ito saakin at sinamaan ako ng tingin.

"Clean your face," I said, rolling my eyes because of irritation. Akala niya siguro matatakot niya ako sa paganyan niya.

"Oo nga, dungis mo," sabi ni mommy and rolled her eyes.

"Hon. I think we should go now," sabi ni daddy kay mommy. They're going somewhere? Hindi nila nabanggit, a. Ang daya rin minsan ng mga 'to.

"Ay, oo nga pala! We'll go to Enchanted to check on something. Maiwan muna namin kayo," sabi ni mommy.

O, I see. Ganoon naman set up nila mostly. Madalas sila doon sa Enchanted for I don't know what reason. Ayaw naman nilang sabihin, but I'm sure alam ni kuya. Doon pumapasok si kuya actually. Nandito lang 'yan ngayon kasi summer.

Pero sigurado naman ako na they're just doing business there. Hindi rin naman kasi nila pwedeng iwan 'yong buhay nila sa kabilang mundo— kasi roon naman talaga kami nararapat.

What they had here in Mortal World was more like of a sideline. Alam ko napipilitan lang sila na pumunta rito dahil sa 'kin, e.

Sinabi ko naman noon na sa Enchanted na lang kami tumira lahat pero hindi nila ako pinayagan. They said they still had to prepare me. Delikado raw kasi para saakin ang mundong 'yon kaya kailangan handa akong lumaban para sa sarili ko.

Alam kong may mas malalim pang dahilan bukod diyan but I just brushed away that thought. Alam ko naman din na kung pwede na ay sasabihin naman nila saakin.

Umalis na sina mom and dad kaya agad na tinapos ko ang pagkain ko. "You're in charge." I grinned at kuya at kaagad na tumakbo paakyat.

"Elodie Cassiphea Apostle, come back here!" narinig kong sigaw niya galing sa baba. Ngumisi lang ako at pumasok na sa kwarto.

Ako na naghugas kahapon. Siya naman ngayon. Feeling disney prince.

I took a bath and wear a plain oversized white shirt and a shorts. I blow dried my hair at nahiga na pagkatapos.

"You're here again," bungad nito saakin. Ganito ang nangyayari saakin lagi. Kapag iniisip ko ang lugar na ito before sleeping ay napupunta ako rito. I always train here with her.

She is the guardian of this place. Ang sabi niya saakin only the chosen one could enter this place. Hindi raw kasi basta-bastang nakakapasok sa lugar na ito because of the barriers surrounding the place.

"May kailangan ka pa bang matutunan, Cassiphea? You know everything already. Ang lakas mo na," sabi nito that made me chuckle.

In this place, no matter how hard I want to stay nonchalant ay para bang inilalabas nito ang side na hindi ko pinapakita sa iba.

Para bang sinasabi ng lugar na ito na ayos lang kahit hindi ako magpanggap na malakas at matapang. It's a comforting place where I can be gentle to myself.

Buti na lang talaga at nalaman ko ang tungkol sa lugar na ito kahit hindi ko naman alam paano.

"I wanna master my other magic, fire. Ang ilap naman kasi ng elementong 'yan," sabi ko.

I am comfortable with her, like how I am comfortable with my family. And yes, I can control fire. I can control almost everything. Hindi ko alam paano at bakit. No one knows, except her, but she wouldn't tell me anything.

Ang sabi niya may tamang oras ang lahat. Siyempre wala na akong nagawa. Hindi naman ako 'yong tipong namimilit.

"Alright. Maiwan na muna kita, I can't help you now dahil marami akong ginagawa," sabi niya. I nodded at tsaka siya umalis.

Her place is like a paradise, maraming bulaklak at puno. May mga paru-paro at iba't-ibang hayop.

I always train here dahil hindi naman pwede roon sa training room namin sa bahay dahil malalaman nina mommy. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, it's just that it doesn't feel right. Maybe, sa tamang panahon.

I can control the four elements and different sub abilities. Amazing, right? Amazing but at the same time, scary. Why? Kasi I feel different. Sina mommy ay isang element at sub ability lang ang meron, unlike me. I feel so different because of them.

Baka mamaya, masama pala ito. Baka mamaya may kasamang sumpa ito. Hindi ko pa naman ito ginusto.

"El, gising. Dinner is ready." Nagising ang diwa ko nang may yumugyog saakin. I slowly opened my eyes at nakita si kuya na nakatayo sa gilid ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinapunan siya ng ice ball. He's lucky dahil maliit lang 'yon at agad niyang naiwasan.

"Get the hell out, kuya," masamang sabi ko He raised his both hands at napalunok.

"Okay, okay! Aalis na! Bilisan mo, I'll wait for you there," sabi niya at dali-daling tumakbo palabas. Speed, that's his sub ability.

Inayos ko muna ang buhok ko at bumaba na. Agad naman akong sinalubong ng masarap na amoy. He's really a good chef, minsan nga ay pinagluluto niya ako ng pagkain na sa Enchanted lang makikita.

Para raw hindi ako ma culture shock kapag nakapunta ako roon. Kakaiba kasi mga pagkain nila, e. Minsan nga kumakain sila ng dahon— pero masarap naman. Hindi naman tulad ng mga dahon dito sa mortal world.

Nakarating ako sa dining area at napataas ang kilay ko dahil nakatulala si kuya, mukhang malalim ang iniisip. Napangisi naman ako nang makaisip ng kalokohan.

Gamit ang kapangyarihan ko ay gumawa ako ng kamay na gawa sa yelo. Kinontrol ko ito at isinampal kay kuya. Napatalon naman siya dahil doon.

"Elodie! Nakakailan ka na sa'kin!" inis na sabi nito at sinamaan ako ng tingin. Bumelat lang ako at naupo na sa tapat niya.

"So, kuya. What's bothering you?" I asked him while putting some foods on my plate.

"Wala. Naisip ko lang kung gaano ka kapangit," sabi niya. Umawang naman ang bibig ko dahil doon.

"Coming from you? Mas maganda pa nga paa ko sa'yo," I said, grinning.

"Ang weird mo, El. Nang-aasar ka pero blanko pa rin mukha mo. Pwede ba 'yon?" tanong nito. I just shrugged dahil ganito naman talaga ako. Madalas talagang blanko ang mukha ko, my defense mechanism. Matapos ang pangyayaring iyon, I learned a lesson. I won't show any weakness, ever.

Para saan naman ang pagiging malambot ko sa iba, 'di ba? Hindi naman na yata worth it.

"Whatever, Kyler," I said, rolling my eyes. I saw how his eyes widened dahil sa sinabi ko.

"Call me kuya!" inis na sabi nito. Literal naman na nag spark ang mata niya. Right, ayaw niyang tinatawag ko siya sa pangalan niya.

"When can I go to Enchanted?" deretsang tanong ko. I saw how he stopped eating at tinignan ako.

"Hindi ako ang makakapagsabi niyan," sagot niya. I just stared at him blankly at nagpatuloy nalang sa pagkain. Ganyan naman lagi, everytime I ask about it ay ganoon ang sagot niya.

I tried asking mom and dad and they always end up saying "Sa tamang panahon" like seriously, kailan 'yan? Kapag isang libobg taon na ako nabubuhay? Hindi naman sa atat ako, may mga tanong lang ako na alam kong doon masasagot. I don't know enough about my family, at hindi lang 'yan. I don't know enough about myself.

I always feel like madami akonh bagay na dapat malaman sa sarili ko— and the more I stay here the longer I have to wait to find out the truth.

Kung alam ko lang paano gumawa ng portal papuntang Enchanted ay ginawa ko na, e. Kaso hindi rin naman nila ako tinuruan para hindi talaga ako makapunta roon.

Ewan ko ba. Sa tingin ko talaga may mas malaking gampanin ako sa Enchanted. I really want to know because I can't remember much of my past.

My memory starts with a white ceiling and a smell of medicine, in short ay sa ospital. I was 10 years old back then. I tried remembering about what happened bago ako napunta roon, pero wala akong napala. Wala talaga akong maalala.

The only thing I can recall is the noise, screams, cry, force, and pain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status