Share

Chapter 4

VELA

"Velo, where are you? Ay, wala dito. Nasaan kaya ang gwapo kong anak?" Nagpanggap akong hindi siya nakita kaya malapad ang ngiti niya nang lagpasan ko siya. 

"Huli ka, mommy!" 

Hinarap ko siya at binuhat. Pinugpug ko ng halik ang kaniyang buong mukha habang kinikiliti ko siya. Hindi naging madali sa akin na palakihin mag-isa si Velo. Mahirap kapag wala kang katuwang sa pag-aalaga. Pero worth it naman lahat ng hirap at sakripisyo ko dahil mahal na mahal ako ang aking anak. Mamatay siguro ako kapag nawala siya sa akin. He is my life. My hope, strength, and happiness.

"Tama na, mommy. Put me down," nakanguso nitong turan. "Huwag mo na akong buhatin ulit, mommy. Mabigat na ako."

"Oh my Velo, kayang-kaya ka pang buhatin ni mommy. Malakas ata ako," pagyayabang ko sa kaniya. 

"But I'm a big boy na!" 

Kinurot ko ang ilong niya. "Yes, you are, baby. But please don't grow up too fast. I love you so much, Velo."

Kay bilis lumipas ng panahon. Tama talaga ang desisyon kong magpakalayo-layo noon dahil sa loob ng limang taon, naging payapa ang buhay ko. Masaya na ako ngayon. Wala na akong hihilingin pa dahil kuntento na akong kasama ang anak ko. 

Speaking of Velo, akala ko ay mawawala na siya sa akin. Pagdating ko kasi dito sa Valencia noon, nasagasahan ako ng motorsiklo. Mabuti na lang at malakas ang kapit niya sa akin. My son is a fighter. He never wants to leave me alone. 

"Mommy, pupunta ka ba ngayon sa shop? I want you to stay here, but you need to go to work. I want to play with you all day." nakasimangot nitong sabi. 

"Oh, how I love to play with you, baby. But mommy needs to go to work. Hayaan mo, pagdating ko mamaya may pasalubong ka sa akin. Anong gustong pasalubong ng pogi kong anak?"

Kumikislap ang dalawang mata niya habang nag-iisip. "I want fries, mommy. I love you po."

"I love you too, baby. Halika na, kain na tayo. Behave ka kay manang pag-alis ko, ha? Huwag mong pasakitin ang ulo niya."

Minsan kasi ay makulit si Velo. Sa tuwing tumitingin ako sa anak ko ay si Nadivar ang nakikita ko. Ang daya, ako ang nagdala sa kaniya ng siyam na buwan tapos paglabas niya, ang lalaking iyon ang kaniyang kamukha. Nakakainis! Carbon copy talaga siya ni Nadivar. Pati ugali niya nakuha ni Velo. My goodness!

Pinabantayan ko na kay manang ang anak ko pagkatapos kong pakainin at paliguan. Si Manang Lorie palagi ang kasama niya sa tuwing nasa bakeshop ako. Minsan naman ay sinasama ko siya. 

"Good morning, madam! Ang aga niyo naman po," gulat na sabi ni Cleo. Isa siya sa mga empleyado ko. 

"Marami kasi tayong orders ngayon. Tapos may pupuntahan pa akong party mamaya. Kawawa naman kayong dalawa ni Maine kapag kayo lang ang mag-be-bake ng mga orders sa araw na 'to." 

May naka-display naman kaming cake sa shop kaso itong mga orders namin ngayon ay puro customized. Hindi lang cake ang binebenta namin dahil may leche flan din kami, mango float at iba't ibang klase ng tinapay. 

Dahil sa sipag at tiyaga, nakapagpatayo ako ng sarili kong bakeshop. Lumago ito kaya nagkaroon ako ng branch hindi lang dito sa Bukidnon kun'di pati na rin sa iba't ibang panig ng Mindanao at Visayas region.

"Ang aga naman ata ng manliligaw mo ngayon, madam. Ang gwapo talaga ni sir," kinikilig na sambit niya. 

"Ikaw talaga, hindi ko manliligaw si Raphael. Bumalik ka na nga sa loob. Naka-pin na lahat ng mga gagawin natin na orders ngayon." 

"Landi well, madam. Sunggaban mo na si sir para may daddy na si Velo."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa dito ni Raphael. Every month ay pumupunta siya dito sa Bukidnon. Akala ko noong una ay isusumbong niya ako kay papa na nandito ako subalit hindi niya ginawa. Okay na kami sa isa't isa at kinalimutan na namin ang nangyari noon. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam na may anak na ako. 

"Good morning, Vela. Habang tumatagal mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. 

Pabili nga ako ng pandesal," nakangiti nitong sabi. 

"Magandang umaga rin sa 'yo, Raphael. Ikaw talaga, ang aga-aga, binobola mo na naman ako. Ilang piraso ba ang bibilhin mo?"

"Thirty pieces, Vela. Siya nga pala, may dala pala akong bulaklak para sa 'yo." 

"Thank you, Raphael."

Matamis niya akong nginitian at kinuha na niya ang binili niyang pandesal. Mukhang wala siyang balak na magtagal dito ngayon. Minsan kasi isa o dalawang oras siyang nanatili dito sa shop. Dahil sa palagi niyang pagdalaw sa akin, naging magkaibigan kami. 

Naninibago nga ako sa kaniya dahil hindi na siya ang Raphael na kilala ko noon. Nagbago na siya. Naging simple at humble siyang lalaki, malayong-malayo sa ugali niyang matapobre at arogante. Nagpaalam din siya kaagad pagkatapos kong ibigay ang sukli niya. 

"Lumilitaw talaga ang ganda mo, madam. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming lalaki ang nahuhumaling sa 'yo," puri ni Cleo. 

"Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon?" Backless kasi itong suot kong long dress at hapit na hapit ito sa aking katawan. 

"Bagay na bagay, madam. Mababali talaga ang leeg ng mga lalaking nakatingin sa 'yo sa party na pupuntahan mo."

Pagkatapos kong mag-bake ng mga orders, nagpahinga muna ako saglit bago nagbihis. Pupunta ako ngayon sa Hotel de Susana para dumalo sa wedding anniversary ni Mr. and Mrs. Pelayo. Ako rin ang gumawa ng cake nila kaya pupunta ako doon na may dalang cake. 

Sinalubong agad ako ni Dana Pelayo nang makita niya ako sa entrance ng hall. Hindi naman naglalayo ang edad namin dahil mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Actually, isa siya sa mga ninang ni Velo. Gusto ko sanang isama ang anak ko sa event na 'to subalit baka maburyo lang siya dito at mag-tantrums. Mahirap na. 

Bumilis ang pahinga ko nang aksidenteng napatingin ako sa kabilang table. Ano ang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa Valencia? Diretso at walang emosyon siyang nakatingin sa akin kaya nagpanggap akong hindi siya kilala. 

"Okay ka lang, Vela? Namumutla ka," nag-aalala na sabi ni Dana. 

"Ah, oo. Okay lang ako. Happy wedding anniversary, mare."

"Thank you, Vela. Sayang lang at hindi mo sinama si Velo. Miss ko na ang aking inaanak."

Napatalon ako sa gulat ng biglang may tumikhim sa aking tabi. Nanatiling nakatingin lang ako sa aking harapan at hindi siya pinansin. 

"Nadivar, you're here. Thanks for coming," Dana said. "Si Vela nga pala, kaibigan ko."

"Hello, nice meeting you here." Umupo siya sa aking tabi at pinatong ang kaniyang isang kamay sa lamesa.

I gritted my teeth. Ang kapal ng mukha niyang lumapit sa akin. "Hello," tipid kong sabi. 

"Vela, Nadivar, maiwan ko muna kayo dito. By the way, she's single baka bet mo siya."

Kasal na 'yan. May anak na nga. 

Hay nako, binubugaw na naman ako ni Dana. Pareho lang silang dalawa ni Roca. Nang umalis siya ay dahan-dahan akong lumayo kay Nadivar. Masyado kasi siyang malapit sa akin. Sa mga oras na ito, gusto ko siyang sabunutan at sampalin. Hindi ko akalain na magtatagpo ulit ang landas namin. Dito pa talaga sa wedding anniversary ng kaibigan ko. 

Naiilang ako sa bawat titig niya sa akin. Ano bang problema ng lalaking ito? Napagtanto niya ba na mas maganda ako kaysa kay Alleyah? The feeling of bitterness spread throughout my body. Kung makatingin at makalapit siya ay parang hindi siya pamilyadong tao. Kahit kailan talaga, manloloko ang lalaking ito. 

"How are you, Vela?" Ang boses niya'y napakalambot habang ang kaniyang mga mata ay puno ng pangungulila. 

"Better than yesterday." Tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa doon. Akala ko ay hindi niya ako susundan subalit nagkamali ako. 

"Let's talk, but first, wear my suit because all the men here are drooling on you. Baka makapatay pa ako ng tao kapag hindi mo tinakpan ang likod mo," tiim-bagang nitong sabi habang siya'y nakatingin sa aking likod. 

"Stop acting like you are my boyfriend, Nadivar. Sa pagkakaalam ko, walang nagmamay-ari sa akin. Saka 'wag mo nga akong sundan."

Tinalikuran ko siya subalit mabilis niyang hinigit ang kamay ko at napasubsub ako sa kaniyang dibdib. What the hell! Nagulat ako ng kinaladkad niya ako papunta sa walang katao-taong bahagi ng hotel na ito. Dahil sa nagpupuyos kong galit, sinampal ko ang magkabilang pisngi niya. Aakmang sasampalin ko ulit siya subalit mabilis niyang hinuli ang kamay ko at walang pasabi na siniil ako ng halik.

"Slap me again, and I will kiss you nonstop. Ah, I missed your cherry-red lips. Damn it! I want to taste it again."

Hahalikan na sana ulit ako ni Nadivar subalit biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko siyang tinalikuran at sinagot ang tawag ni Manang Lorie. Nawalan ako ng balanse nang sabihin sa akin ni manang na sinugod sa ospital si Velo dahil nasagasaan ito. 

Umiiyak akong lumabas ng hotel at mabilis na hinanap ang aking sasakyan. Dahil nagmamadali ako, hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status