Vela Dominica run away on the day of her wedding. Wala siyang pakialam kung magalit ng husto ang kaniyang mga magulang sa naging desisyon niya. Basta ang importante, hindi matuloy ang kasal. Dala ng desperasyon na makatakas sa mga tauhan ng ama niya, sumama siya sa kaniyang boyfriend. Akala niya nakatakas na siya sa bangungot ng kaniyang buhay subalit hindi niya inaasahan na ang lalaking mahal niya ay isa pa lang kinakatakutan na mafia boss. She hates ruthless people, deadly weapons, and dangerous lives. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung sino pa ang kinasusuklaman niya ay doon pa nahulog ang loob niya. With her innocent, alluring body and enchanting beauty, will she be able to soften the heart of the ruthless mafia boss? Will she be able to embrace his darkness until the end, or will she choose to leave him behind?
Lihat lebih banyakVELA
"Papa, ayoko po talagang ikasal kay Raphael. Hindi ko po siya mahal," umiiyak na sambit ko.
"Papakasalan mo siya sa ayaw at sa gusto mo, Vela," seryosong sabi niya.
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Namumugto ang dalawang mata ko dahil buong magdamag akong umiyak kagabi. Ilang beses akong nagmakaawa kay papa na 'wag akong ipakasal sa anak ng kumpadre niya. Subalit imbis na maawa siya at pakinggan ako, isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin.
Ako si Vela Dominica, ang nag-iising anak ng mag-asawang Sapanta. Mayaman ang pamilya ko subalit mas mayaman ang kumpadre ni papa. Sakim sa pera at kapangyarihan ang aking ama kaya hindi siya marunong makuntento sa kung anong biyayang meron kami.
Sumisinghot akong bumaba sa bridal car at nanginginig ang dalawang tuhod kong naglakad papunta sa harapan ng simbahan. Hindi alam ng boyfriend ko na ikakasal ako ngayon. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya na magpapakasal ako sa ibang lalaki. Bigla akong nagkaroon ng pag-asang makatakas nang makita ko si Nadivar sa tapat ng simbahan.
"I'm sorry papa and mama," sambit ko at mabilis na kinalas ang kamay kong nakapulupot sa braso ng aking ama.
"Vela! Bumalik ka dito!" galit na sigaw ni papa.
Hindi ko siya pinakinggan. Sa unang pagkakataon, sinuway ko ang aking mga magulang at pinili ang sarili kong kaligayahan.
Tinuhog ko ang isang tauhan niyang nakaharang sa daraanan ko. Nagmamadali kong nilapitan si Nadivar at niyakap siya ng mahigpit. Umiyak ako sa kaniyang bisig habang inaalo niya ako.
"Huwag kang matakot, love. Hindi ako papayag na ikasal ka sa lalaking iyon. Tara na, tumakas na tayong dalawa bago pa tayo maabutan ng mga tauhan ng ama mo."
"I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa 'yo ang bagay na ito. Ayoko talagang magpakasal kay Raphael. Si papa lang naman ang may gusto," sumbong ko.
"It's okay, love. Tahan na. I love you, Vela. Kahit anong mangyari, hindi kita papakawalan."
Nilingon ko muna si mama bago ako pumasok sa sasakyan ni Nadivar. Wala na akong pakialam kung magalit ang mga magulang ko sa akin. Mas gugustuhin ko pang kamuhian nila ako kaysa matali habang-buhay kay Raphael. Magiging miserable lang ang buhay ko kapag siya ang naging asawa ko.
Masyadong toxic at obsessed si Raphael sa akin kaya ayoko sa kaniya. Baka mapatay niya pa ako ng dahil sa selos. Kahapon ko lang din nalaman na buntis ako at hindi pa alam ni Nadivar. Hindi rin alam nila mama na may boyfriend na ako.
"Damn it," sambit ni Nadivar. "Vela, kumapit ka ng mahigpit."
Napasigaw ako ng banggain kami ng katabi naming sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana at laking gulat ko nang makita si Raphael. Siya ang bumangga sa amin. Galit itong napatingin sa akin kaya napayuko na lang ako.
"I will kill you, Acosta. Stop the car and give back my bride. Vela is mine, mine alone!" galit nitong sigaw.
Binuksan ni Nadivar ang bintana sa gilid ko. Hinalikan niya pa ako sa labi habang nagmamaneho siya. "Stop owning my girlfriend, Savueda. She was mine to begin with. Hindi ka niya papakasalan dahil ako lang ang papakasalan niya."
Diyos ko, sana walang mangyaring masama sa amin. Nataranta ako nang makitang sumusunod sa amin ang mga tauhan ni papa. Tahimik akong nagdasal na sana 'wag kaming pabayaan ng panginoon. Napansin kong hindi na pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin.
"Vela, nandito na tayo. Are you okay? Putlang-putla ka," aniya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil safe na kaming dalawa. "Medyo nahihilo lang ako pero magiging okay rin ang pakiramdam ko kapag nakapagpahinga na ako."
Binuhat niya ako na parang bagong kasal at pumasok na kami sa loob ng mansyon niya. First time ko lang makapunta dito dahil sa rest house niya ako dinadala noon tuwing nag-ce-celebrate kami ng monthsary namin. Three months pa lang kami ni Nadivar subalit nabuntis na niya ako. Hindi naman ako nagsisi na binigay ko sa kaniya ng maaga ang pagkabirhen ko.
Handa akong gawin ang lahat mapasaya ko lang siya. I really love him to the point na kaya kong talikuran ang mga magulang ko para sa kaniya. Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao.
"Magpahinga ka muna, love." Binihisan niya ako at sinuotan ng komportableng damit. Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang aking noo.
"Thank you, Nadivar. Palagi ka na lang nandiyan sa tabi ko tuwing namomroblema ako. You are really my savior. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko."
"Dadaan muna sila sa akin bago ka nila makuha, Vela. I really hate your father; he's selfish and a jerk. He doesn't deserve an angel daughter like you. I love you so much, angel."
"I love you more, Nadivar. Ano ba 'yan, kinikilig na naman ako. Sige na, lumabas ka muna at magpapahinga na ako."
Alas tres ng hapon nang magising ako. Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako lumabas sa silid ni Nadivar. Naisipan kong ngayon ko sasabihin sa kaniya na magkakaroon na kami ng anak. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Mukhang nandito ngayon ang kaibigan niya at seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nanghina ako ng aksidente kong marinig na isa pala siyang mafia boss. Hindi… hindi siya masamang tao. Nagtago ako sa gilid ng poste nang dumaan ang isang katulong ni Nadivar.
"Mukhang nakalimutan mo na ang totoong pakay mo sa babaeng iyon, Nadivar. Fifteen years ang hinihintay natin para makapaghiganti ka sa ama niya. Anong nakain mo at dinala mo si Vela dito?" seryosong tanong ni Carpio sa kaniya.
"Hindi ko nakalimutan ang plano natin, Carpio. Wala ka bang tiwala sa akin? Saka pwede ba, 'wag mo akong tanungin na parang isang kasalanan ang pagdala ko dito kay Vela."
"Mukhang nagiging malambot na ang puso mo sa kaniya, Nadivar. Isang tanong, isang sagot. Mahal mo na ba siya?"
"What the hell! Seriously, Carpio? Hindi ko siya mahal. Pinaglalaruan ko lang siya at ginagamit laban sa kaniyang ama. I never loved her from the start. Pampainit ko lang siya sa kama," nakangising sambit ni Nadivar.
Parang sinaksak ako ng paulit-ulit nang marinig ko ang mga sinabi niya. Nanghihina akong napakapit sa poste habang nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko matanggap na pinaglalaruan niya lang pala ako. Na pampainit niya lang ako sa kama.
Napakawalang-hiya niyang lalaki. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sakit, poot at kakaibang galit ang nararamdaman ko ngayon. Pinapangako ko sa aking sarili, balang araw, luluhod si Nadivar sa harapan ko at magmamakaawa. Ibabalik ko lahat ng sakit na dinulot niya sa akin.
"Roca, kailangan ko ng tulong mo ngayon. Sunduin mo ako dito sa address na ifo-forward ko sa 'yo," mahinang sambit ko sa kabilang linya. Tinawagan ko agad siya pagbalik ko sa silid ni Nadivar.
"Noted, mare. Alam mo naman na always akong to the rescue sa 'yo. Papunta na ako, Vela."
Pagkatapos naming mag-usap, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at lumabas sa mansyon ni Nadivar. Marami siyang tauhan na pakalat-kalat kaya sa likod ako dadaan. Umakyat ako ng punong manga at maingat akong bumaba sa kabilang lote.
"Manang, nakita niyo ba si Vela?" tanong ni Nadivar sa katulong niya.
Bago pa niya ako maabutan, kumaripas na ako ng takbo. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ako ng kaibigan ni Nadivar.
"Bro, nandito siya!" sigaw ni Alto. "Mukhang balak ka niyang takasan."
VELA Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. I was not comfortable seeing my father in front of me. Wala ngayon si Nadivar kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung pwersahan kaming ibalik ni papa sa Ilocos? Knowing him, wala siyang pakialam kahit pa masaktan ako. "P-Papa, pasok po kayo," napipilitan kong sabi. Nagtatanong akong napatingin kay Raphael subalit wala akong nakuhang sagot dahil sa malamig niyang trato sa akin. "It's been five years, anak. Miss na miss ka na namin ng mama mo. Kailan ka ba uuwi sa Ilocos?" "Kapag hindi na po ako busy, papa." Masuri niyang tinignan ang bawat sulok ng bahay nang makarating kami sa sala. Nakahalukipkip naman sa kaniyang tabi si Raphael habang ang atensyon nito ay nasa aking anak. Nagtago sa aking likuran si Velo kaya tinawag ko si Manang Lorie. "You have a son, and you didn't tell me about him." May halong pait ang kaniyang boses na para bang pinagtaksilan ko siya. "Siguro hindi lang handa si Vela na sabihin sa 'yo ang totoo, Raphael. K
VELA Wala pang tatlong segundo, bumalik din agad ang ilaw. Subalit laking gulat ko nang makitang nakatutok na sa akin ang baril na hawak ni Sadam. Traydor! Isa siyang traydor! Sino siya? Bagong tauhan ba siya ni Nadivar? Bakit ba ako ang puntirya ng mga taong nakapalibot sa kaniya? Animo'y isa akong hadlang sa kanilang mga plano. "Ang tanga naman ni Nadivar, naniwala agad siya sa sinabi ko. Saka hindi talaga nawala ang kuryente dahil pinatay lang namin ang ilaw sa silid na ito at sa buong pasilyo." "Anong kailangan mo sa akin?" walang takot na tanong ko. "Kung sasabihin ko ba sa 'yo, susundin mo ba?" Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Animo'y hinihintay niyang umiwas ako ng tingin subalit hindi ko ito gagawin. "Depende," tipid kong sagot. Hindi ako tanga para sundin siya. Pero kailangan kong marinig ang pakay niya sa akin. Kung may traydor sa mga tauhan ni Nadivar, kailangan malaman niya agad ito. Subalit maling galaw ko lang, baka hindi siya magdalawang-isip na barilin
VELA Labis ang takot ko ngayon dahil baka patayin nila ako ng walang kalaban-laban. Sino sila? Anong kailangan nila sa akin? Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil natatabunan ito ng itim na tela. Pamilyar sa akin ang pangyayaring ito kaya nagsimula na akong manginig. Ang bangungot ng aking nakaraan na pilit kong tinatakasan ay nangyari na naman sa akin. "T*ng-*n*, busalan niyo nga ang bunganga ng babaeng ito. Ang ingay! Kanina pa iyak nang iyak," reklamo ng isang lalaki sa kaniyang mga kasamahan. "Boss, naubusan tayo ng tape." "Mga inutil! Patahimikin niyo ang babaeng iyan kung ayaw niyong pasabugin ko ang bungo nito. Nakakarindi ang iyak niya!" Agad tumalima ang isang lalaki kaya tumigil na ako sa kakaiyak nang mapansin kong aambahan niya ako ng suntok. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok ng sigarilyo. Samo't saring baho ang naaamoy ko ngayon kaya todo takip ako ng aking ilong para hindi ako masuka. Ano ba 'yan! Ang babaho nila! Nasa peligro na nga ang buhay ko pero
VELA "N-Nadivar, diyan ka lang. Huwag kang magpapakita sa kaniya," seryoso kong sabi. Inayos ko muna ang aking sarili bago ko hinarap si Raphael. Hilaw ko siyang nginitian kaya nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "May nakalimutan ka bang sabihin sa akin kaya ka bumalik?" Napapikit ako ng mariin nang marinig kong malakas na tumikhim si Nadivar sa likod ng puno ng santol. "May kasama ka ba ngayon? Narinig ko kasing may lalaking tumikhim," aniya. Mabilis akong umiling. "Wala, pero may lalaking nagpapahinga diyan ngayon. Siya siguro ang narinig mo kanina." Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman big deal sa kaniya kung may kasama kaming ibang tao ngayon bukod sa aming dalawa. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko na sinisilip kami ni Nadivar. Sinenyasan ko siyang 'wag siyang sumilip sa amin subalit inismiran niya lang ako. Ang tigas talaga ng ulo niya. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa kami nakabulagta sa lupa ni Raphael. Makakatikim talaga siya ng s
VELANatakot ako sa banta ni Nadivar sa akin kaya sa tuwing tumatawag si Raphael, hindi ko ito sinasagot. Kakausapin ko na lang siya kapag nakalabas na kami dito sa ospital. Bantay sarado kasi ako ng lalaking ito. Parang linta, dikit nang dikit. Akala mo naman mamamatay siya kapag nawala ako sa tabi niya. "Vela, I have an urgent meeting right now. Ikaw muna ang magbantay sa anak natin. Babalik din ako mamaya," seryoso nitong sabi. "Okay." Mabuti naman at aalis na siya. Naiilang kasi ako sa kaniya. "Behave, Vela. I have eyes everywhere. Kahit wala ako dito, malalaman ko pa rin ang mga pinaggagawa mo. Don't talk to boys, alright?""Hay nako, Nadivar. Ilang beses mo nang pinaalala sa akin ang bagay na iyan. Umalis ka na nga," taboy ko sa kaniya. Hinalikan niya ang noo ng anak namin bago siya umalis. Hahalikan niya rin sana ako subalit mabilis akong umiwas. Malaya akong nakakagalaw ngayon dahil wala siya. Limitado lang kasi ang bawat galaw ko kapag nasa tabi ko si Nadivar. Paano ba na
VELANamumugto ang dalawang mata ko nang dumating ako sa ospital. Agad akong sinalubong ni Manang Lorie at pinaupo sa gilid ng hallway. "Ma'am, s-sorry po. Hindi ko nabantayan ng maayos si Velo." "Ano ba kasi ang nangyari, manang?" "Gusto kasing makipaglaro ni Velo sa ibang bata kaya lumabas kami ng bahay. Naglalaro sila ng habul-habulan tapos biglang tumakbo si Velo at hindi niya napansin ang itim na sasakyan."Mariin akong nakatingin sa kaniya. Ilang beses kong sinabi na 'wag niyang hayaang lumabas ng bahay si Velo. Subalit hindi siya nakinig at hinayaan niyang lumabas ang anak. Handa na sana akong sigawan siya subalit nakita kong lumabas na ang doctor ni Velo. Lumapit ako sa kaniya at agad niyang sinabi sa akin ang kalagayan ng anak ko. Nang malaman kong maraming dugo ang nawala kay Velo, agad akong nagpresinta na maging donor niya. Wala akong pakialam kahit pa maubos ang dugo ko. Basta ang importante, maisalba ko ang anak ko. "Lumabas na ang resulta. I'm sorry to inform you,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen