Share

Chapter 9

VELA

Wala pang tatlong segundo, bumalik din agad ang ilaw. Subalit laking gulat ko nang makitang nakatutok na sa akin ang baril na hawak ni Sadam. Traydor! Isa siyang traydor! Sino siya? Bagong tauhan ba siya ni Nadivar?

Bakit ba ako ang puntirya ng mga taong nakapalibot sa kaniya? Animo'y isa akong hadlang sa kanilang mga plano.

"Ang tanga naman ni Nadivar, naniwala agad siya sa sinabi ko. Saka hindi talaga nawala ang kuryente dahil pinatay lang namin ang ilaw sa silid na ito at sa buong pasilyo."

"Anong kailangan mo sa akin?" walang takot na tanong ko.

"Kung sasabihin ko ba sa 'yo, susundin mo ba?" Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Animo'y hinihintay niyang umiwas ako ng tingin subalit hindi ko ito gagawin.

"Depende," tipid kong sagot.

Hindi ako tanga para sundin siya. Pero kailangan kong marinig ang pakay niya sa akin. Kung may traydor sa mga tauhan ni Nadivar, kailangan malaman niya agad ito. Subalit maling galaw ko lang, baka hindi siya magdalawang-isip na barilin
Aislinn Casimir

Bosing niyo, baliw na baliw kay Vela. Ayaw na ngang umuwi sa Ilocos. Happy reading, guys! Please pa-review naman po ng story ko. Thank you in advance! Pasensya na kung hindi naka-update ng ilang araw.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lornz Kie
ganda ng story po.........next chapter po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status