Share

Chapter 6

VELA

Natakot ako sa banta ni Nadivar sa akin kaya sa tuwing tumatawag si Raphael, hindi ko ito sinasagot. Kakausapin ko na lang siya kapag nakalabas na kami dito sa ospital. Bantay sarado kasi ako ng lalaking ito. Parang linta, dikit nang dikit. Akala mo naman mamamatay siya kapag nawala ako sa tabi niya. 

"Vela, I have an urgent meeting right now. Ikaw muna ang magbantay sa anak natin. Babalik din ako mamaya," seryoso nitong sabi. 

"Okay." Mabuti naman at aalis na siya. Naiilang kasi ako sa kaniya. 

"Behave, Vela. I have eyes everywhere. Kahit wala ako dito, malalaman ko pa rin ang mga pinaggagawa mo. Don't talk to boys, alright?"

"Hay nako, Nadivar. Ilang beses mo nang pinaalala sa akin ang bagay na iyan. Umalis ka na nga," taboy ko sa kaniya. 

Hinalikan niya ang noo ng anak namin bago siya umalis. Hahalikan niya rin sana ako subalit mabilis akong umiwas. Malaya akong nakakagalaw ngayon dahil wala siya. Limitado lang kasi ang bawat galaw ko kapag nasa tabi ko si Nadivar. Paano ba naman kasi, kung makatingin siya sa akin, parang gusto niya akong kainin. 

Habang abala ako sa pagbabantay kay Velo, binilin ko kay Cleo ang mga special orders na gagawin nila ngayon. Mabuti na lang at maaasahan ko ang mga empleyado ko kahit wala ako doon. 

"Anak, gumising ka na. Hindi mo ba na-miss si mama?" emosyonal kong tanong. Nanghihina ako sa tuwing napapatingin ako sa maputla niyang mukha. 

Kinakausap ko ang tulog kong anak nang biglang bumukas ang pintuan sa kaniyang silid. Marahas akong napatayo nang makita kong pumasok si Alleyah. Ano ang ginagawa niya dito? Bigla akong naalarma at baka kung anong gawin niya kay Velo. 

"Walang hiya kang babae ka! Malandi ka!" Nilapitan niya ako at sinampal ng malakas. 

"Hindi ako malandi," matigas kong sabi. 

Hindi pa nga ako nakabawi sa sampal niya ay ang buhok ko naman ang pinagdiskitahan niya. Marahas niya itong hinila at nanggigigil niya akong sinabunutan. 

"Aray! Ano ba, bitawan mo nga ako." 

"Ang dapat sa 'yo, parusahan ng husto dahil malandi ka at mang-aagaw. Anong ginawa mo kay Nadivar at ayaw na niyang umuwi sa Ilocos?" 

Parang matatanggal na ang anit ko dahil ayaw niyang pakawalan ang buhok ko. Hindi pa siya nakuntento at kinaladkad niya ako palabas ng silid ni Velo. Dinala niya ako sa pasilyo kaya naagaw namin ang atensyon ng mga nurse at taong nakatambay dito. 

Masyado siyang malakas kaya kahit anong laban ko, balewala lang ito sa kaniya. May mga nurse pang nagtangkang lapitan kami subalit umatras din sila kaagad nang tingnan sila ni Alleyah. 

"Bitawan mo ako, Alleyah. Makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi mo ako pinakawalan." Pilit kong pinatatag ang boses ko at nagtapang-tapangan para maipagtanggol ang aking sarili. 

"Ikaw na nga ang kabit, ikaw pa ang matapang. Tingnan niyo ang mukha ng babaeng ito. Ilang araw lang ang asawa ko dito pero ayaw na niyang umuwi sa amin. Siguro ginalingan mo ang performance mo sa kama kaya hindi ka maiwan-iwan ni Nadivar."

"Hindi niya ako kabit. Huwag mong ipasa sa akin ang mga gawain mo. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang malandi. Kung umasta ka, parang pag-aari mo si Nadivar. Eh wala namang kayo."

Bigla siyang natigilan kaya nakawala ako sa pagkakasabunot niya sa akin. Akala niya siguro hahayaan kong ipahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Sa totoo lang, nakaka-disappoint siya. Galing siya sa mayamang pamilya pero wala siyang class. Imbis na kausapin niya ako ng maayos, bigla na lang niya akong sinabunutan at gumawa pa talaga siya ng eksena dito. 

"Walang kami pero akin lang siya, Vela. Naiintindihan mo? Kapag hindi mo siya nilayuan, hindi ako magdadalawang-isip na ipadispatya ang anak mo." 

"Try me, Alleyah. Dadaan ka muna sa akin bago mo mahawakan ang anak ko. Baka ikaw pa ang unang mamatay kapag nalaman ni Nadivar na may binabalak kang masama kay Velo," confident kong sabi. 

Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha kaya nginitian ko siya ng matamis. Fear me, Alleyah. Kayang-kaya kong gamitin si Nadivar para lang sa kapakanan ng anak ko. Dahil gusto kong makabawi, mag-asawang sampal ang binigay ko sa kaniya.

"Kung gusto mong manatili si Nadivar sa tabi mo, itali mo siya o hindi kaya'y ikulong para hindi siya balik nang balik sa akin. Nagmumukha tuloy kayong aso sa harapan ko."

Iniwan ko siyang tulala at bumalik na ako sa private room ni Velo. Ang kapal talaga ng mukha niyang sumugod dito at gumawa ng eskandalo. Dali-dali kong nilapitan ang aking anak nang makitang gising na siya at natataranta kong tinawag ang doctor niya. Agad naman nilang inobserbahan ang anak ko. 

Nasa gilid lang ako nang biglang dumating si Nadivar. Maluha-luha siyang lumapit sa amin at ang kaniyang atensyon ay nakatuon lamang kay Velo. Kalaunan, kinausap na ako ng doktor kaya iniwan ko sila saglit. Pagbalik ko, kinakausap na ni Nadivar si Velo.

"May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka? Nauuhaw? Tell me, baby," nag-aalala niyang sabi. 

"I'm okay po. Who are you? Sabi ni mama don't talk to strangers pero mukhang mabait ka naman kaya kakausapin kita." 

"My name is Nadivar. Let's wait for your mommy so that she can introduce me to you." 

"Look, mommy is here!" Nanghihinang tinuro ako ni Velo at nginitian niya pa ako. 

Tuluyan na akong pumasok at umupo sa kaniyang tabi. Maingat kong hinawakan ang kamay ng aking anak kaya napatingin siya sa akin. Siguro ito na ang tamang panahon para ipakilala ko sila sa isa't isa. Ayoko namang pagkaitan ang anak ko na makilala niya ang kaniyang tunay na ama. He deserve to know his father. He deserve to love by his father. He deserve everything in this world. 

Pabaling-baling ang tingin niya sa amin ni Nadivar kaya mahina akong tumikhim. Alam kong may ideya na siya kung sino ang lalaking nasa harapan niya dahil kamukhang-kamukha niya ito.

"Baby, gusto mo bang makilala si daddy?" Pinigilan kong 'wag maiyak para maipakilala ko ng maayos si Nadivar. Subalit nang makita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Velo, sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. 

"Daddy? I have daddy, mommy? Where is he? Bakit wala siya sa tabi natin?" sunod-sunod niyang tanong. 

"May work kasi siya sa malayo kaya hindi natin siya kasama palagi. Pero ngayon, nandito na siya. He's your father, Velo." 

Nakanguso niyang tinignan si Nadivar. "Daddy, ba't ang tagal mong bumalik? Alam mo bang palagi akong inaasar ng mga kapitbahay namin dahil wala raw akong daddy."

Agad na inalo ni Nadivar ang anak namin. Pinunasan niya ang basa nitong mukha at pinugpug ng halik si Velo. He keeps saying, I love you and I miss you, to our son.

Sana lang ay totoo na mahal niya si Velo.

Dahil kung hindi, aalisan ko siya ng karapatan na maging tatay sa anak namin. Sa kabila ng ginawa niya sa akin, hindi niya deserve na bigyan ng second chance. Pero para sa anak namin, kaya kung lunukin ang pride ko at magtiis sa kaniya.

"Stop crying, baby. Hindi na aalis si daddy. I'm sorry if I'm late." 

"I hate you! Pinaghintay mo ako ng matagal. Siguro hindi mo talaga kami mahal ni mommy." 

"That's not true. Alam ng diyos kung gaano ko kayo kamahal ng mommy mo. Pangako ni daddy, babawi ako sa inyo. I love you so much anak."

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Ang galing niya talagang umarte. Hindi pa rin siya nagbabago. Pwede naman niyang sabihin na si Velo lang ang mahal niya pero dinamay niya pa ako. Bagay na hindi ko kayang paniwalaan. 

Lumabas muna ako saglit para makapag-isip-isip ng maayos. Palabas na ako sa ospital nang mahagip ko si Raphael na papasok sa entrance. Tinawag ko agad siya bago pa siya makapagtanong sa information desk.

"Raphael!" sigaw ko.

"Vela, nandito ka nga. Anong nangyari at bakit nandito ka sa ospital?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A-Ano kasi, na-confine si manang dito sa ospital. Tara sa labas." Kinaladkad ko siya hanggang sa makarating kami sa labas. 

Hindi naman siguro lalabas si Nadivar kaya safe kaming dalawa dito ni Raphael. Baka biglang magkagulo kapag nagkita silang dalawa. Mahirap na.

"Vela, ba't parang kinakabahan ka. May tinatago ka ba sa akin?" nagdududa nitong tanong.

"A-Ah, wala naman. Ano ka ba, hindi ako kinakabahan. Ikaw talaga, kung ano-ano na lang ang napapansin mo. Bakit ka nga pala nandito?" 

Ngayon ko lang napansin na magulo ang buhok niya at parang puyat siya. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga pasa nito sa mukha. Teka, anong nangyari sa kaniya? 

"Nabalitaan ko kasing nandito ka kaya napasugod ako dito. Mabuti naman at okay ka lang. Akala ko kasi may nangyari ng masama sa 'yo."

"Ano ka ba, okay lang ako. Siya nga pala, anong nangyari sa 'yo? Mukha kang ginulpi ng dalawang tao," walang prenong sabi ko. 

"Ah, wala lang 'to. Pinagtripan kasi ako ng mga loko-loko sa kanto kagabi," aniya. 

Gustuhin ko mang gamutin ang mga sugat niya subalit wala naman akong dalang first aid kit. Nanlamig ang buong katawan ko nang makitang seryosong nakatingin sa amin si Nadivar. Parang sa anumang oras ay mahihimatay ako. 

Muli kong hinila si Raphael at dinala sa tagong parte—iyong hindi kami makikita ni Nadivar. Mamaya ko na lang siya iisipin. Bahala na kung anong gagawin niya sa akin mamaya. 

"Raphael, kailangan ko ng bumalik sa loob. Wala kasing magbabantay kay manang," pagsisinungaling ko. 

"Ah, okay. Hatid na kita," alok niya sa akin.

"Hindi na," mabilis kong tanggi. "Ano kasi, hindi sanay si manang na makakita ng ibang lalaki. I mean, takot siya sa ibang tao bukod sa akin." Bahala na kung hindi niya paniwalaan ang palusot ko. 

Umalis ka na, Raphael. Baka biglang magwala si Nadivar kapag nagtagal ako dito lalo na't nakita niya kaming magkausap.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Please call me if you need something." Hinalikan niya pa ang aking noo bago siya umalis. 

Napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Nadivar sa aking tabi. Kakaiba ang awra niya ngayon. Hindi ko masabi kung galit ba siya o ano. Never kong nakita ang ganitong side niya kaya labis ang takot na nararamdaman ko sa oras na ito. 

Kung alam ko lang ang totoo niyang ugali, hindi ko siya sasagutin noon. Hindi ko siya mamahalin ng husto. Hindi ko isusuko ng gano'n kadali ang pagkabirhen ko. I'm really stupid to fall for his trap. He made me a fool in front of him. Bagay na hindi ko kayang gawin sa kaniya o sa ibang tao. I'm too good to be treated like a trash. 

"Talaga bang hindi mo kayang kalimutan ang lalaking iyon, Vela?" malamig niyang tanong. Seryoso niya akong pinagmasdan habang pinaglalaruan niya ang hibla ng buhok ko. 

"Napasugod siya bigla dito sa ospital nang malaman niyang nandito ako. H-Hindi ko alam na pupunta siya dito," nauutal kong paliwanag. 

Napapikit ako nang itaas niya ang kaniyang kanang kamay. Naghintay ako ng ilang segundo subalit walang sampal na dumapo sa aking pisngi. 

Natawa siya ng mapakla. "Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Na kaya kitang pagbuhatan ng kamay?"

"Akala ko kasi sasaktan mo rin ako katulad ni Alleyah." Nanlaki ang dalawang mata ko ng mapagtantong nadulas ang bibig ko. 

He gritted his teeth. Na para bang sa anumang oras ay sasabog na siya sa galit. Umigting ang panga niya at sunod-sunod siyang napamura nang makitang namumula ang kanan kong pisngi.

"That bitch! Papatayin ko na talaga siya. Damn it! Bakit mo hinayaang sampalin ka niya?" galit nitong tanong. 

Huh? Ba't parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? 

"Okay lang ako, Nadivar. Hindi naman masyadong mahapdi. Tara na, balik na tayo sa loob." 

Natulala ako nang halikan niya ang namumula kong pisngi. Akala ko ay lalayo na siya sa akin subalit ninakawan na naman niya ako ng halik sa labi. Dala ng halo-halong emosyon, tinugon ko ang nag-aapoy niyang halik. 

Napakapit ako sa kaniyang braso habang nakasandig ako sa puno ng santol. Mapapadasal na lang bigla ang kung sinuman ang makakakita sa amin. Mahina kong sinapak ang dibdib niya dahil hindi na ako makahinga.

"Vela, nandito ka pa?" Papalapit na si Raphael sa aking kinatatayuan kaya bigla akong nataranta. 

Anak ng tinapa! Bakit ba siya bumalik? Hindi pa rin pinakawalan ni Nadivar ang labi ko at patuloy pa rin niya akong hinahalikan.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status