Share

Chapter 5

VELA

Namumugto ang dalawang mata ko nang dumating ako sa ospital. Agad akong sinalubong ni Manang Lorie at pinaupo sa gilid ng hallway. 

"Ma'am, s-sorry po. Hindi ko nabantayan ng maayos si Velo." 

"Ano ba kasi ang nangyari, manang?" 

"Gusto kasing makipaglaro ni Velo sa ibang bata kaya lumabas kami ng bahay. Naglalaro sila ng habul-habulan tapos biglang tumakbo si Velo at hindi niya napansin ang itim na sasakyan."

Mariin akong nakatingin sa kaniya. Ilang beses kong sinabi na 'wag niyang hayaang lumabas ng bahay si Velo. Subalit hindi siya nakinig at hinayaan niyang lumabas ang anak. Handa na sana akong sigawan siya subalit nakita kong lumabas na ang doctor ni Velo. 

Lumapit ako sa kaniya at agad niyang sinabi sa akin ang kalagayan ng anak ko. Nang malaman kong maraming dugo ang nawala kay Velo, agad akong nagpresinta na maging donor niya. Wala akong pakialam kahit pa maubos ang dugo ko. Basta ang importante, maisalba ko ang anak ko. 

"Lumabas na ang resulta. I'm sorry to inform you, hindi match ang dugo niyo ng anak mo."

Isang tao lang ang pumasok sa aking isipan na pwedeng lapitan. Wala na akong pakialam kung malaman niyang may anak siya sa akin. Uunahin ko muna ang kalagayan ni Velo bago ang nararamdaman ko. Babalik na sana ako sa hotel subalit biglang sumulpot sa aking harapan si Nadivar. 

"N-Nadivar, kailangan ko ng tulong mo. Isalba mo ang anak natin." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at paulit-ulit akong nagmakaawa sa kaniya. 

"A-Anak natin? May anak tayong dalawa?" 

"Oo, buntis ako ng umalis ako sa mansyon mo. Please, save our son. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo pagkatapos mong mag-donate ng dugo."

"Pagkatapos nito, wala ka talagang kawala sa akin, Vela. Sisiguraduhin kong hindi ka na mawawala sa tabi ko," banta niya. 

Agad sumailalim sa blood testing si Nadivar. Hindi ko muna iisipin ang sinabi niya kanina. My priority right now is my son. Nanghihina siyang tumabi sa akin pagkatapos niyang makuhanan ng dugo. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Sana lang ay mahalin niya ang anak namin kahit 'wag na ako. Alam ko naman na imposible niya akong magustuhan. 

Nangangamba ako na baka 'pag gumaling si Velo ay kunin niya sa akin at ilayo. Talagang gagamit ako ng dahas para lang hindi niya makuha sa akin ang anak namin.

Mahina siyang tumikhim. "What's his name?" 

"Ian Velocious Sapanta," mahina kong sagot. Napatingin ako sa kaniya nang marinig kong humihikbi siya. Tinakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi ko makita na umiiyak siya. 

"I have a son. Oh, god, how happy I am to know that I have a child with you. I want to hug and kiss him. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak tayo?" puno ng hinanakit na tanong niya. 

Seryoso ko siyang tinignan. "Nalaman kong ginagamit mo lang ako noon. Galit na galit ka sa pamilya ko. Kaya paano ko sasabihin sa 'yo na buntis ako ng panahon na 'yon?"

Akala ko nakalimutan ko na ang panggago niya sa akin pero hindi pa pala. Masakit pa rin talaga ang puso ko. Dahil sa kaniya, naghirap ako. Dahil sa katangahan ko, sinuway ko ang mga magulang ko. Pero hindi naman ako nagsisi sa naging desisyon ko dahil naging masaya ulit ako nang dumating si Velo sa buhay ko. 

Hindi na ulit siya nagsalita at nanatiling tahimik sa aking tabi. Pinauwi ko muna sa bahay si Manang Lorie at kami na lang dalawa ni Nadivar ang nandito sa gilid ng hallway.

"Vela, did he ask about me? Tinanong niya ba kung nasaan ako?" His voice broke. 

"Hindi. He never ask you. Kailanman ay hindi niya binanggit ang salitang daddy o papa. So please, kung sasaktan mo lang siya sa bandang huli, 'wag ka ng magpakilala."

Umigting ang panga niya sa naging pakiusap ko. Naging matalim ang titig niya sa akin. "I will never hurt my son, Vela. Nananalaytay ang dugo ko sa kaniya kaya bakit ko sasaktan ang anak ko?"

"Ano, ipapakilala mo siya bilang anak mo sa labas? Nadivar naman, anak natin siya. Isipin mo naman ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang kasal ka na at may anak ka sa iba."

Naiisip ko pa nga lang ang ideyang iyon, nasasaktan na ako. Paano na lang kaya si Velo? Paano naman kapag kailangan siya ng anak ko tapos abala siya sa pamilya niya? Magagawa niya kayang unahin si Velo laban sa asawa't anak niya? 

Kaya nga ayaw ko na siyang makilala ni Velo dahil magiging magulo lang ang buhay naming dalawa kapag naging malapit ang anak ko kay Nadivar. 

"I'm not yet married. Oo, may anak ako kay Alleyah pero kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan na pakasalan siya."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng malaman kong hindi pa siya kasal. Lagpas na sa kalendaryo ang edad niya. Kaya nakapagtataka at ayaw pa niyang mag-asawa. Siguro, wala sa bokabularyo niyang magpatali. 

"Vela, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" Nawala na ang pagiging malambot niya at bumalik sa dating seryoso ang mukha niya. 

"Oo, may isang salita ako, Nadivar. May ipapagawa ka ba sa akin?" Bakit ba ako umaasang walang kapalit ang tulong niya sa amin. 

"Let's get married." 

Natawa ako ng mapakla. "Nahihibang ka na ba? Mas gugustuhin ko pang maging alipin mo kaysa magpakasal sa 'yo, Nadivar."

Marahas niyang hinawakan ang baba ko kaya napatingin ako sa kaniya. "You have no choice, Vela. Kapag gumaling ang anak natin, magpapakasal na tayo."

So, ito pala ang totoong ugali niya. He's a manipulative jerk and a cold-hearted man. Malayong-malayo sa pinakita niyang ugali sa akin noon. Ano kaya ang atraso ni papa sa kaniya at gano'n na lang ang galit niya sa aking ama? Gusto ko siyang tanungin subalit hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang bagay na iyon.

Sa ilang oras naming paghihintay, lumabas na sa OR si Dr. Ramirez. Agad ko siyang tinanong kung kamusta na ang anak ko. Humagulgol ako sa iyak nang sabihin niyang makikita na namin si Velo pagkatapos nilang ilipat ng room. 

"Diyos ko, salamat at hindi mo pinabayaan ang anak ko."

"Pwede niyo na siyang makita, misis. He's now okay. Mabuti na lang at nadala siya agad dito sa ospital," wika ni Dr. Ramirez. 

"Thank you, doc." 

Napaluhod ako sa sahig nang masilayan ko ang anak ko. Sa aking tabi, nanghihina at umiiyak na hinawakan ni Nadivar ang kamay ni Velo. Puno ng pag-iingat at pagmamahal na hinaplos niya ang daliri nito. 

"I love you. Daddy loves you so much, anak. Bilisan mong magpagaling para makapag-bonding na tayo."

Habang kinakausap ni Nadivar ang tulog naming anak ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlilisik niya akong tinignan at mabilis niyang hinablot ang cellphone ko. 

"Ano ba, Nadivar. Ibalik mo nga sa akin iyan!" singhal ko sa kaniya. 

"Huwag mong sasagutin. Ano, sasabihin mo sa lalaki mo na nandito ka sa ospital tapos pupunta siya dito?" malamig nitong tanong. 

"Baka may importanteng sasabihin si Raphael sa akin. Akin na 'yan." Inagaw ko sa kaniya ang cellphone ko subalit masyado siyang matangkad kaya hindi ko maabot ito. 

"Kalimutan mo na siya, Vela. Sa oras na malaman kong nakikipag-usap ka pa sa kaniya, bubuntisin kita ulit." 

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napatili ako ng buhatin niya ako at pinaupo sa kaniyang kandungan. Tatayo na sana ako subalit mahigpit niyang ipinulupot ang kaniyang isang kamay sa bewang ko at sa pangalawang pagkakataon, muling siniil na naman niya ako ng halik. 

"Wala ka ng kawala, Vela. Itatali na kita. Magiging Mrs. Acosta ka na pag-uwi mo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status