Share

Chapter 1

“Order for table 6!” 

Agad akong lumingon sa counter at walang ano-anong tumakbo sa gawi na 'yon. Kinuha ko ang isang buong tray at hinatid sa table na sinigaw ni kuya Marion, isa sa mga chef dito sa restobar na pinagtatrabahuhan ko. 

“One jumbo bowl of fried rice, buttered chicken and spicy chicken wings for table 6. Enjoy your meal,” nakangiting saad ko sa kanila. 

Dinistribute ko lang ang mga pagkain sa lamesa nila at aalis na sana nang may humawak bigla sa pulso ko. Lumingon ako rito ng nakangiti. “May kailangan pa po ba kayo, sir?”

He smiled at me that makes my body shiver. Ang creepy niya pero dahil customer namin siya ay siyempre ngumiti pa rin ako sa kaniya. 

“Puwede mo ba kaming saluhan dito sa table namin, miss beautiful? Mag-e-enjoy lang tayo gaya ng sabi mo.”

Patago akong huminga ng malalim, I still stay the smile on my face though. Ito ang ayoko kapag nagtatrabaho na 'ko rito sa restobar. Tumingin ako sa kamay niya na nakahawak ngayon sa pulso ko. Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa'kin ng biglang may ibang nagtanggal no'n. Marahas ang pagkakatanggal niya roon. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko at ginilid sa tabi niya. 

“Nasa maling lugar kayo kung ang hanap niyo ay prostitute,” aniya sabay lapag ng dala niyang mga alak. “Beer for table 6. Enjoy your night, mga sir.”

Magsasalita pa sana ang lalaki na humawak sa pulso ko ng bigla na 'kong hatakin ni Khael. As usual, suot-suot pa rin niya ang poker face expression niya. Pero napagkikitaan naman namin 'yan dahil maraming mga bumibisita ritong babae para lang maaninag siya. 

Advantage ng may guwapong co-worker. 

“Salamat ah,” sambit ko pagkabitaw na pagkabitaw niya sa kamay ko. 

Agad akong ngumiwi nang punasan niya ang kamay niya gamit ang apron na suot nito. “Salamat saan?” seryosong tanong niya.

“Sa pagtulong sa'kin do'n kanina.”

His brows furrowed. “Harang ka sa daan kaya ko ginawa 'yon.”

Nakangiting tumango lang ako sa kaniya, kunwaring naniniwala sa sinabi niya. Napaka misteryoso naman kasi ng lalaking 'to. Kahit kami na mga co-worker niya ay binibigyan niya ng cold shoulders. Kulong ko siya sa freezer eh. 

Akala ko ay aalis na siya sa harap ko pero hinilig ko na lang ang ulo ko nang itulak niya 'ko papunta sa hagdan pababa. “Bakit?” naguguluhan na sambit ko.

“Sa baba ka na mag serve, istorbo ka lang dito sa taas,” aniya at tinulak pa 'ko ulit. 

Napa make face na lang ako dahil dito habang pinagmamasdan ang likod niya na palayo sa'kin. Ang laki talaga ng problema ng lalaking 'yon. Ang hirap niyang basahin, nakakainis. Pero gaya ng utos niya ay bumaba na nga ako at dito na lang magseserve ng mga pagkain. 

“Oh ba't ka nandito?” bungad sa'kin ni Amber. 

Yeah, same lang kami ng pinagtatrabahuhan. Actually, siya ang nagpasok sa'kin dito. Kahit sa mga ibang side lines ko ay siya ang nagbibigay sa'kin. Ewan ko ba sa babaitang 'to, ang dami niyang nasasagap na trabaho. Advantage rin naman sa'min 'yon pareho dahil kapag walang-wala kami ay pareho kaming kumukuha ng sideline ni Amber.

“Pinababa ako ni Khael, dito na lang daw ako mag serve,” inis na bigkas ko. 

I raised a brow nang binigyan niya 'ko ng mapang-asar na ngiti. Tinusok-tusok din niya ang tagiliran ko. “I smell something fishy, girl!” 

“Hindi ka kasi naligo, naamoy mo siguro sarili mo.”

She rolled her eyes. “Paki mo, ang lamig kaya,” ngumiwi ako sa sinabi niya. “Back to the topic, feel ko talaga concern sa'yo si Khael.”

Kumunot ang noo ko bago kumuha ng basahan pampunas sa lamesa. “Bakit naman?” 

“May nambastos ba sa'yo sa taas?” biglang tanong niya. I just nodded though kahit nalilito ako sa mga sinasabi niya. 

“Then, that's it! Concern nga sa'yo si Khael,” kinikilig na sambit nito. 

“Bakit nga? I mean, anong connect?”

“Ang talino mo sana, kung hindi ka lang slow,” I rolled my eyes on her. “Hindi ba obvious na pinababa ka rito ni Khael para walang mambastos sa'yo. Dahil sa taas lang naman puwedeng uminom at dito sa baba ay eating zone lang. Hashtag safe here.”

“Dami mong alam.”

'Yon lang ang nasabi ko sa kaniya bago nagsimulang magpunas ng mga lamesa rito sa baba. Well, suplado nga si Khael pero minsan naman ay alam niya kung kailan mangengealam. Hindi lang naman niya sa'kin ginawa ang ganiyan, kahit ang iba naming mga co-worker ay pinagtanggol niya. On his own way though gaya ng kung pa'no ang ginawa niya sa'kin kanina. 

Mabait siya, not literally na mabait, pero ayaw lang niya lang sigurong ipakita 'yon sa iba. Tahimik kasi siyang tao. He even hates me and Amber before dahil ang ingay raw namin magkuwentuhan.

Akala ko ay tatantanan na 'ko ni Amber pero napairap na lang ako ng wala sa oras nang lapitan na naman niya ako. Nag spray siya ng tubig sa lamesa at sinabayan akong punasan 'yon. 

“Ano na naman?” mataray na tanong ko rito. 

She hesitated pero maya-maya ay nagsalita na rin, “about sa tutoring---”

Hindi niya natapos ang sasabihin nang tingnan ko siya ng masama. “Shut up, Amber. Sabing 'wag mo nang i-open up ang tungkol diyan eh,” inis na sambit ko sa kaniya. 

Kusa niyang tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na ito. “Chill ka lang, girl. Masiyadong mainit ang ulo ah.”

I just rolled my eyes on her at nagpatuloy na sa pagpupunas. Pero hindi pa lumilipas ang ilang segundo nang magsalita na naman siya.

“Pero ayaw mo na talagang subukan? Sayang kasi 'yon, Tri. Makadaragdag din 'yon pang maintenance ni----”

Mariin kong pinikit ang mga mata bago inis na binaling ang tingin sa kaniya. “Puwede ba, Amber. Kung ayaw mong mag-away tayo ay tigilan mo na 'ko tungkol sa tutor na 'yan dahil hinding-hindi ko kukunin ang trabaho na 'yon.”

She just mouthed sorry at ilang sandali lang ay umalis na siya sa harap ko. Napahinga na lang ako ng malalim bago hinila ang upuan sa harapan ko. Umupo ako roon at inis na napatakip ng mukha. 

Of all people na tuturuan ko ay bakit siya pa. Ang ayos-ayos ng buhay niya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'kin. Samantalang ako, ito, nagpapakahirap. Hindi dapat ako ang nagpapakahirap ngayon kung hindi siya. Hindi naman ako magpapakapagod ng ganito kung hindi lang dahil sa ginawa niya. 

Nakakainis. Nakakairita na nakita ko na naman ang pagmumukha niya.

Bumalik na 'ko sa trabaho ko nang makitang dumadami na ang pumapasok na customer. Just like the other days ay napuno kami ng tao rito sa loob kaya hindi ko maiwasan na tumaas at tumulong na mag serve doon. Nung una ay pilit na inaagaw sa'kin ni Khael ang mga sineserve ko pero sinasamaan ko lang siya ng tingin. In the end, hinayaan na niya 'ko. Though minsan ay nakikita ko siyang sumusunod sa'kin. 

Natapos siguro ang buong shift ko na nakipagtalo ako sa kaniya. Ewan ko sa lalaki na 'yon, paiba-iba ang trip sa buhay. Sa tagal kong nagtatrabaho rito ay ngayon ko lang siya nakitang umasta ng ganiyan sa'kin. 

Weird. 

Huminto ako sa paglalakad pauwi nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone sa bulsa ko. Napahinto rin ng wala sa oras si Amber at pinagmasdan akong kunin ang phone ko.

“Sagutin ko lang 'to, mauna kana sa loob,” ani ko na ikinatango lang niya. 

Hinintay ko lang siyang makataas sa apartment namin bago sinagot ang tawag ni nanay. “Bakit po, nay?”

[Nak, kumain ka na ba?]

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng marinig ko ang boses niya. Alam ko na kung bakit siya tumawag. “Kinuha ba ulit ni tatay ang perang inabot ko sa inyo?”

Hindi agad nakasagot si nanay na nakapagpakunot sa noo ko. Don't tell me hindi lang ang pera ni nanay ang kinuha niya?

“Kinuha niya lahat ng pera?” nagtitimpi kong sambit. “Kinuha niya rin ba kahit ang pambili niyo ng gamot niyo?”

Narinig ko siyang humikbi sa kabilang linya na nakapagpakuyom sa kamao ko. 

['Wag mo nang alalahanin 'yon, nak. Kumain ka na ba diyan? Kamusta ang kapatid mo? Hindi na naman siya sumasagot sa mga tawag ko.]

Kinagat ko lang ang ibabang labi ko habang naririnig ang pag garalgal sa boses ni nanay. Akala ko mapipigilan ko ang pagluha ko sa pamamagitan no'n pero nagkamali ako. Naiinis ako, gusto kong sumugod sa bahay at awayin si tatay. Tangina naman kasi. Wala na nga siyang silbi sa bahay, pati ang panggamot kay nanay ay pinapakelaman niya. 

“Mag-stay na lang kayo diyan sa bahay, nay. Padadalhan ko na lang ulit kayo ng pera,” paninigurado ko sa kaniya. “'Wag na kayong magkikikilos at baka mapagod na naman kayo.”

[Pagpasensiyahan mo na ang tatay mo, nak ha? Hindi naman niya sinasadiyang kunin ang pera.]

“Nay, please lang. Kung pagtatanggol niyo lang si tatay sa'kin ay 'wag niyo nang gawin,” giit ko.

Magsasalita pa sana si nanay pero agad na 'kong nagpaalam sa kaniya. Tinext ko lang si Val para tawagan niya si nanay. Alam kong kailangan ng makakausap ni nanay ngayon, at alam kong si Val ang makapagpapagaan ng loob niya. 

Sa aming lima, syempre except sa bunso namin na kambal ay si Val ang magaling magpagaan ng loob. Kung minsan ay sa kaniya rin ako lumalapit kapag kailangan ko ng makakausap.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang umupo ako rito sa may gilid ng kalye. Uutang na lang siguro muna ako kay Amber. Sana may mapautang siya sa'kin. Hindi puwedeng mag skip si nanay ng maintenance niya. Maghahanap na rin ako bukas ng puwedeng sidelines kahit hindi na 'ko makatulog. 

“Namamalimos kana rin ba ngayon?” 

Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang tawa niya. Agad akong tumingala at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko nga talaga siya sa harap ko. 

Tumayo ako bago siya sinamaan ng tingin. “Anong ginagawa mo rito?” inis na sambit ko. 

He shrugged his shoulders sabay tingin sa building sa likod ko, ang apartment namin. Habang nakabaling sa iba ang attention niya ay hindi ko maiwasan pag masdan siya mula ulo hanggang paa. He's just wearing a pajama and a black jacket. Naka tsinelas lang rin ito. Halatang kama na lang ang kulang at puwedeng-puwede na siyang matulog. 

“Dito ka pala nakatira. Akala ko nagbebed space ka pa rin do'n sa mabahong lugar na 'yon,” he laughed. 

I smiled in disbelief. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. “Ano ba ang kailangan mo?”

Nilagay niya ang parehong kamay sa bulsa ng jacket niya bago binaling ang tingin sa'kin. He smiled sabay hakbang papalapit sa gawi ko. If iisipin niyo na aatras ako, pwes hindi. Sawang-sawa na 'kong umaatras sa isang tulad niya. 

Hindi naman siya dapat katakutan. He's nothing but a piece of trash. 

Yumuko siya ng bahagya para magpantay ang mukha namin. “Hindi mo ba 'ko namiss, Ex?” 

I seriously stared at his eyes bago bumaba ang tingin ko sa labi niya. Ngumiti ako ng bahagya rito ng magtama ulit ang mga mata namin. I bit my lower lip as I reached for his face. Nakita ko kung pa'no nag iba ang expression sa mukha niya. I smirked because of that lalo na noong pinikit niya ang mata niya sa paglapit ng mukha ko sa kaniya.

Pero napadilat agad siya dahil sa sunod kong ginawa. “Aray! Tangina naman, ba't mo hinatak ang buhok ko?” 

I laughed in disbelief bago siya dinuro-duro. “Sa tingin mo ba talaga ay hahalikan kita? Ang kapal mo rin kung gano'n.”

Kumurap siya ng ilang beses habang nakahawak sa buhok niya. Pero agad na kumunot ang noo ko nang tumawa siya sa harap ko. He even covered his mouth na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Ilang segundo rin akong nakatingin lang sa kaniya hanggang sa tumigil na siya sa kakatawa. 

“Wow, I didn't expect na magbabago ka, Ex,” he said while laughing a little. 

Umirap ako sa kaniya. “Tigilan mo nga ang pagtawag sa'kin ng Ex.”

“Why? Pangalan mo naman 'yon, hindi ba?” he stopped bago tumingala na parang may iniisip. “Xaltriana Yasminn Zamora. Exwayzi, short for Ex. Talino ko, hindi ba?”

Hindi ko talaga alam kung bakit siya nandito. I don't even know kung bakit ko kinakausap ang isang tulad niya. Hindi niya deserving ang oras ko o kahit ang attention ko. Bumuntong hininga na lang ako bago umiiling-iling at iiwan na sana siya roon nang bigla niyang hawakan ang braso ko. 

Inis kong tinanggal ang kamay niya sa'kin pero hindi siya nagpatinag at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak doon. 

“Ano ba ang kailangan mo?” napipikon na sambit ko. 

Seryoso na siyang nakatingin sa'kin ngayon. Ang kaninang mapanglokong aura niya ay naglaho na lang ng parang bula. Pero nag-iba ang expression sa mukha ko nang dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa'kin. Gusto kong kumuwala sa pagkahawak niya but I stay still hanggang sa lumagpas ang mukha niya sa paningin ko. 

I felt his breath on my ear bago siya may binulong doon. And I can't believe na maririnig ko 'yon mula sa kaniya. Mula sa isang Storm Liam Mariano. 

“Be my tutor, Tri. And I promise magiging maayos ang pakikitungo ko sa'yo. I will never bully you again basta tanggapin mo lang ang alok ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status