Share

Embracing Imperfections
Embracing Imperfections
Author: Mysterielee

Prologue

“Aalis na po kami, nay,” bungad ko pagkababang-pagkababa ko mula sa taas. 

Naabutan ko siya sa sala na nagtutupi ng mga damit na nilabhan niya kahapon. Napabuntong hininga na lang ako bago lumingon kay Val na nakasunod sa likod ko. “Tawagin mo nga si Tricia, sahihan mong tulungan dito si nanay,” utos ko rito.

Agad ko siyang pinasingkitan ng mga mata nang kokontra pa sana siya. He just made a face at tatalikod na sana para bumalik sa taas ng biglang sumingit si nanay. “'Wag mo nang tawagin ang kapatid mo, may tinatapos pa 'yon na assignment,” pag tanggol nito sa kapatid namin.

Napamasahe ako sa sentido ko bago inis na lumapit sa kaniya. Nilapag ko ang bagpack ko sa upuan at sinimulang tulungan siyang magtupi. Magsasalita pa sana si nanay pero agad ko na siyang sinabihan na 'wag nang ituloy ang sasabihin. Alam ko naman na papahintuin niya ako sa pagtulong sa kaniya. Umupo rin si Val sa tabi ko at nagsimula na rin magtupi. Siniko pa 'ko nito na parang ako pa ang sinisisi kung bakit siya nagtutupi ngayon. 

Umirap lang ako sa kaniya bago binaling ang tingin kay nanay. “'Wag mo kasing masiyadong inii-spoil sila Tricia, nay. Kaya tumitigas ang ulo eh.”

“Tumutulong naman sila lagi dito sa bahay, sadyang marami lang talaga siyang ginagawa ngayon,” pagkampi niya rito.

Napapailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Lima kaming magkakapatid. 'Yong dalawa ay bata pa pero si Tricia ay high school na, puwede na nga 'yon mabuntis eh. Pero lagi pa rin iniispoiled ni nanay. 

“Ate, baka gabihin na tayo,” bulong sa'kin ni Val.

“Oo, alam ko, kaya bilisan mong magtupi,” giit ko sa kaniya. 

Inismiran niya 'ko kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sumosobra na 'tong batang 'to, porque bumabait ako sa kaniya ay gaganituhin na niya 'ko. Ate niya pa rin ako kahit college student na siya 'no! Kahit dalawang taon lang ang pagitan namin ay kailangan ko pa rin makatanggap ng respeto galing sa kaniya. 

Minadali na lang namin ang pagtutupi para makaalis kami agad. Monday na bukas kaya kailangan na namin umalis dito sa bahay ngayon. Pareho kami ng kapatid ko na nakikituloy sa kaibigan namin na mga nakatira malapit sa University para hindi sayang sa pamasahe. Weekends na lang kami kung umuwi rito sa bahay. 

“Mag apply na rin kaya ako ng trabaho, ate. Para hindi kana nahihirapan na puro ikaw ang gumagastos.”

Huminto ako mula sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya at gano'n na lang kumurba ang ngiti sa labi ko dahil ang laki-laki na nitong totoy namin. Inangat ko ang kamay ko bago pinisil ang pisngi niya. “Mag-aral kana lang, 'yan lang ang gusto kong gawin mo.”

Inis niyang tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya bago ako sininghalan. Aba, lumalaban na talaga ang batang ito porque mas matangkad na siya sa'kin. Nakakamiss tuloy noong maliit pa ang isang 'to at laging nakasunod sa'kin kahit saan ako magpunta. 

“Nahihirapan kana kasi, ate. Puwede naman ako mag part time job sa mga convenience store o maging crew sa mga fastfood chain----”

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sumingit ako. “Tigilan mo 'ko Valentine Wyne, mag-aral ka lang ng mabuti. Kaya ko na 'to atsaka tinutustusan naman tayo ni tito, hindi tulad ng tatay niyo na walang ambag,” paliwanag ko sa kaniya.

“Tatay natin, ate Xaltriana Yasminn Zamora. 'Yan binuo ko na, baka kasi nakalimutan mong Zamora ka pa rin.”

I just rolled my eyes at nagsimula na ulit maglakad. Kung puwede nga lang tanggalin ang surname niya sa pangalan ko ay baka matagal ko nang nagawa iyon. Wala siyang kwentang ama. 

Hinatid ko hanggang sakayan si Val. Sinigurado kong nakasakay na siya bago ako sumakay sa jeep na dadaan sa tinutuluyan ko. Magkaiba kami ng pinapasukan, malas niya dahil hindi siya nakapasok sa University na pinapasukan ko. Pero ayos lang 'yon, as long as nasa loob pa rin ng University belt ang pinapasukan niya.

“Tri! Tri! Buti nandito ka na, halika rito at may ipapakita ako sa'yo,” bungad agad sa'kin ni Amber pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa tinutuluyan namin. 

“Ano ba 'yon?” pagod na tanong ko. 

Nagpahila lang ako sa kaniya hanggang sa kama niya. Studio type lang itong tinutuluyan namin. Meron ditong dalawang kama para sa amin, lamesa para sa kakainan and tig isang study table. May sarili naman kaming banyo at lababo kaya ayos na ang ganito para sa aming dalawa ng kaibigan ko. 

“May nag email sa'yo, trabaho. Tutoring to be exact,” aniya sabay pakita ng laptop niya sa'kin. 

Kunot noong kinuha ko ang reading glasses ko bago binasa ang email. At gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kalaki ang sahod. Parang isang buong linggong sahod ko na 'to sa pagiging waitress ko sa restobar na pinagtatrabahuhan ko ah.

“Baka naman scam 'to, Amber,” nagdududang ani ko. 

Nakita ko siyang umiling ng ilang beses. “Imposible 'yan, Tri. Atsaka wala naman masama kung susubukan mo, hindi ba?” 

“Kaya lang hindi naman ako matalino, Amber---aray!” 

“'Wag kang pa-humble, sasakalin talaga kita.”

Inis na umirap lang ako sa kaniya. Pero may point naman talaga si Amber. Hindi naman masama kung susubukan ko. Sayang din 'to kung sakali kaya nang matapos ang klase ko kinabukasan ay agad-agad akong pumunta sa lugar kung saan ko kikitain ang tuturuan ko. 

Tuturuan ko raw muna ang anak niya bago ako bayaran. Titingnan daw muna nito ang performance ko. 

Nakakakaba tuloy. Hindi ko naman kasi ineexpect na may magbabantay sa'min habang nagtuturo ako. Nakakailang kaya 'yon. Pero wala naman akong magagawa kung ang magpapasahod sa'kin ang nagsabi.

Sa isang rental study room kami magkikita. Tinext na sa'kin kung anong room kaya pumasok na 'ko ng dire-diretso. Though siyempre ngumiti ako sa may counter para hindi naman ako magmukhang makapal ang mukha na tuloy-tuloy lang kung pumasok. Nakailang liko rin ako may hallway bago ko nakita ang room number na binigay sa'kin.

“Ikaw ba si ms. Zamora?”

Napahinto ako mula sa pagbukas ng pinto dahil sa biglang humarang sa'kin. Lalaki siya na sa tingin ko ay nasa mid 30's na ang edad. Nakasuot ito ng itim na suit. Ngumiti ako sa kaniya at do'n ko lang napansin na may kasama pala siyang babae. Naka formal attire rin siya gaya ng lalaki at sa tingin ko ay magkasing edad lang sila. 

“Yes po, ako nga po 'yon pero Tri na lang ho ang itawag niyo sa'kin,” pagpapakilala ko. 

Pero mukhang 'di nila pinakinggan ang sinabi ko. “Okay, ms. Zamora, ako si Samantha. Ako ang naka-assign na magbabantay sa inyo ng tuturuan mo.”

Tumango ako rito ng bahagya bago naiilang na ngumiti. So, bale dalawa silang magbabantay sa'min? Sa pagkakaalam ko ay college student na 'tong tuturuan ko ah. Not just a college student, but a graduating student kaya bakit kailangan niya ng maraming bantay. 

Spoiled brat siguro ang batang 'yon. 

Ngumiti lang pabalik si ms. Samantha sa'kin bago pinihit ang pinto at pumasok na ng tuluyan sa loob. Hindi na 'ko naghintay pang imbitahan ako sa loob dahil sumunod na agad ako sa pagpasok niya. Pero agad akong napahinto nang magtama ang mga mata namin. Both of us froze in an instant and blink our eyes several times dahil sa gulat. Even him na kanina pa naghihintay rito ay hindi makapaniwalang nakita ako. 

“Ms. Zamora, meet sir Liam, he's the one na tuturuan mo.”

My jaw immediately drop. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kami sa isa't-isa pero hindi gaya ko ay naka recover agad siya mula sa pagkakagulat.

He leaned against the table bago ngumiti sa'kin. Ang ngiting nagbigay bangungot sa'kin noon at hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ngayon. “Long time no see, Ex.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status