Share

Chapter 4

“Dapat nandito na siya ah,” naiinip na bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at ininom iyon. Nandito ako ngayon sa isang cafe. Dito nakikipagkita si Liam. Sabi niya agahan ko. Ako naman ’tong si gaga ay inagahan nga. 

It's already Saturday pero kahit gano’n ay kakaunti lang ang tao rito sa cafe. It's quite quiet na mahihiya kang gumawa ng ingay. The cafe has a beautiful and a quiet vibe, halos lahat ng nakikita kong customer dito ay busy sa kaniya-kaniyang gawain, like studying. May iba na sa tingin ko ay gumagawa ng thesis nila. 

“Kanina ka pa?” tumingala ako sa kaniya. 

I waited for him until he sit down. Agad nitong hinubad ang suot-suot na sumbrero at sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. Binaba rin niya sa katabing upuan ang dala niyang bagpack. He's just wearing a simple white Celine shirt. Pa‘no ko nasabing Celine? Simple, nakabalandra ’yung tatak sa gitna ng damit. Nakasuot lang din siya ng black ripped jeans na tinernohan ng white snickers. 

“May mali ba sa suot ko?” he chuckled. 

I rolled my eyes bago ulit uminom sa baso ko. 

“Bakit hindi ka um-order?” tanong ulit nito.

I crossed my arms as I leaned on my chair. “Just go straight to the point, akala ko ba hindi naman natin kailangan magkita dito sa raket mo sa ’kin?” 

Pero imbes na sagutin ako ay tumayo siya, still holding his cap. “Order muna tayo, my treat,” aniya sabay hawak sa pulso ko.

Walang ano-anong hinatak niya ako patayo. Dinala niya ako sa may counter. He's still holding my wrist habang tumitingin siya sa mga naka display na iba't-ibang uri ng baked pastries. Napapasama ako sa tuwing naglalakad siya sa kabilang dulo ng display counter. 

I was about to pull my arms from his hand nang mas hinigpitan niya ang hawak dito. 

“What do you want?” 

Tumikhim ako. “No need.”

Tinapunan ako nito ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “'Wag ka ng pakipot, ’di bagay sa ’yo.”

Aba ang kapal ng mukha. Hihilahin ko na sana ulit ang pulso ko sa kaniya but just like earlier, he didn't let it go. “Bitawan mo na nga ’ko,” giit ko rito, still pulling my wrist.

“Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi ang order ko sa ’kin,” paglinaw nito. 

I just rolled my eyes and surrender. Bahala siya, siya naman ang gagastos at hindi ako. “Kung anong order mo, gano’n na rin ang akin,” tugon ko. 

Ngumiti siya at binitawan na nga ang pulso ko. He patted my head. “That’s my girl,” he teased. 

Agad kong hinampas ang kamay niya and as usual, tinawanan lang niya ang ginawa ko. “Gago,” ’yan lang ang sinagot ko sa kaniya bago bumalik sa table namin kanina. 

Pinagmasdan ko siyabg um-order mula rito sa kinauupuan ko. Come to think of it, he never treat me how he treated me back then. Pero hindi pa rin ako makakampante sa kaniya. I'm still mad at him, I still hate him for all he did to me, to my family. 

I just needed some money at may utang na loob ako sa kaniya kaya ako pumayag sa kasunduan na ito. 

Tumaas ang kilay ko nang lumingon siya sa gawi ko, even the crew that responsible to take his order ay tumingin sa 'kin. They're smiling as if they're talking something weird about me. Umiwas din naman sila agad ng tingin pero 'di pa rin mawala sa mukha nila ang ngiti.

Ano na naman ba 'tong chinichismis niya tungkol sa 'kin. 

Umiwas na lang ako ng tingin at binaling ang attention sa phone ko. Playing cooking fever. Saglit lang naman ang lumipas at bumalik na rin si Liam sa table namin dala-dala ang mga pagkain na in-order niya. 

He distribute it as he sit down. Um-order siya ng two slice of mocha cake, tig-isa kami, and two caramel frappuccino for the both of us. 

Tatanungin ko na sana ulit siya sa pakay niya nang bigla niyang ilabas ang gamit sa bagpack niya. May notebook, may mga papel, test paper to be exact. Meron din dalawang libro at dalawang ballpen. May bond paper din na parang may solutions nang nakasulat. 

Pinagmasdan ko lang siyang ayusin ang lahat, binigyan din niya ako ng libro sa harap ko at pinahawak sa 'kin ang isang ballpen. 

He smiled at me as if nanalo siya sa isang contest. “Ano 'to? Akala ko ay hindi tayo mag-aaral?” I asked out of confusion. 

Tinuktukan niya ang bondpaper na nasa harap niya, iyong may mga solutions na nakasulat. “I did this para may proof tayo,” aniya sabay labas ng phone sa bulsa niya. “Here.”

“Anong gagawin ko dito?” naguguluhan na tanong ko habang inaabot ang phone niya. 

“Ilabas mo rin ang phone mo,” utos nito. 

Nagtataka man pero nilabas ko pa rin ang phone ko sabay abot sa kaniya. But instead of getting it ay tinulak niya sa 'kin pabalik ang phone ko. 

“Kunan mo 'ko ng picture, stolen shot. Para may mabibigay kang litarato kay mom kapag nanghingi siya ng picture.”

My jaw literally drop. 

Wow.

I didn't expect na maiisip niya ang lahat ng 'to. Ang galing niya talaga sa kalokohan. 

Umirap na lang ako at kukuhanan na sana siya ng litrato nang pahintuin niya ako. “What now?” mataray na tanong ko. 

Kumuha siya ng kakaunting piraso sa cake niya at kinain iyon. He also drink his frappuccino na kala mo ay umiinom siya ng alak. The hell, nakalahati niya agad 'yon?

Akala ko ay 'yon lang ang gagawin niya pero laking gulat ko nang kumuha rin siya ng kakaunting piraso sa cake ko. I thought he'll going to eat it pero mas nanlaki ang mga mata ko nang itapat niya ang tinidor niya sa bibig ko. 

“Anong ginagawa mo!?” gulat na sambit ko. 

“Isubo mo na lang para matapos na tayo,” he demanded.

I shook my head bago iurong ang kamay niya palayo sa bibig ko. “Ikaw na lang ang kumain niyan.”

“Ang arte mo, parang laway lang eh.”

I rolled my eyes. “Hindi ako kumakain ng matamis,” simpleng paliwanag ko sa kaniya. 

“Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?” 

“I already told you na hindi mo na 'ko kailangan bilhan.”

Inismiran lang ako nito bago kinain ang nasa tinidor. “E 'di dapat sinabi mo kanina pa,” pagpapatuloy nito. 

“As if naman lilipat tayo sa iba para lang sa 'kin,” natatawang sambit ko. 

Umiling-iling na lang ako sa sinabi ko at kukunan na sana siya ng litrato nang magsalita na naman siya. It makes me stopped and look directly to his eyes dahil sa binigkas niya. 

“Puwede naman para sa 'yo, anong nakakatawa do'n?” 

Seryoso ang mukha niya na parang hindi isang biro ang sinabi niya. Umiwas lang ako ng tingin sabay kuha sa caramel frappuccino na in-order niya for me. Mabilisan akong himigop doon habang nakaiwas pa rin ng tingin sa kaniya. The hell, bakit ang seryoso niya. 

He caught my attention nang tumikhim siya. “I'll just treat you again next time,” malumanay na aniya. 

Even him felt the awkwardness between us dahil sa sinabi niya kanina. Hindi naman kasi siya ganiyan umasta sa 'kin, kaya syempre maiilang kahit siya. 

Tinapos ko na ang dapat kong tapusin. I took photos of him while he's doing his paper works--cut that, I took a pictures of him habang nagpopose siya na kunwari ay may sinasagutan siya.

I also took a picture of him using my phone dahil just like he said baka ako ang hanapan ng mom niya ng litrato. Basta-basta ko lang siyang kinuhanan ng litrato. I don't know what angle he likes kaya kung saan-saang anggulo ko pinupwesto ang phone. Plus the fact that I don't know anything about photographing. 

Hindi naman kasi ako mahilig mag take ng pictures. Minsan lang kapag trip ko but with the help of Amber of course.

But damn. Napapaawang na lang ang bibig ko habang tinitingnan ang pictures niya sa gallery ko. Why is he so damn photogenic. Kahit blurred ang pagkakapic ko sa iba ay ang ganda pa rin ng kinalabasan. 

I unconsciously zoom his one of his photos in my phone. Naka side view siya rito na parang ang lalim ng iniisip. 

That's when I noticed how sharp his nose is. Wala man lang buto na makikita rito na nakausli. He has a mole on his jaw na ngayon ko lang napansin. His jaw are very define. He's attractive in any way. Wait . . . what the hell, pinupuri ko ba siya?

“Hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa 'kin,” he teased. 

Agad kong pinatay ang phone ko nang mapansin na kanina pa pala siya nakikitingin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. “'Wag kang assuming.”

I just rolled my eyes at pinagtuunan na lang ng pansin ang papel na nasa harap ko. I write something in there, just a random stuff na nasa utak ko, while waiting for him to finish at sabihin na puwede na 'kong umalis. Nakapahalumbaba lang ako sa lamesa habang focus na focus ang tingin ko sa sinusulat ko. 

But my brows suddenly furrowed when I heard a camera shutter. Agad kong inangat ang tingin sa kaniya, raising a brow while looking at him chuckling to his phone. 

“Did you just took a picture of me?” hindi makapaniwalang ani ko. 

He shrugged his shoulders. “In case na tanungin ni mom kung kasama ba kita,” he reasoned out. 

“Just make sure na hindi mo ipagkakalat 'yan.”

“As if naman may magkakainterest sa picture mo,” kantiyaw niya sa 'kin sabay tingin ulit sa phone niya. 

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi at ginagawa nito ngayon. “Tapos na ba tayo rito? Baka puwede na 'kong umalis?” mataray na tanong ko. 

But instead of answering me ay niligpit niya ang mga gamit niya sa lamesa. He put it all on his bag ng pabara-pabara bago iyon sinukbit sa likod niya. He stood up that makes me stand up too. 

“Tara,” biglang bulalas niya. 

Kumunot ang noo ko. “Saan?”

“Ililibre kita.”

“No need, may iba pa 'kong pupuntahan,” sinukbit ko na ang dala kong maliit na bag. “Sige na, mauuna na 'ko sa 'yo. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo 'kong pagtakpan ka.”

Papalag pa sana siya sa sinabi ko pero sa huli ay tumango na lamang siya. I just nodded back at sabay na kaming lumabas dito sa cafe. Naghiwalay rin kami ng landas pagkalabas na pagkalabas namin. He has his car na nakapark lang sa tapat habang ako ay kailangan pang maglakad para makapunta sa sakayan ng jeep. 

Just like the old days, umuwi ako sa 'min kahit na minsan ay sumasama ang loob ko sa bahay dahil kay tatay. He still wastes our money na akala mo ay siya ang nagpapakahirap kumita no'n.

“Ate gusto ko ng barbie. Nakita ko kasi 'yung kaklase ko, ang ganda ng barbie niya ate.”

Huminto ako sa pagsusuklay sa buhok ni Patricia, ang isa sa kambal namin. She's a girl habang ang kakambal naman niya ay lalaki, si Riley. 

“Talaga? Anong klaseng barbie ba ang want ng baby Pat namin?” I asked as if may barbie na nakatago sa likod ko. 

Humarap naman sa 'kin ang kapatid ko. Her smile grew bigger habang yakap-yakap ang nag-iisang laruan niya, ang teddy bear na napanalunan ko noon sa school. Kinarga ko siya ng bahagya para maikandong sa 'kin. We're here at our room. Dalawa lang ang kuwarto rito sa 'min. One for our parents at 'yung isa ay para sa aming magkakapatid. 

We're not rich. Ni hindi namin afford bumili ng higaan kaya sa papag lang kami natutulog. 

“Gusto ko 'yung may pakpak na ballerina ate. Paglaki ko kasi gusto ko rin magkaroon ng pakpak,” masayang aniya. “Magkakaroon naman ako ng pakpak paglaki ko, hindi ba, ate?”

I smiled because of what she just said. Bata pa nga talaga si Pat. Ang simple lang ng gusto niya sa buhay. At ang simple lang din ng pinoproboma niya sa araw-araw.

I pinch her cheeks a little bago hinalikan ang noo niya. “Oo naman. Matutupad mo kung ano ang gusto mo balang araw, dahil susuportahan ka ni ate sa bawat hakbang na tatahakin niyo.”

Napangiti ako ng kusa ng niyakap niya bigla ang leeg ko. “Salamat ate!”

“Ate, ako rin!” rinig kong sigaw ni Riley na kakapasok lang dito sa kuwarto. 

He immediately run towards our direction at agad na sinunggaban ako ng yakap. Nakita kong umiling-iling si Val na kakapasok lang din dito sa kuwarto dahil sa inasta ni Riley. Kagagaling lang nila sa labas, naglaro na naman siguro ng basketball. Si Val lang ata ang lalaking mas hilig makipaglaro ng basketball sa mga bata kaysa sa mga ka-edad niya. 

“Nakikita mo sarili mo sa kanila?” asar ko kay Val, pertaining sa pagiging clingy nitong kambal sa 'kin. 

Pero hindi man lang siya naasar sa sinabi ko. Pumasok na rin dito sa loob si Tricia. Nagtaka ako nung bigla siyang nakiyakap sa 'min. 

“Namiss kita ate, alam mo bang ako ang kinukulit niyang dalawa,” sumbong nito sa 'kin. 

Napailing na lang ako sa sinabi nito at bibigyan sana siya ng pangaral nang magulat ako sa ginawa ni Val. Lumapit siya sa 'min at gaya ng tatlo ay yumakap din siya sa 'kin na akala mo ay siya pa rin ang unang kapatid ko na inalagaan ko noong maliit pa siya. 

“Anong drama niyo?” natatawang sambit ko. 

Pero lahat ng tawa ko ay biglang napalitan ng luha dahil sa sunod nilang sinabi.

“Simula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nakabantay sa bawat hakbang na ginagawa namin, ate. Ikaw ang nag-alaga, nagsakripisyo, at nagprotekta sa 'min. Kaya maraming-maraming salamat, ate,” ani Val na dinugtungan ng mga kapatid ko ng, “salamat ate!”

That's when it hits me. Kailangan ako ng mga kapatid ko. Hindi ko sila puwedeng pabayaan dahil ako ang ate nila, ako ang panganay na kailangan umalalay sa kanila. And they need me to achieve their dreams. Mahal na mahal ko ang pamilya ko.

Sila ang dahilan kung bakit ko kinakaya ang lahat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status