Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako nag-abalang magreklamo nang maipasok niya ako sa loob ng kotse. Nakakainis lang dahil panay tingin siya sa akin sa rearview mirror. Mariin kong pinikit ang mata.
Masasayang lang ang laway ko dahil hindi nakikinig sa akin si Daddy. Nang tumigil ang sasakyan namin ay mabilis akong bumababa. Hindi ko hinintay na pagbuksan niya katulad ng madalas ginagawa ng mga tauhan ni Daddy. "Oh Hija, napaaga ka ata?" Tanong ni Daddy nang maabutan ko sila sa may Sala. Kasama niya si Mr. Flores, isa sa kilalang negosyante sa bansa. Tumango lang ako kay Daddy at agad na umakyat sa kuwarto ko. "Calm down, Priscilla Elena. You can prove it to your, dad. Makukuha mong paalisin ang babaeng iyon, kasama ang lalaki niya." Bulong ko sa sarili ko. Mariin akong pumikit dahil maaga pa naman. Mamaya nalang din ako kakain dahil mukhang may bisita pa si Daddy. Dahil siguro sa sobrang pagod ay mabilis akong nakatulog. Naramdaman ko pa ang paggalaw ko sa kama at pero hindi ako nag-abalang idilat ang mata ko. Masyado na akong napagod. Napasulyap ako sa orasan nang magising ako. It's already 2 o'clock in the afternoon. Kanina ay nakatulog ako habang ang mga paa ko ay naka-apak sa sahig. Bumangon ako at muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita si Lorenzo sa tabi ng pinto. Tahimik siyanh nakatayo do'n habang naghihintay sa paggising ko. "Mu Goodness! Ang daming bantay sa bahay kaya hindi mo 'ko kailangang bantayan sa kuwarto!" Reklamo ko sa kaniya. Hindi ko ugaling magalit lagi pero naiinis talaga ako sa kaniya. Lalo na at pakiramdam ko ay wala lang sa kaniya lahat ng sinasabi ko. "Hindi kita binabantayan, Ma'am Chavez. Inutusan lang ako ng Sir na maghatid ng pagkain dahil hindi po kayo bumaba kanina." Paliwanag niya. Napatingin ako sa study table ko. "Sabi niya ay huwag ko kayong iiwan hanggang hindi kayo kumakain dahil may mahalaga siyang lakad." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Anong oras mo iyan nilagay diyan?" Tanong ko sa kaniya. "Kanina pa po." Magalang niyang sagot. Tumayo ako at lumapit sa study table ko. "Hindi ko kumakain ng malamig na. At parang ayaw ko rin ng gulay ngayon." Seryoso kong sabi. Pinasandalan niya ako ng tingin. "Ano po ang gusto niyo, Ma'am? Painitan ko po ba?" Mahina akong tumawa bago naupo sa tabi ng mesa. "Ayaw ko ng pagkain. Iluto mo ako ng bago. Just wait here, magpapalit ako." Tumayo ako nagtungo sa closet ko. Nananatili siyang nakatalikod sa akin kaya inalis ko ang pagkaka-butones ng uniporme ko. Alam kong nakikita niya ako dahil sa gilid lang naman ako nagpalit ng damit. Pinagmasdan ko kung paano siya marahan na tumagilid para hindi ako makita. So, ayaw niya ng mas bata sa kaniya? Mabilis kong sinuot ang spaghetti strap at short na kinuha ko. "Let's go. Sasamaha ako sa kusina para makitang ikaw ang magluluto para sa akin." Tumango siya at naunang lumabas ng kuwarto. Pinagmasdan ko ang likod niya, kung paano siya kumilos habang pababa ng hagdan. "Oh? How's my beautiful step daughter?" Nakangising tanong ni Kristina. Ngumisi rin ako sa kaniya nang nasa tapat na niya ako. "Fine. Nagsisimulang akitin ang lalaki mo." Nang-aasar kong bulong. Kitang-kita ko kung paano nawala ang ngisi sa labi niya. Got it! I know your weakness, Kristina. Muli kong sinundan ng tingin si Lorenzo. Hinubad niya ang suot niyang black coat. Ngumisi ulit ako kay Kristina bago sumunod kay Lorenzo. Tahimik kong pinanood ang lalaki. Sa kung paano siya kumuha ng iluluto niya at paano ito hiniwa sa harap ko. Napatingin ako sa braso niya dahil naka-tupi ang sleeves nito. Maugat ang braso niya, halatang sanay sa gawin o magbuhat ng mabibigat na bagay. Napatingin ako sa kaniya at saktong nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinihila sa tuwing napapatingin ako sa mata niya. Ang ganda. Umiling ako at mabilis na ininom ng tubig. Sigurado akong malamig sa kusina namin pero pinagpapawisan pa rin ako. "Saan pala pumunta si Daddy?" Tanong ko sa kaniya. "Balita ko po ay may meeting sila. Bukas pa po siya darating." Napatingin ako sa kaniya. "So, hindi ako makakatulog. I should watch you and my stepmom." Natigilan siya saglit bago magpatuloy sa ginagawa niya. "Hindi muna kailangan gawin iyon dahil ikaw ang babantayan ko sa kuwarto mo." Sagot niya sa akin. Sumandal ako sa upuan ko at pinagkrus ang braso ko. "Paano kung pinatulog mo 'ko para malaya niyong magawa ang pagtataksil niyo kay Daddy?" Tiim bagang kong tanong. "Kung gusto mo ay magdamag akong magbabantay sa kuwarto mo. Mananatili ako ro'n hanggang hindi mo sinasabing lalabas ako, Ma'am." Matalim ko siyang tiningnan pero hindi rin nagtagal iyon nang tumitig rin siya sa mata ko. "Okay. You'll stay in my room tonight. Mag-aaral ako dahil may exam pa ako." Walang emosyon kong sabi. Wala si Daddy kaya sisiguraduhin kong hindi rin makakatulog si Katrina. Uhaw iyon sa lalaki! Napatitig ako sa adobong manok na niluto ni Lorenzo. Hindi ako mahilig sa manok pero, gutom na rin ako kaya kumain nalang ako. Madami pa akong aaral ngayon dahil tatlo ang exam ko bukas at puro major subject ko pa iyon kay Mrs. Cruz! "Masarap po ba?" Tanong ni Lorenzo nang matapos akong kumain. Napatingin ako sa plato ko na ngayon ay wala ng laman. "Not really. Walang lasa!" Kahit ang totoo ay masarap iyon dahil naubos ko. Katulad ng sabi niya ay nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kuwarto ko. Gusto kong sabihin na maupo siya sa sofa pero, ayaw kong isipin niya na concern ako. Wala ako nun. Nang ilang oras akong nagbabasa ay tumingin ulit ako sa kaniya. "I want coffee. But, can you do that in 5 minutes? Siguro naman ay sakto na iyon para makapag-lampungan muna kayo." Kita ko ang pagsilay ng galit sa mga mata niya na agad rin napalitan ng pagngiti sa akin. "Masusunod po." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Sumandal ako sa likod ng upuan ko at napapikit sa sobrang inis. Walang pumapasok sa utak ko. Halos nasayang lang ang ilang oras kong pagbabasa. I don't know why? Siguro dahil distracted ako sa lalaking nasa kuwarto ko. Akala ko ay matatagalan siya sa pagkuha ng kape pero wala pang limang minuto ay pumasok na siya sa kuwarto ko. May ilang pawis sa noo niya pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Muli akong bumalik sa pag-aaral kaya hindi ko namalayan na gabi na pala. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nakita ko ang nang aasar na ngiti ni Solana sa akin. "Kakain na raw po tayo." Sabi niya sa akin. Binaba ko ang librong binabasa ko at nagdesisyong bumaba ng kuwarto. Totoong wala nga talaga si Daddy dahil walang nakaupo sa dulo. I saw Kristina's fixing her dress nang makita si Lorenzo. "Ikaw na ang maglagay ng pagkain sa plato ko." Utos ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod. "It's not part of his job!" Reklamo ni Kristina. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "I don't thinking making out with him is part of his job too." Biglang naubo si Lorenzo nang sabihin ko iyon. Napatingin ako sa kaniya. "Pagkakamali lang po iyon, ma'am." Agap niya. Walang alinlangan ko siyang inirapan. "I will talk to your dad, Elena. You're too much!" Muli niyang sinabi. "Why? Natatakot ka bang baka may ginagawa na kami sa kuwarto? Don't worry, hindi ko ugaling pumatol sa isang bodyguard....lang." May diin kong pagkakasabi. Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Lorenzo sa tinidor na ginagamit niya. "Ate..." Mahinang saway sa akin ni Meredith. Tumayo ng maayos si Lorenzo pagkatapos niyang maglagay ng pagkain sa plato ko. "Mabuti naman. Baka mapahiya kalang kapag napanood mo ang performance namin." Mahina akong natawa sa sinabi niya. "Bakit ko papanoorin? Magaling ba kayo?" Natigilan siya sa sinabi ko. "You know what, Kristina? Hindi ko alam kung anong klaseng pananakot ang ginagawa mo kay Daddy. But, I'll make sure na malalaman ko rin iyon. I will do anything para hiwalayan ka ni Daddy." Matapang kong sabi. Hinawakan ni Meredith ang kamay ko kaya hindi na ako muling nagsalita pa. Nang matapos kumain ay agad akong dumeretso sa kuwarto ko. Napatingin ako kay Lorenzo na nakasunod pa rin akin. "Kumain ka na. I don't mind." Sabi ko sa kaniya. Tumango lang ito bago sinunod ang sinabi ko. Muli akong bumalik sa mesa ko para makapag-aral ng maayos. Ilang minuto akong nagbasa bago nakabalik si Lorenzo. Halatang nagmadali siyang kumain. Malalim na ang gabi nang maisipan kong maligo para makatulog na rin. Nakatayo pa rin si Lorenzo sa gilid ng pinto. Pero hinayaan ko lang iyon dahil sigurado akong aalis iyan kapag nakatulog na ako. Pero mali ako. Maaga akong nag-alarm kaya naabutan ko siyang natutulog sa single sofa ng kuwatrto ko. Malalim kong pinagmasdan ang mukha niya bago tuluyang tumayo sa kama ko. Mukhang mabilis talaga siya magising dahil paglabas ko ng banyo ay gising na siya. Anong oras siya nakatulog? I don't want to ask him. Paglabas namin sa kuwarto ay nauna siyang maglakad sa akin. Hindi na ako nagulat nang madatnan ko si Daddy sa dulo ng mesa. Mukhang maaga siyang umuwe. "Good morning, Sir." Magalang na bati sa kaniya ni Lorenzo. "Good morning too, Lorenzo! How's your first day as my daughter's personal bodyguard?" Tanong ni Daddy pero nasa akin pa rin ang tingin niya. "Ayos lang naman po, Sir. Hindi naman po siya sakit sa ulo katulad ng sinabi niyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What?!" Mahinang tumawa si Daddy sa kaniya. "Sa susunod na linggo ay may mahalaga akong lakad. Maiiwan dito ang panilya ko, ikaw na ang bahala sa anak ko, Lorenzo. Gawin mo ang gusto mong gawin para lang hindi siya maalis sa paningin mo." Galit kong tiningnan si Daddy. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "How about your wife?" Galit kong tanong. "Your two sister needs a mother, Elana.' Parang pagod na sagot ni Daddy. "I can be a mother to them!" Galit kong sagot sa kaniya. "At ano ang ituturo mo sa kanila? Ang pagiging bastos at walang galang mo?" Mahina akong natawa at tumingin ng deretso sa mata niya. "How about your wife? Ano ba ang ituturo niya sa mga kapatid ko? Ang magpakama-" Natigilan ako nang maramdaman ang malakas na sampal ni Daddy sa akin. Galit ko siyang tiningnan kahit ramdam ko ang pagputok ng gilid ng labi ko. Nalasahan ko rin ang sarili kong dugo. Halata ang pagkagulat sa mata niya. Ngumisi lang ako rito bago tuluyang tumayo at bumalik sa kuwarto ko. Wala na akong ganang pumasok dahil hindi rin naman ako makakasagot ng maayos. Sinulyapan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ako umiyak, nanatili lang akong nakatingin sa sarili ko. Namumula pa rin ang pisngi ko at nagdurugo ang gilid ng labi ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Akala ko ay si Meredith at Solana pero nagulat ako at si Lorenzo iyon. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan. May hawak siyang first aid kit. "Leave." Malamig kong sabi. Hindi siya nakinig sa akin. Lumuhof siya sa harapan ko dahil kasalukuyan akong naupo sa dulo ng kama ko. "I. Said. Leave." Pero nagmatigas pa rin siya. Nilapag niya ang dala niyang first aid kit. Napalunok ako nang hawakan niya ang baba ko para mapagmasdan ang labi ko. "What do you think you're doing?!" Galit kong tanong. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa baba ko pero muli niyang hinawakan iyon. Kumuha siya ng bulak at marahan niyang dinampi iyon sa gilid ng labi ko. "Sabihan mo 'ko kapag masakit." Magalang niyang sabi. Nanatili akong nakatitig sa mukha niya habang seryoso siya sa ginagawa niya. Kita ko kung paano bumagal ang paghinga niya habang ginagamot ang sugat ko. "Puwede kanang umalis." Sabi ko dahil ayaw ko nito. Wala akong balak maging malapit sa kaniya. "I will. Aalis ako kapag nasiguro kong maayos kana." Sabi niya. Natigilan ako nang deretso siyang tumingin sa mata ko. Ayan na naman ang maganda niyang mga mata! Na kahit nakatingin kalang sa kulay nito ay para kang nasa malawak na karagat. Nagpapakalunod sa sobrang sarap ng pakiramdam. To be continued...."Kaya mo ba?" Natatawang tanong ni Lorenzo nang pagbuksan niya ako."Shut up! Nakababa nga ako ng hagdan kanina, e." Irita kong sabi at nilampasan siya. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya matalim ko na naman 'tong tiningnan."Hmm? Dapat ko na bang isipin na dinadala mo ang panaganay natin?" Kusang umikot amg mata ko sa sobrang pagkairita. Kanina pa niya ako inaasar nung papasok na kami."Eh kung taguan kaya kita ng anak?" Pang-aasar ko sa kaniya. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay."Binigyan mo na naman ako ng idea para bilhin lahat ng hospital, Priscilla." Pabiro ko nalang siyang inirapan dahil hindi talaga aki mananalo sa kaniya."Should I wait here or outside your classroom?" Tumigil ako saglit at tumingin dito."And what are you going to do here? Maghanap ng magaganda?" Matalim ko siyang tiningnan nang muling sumilay ang mapang-asar niyang ngiti"Okay. I'll wait outside your classroom." Padabog ko siyang tinalikuran. Gusto kong mainis dahil rinig ko pa rin ang pagtawa niya.
Halos nakailang buntong-hininga ako. Lorenzo just waited for me to eat and sleep before leaving again. Talagang bumalik lang siya rito sa probinsya para lang masigurong okay lang ako. I know he really loves me but, why do I feel like he's only doing that because of my father. Maybe, still part of his job.But, again...my father doesn't have an idea about last night. I mean, hindi naman siguro siya tinawagan ni Ate Kristina?"Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko," Mahina kong bulong sa sarili ko."Oo, girl. Actually malapit kunang isipin na kabayo ka sa past life mo. Kanina ka pa bumuntong-hininga." Natatawang sabi ni Brittany. Pikon ko lang siyang tiningnan."You know what? You're not helping." Sabi ko sa kaniya. Matalim ko siyang tiningnan nang itulak niya ang balikat ko."Paano ako tutulong kung hindi ka magsasabi? Girl, hindi ako manghuhula." Reklamo niya. Kakalabas lang ng professor namin. Pero heto at hindi ko magawang lumabas. Mas naguguluhan lang ako pag nasa bahay ako."Naranasa
I smiled while looking at my own refection in the mirror. Tumalikod ako para makita ang tattoo sa likod ko, kailangan ko pang itagilid ang buhok ko dahil natatakpan na niya ito. It's been weeks na rin pala kaya hindi na siya namumula.Muli kong inayos ang damit ko dahil may pasok pa ako mamaya. Hindi ko naabutan si Lorenzo kanina nung magising ako pero, baka nasa baba lang iyon. Gano'n naman iyon. Lagi siyang nauuna sa baba. Sumasabay na rin naman ako lagi sa breakfast and dinner. Well, kapag busy sa pag-aaral ay naghahatid nalang siya ng pagkain.Semi-finals na namin next week and kailangan kong bumawi. Madami rin akong tinatapos na case study. Lalo na sa management and business major namin. Puro essay ang kailangan kong tapusin kaya minsan ay sumasakit talaga ang ulo ko."Si Lorenzo?" Tanong ko nang mapansin na wala siya. Si Lucas ang nakatayo ro'n sa tabi ng kapatid ko. They're wearing uniform. I guess maaga rin ang pasok nila."May pinagawa po si Gov, ako raw po ang maghahatid sa
"Bakit kasi walang mall dito sa probinsya? Should I ask my dad na magpatayo nalang ng mall?" Inis kong sinulyapan si Lorenzo nang tawanan niya ako. I know it's impossible but, kaya naman ni Daddy iyon. Malaki ang negosyo niya. Pero hindi rin gano'n kadali dahil politician siya. Baka isipin nila na pera iyon ng bayan kahit hindi naman."Ikaw lang iyong mataray na mas lalong gumaganda pag naiinis." Nauna akong lumabas ng kotse. Mamaya ay kung saan na naman mapunta ang usapan namin.Tatlong oras ang byahe namin dito sa mall. But, it's okay. I just want to enjoy this moment with him. Wala rin masyadong fancy restaurant dito kaya okay lang din. At least magkasama kami."I know places where we can enjoy our date. It's a private property." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Pag ganitong walang pasok ay nadami akong mga kakilala rito. Nakita ko nga kanina iyong ex ni Lucas, e. Mukhang may sasabihin siya pero hindi rin niya tinuloy."Alam mo? Kung hindi kalang bodyguard ni Daddy ay iisipin kong ik
Muli akong nagising ng mga madaling araw. Nasa tabi ko pa rin si Lorenzo and his now wearing his shirt. Good thing dahil dito siya dumeretso kanina pagkauwe namin. Mabuti nalang at hindi iyon napansin ni Daddy. Muli kong pinikit ang mata ko at ginawang unan ang isa niyang braso at mahigpit na yumakap rito. After we make love last night is we decide to take a bath and change our cloth, mahirap na kapag may biglang kumatok at magtaka kung bakit pareho kaming walang suot na damit.Nang sunod kong paggising ay wala na sa tabi ko si Lorenzo. It's already 6 o'clock in the morning. Masakit ang katawan ko but I manage to take a bath. Alam kong sanay na silang lahat na hindi ako sumasabay sa breakfast and lumalabas ng kuwarto but, I don't know. Ayaw kong makahalata pa rin sila.Kahit na alam kong suportado nila kami. Well, I know Solana is still thinking a lot of what if about me and Lorenzo but, like what I've said I don't regret anything about what happened."Good morning, baby." Napangiti
I stayed in my seat and tilted my head backward, pressing the back of it against the headrest. I closed my eyes. "What's so funny, Lorenzo?" Pikon kung tanong. Alam kong pinapanood niya ako sa rearview mirror.Pabalik na kami ngayon sa probinsya dahil kailangan raw makabalik ni Daddy sa Cebu. Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Lorenzo. I leaned my head back on the headrest and looked at him. His eyes flickered at me for a hint of a second before he smiled. "You're so cute when you're annoyed, Priscilla." Kusang umikot ang mata ko. Gusto ko pa naman din mag-stay do'n sa Villa kaso nga ay hindi rin puwede. Baka makahalata si Daddy kung magpapaiwan kami. Sa huli ay wala pa rin akong choice."Do you want us to go there again?" Mukhang nakuha ni Lorenzo ang dahilan ng pagkainis ko."As if we can? Babalik na ako sa school, Lorenzo. Isa pa, you think hindi makakarating kay Daddy kung ilang araw akong absent sa klase?" Hindi ko maiwasang hindi mairita. I really love the view of the s