Share

Chapter 03

last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-17 11:02:22

Hindi ako nagtakang lumabas ng kuwarto ko. Nang lunch time ay naghatid lang ng pagkain sa akin ni Lorenzo, tahimik niya akong pinanoof at gano'n din ang ginawa niya nung magdala rito ng snack.

Hindi ko pa rin matanggap ang pagsampal sa akin ni Daddy. Sa ilang taon nilang magkasama ni Kristina ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa akin. Ayaw kong isipin na sumobra ako dahil totoo naman ang sinabi ko sa kaniya.

It's not my fault!

Nakahiga lang ako sa kama at wala rin planong mag-review dahil wala naman akong pasok bukas. Ngayon dapat ang ilan sa major subject namin kaso ay hindi ako nakapasok.

Well, that's fine. Mas maganda dahil hindi naman matatakpan ng concealer ang sugat sa gilid ng labi ko. I sighed before closing my eyes.

Kanina pa ako nag-iisip pero hindi ko makuhang umiyak. Mabigat lang ang pakiramdam ko, parang may nakasaksak na punyal sa dibdib ko pero hindi ko alam kung paano iyon tanggalin.

Tinakpan ko ang mata ko gamit ang isang braso ko. Ang pareho kong paa ay naka-apak sa sahig. Kalahati lang ang nakahiga sa kama ko.

Rinig jo ang pagbukas ng pintuan ko pero hindi ko inalis ang pagkakatakip sa mata ko. Alam kong si Meredith o Solana lang iyon. Kung hindi ay si Lorenzo. Masyado ng kina-career ang pagpasok sa kuwarto ko.

Gabi na rin naman kaya paniguradong nagdala siya ng pagkain.

"Anak," Mabilis akong napaupo nang marinig ang boses ni Daddy. Malungkot niya akong pinagmasdan pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

Nasa likod nito ay si Lorenzo, nakayuko na para bang pinilit ni daddy na sumama rito sa kuwarto ko. Nakayuko lang siya, parang walang pakialam sa kung ano ang sasabihin o pag-uusapan namin ni Daddy.

"Dapat ay sa susunod na linggo ang alis ko pero, biglaan din ang nangyari kaya kailangan kong umalis." Nananatili akong nakatitig rito. Nakikinig.

"Hindi ko na uulitin ang nangyari kanina."

"Talagang hindi na mauulit dahil hinding-hindi muna ako makikita pag sinaktan mo pa ako." Matapang kong sagot. Malungkot siyang tumango sa akin.

"I know. I'm sorry about that." Mahina niyang sabi. Muli akong tumahimik dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya. Iyon ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin.

Nanginginig ang kamay ko kaya pinatong ko ang magkabila kong palad sa kama.

"Sa tuwing may pasok ka ay si Lorenzo ang magiging bantay mo. kapag wala ay puwede niyang gawin ang gusto niya, Elena. Sa gabi naman ay babantayan ka niya para makatilog ka ng maayos." Matalim ko lang siyang tiningnan. As if may magagawa ako sa desisyon niya.

Hindi naman niya ako kailangang bantayan dahil kaya ko ang sarili ko. Hindi rin naman ako maglalayas pero, dahil gusto kong inisin si Kristina ay hindi nalang ako umangal pa.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Daddy sa buhok bago siya humalik sa ibabaw nito.

"Take care of her, Lorenzo. She's my oldest, mahalaga sa akin ang anak ko."  Palihim akong umirap sa sinabi niya. Narinig ko ang ilan niyang paalala kay Lorenzo pero hinayaan ko nalang dahil wala akong oras para magdrama.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang mapatingin sa family picture namin. Masayang-masaya kami do'n. Ang mga ngiti ni Daddy kay mommy ay parang unti-unting naglaho.

Parang naglaho lahat ng masasaya naming ala-ala nang mamatay si Mommy. I don't really know what happened that night. Nagsisimula palang si Daddy no'n, nasa labas kami at ng mansyon at pagpasok naman ay wala na si Mommy.

Napatingin ako sa pinto nang muli itong bumukas. May dalang pagkain si Lorenzo. Maingat niyang nilapag iyon sa study table ko. Tamad akong tumayo at nagtungo ro'n. Hindi iyan lalabas hangga't hindi ako kumakain.

"Nakaalis na ang daddy." Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.

"How about your woman?" Walang emosyon kong tanong. Hindi siya sunagot kaya napatingin ako sa kaniya.

"She's your dad's wife." Deretso niyang sagot.

"And you still kiss her." Mapakla kong sagot. Kinuha ko ang tubig na dala niya at ininom 'to.

"You can leave now. Busog na ako." Tumayo ako at pabagsak na nahiga sa kama. Nanigas ako nang maramdaman ang paghawak niya sa paa ko. Inayos niya ang pagkakahiga ko sa kama. Nakadapa ako kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Naramdaman ko rin ang pag-ayos niya sa kumot ko.

"H-hindi mo 'ko kailangang bantayan. Hindi ako tagakas." Sabi ko sa kaniya. Mas diniin ko ng mukha ko sa unan na gamit ko.

"Babalik po ako katulad ng inutos ni Sir. Matulog na po kayo para makapag-pahinga na kayo." Mariin akong pumikit.

Right! Ginagawa niya 'to because he's working with my dad. Binabayaran siya para alagaan at ingatan ako. Iyon ang utos sa kaniya ni daddy kaya hindi dapat ako magtaka.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Paminsan-minsan akong nagigising dahil sa pagkumot sa akin ni Lorenzo. I don't really know kung natutulog pa ba siya.

Dahil wala akong pasok ngayon ay hindi ko naabutan sa kuwarto ko si Lorenzo. Maaga ata siyang lumabas dahil 9 o'clock na rin ako nagising.

Napatingin ako sa study table ko. May pagkain na ro'n mukhang mainit pa iyon. Tumayo ako para buksan ang bintana ng kuwarto ko.

Malawak ang bahay namin. Hindi naman pang mansyon pero malawak ang compound nito. May garden sa harapan nito at upuan para kung sakaling gusto mong tumambay roon.

Tahimik kong pinanood si Lorenzo at Kristina. Masayang nag-uusap na oara bang matagal na silang magkakilala. Maybe my father knew about it.

Baka si Kristina ang nagpasok sa kaniya rito. Galit ko silang pinanood lalo na nang makita kong pinunasan ni Lorenzo ang noo ni Kristina.

Ngayon ko lang nakita si Kristina, na ganyan kasaya sa harapan ng lalaki. There's something about that guy. Tama ako...ginagawa niya lang 'to dahil anak ako ni Gov. Emanuel Chavez, mas totoo ang pakikitungo niya kay Kristina.

Dahil kaibigan niya ito.

Kusang umikot ang nata ko at dumeretso sa banyo. I don't care about them. Ang daddy ko ang inaalala ko. But, what if hindi na nman siya maniwala sa akin?

Dahil nasa bahay lang naman ako ay mas pinili kong magsuot ng mini skirt at crop top. Hindi ko ginalaw ang dalang pagkain sa kuwarto ko. Lumabas ako ng kuwarto para magtungo sa swimming pool. Kailangan kong ipahinga ang utak ko.

Hindi naman ako maliligo, gusto ko lang magpahangin. Madalas kami rito ni Mommy dati. Naupo ako sa upuan malapit sa pool, pabilog ang mesa rito katulad nung nakalagay garden namin.

Wala akong gana ngayon kaya dito nalang din muna ako. I don't want to stay in my room. Baka panoorin ko lang si Kristina at Lorenzo.

Pinagmasdan ko ang pool. Blue is my favorite color. Pero gustong-gusto ko iyong kulay ng dagat. Just like Lorenzo's eyes.

Napatingala ako nang biglang maharangan ang araw na tumatama sa akin. "What are you doing here?" Malamig na tanong ko rito. Ang sabi ni Daddy ay hindi niya ako kailangang bantayan sa tuwing wala akong pasok sa umaga.

"Hindi mo kinain ang dala kong pagkain, Ma'am." Sagot niya sa akin.

"Hindi ako gutom." Tamad kong sagot. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang mahina siyang tumawa.

"Hindi ko naman po tinatanong kung gutom kayo. Ang akin lang ay kumain kayo dahil iyon ang utos sa akin." Nag-iwas ako ng tingin.

Bukod kay mommy, wala ng mas nag-aalala sa akin. Si Daddy? I don't think he loves me. Alam kong ginagawa niya 'to dahil sa nangyari kay mommy. Nakokonsensya siya kaya ginagawa niya ang lahat para makabawi sa akin.

Si Lorenzo? He's doing this because of my money. Protecting me and making sure about my safety is his job. That's all.

"Wala si daddy. Walang nakakaalam na hindi ako nakakain kaya huwag kang mag-alala. Hindi iyon mababawas sa sahod mo." Kinuyom niya ang pareho niyang kamay. Napatingin ako rito at tama nga ako. Galit siya.

"Why are you mad? Hindi ba at gano'n naman iyon? Ginagawa mo iyon dahil sa pera? Nagiging mabait ka sa akin dahil sa utos ni Daddy." Mahina siyang tumawa ang tumingin sa akin.

"Tama po kayo. Ginagawa ko 'to dahil sa pera. Mahalaga sa akin ang trabaho ko kaya kahit hindi ko gustong bantayan ka ay wala akong magawa. Dahil iyon ang utos sa akin." Galit ko siyang tiningnan. Hindi kong bakit apektado ako sa sinabi niya.

Gano'n ba ako kahirap pakisanahan?!

"Well, that's good. Mas mabuting nagkaka-intindihan tayo. Just know your limit, Lorenzo. Hahayaan kitang gawin ang trabaho mo pero sa oras na mapatunayan kong may relasyon kayo no Kristina, hindi ako magdadalwang isip na paalisin ka." Matapang kong sabi. Tumayo ako nang marahan siyang tumango sa sinabi ko.

"You don't have to be nice. Just do your job and we're good." Paalala ko sa kaniya. Tumalikod na ako dahil sanay naman na ako. Hindi ko kailangan na ipilit ang sarili ko.

Nakaya kong mabuhay na walang inaasahan bukod sa sarili ko. Nandiyan ang mga kapatid ki pero masyado pa silang mga bata. At ayaw kong maging mahina sa harapan nila.

Nasanay akong ganito. Maging matigas ang puso para protektahan ang sarili ko. Para hindi ako masaktan.

Nang gabing iyon ay sumabay ako sa mga kapatid ko. Naging tahimik ang dinner namin dahil wala si Kristina at si Lorenzo. Mabilis din akong bumalik sa kuwarto ko para mag-aral dahil may pasok na naman ako bukas.

Kailangan ko rin mag special exam dahil baka bumakgsak na talaga ako kung matatagalan ako mag-take ng mid-term.

Mabuti nalang at nakausap ni Daddy ang mga professor ko sa araw na iyon kaya napayagan akong humabol.

Maaga akong natulog ng gabing iyon kaya hindi ko alam kung anong oras pumasok si Lorenzo o nagbantay ba talaga siya. I don't really mind.

Just like what I've hindi naman na kailangan dahil hindi naman ako tatakas. Nang umaga ay mabilis akong nag-ayos dahil maaga ang exam ko.

Nadatnan ko sina Lorenzo at ang ilan sa tauhan ni Dad. Sometimes I'm thinking...is it normal for a politician to hired a lot of his personal guard? May negosyo na kami bago maisipan ni daddy pumasok sa politika.

Pero dati pa man ay may mga guard na siya. Mas dumami lang talaga ngayon. Tahimik akong kumain at nagpasalamat na hindi na naman sinira ni Kristina ang araw ko.

"Thanks." Sabi ko kay Lorenzo nang pagbuksan niya ako. Sumakay na ako at piniling ipikit ang mga mata ko. I'm used to it. Hindi ko kailangan magbago dahil una palang, ganito na ako.

Hindi ko na pinagbawalan si Lorenzo, hinayaan ko siyang sumunod sa akin sa classroom dahil exam lang naman ngayon.

Balak ko sanang mag-take ng special exam bukas pero mas pinili kong kausapin si Mrs. Cruz.

"Are you sure about this, Ms. Chavez? Tatlong major iyon. Hindi mo naman kailangan magmadali." Umiling ako. I don't like special treatment in this university. Gusto kong magtapos na walang nasasabi sa akin ang ibang tao.

Dahil walang exam sa hapon ay mag-isa lang ako sa ckassroom namin. Wala kasing pasok bukas at nakakahiya naman kay Mrs. Cruz kung ako lang ang pupuntahan niya dito.

Dumating si Mrs. Cruz at pina-take sa akin ang management 4 na subject. Iyong Math17A at Finance ko rin ay gusto kong tapusin after this. Nang maipasa ko ang management 4 ko ay biglang pumasok si Lorenzo.

Hinala niya ang isang upuan at naglagay ng pinamili niyang snack. Nagtataka akong tumingin rito dahil baka magalit sa akin si Mrs. Cruz.

"Kumain ka muna. Baka nagugutom kana." Umiling ako rito.

"Hindi ako kumakain pag nagti-take ng exam. Baka madumihan ang papel ko." Sagot ko at muling bumalik sa sinasagutan kong Math.

Lunapit siya kay Mrs. Cruz at may sinabi siya rito. Hindi ko masyadong maintindihan dahil si ang pagsang-ayon lang ni Mrs. Cruz ang natinig ko. Nagulat ako nang muling maghila ng upuan si Lorenzo at naupo sa tapat ko.

"Pumayag na si Prof. Magsagot ka na riyan at susubuan nalang kita ng pagkain." Nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

"W-what?" Tumingin ako kay Mrs. Cruz na ngayon ay nakatingin na sa akin at ngumiti.

"Ayaw mong madumihan ang papel mo. Alam kong gutom ka kaya ako na ang susubo sa 'yo. Mag-focus ka sa pagsagot." Sabi niya bago kumuha ng binili niyang pagkain. Binuksan niya iyon at tumingin sa mga mata ko.

"Mahirap sumagot pag gutom. Sige na, Miss Chavez, open your mouth." Dahan-dahan kong sinunod ang sinabi niya. Wala akong plano na makipagtalo sa kaniya dahil masasayng lang ang laway ko.

Kilala ko na siya, hindi siya magpapatalo dahil trabaho niya ang alagaan ako.

Gano'n ang ginawa niya. Sinusubuan niya ako ng pagkain habang sinasagot ko ang major subject ko. Hindi ko man lang namalayan na natapos ko iyon na katabi si Lorenzo, pinapanood ang bawat galaw ko.

To be continued...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 20

    "Kaya mo ba?" Natatawang tanong ni Lorenzo nang pagbuksan niya ako."Shut up! Nakababa nga ako ng hagdan kanina, e." Irita kong sabi at nilampasan siya. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya matalim ko na naman 'tong tiningnan."Hmm? Dapat ko na bang isipin na dinadala mo ang panaganay natin?" Kusang umikot amg mata ko sa sobrang pagkairita. Kanina pa niya ako inaasar nung papasok na kami."Eh kung taguan kaya kita ng anak?" Pang-aasar ko sa kaniya. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay."Binigyan mo na naman ako ng idea para bilhin lahat ng hospital, Priscilla." Pabiro ko nalang siyang inirapan dahil hindi talaga aki mananalo sa kaniya."Should I wait here or outside your classroom?" Tumigil ako saglit at tumingin dito."And what are you going to do here? Maghanap ng magaganda?" Matalim ko siyang tiningnan nang muling sumilay ang mapang-asar niyang ngiti"Okay. I'll wait outside your classroom." Padabog ko siyang tinalikuran. Gusto kong mainis dahil rinig ko pa rin ang pagtawa niya.

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 19

    Halos nakailang buntong-hininga ako. Lorenzo just waited for me to eat and sleep before leaving again. Talagang bumalik lang siya rito sa probinsya para lang masigurong okay lang ako. I know he really loves me but, why do I feel like he's only doing that because of my father. Maybe, still part of his job.But, again...my father doesn't have an idea about last night. I mean, hindi naman siguro siya tinawagan ni Ate Kristina?"Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko," Mahina kong bulong sa sarili ko."Oo, girl. Actually malapit kunang isipin na kabayo ka sa past life mo. Kanina ka pa bumuntong-hininga." Natatawang sabi ni Brittany. Pikon ko lang siyang tiningnan."You know what? You're not helping." Sabi ko sa kaniya. Matalim ko siyang tiningnan nang itulak niya ang balikat ko."Paano ako tutulong kung hindi ka magsasabi? Girl, hindi ako manghuhula." Reklamo niya. Kakalabas lang ng professor namin. Pero heto at hindi ko magawang lumabas. Mas naguguluhan lang ako pag nasa bahay ako."Naranasa

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 18

    I smiled while looking at my own refection in the mirror. Tumalikod ako para makita ang tattoo sa likod ko, kailangan ko pang itagilid ang buhok ko dahil natatakpan na niya ito. It's been weeks na rin pala kaya hindi na siya namumula.Muli kong inayos ang damit ko dahil may pasok pa ako mamaya. Hindi ko naabutan si Lorenzo kanina nung magising ako pero, baka nasa baba lang iyon. Gano'n naman iyon. Lagi siyang nauuna sa baba. Sumasabay na rin naman ako lagi sa breakfast and dinner. Well, kapag busy sa pag-aaral ay naghahatid nalang siya ng pagkain.Semi-finals na namin next week and kailangan kong bumawi. Madami rin akong tinatapos na case study. Lalo na sa management and business major namin. Puro essay ang kailangan kong tapusin kaya minsan ay sumasakit talaga ang ulo ko."Si Lorenzo?" Tanong ko nang mapansin na wala siya. Si Lucas ang nakatayo ro'n sa tabi ng kapatid ko. They're wearing uniform. I guess maaga rin ang pasok nila."May pinagawa po si Gov, ako raw po ang maghahatid sa

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 17

    "Bakit kasi walang mall dito sa probinsya? Should I ask my dad na magpatayo nalang ng mall?" Inis kong sinulyapan si Lorenzo nang tawanan niya ako. I know it's impossible but, kaya naman ni Daddy iyon. Malaki ang negosyo niya. Pero hindi rin gano'n kadali dahil politician siya. Baka isipin nila na pera iyon ng bayan kahit hindi naman."Ikaw lang iyong mataray na mas lalong gumaganda pag naiinis." Nauna akong lumabas ng kotse. Mamaya ay kung saan na naman mapunta ang usapan namin.Tatlong oras ang byahe namin dito sa mall. But, it's okay. I just want to enjoy this moment with him. Wala rin masyadong fancy restaurant dito kaya okay lang din. At least magkasama kami."I know places where we can enjoy our date. It's a private property." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Pag ganitong walang pasok ay nadami akong mga kakilala rito. Nakita ko nga kanina iyong ex ni Lucas, e. Mukhang may sasabihin siya pero hindi rin niya tinuloy."Alam mo? Kung hindi kalang bodyguard ni Daddy ay iisipin kong ik

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 16

    Muli akong nagising ng mga madaling araw. Nasa tabi ko pa rin si Lorenzo and his now wearing his shirt. Good thing dahil dito siya dumeretso kanina pagkauwe namin. Mabuti nalang at hindi iyon napansin ni Daddy. Muli kong pinikit ang mata ko at ginawang unan ang isa niyang braso at mahigpit na yumakap rito. After we make love last night is we decide to take a bath and change our cloth, mahirap na kapag may biglang kumatok at magtaka kung bakit pareho kaming walang suot na damit.Nang sunod kong paggising ay wala na sa tabi ko si Lorenzo. It's already 6 o'clock in the morning. Masakit ang katawan ko but I manage to take a bath. Alam kong sanay na silang lahat na hindi ako sumasabay sa breakfast and lumalabas ng kuwarto but, I don't know. Ayaw kong makahalata pa rin sila.Kahit na alam kong suportado nila kami. Well, I know Solana is still thinking a lot of what if about me and Lorenzo but, like what I've said I don't regret anything about what happened."Good morning, baby." Napangiti

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 15

    I stayed in my seat and tilted my head backward, pressing the back of it against the headrest. I closed my eyes. "What's so funny, Lorenzo?" Pikon kung tanong. Alam kong pinapanood niya ako sa rearview mirror.Pabalik na kami ngayon sa probinsya dahil kailangan raw makabalik ni Daddy sa Cebu. Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Lorenzo. I leaned my head back on the headrest and looked at him. His eyes flickered at me for a hint of a second before he smiled. "You're so cute when you're annoyed, Priscilla." Kusang umikot ang mata ko. Gusto ko pa naman din mag-stay do'n sa Villa kaso nga ay hindi rin puwede. Baka makahalata si Daddy kung magpapaiwan kami. Sa huli ay wala pa rin akong choice."Do you want us to go there again?" Mukhang nakuha ni Lorenzo ang dahilan ng pagkainis ko."As if we can? Babalik na ako sa school, Lorenzo. Isa pa, you think hindi makakarating kay Daddy kung ilang araw akong absent sa klase?" Hindi ko maiwasang hindi mairita. I really love the view of the s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status