Share

Chapter 06

last update Huling Na-update: 2025-01-17 11:03:56

"Elena, thank God you're safe, anak." Mahigpit na yakap ni Daddy ang sumalubong sa akin. Hindi ako gumalaw, hinayaan ko lang siyang yakapin ako.

Nang kumalas siya ay napatingin ako sa mga kapatid ko. Umiiyak si Meredith habang pinapatahan siya ni Solana.

"What's really happening, Dad? Is it about your position again?" Hindi ko maitago ang galit sa boses ko. Malungkot akong pinagmasdan ni Daddy.

"I'm sorry. Hindi na mauulit 'to--"

"Iyan din ang sinabi mo no'ng mamatay si Mommy." Walang emosyon kong sabi. Mabilis na tumayo si Kristina.

"It's not about your mom, Elena! Muntik ng mamatay ang daddy mo. Hanggang kailan mo isisi sa daddy mo ang nangyari?" Galit niyang tanong.

"Or may be it's your plan to kill him, Kristina." Matalim ko siyang tiningnan.

"Para maging malaya ka at makuha ang pera--" Mabilis niya akong sinampal.

"How dare you!" Sigaw niya nang sampalin ko rin ang pisngi niya.

"Elena!" Sigaw ni Daddy. Mabilis siyang lumapit sa asawa niya.

Great! Ako ang unang sinaktan pero, ako pa rin ang masama sa paningin niya.

"I just want to inform your wife, dad....wala siyang karapatan na saktan ako. Lalo na at siya ang dahilan kung bakit nagka-ganito ang pamilyang 'to." Sabi ko bago tumingin sa dalawa kong kapatid.

"Meredith and Solana, you can sleep to my room tonight. Let's go." Hinawakan ni Lucas ang kapatid ko dahil panay iyak pa rin 'to.

Muli kong tiningnan si Daddy bago siya tuluyang talikuran. Napatigil ako saglit nang makasalubong ko si Lorenzo. Walang emosyon sa mga mata niya.

Hindi ko iyon binigyan ng pansin at agad na sumunod sa dalawa kong kapatid. Naabutan ko si Lucas sa may pintuan ng kuwarto ko.

"H-how's Matteo?" Pilit siyang ngumiti sa akin.

"He's already sleeping, Ms. Elena. Do you want me to check him?" Ngumiti ako at tumango rito.

"Please? Huwag mong ipaalam sa iba." Ngumiti siya at tumango nalang din sa akin.

"Masusunod po, Ms. Elena." Tumango ito bago tuluyang magpaalam sa akin. Mariin akong pumikit bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko. Nakahiga si Meredith habang nakayakap kay Solana.

She's scared.

Sino ba naman ang hindi? Wala akong alam sa mga nangyare pero dahil sa posisyon ni Daddy ay nasanay na ako. Ilang ulit na akong nalagay sa gano'ng sitwasyon. Wala akong choice kung hindi maging matatag.

Kasi kailangan ako ng dalawa kong kapatud.

Kailangan kong maging matatag dahil wala akong puweding takbuhan. Wala akong karapatang umiyak dahil....sarili ko lang ang kasama ko at magpapatahan sa akin.

"It's okay. I'm always here for you, girls." Nahiga ako sa gilid. Nasa gitna namin si Meredith. I can say that she's the opposite of me, iyakin siya at mabilis matakot sa mga bagay-bagay.

"Stop crying na, Meredith, we're here for you. And Ate Elena is safe. Nandito na siya sa tabi natin. Napatitig ako kay Solana. Gumalaw si Meredith at hunarap sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko.

"I thought something bad happens to you, Ate. Nawala na si Mommy kaya don't leave us too. Ikaw nalang ang meron kami." Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko pero hindi ko kayang magpakita ng emosyon.

"I will always be here for you, Meredith and Solana. Hindi ko kayo iiwan." Tumayo si Solana at pumunta sa gilid ko. Ako na ngayon ang nasa gitna nilang dalawa.

"We love you, Ate, kahit ikaw pa ang pinaka-masungit na ate sa mundo." Mahina akong natawa sa sinabi ni Solana.

"You're so beautiful when you're smiling, ate. We missed you." Napatitig ako sa kisame nang sabay silang yumakap sa akin. Hinayaan ko lang na gano'n kami hanggang sa tuluyan silang makatulog.

Nang masigurong tulog sila ay dahan-dahan akong tumayo. Inayos ko muna ang kumot nilang dalawa. Hindi ako makatulog. Ang daming gumugulo sa utak ko.

Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko. Nadatnan ko sa labas ng kuwarto ko si Lucas at Lorenzo. Siguro ay pinabantayan kami ni Daddy sa kanila.

"Good evening, Ms. Elena, can we talk?" Tumango ako kay Lucas. Alam kong tungkol kay Matteo ang sasabihin niya.

Humakbang ako malapit sa hagdan. Muli akong tumingin kay Lucas. Siguro naman ay hindi kami maririnig ni Lorenzo. Napatingin ako sa kaniya, malalim ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakatalikod sa kaniya ni Lucas.

"How's my brother?" Tanong ko sa kniya.

"Maayos naman po siya kanina. Pero baka po natakot sa nangyaring gulo kaya ngayon ay nilalagnat. Nagpatawag na po ng doctor si Mr. Chavez." Napahinga ako ng maluwag. Ang mahalaga ay ligtas siya.

It's not his fault.

I know I'm being unfair to him but, i just don't want to get hurt. Ayaw kong gamitin siya sa akin ng nanay niya.

Ngumiti ako kay Lucas at tinapik ang braso niya. "Salamat. Salamat din sa pag-aalaga sa dalawa kong kapatid." Nakangiti siyang tumango sa akin.

"Madaming kalokohan ang dalawang iyon. Ramdam ko ang pagod sa pag-aalaga sa kanila, Lucas." Mahinang natawa si Lucas sa sinabi ko.

"They love you. And I hope you know this, Ms. Elena but, you deserve to be love." Timango ako. Hindi na bago sa paningin ko si Lucas, kung may pinagkakatiwalaan man ako no'n pa man.

It's him.

"Thank you, Lucas." Sabi ko sa kaniya. "Magkakape sana ako, baka gusto mong sumabay?" Nahihiya siyang nagkamot ng batok.

"Maraming salamat pero mukhang si Lorenzo ang kailangan mong imbentahan dahil inaantok na siya." Muli akong napatingin sa kinaroroonan niya. Kumunot ang noo ko dahil mukhang galit siya habang nakatingin sa amin.

"Okay. Sabihin mo sa kaniyang samahan ako. Walang magtitimpla sa akin ng kape." Pagdadahilan ko. Nakangiting tumango si Lucas bago tumalikod sa akin.

Nauna akong humakbang pababa ng hagdan. Gusto ko sanang mnood at tingnan kung may balita ba sa nangyari kanina pero, sigurado akong pinalinis na ni Daddy iyon.

Ayaw niyang maging laman siya ng balita. I can't blame him. Ang hirap din kapag paulit-ulit kang tinatanong sa isang pangyayari na mismo ikaw ay hindi mo alam.

My father is their target. Wala naman silang makukuha sa akin. Sinadya nila akong iwan so I could distract the enemy. Para maisip nila na nay naiwan pa sa pamilya ni Daddy.

That's the reason, I guess. Kung bakit kinausap ni Daddy si Lorenzo na magpaiwan at bantayan ako ng maigi. Ginawa akong paing na kailangang ibalik ng buo.

That's the reality.

You have to sacrifice someone to protect your name and position. To maintain your power.

"That must be hard for you." Halatang nagulat si Lorenzo nang magsalita ako. Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kape.

Sumandal ako sa upuan ko at pinanood ang ginagawa niya.

"Ang hirap sigurong gawin ang trabaho mo. Your job is to protect me and my family. Sacrificing your own life for us. That must be hard." Mapakla kong sabi.

"My dad doing his best for us," Natatawa kong sabi. "Or just I thought." Nilapag ni Lorenzo sa harap ko ang kape. Walang emosyon ko iyong pinagmasdan.

"My dad told me that....money can buy happiness. Kapag may pera ka, nabibili mo lahat ng gusto mo. Lahat ng makakapag-pasaya sa 'yo." Sa unang pagkakataon. Nagawa kong magkuwento sa kaniya.

Marahan akong tumingala at tumitig sa mga mata ni Lorenzo. Oh that ocean eyes I always want to see everyday.

"Can you tell me where I can buy that happiness? I don't like this sadness anymore, Lorenzo. It's killing me." Nananatili siyang nakatitig sa akin. Akala ko ay hindi siya magsasalita.

"Do you want to run away with me, Ms. Chavez? I will help you....to find that happiness you're looking for. I will be there until you finally found it." Pilit akong napangiti sa sinabi niya.

Yunuko ako at napatingin sa kape na ginawa niya.

"I don't think you can betray him, Lorenzo." Mahina akong natawa sa kaniya. "Alam kong sasamahan mo lang ako dahil gusto mong gawin pa rin ang trabaho mo." Kinuha ko ang kape at uminom do'n.

"But, thank you. Alam kong ginagawa mo lang 'to dahil sa utos ni Daddy. Because it's your work.... it's your responsibility to keep us safe, Lorenzo." I smile before looking at him again.

"Thanks for the coffee. Goodnight, Lorenzo." Sabi ko bago tuluyang tumayo. Ngayon ko lang hahayaan ang sarili kong maging mahina sa harapan niya. Dahil alam kong bukad ay magiging maayos din ako.

Wala na si Lucas nang umakyat ako sa kuwarto ko. Siguro ay nagpapahinga na rin sila. Pumagitna ako kay Meredith at Solana. Ilang minuto pa akong nakatitig sa kawalan bago tuluyang makatulog.

***

Nang magising ay wala na sa tabi ko ang dalawa kong kapatid. Wala kaming pasok ngayon kaya hindi muna ako bumangon. Pakiramdam ko ay pagod pa rin ang katawan ko sa nangyari kagabi.

"Good morning, Ms. Chavez, lalamig na po ang pagkain niyo." Napabalikwas ako nang bangon. Hindi ko man lang napansin si Lorenzo, na kanina pa pala nakatayo sa tabi ng pintuan ko.

"My God, Lorenzo! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Irita kong tanong sa kaniya. Mahina siyang tumawa sa akin.

Pansin kong may dimple pala siya sa bandang kanan. Hindi iyon masyadong pansin dahil hindi naman siya madalas tumawa.

"Pasensya na po. Lalamig na kasi ang pagkain niyo." Tumikhim siya at maayos na tumayo.

"So what? Puwede ka naman magluto ulit. But, fine! Sayang din ang pagkain." I rolled my eyes. Tumayo ako at nagtungo muna sa banyo.

I brushed my teeth and washed my face. Nasanay naman ako kay Lorenzo. Alam kong sanay na rin iyan sa mukha ko. Iyong maayos na ako at iyong tulog at bagong gising na ako.

I don't care about it. Confident naman ako na maganda talaga ako, e.

"How's dad?" Tanong ko kay Lorenzo nang nasa kuwarto na ako. Naupo ako sa tapat ng pagkain ko.

"Sa susunod na linggo na raw po ulit siya aalis. Aayusin daw muna niya ang mga problema rito." Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Eh iyong babae mo?" Tanong ko sa kaniya.

"She's fine. Sa tingin ko naman ay maayos na kayo ngayon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Si Kristina ang tinutukoy ko, Lorenzo." Walang ganang kong sagot.

"Pero kayo ang tinutukoy ko. Kayo ang pinapabantayan sa akin at hindi si Kristina." Matalim ko siyang tiningnan.

"Pinagloloko mo ba ako?" Inis kong tanong.

Mahina siyang tumawa sa akin. "Hindi po. Sa susunod ay linawin mo ang tanong, Ms. Chavez. Baka kayo po lagi ang isagot ko kung hindi kayo magbabanggit ng pangalan." Tuluyan kong naibaba ang hawak kong kutsara.

Hindi makapaniwalang napatitig rito. Grabe! Kailan ba ako mananalo rito?

Inirapan ko siya at nagsimula nalang kumain. Wala akong oras sa kaniya ngayon. Dahil balak na naman niyang sirain ang araw ko.

Gano'n lagi ang ginagawa ni Lorenzo, hihintayin niya akong matapos sa pagkain bago lumabas ng kuwarto ko.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay nag-advance reading nalang ako. May pasok na bukas. Dahil rin sa nangyari kagabi ay buong araw ako nagkulong sa kuwarto ko.

Paminsan-minsan ay nagdadala ng pagkain si Lorenzo at lumalabas din pagkatapos. Ang dami ko tuloy natapos na topic dahil pagtingin ko sa bintana ng kuwarto ko ay madilim na sa labas.

Bumuntong-hininga ako at pagod na sumandal sa likod ng upuan ko. Mukhang may pinuntahan si Daddy dahil nakita kong lumabas ang madalas niyang gamit na kotse.

Hindi ko rin sigurado kung si Lorenzo ang kasama niya dahil hindi siya nakapunta rito. Inayos ko muna ang mga libro ko dahil mukhang kailangan kong lumabas para makakain.

"Good evening, Ms. Chavez! Kumain na po kayo." Napatitig ako kay Lorenzo. Mukhang galing siya sa labas dahil halata ang pawis sa noo niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Kakain ako dahil konsensya ko pa kapag nawala ka sa trabaho!" Muli akong bumalik sa upuan ko. Kusang umikot ang mata ko nang sumulay ang mapang asar na ngiti sa labi niya.

"Hindi ko naman kailangan na pilitin po kayo. Kakain talaga kayo dahil gutom ka."

"You j-rk!" Mabilis kong putol sa sasabihin niya.

"Lalabas naman po talaga kayo bago pa ako dumating. Pasensya na kung nahuli ako saglit. May inutos lang ang daddy mo." Nakangiti niyang sabi.

"Ako talaga unang papalakpak kapag pinalayas ka ni Daddy as my bodyguard!" Irita kong sabi sa kaniya. Kinuha ko ang dala niyang pagkain para sa akin.

"Sige lang po, Ms. Chavez. Kahit po magpa-party kayo, walang magiging problema." Mariin akong pumikit sa sobrang pagkainis sa kaniya.

"Whatever!" Padabog kong sabi bago magsimulang kumain.

To be continued....

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 20

    "Kaya mo ba?" Natatawang tanong ni Lorenzo nang pagbuksan niya ako."Shut up! Nakababa nga ako ng hagdan kanina, e." Irita kong sabi at nilampasan siya. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya matalim ko na naman 'tong tiningnan."Hmm? Dapat ko na bang isipin na dinadala mo ang panaganay natin?" Kusang umikot amg mata ko sa sobrang pagkairita. Kanina pa niya ako inaasar nung papasok na kami."Eh kung taguan kaya kita ng anak?" Pang-aasar ko sa kaniya. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay."Binigyan mo na naman ako ng idea para bilhin lahat ng hospital, Priscilla." Pabiro ko nalang siyang inirapan dahil hindi talaga aki mananalo sa kaniya."Should I wait here or outside your classroom?" Tumigil ako saglit at tumingin dito."And what are you going to do here? Maghanap ng magaganda?" Matalim ko siyang tiningnan nang muling sumilay ang mapang-asar niyang ngiti"Okay. I'll wait outside your classroom." Padabog ko siyang tinalikuran. Gusto kong mainis dahil rinig ko pa rin ang pagtawa niya.

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 19

    Halos nakailang buntong-hininga ako. Lorenzo just waited for me to eat and sleep before leaving again. Talagang bumalik lang siya rito sa probinsya para lang masigurong okay lang ako. I know he really loves me but, why do I feel like he's only doing that because of my father. Maybe, still part of his job.But, again...my father doesn't have an idea about last night. I mean, hindi naman siguro siya tinawagan ni Ate Kristina?"Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko," Mahina kong bulong sa sarili ko."Oo, girl. Actually malapit kunang isipin na kabayo ka sa past life mo. Kanina ka pa bumuntong-hininga." Natatawang sabi ni Brittany. Pikon ko lang siyang tiningnan."You know what? You're not helping." Sabi ko sa kaniya. Matalim ko siyang tiningnan nang itulak niya ang balikat ko."Paano ako tutulong kung hindi ka magsasabi? Girl, hindi ako manghuhula." Reklamo niya. Kakalabas lang ng professor namin. Pero heto at hindi ko magawang lumabas. Mas naguguluhan lang ako pag nasa bahay ako."Naranasa

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 18

    I smiled while looking at my own refection in the mirror. Tumalikod ako para makita ang tattoo sa likod ko, kailangan ko pang itagilid ang buhok ko dahil natatakpan na niya ito. It's been weeks na rin pala kaya hindi na siya namumula.Muli kong inayos ang damit ko dahil may pasok pa ako mamaya. Hindi ko naabutan si Lorenzo kanina nung magising ako pero, baka nasa baba lang iyon. Gano'n naman iyon. Lagi siyang nauuna sa baba. Sumasabay na rin naman ako lagi sa breakfast and dinner. Well, kapag busy sa pag-aaral ay naghahatid nalang siya ng pagkain.Semi-finals na namin next week and kailangan kong bumawi. Madami rin akong tinatapos na case study. Lalo na sa management and business major namin. Puro essay ang kailangan kong tapusin kaya minsan ay sumasakit talaga ang ulo ko."Si Lorenzo?" Tanong ko nang mapansin na wala siya. Si Lucas ang nakatayo ro'n sa tabi ng kapatid ko. They're wearing uniform. I guess maaga rin ang pasok nila."May pinagawa po si Gov, ako raw po ang maghahatid sa

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 17

    "Bakit kasi walang mall dito sa probinsya? Should I ask my dad na magpatayo nalang ng mall?" Inis kong sinulyapan si Lorenzo nang tawanan niya ako. I know it's impossible but, kaya naman ni Daddy iyon. Malaki ang negosyo niya. Pero hindi rin gano'n kadali dahil politician siya. Baka isipin nila na pera iyon ng bayan kahit hindi naman."Ikaw lang iyong mataray na mas lalong gumaganda pag naiinis." Nauna akong lumabas ng kotse. Mamaya ay kung saan na naman mapunta ang usapan namin.Tatlong oras ang byahe namin dito sa mall. But, it's okay. I just want to enjoy this moment with him. Wala rin masyadong fancy restaurant dito kaya okay lang din. At least magkasama kami."I know places where we can enjoy our date. It's a private property." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Pag ganitong walang pasok ay nadami akong mga kakilala rito. Nakita ko nga kanina iyong ex ni Lucas, e. Mukhang may sasabihin siya pero hindi rin niya tinuloy."Alam mo? Kung hindi kalang bodyguard ni Daddy ay iisipin kong ik

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 16

    Muli akong nagising ng mga madaling araw. Nasa tabi ko pa rin si Lorenzo and his now wearing his shirt. Good thing dahil dito siya dumeretso kanina pagkauwe namin. Mabuti nalang at hindi iyon napansin ni Daddy. Muli kong pinikit ang mata ko at ginawang unan ang isa niyang braso at mahigpit na yumakap rito. After we make love last night is we decide to take a bath and change our cloth, mahirap na kapag may biglang kumatok at magtaka kung bakit pareho kaming walang suot na damit.Nang sunod kong paggising ay wala na sa tabi ko si Lorenzo. It's already 6 o'clock in the morning. Masakit ang katawan ko but I manage to take a bath. Alam kong sanay na silang lahat na hindi ako sumasabay sa breakfast and lumalabas ng kuwarto but, I don't know. Ayaw kong makahalata pa rin sila.Kahit na alam kong suportado nila kami. Well, I know Solana is still thinking a lot of what if about me and Lorenzo but, like what I've said I don't regret anything about what happened."Good morning, baby." Napangiti

  • Embracing Our Lies Together    Chapter 15

    I stayed in my seat and tilted my head backward, pressing the back of it against the headrest. I closed my eyes. "What's so funny, Lorenzo?" Pikon kung tanong. Alam kong pinapanood niya ako sa rearview mirror.Pabalik na kami ngayon sa probinsya dahil kailangan raw makabalik ni Daddy sa Cebu. Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Lorenzo. I leaned my head back on the headrest and looked at him. His eyes flickered at me for a hint of a second before he smiled. "You're so cute when you're annoyed, Priscilla." Kusang umikot ang mata ko. Gusto ko pa naman din mag-stay do'n sa Villa kaso nga ay hindi rin puwede. Baka makahalata si Daddy kung magpapaiwan kami. Sa huli ay wala pa rin akong choice."Do you want us to go there again?" Mukhang nakuha ni Lorenzo ang dahilan ng pagkainis ko."As if we can? Babalik na ako sa school, Lorenzo. Isa pa, you think hindi makakarating kay Daddy kung ilang araw akong absent sa klase?" Hindi ko maiwasang hindi mairita. I really love the view of the s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status