Share

Empress's Secrecy: Revealed
Empress's Secrecy: Revealed
Author: AngUnangBabae

Chapter 1

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidental. 

Chapter One

MABILIS na inabot ni El ang kanyang bayad sa driver ng taxi-ng sinakyan nya. Binuksan nya ang pintuan at mabilis na tumakbo papasok ng University kung saan sya nag-aaral.

Syempre ayaw naman nyang malate, at Lunes pa naman ngayon. Baka mamaya, imbis na buong free time syang magbabasa sa library ay sa paglilinis ng mga banyo ang bagsak nya kapag naging makupad sya. 

Hindi na nabati ni El ang school guard- na madalas nyang gawin- sa sobrang pagmamadali. Laking pasalamat nya't sanay sya sa takbuhan kaya mabilis syang nakapasok sa classroom nila. 

'If ever na nalate ako, sasakalin ko talaga si Tanda!' 

Sigaw ni El sa utak nya. Paano naman kasi, ay napuyat sya dahil sa nakatambak na mga papeles na pinagawa sakanya ni Tanda noong Linggo. 

Yes, Sunday was supposed to be a rest day for students. But sadly, she's not that normal college girl. Kahit anong pilit nyang gawing normal ang pang-araw-araw na buhay nya, hindi nya matatakasan ang totoong pagkatao nya.

She's Healia Eleanor Scarletti. Hindi na sya dapat nag-aaral dahil matagal na syang tapos. Yes, at the age of fifteen, she already finished, and passed the college lessons. Seguro ay hindi kapani-paniwala iyon, but it's her reality. She needs to learn, and finish early, dahil kaylangan nyang patakbuhin ang mga kompanya, at iba pang mga bagay na iniwan, at ipinangalan sakanya ng kanyang yumaong Ama.

To make the long story short. She's Healea Eleanor Scarletti, the only child of the late Arthur Scarletti. The Heiress of the Scarletti Group of Companies. And the unknown Empress of the number one mafia organization - the Scarletti Mafia.

At bakit may nakakabit na unknown sa titulo nya? Simple lang, dahil walang nakakaalam na sya, si Healia Eleanor, ang Empress ng Scarletti Mafia. Well, maliban sa Tatlong mapagkakatiwalaang taong kilala, at nagpoprotekta sakanya.

BUT ENOUGH OF THAT! 

Dahil sa paaralang ito, sa labas ng Scarletti, ay isa lang syang normal na college girl na kilala bilang si Eleanor Lacostales in short, she's just El. Using her second name, and her mother's surname, malaya syang nakakapag-aral, at nakakapunta sa ibang lugar, ng walang baril o bombang sumusunod sakanya. 

Creepy, but that's her reality as Healia. 

For now, she's just El. Just El. Si El na tahimik, nerdy at mahilig tumambay sa library tuwing free time. 

'Sarap ng normal na buhay' she let out a deep sigh as she thought of those words. 

"ELEANOR!!" Isang nakakabinging sigaw ang bati sakanya ng kaibigang si Flare. 

Kumaway ito sakanya at dali-daling tumakbo at umupo sa katabing upuan ni El. Mahigpit na niyakap ni Flare ang braso ni Eleanor- na parang ilang taon silang hindi nagkita.

"Come on Flare, dalawang araw lang tayong hindi nagkita." Natatawang ani El.

"El naman! Naglalambing lang eh!" Parang batang pagmamaktol ni Flare.

'Childish as always.' Wika ni El sa isip, habang nakangiting tinitingnan ang makulit nitong kaibigan.

"Oo na, miss na rin kita." She hugged her too.

Sa unang paglabas nya sa Scarletti, hindi nya akalain na sobrang hirap palang makipag-kaibigan. She surrendered making friends at first, but she never expected that Flare will approach her. Noong una, she hesitated to be friends with Flare. Natatakot syang baka madamay si Flare sa kapahamakang dala-dala nya. 

But her naughty friend is persistent, kaya naging close sila. And she'll use her power to protect her only friend at all cost. Tumigil ang dalawa sa pagkukulitan ng pumasok ang guro nila.

NAPANGITI si Eleanor habang tinitingnan ang kaibigan nyang si Flare- kung makakain kasi ito, ay parang wala ng bukas. She chuckled.

"Oy Eleanor Lacostales! Wag mo ko tawanan dyaan! Eat your food!" Seryosong utos ni Flare, na mas lalong nagpatawa sakanya. 

Paano ba kasi, bilog na bilog ang mukha nito habang ngumunguya ng pagkain. She looks like a bunny.

"Hinay-hinay naman sa pagkain, Flare. Baka mabilaukan ka." Aniya sa kaibigan. Tumango-tango lang ito at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.

Napatigil sa pagkain si El, ng marinig ang phone nyang nagr-ring. Tanda's name popped up on her phone's screen. Kaagad nyang denicline ang tawag.

'Hindi tumatawag si Tanda kung hindi importante. But Flare is here, and someone might hear us. So maybe, I'll talk to him later.' Laman ng isip nya.

"Sino yun? Ba't di mo sinagot?" Sunod-sunod na tanong ng kaibigan nya pagkatapos nitong uminom ng tubig.

"It's nothing important. Wrong call seguro, unknown number eh." Pagsisinungaling nya.

'I've been lying to her for a long time.' Guilt run through her mind. 

Muling tumunog ang phone nya. A message from Tanda popped up.

From: Tanda

Hey there little Empress, I'll be out of the country for a week. It means it's your turn to take care of the papers I left in Scarletti, and some other stuffs. Kaylangan ko lang puntahan ang ibang kompanya ng Ama mo. 

Napabuntong-hininga sya pagkatapos yun basahin. 'Puyat, here I come.' Aniya sa isip.

To: Tanda

Take care, Tanda. And you know what I want for a gift, kapag umuwi ka. 

After she send it, wala pang isang minuto ay nagreply na ito.

From: Tanda

You have your books on your library in Scarletti, little Empress. Just drive your way home and read there. Malulugi ako sa paregalo regalo na yan.

Napangiwi si El sa reply ni Tanda. 'Ang kuripot talaga.' Wika nya sa isip. She didn't reply and deleted the message. As if she can drive her way home that easily.

"Hey El, may narinig akong chika!" Atat na sabi ni Flare.

"Ano naman yun?" Kunyare ay interesado nyang tanong.

Palagi naman kasing may dalang chika itong kaibigan nya. Kaya hindi na nakakagulat na bigla nalang magdeklara si Flare na may chika syang nasagap.

"Fourth Ycarius De Salvo will study here again!" Flare automatically covered her mouth, ng makitang nakatingin ang ibang estudyante sakanya. "Kilala mo naman seguro si Fourth, diba?" Tanong nito kay El.

'Of course I know him.' Well, kilala nya ang mga De Salvo. Isa ito sa mga malalaking kaalyansa ng Scarletti. Matalik na magkaibigan rin ang Ama nya at si Third De Salvo- Fourth's Father. She knows them, but no one knows her.

"Naririnig ko syang pinag-uusapan ng ibang students." That wasn't a lie. Kahit saang sulok ata ng University ay may nag-uusap tungkol kay Fourth.

"Argh! I envy him! Akalain mo? Kasing edad lang sya natin noong una nyang hinandle ang boung De Salvo Group of Companies!" Pagku-kwento ni Flare.

"I also heard that earlier." Everyone is talking about him.

"Ikaw, El? Saan kumpanya gusto mong magtrabaho?" Napakibit balikat nalang sya sa tanong ng kaibigan.

"Hindi ko pa alam." Sagot nya. "How about you?" Pabalik nyang tanong kay Flare.

"Alam mo namang gusto kong magtrabaho sa Scarletti Group of Companies!" Excited nitong wika. "At alam mo, nakakacurious talaga ang heiress ng Scarletti. Kahit anong search ko sa G****e at iba pang site, wala talagang info tungkol sakanya." Flare's face was filled with curiosity - and amazement.

"Maybe, she's a private person?" Ani Eleanor.

Of course you can't find the heiress's identity on goggle or anywhere else. Dahil apat na tao lang ang nakakaalam non. And her infos are highly protected.

"Seguro, pero alam mo, may usap usapan din na kaya hindi sya nagpapakita sa mga tao, ay dahil nasira daw ang mukha nya sa nangyaring aksidente noon!" 

That story about her makes her laugh. Pero sa tuwing naririnig nya ang kwentong bayan na iyon, her memories of that accident makes her uncomfortable. 

And maybe, she has to accept it. The fact that even how hard she tries to run away from her real life, and have a normal life as El, her reality will just chase her.

MATAPOS mabasa ni El ang text ni Sky, ay agad syang nag-ayos at pumunta sa rooftop ng sinabi nitong building kung saan naghihintay ang chopper. Sky is one of Tanda's sons, at isa rin ito sa mga nakaka-alam ng totoong pagkatao nya. 

Dahil nga sa pag-alis ni Tanda para asikasuhin ang ibang kumpanya ng Ama nya sa ibang bansa, kaylangan nyang pumunta sa Scarletti para gampanan ang role nya, as the Empress.

'Sana'y hindi marami ang trabahong naghihintay sakin. I still have classes tomorrow!' Pagrereklamo nya sa isip.

"Don't make your handsome pilot wait, Empress." Mayabang na ani Sky, habang inaayos ang shades nya.

"Grabe, ang hangin talaga." Inosenteng panunukso ni El. "And may I remind you, Mr. Sky Kristos Collins. Wag mo akong tawaging 'Empress' kapag nasalabas tayo ng Scarletti. And that's an order." Seryosong utos nya, at sumampa sa chopper. 

"Whatever, ELEANOR." He said, emphasizing her name. 

Napa-irap nalang si El, sa inasta ng binata. Yes, she's his boss, but they don't treat each other as that. Dahil para kay El, kababata nya ito. Ganoon din si Sky.

NG makalapag sa rooftop ng Scarletti ang chopper na sinasakyan nina El, ay agad na inalerto ni Sky ang kapatid nya, na syang nag-aasikaso sa seguridad ng boung Scarletti - lalo na sa seguridad ng Empress nila.

"El, your mask." Paalala ni Sky sa dalaga.

Agad na sinuot ni Eleanor ang maskarang palagi nyang ginagamit tuwing kaylangan nyang maging si Healia. 

"Mabuti naman at iniiba mo ang kulay ng contacts mo tuwing pumupunta ka dito. By that, they won't identify the true color of your eyes." Nakangiting ani Sky.

Yep, she's wearing contact lens, whether she's El or she's Healia. Her eyes may attract too much attention, at ayaw nya yun. At mas lalo syang makikilala dahil magkakulay ang mga mata nila ng Ama nya.

"Is my way already cleared?" Tanong nya kay Sky. 

"Yep, nakaalis na ang mga tauhan sa dadaanan mo, Mahal na Reyna." Sky playfully said.

"Whatever, Sky. Gusto ko lang na matapos ko na ang iniwan ni Tanda, dahil may klase pa ko bukas." Aniya.

"Bakit ba kasi gusto mo pang mag-aral ulit? You already graduated years ago, Empress." 

"You know that I didn't enjoy those days, Sky. I graduated so early, dahil kaylangan kong madaliin ang mga bagay na yun, for my Father's Company, and for Scarletti to have their leader." Pagku-kwento nya. 

Those days are stressful, and she's proud of her younger self. Dahil nakayanan nyang lagpasan ang mga pagsubok sakanya noon. 

"Tsaka, alam mo naman na gusto kong magka-deploma gaya ng mga normal na estudyante." Dagdag nya pa. "And Professor Flin's, 'congratulations' every time I pass the exams, isn't enough." 

"I know that, Empress. Grabe may pa speech ka pa talaga." Kunyari ay naiiyak na ani Sky. Which makes Eleanor roll her eyes.

Napatawa nalang si Sky sa naging reaksyon ng kaibigan, slash boss nya.

KAGAYA ng sinabi ni Sky, ay wala ngang katao-tao sa dinaanan nila. They took the elevator and pushed the button to the control room's floor. At ang boses ni Cloud and bumati sakanila.

"Empress! Why didn't you informed me earlier that you'll come home?! Nagpanic tuloy ang mga tauhan dahil bigla ko silang pinapunta sa ibang building!" Pagrereklamo ni Cloud.

She didn't react, instead, her gaze turned to Sky. 'Pinag-lalaruan na naman nya ang kakambal nya.' Bulong nya sa isip, habang nakatingin may Sky na inosenteng nagtitingin-tingin sa mga monitors. 

"Don't blame me, Cloud Kristos. Yang kakambal mo ang tanungin mo kung bakit hindi ka nya ininform ng mas maaga." Pagturo nya kay Sky.

And there, the twins begun to playfully punch each other. 

Parehong pareho ng physical features ang dalawa. Kung hindi mo sila nakasama ng matagal ay paniguradong malilito ka kung sino si Sky, at kung sino si Cloud. Gladly, Cloud has a cross earing on his left ear. Na nagiging tanda na sya si Cloud. 

Ng matapos magsuntukan ang dalawa, ay nagpaalam na si Sky. After a couple of minutes, ay nakatingin na sina El at Cloud sa monitor kung saan makikita si Sky na iniintriga ang tauhan nilang muntikan ng magtraidor sa Scarletti.

"Patawarin nyo ko, nasilaw lang talaga ako sa pera na inoffer nila! P-parang awa n-nyo na, wag nyo kong p-patayin!" Pagmamaka-awa ng lalaki.

"Aren't we paying you enough? As long as I can remember, mas pinataas pa ang sahod sa inyo." Kalmadong ani Sky.

"S-sorry po talaga Mr. Collins. Hindi lang naman dahil sa pera eh! Pinagtangkaan nilang patayin ang pamilya ko! At gagawin nila yun kapag hindi ako sumunod sa pinagagawa nila." Pagpapaliwanag nito.

"You know that Scarletti can give you the damn protection you needed! Yet you choose to betray us. Now, bago ko pagdesisyonan kung anong gagawin ko sayo. Which mafia ordered you, to betray Scarletti?"

"Sasabihin ko! Pero parang awa nyo na wag nyo kong patayin! May pamilya- mga anak akong umaasa sakin!-"

"Answer my question! Which mafia?"

"Aguilar! Aguilar Mafia ang nag-utos saakin!" 

Eleanor called out for Cloud, who's currently busy watching.

"Cloud, give me that person's profile, and his infos." Utos nya.

Cloud called out for his assistant robot. At pinagawa rito ang utos ni El. Pagkatapos ng ilang segundo ay inabot na sakanya ang profile ng naturang lalaki.

"He's Orlando Alba, 49 years old. He got married at the age of 18, at may dalawa syang anak. Nakatira ang pamilya nya sa isang pinapaupahang bahay, kasama din nila doon ang Nanay nyang 60 years old." Pagku-kwento ni Cloud. 

Pagkatapos mabasa ni El ang profile ni Orlando, ay agad nyang kinuha ang phone nya at tinawagan ang numero ni Sky. Nakita nya sa monitor na sinagot ni Sky ang tawag nya. 

"Yes, Empress?" Bati nito sa kabilang linya.

"Dig deeper about Aguilar Mafia, and find evidences that we'll use to eliminate them. And about that guy named Orlando, put him in prison. Ibigay mo sa pamilya nya, ang perang naayon sa ibinigay nyang serbisyo sa Scarletti. And about his children, give them a scholarship under the Scarletti GOC." Mahabang utos nito.

"Copy that, Empress." Sky responded.

Binaba na nya ang tawag.

"You're still that Eleanor we knew. You still dislike killing." Ani Cloud.

"I don't dislike it, Cloud. There are just people who's not worthy of that punishment." Paliwanag nya. "Just make sure that the Aguilar Mafia will pay for the commotion they've done." Muling utos nya bago lumabas sa silid ni Cloud- also known as the Control Room. Then she walked her way to her own room, to rest, and take care of the papers assigned to her. 

To be honest, she's not kind. But she's not that bad also. 

Naniniwala syang may dalawang klase ng tao. 

Those kind person, who's horns are just waiting to be triggered.

And those evil ones, who's hearts are just waiting to be touched.

And she can say. She's both.

She's El, the normal girl. 

And Healia- The unknown mafia Empress.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status