Share

Chapter 7

Chapter Seven

"Girls! Bilisan nyong kumain! Nasa basketball court ngayon sina Fourth! They're playing!"

Hindi maiwasang makinig ni Eleanor sa mga pinag-uusapan ng mga babae na malapit sa table nila. Maliban kasi sa napakalakas ng boses ng mga ito ay mas lalo pa atang tuminis ang pandinig nya ng marinig ang pangalan ng mapapangasawa nya. 

Mabilis nyang inubos ang kanyang tubig at inaya si Flare.

"Pupunta ako sa basketball court... Sama ka?" Aya nya.

"Manonood ka ng laro? First time ata to ah.." 

Napa-iling nalang si Eleanor saka hinatak si Flare papunta sa nasabing lugar. Wala silang klase sa pagkatapos ng lunch, dahil wala ang teacher nila. Kaya ok lang na manood sila ngayon.

Because of Fourth and his friend, ay madaming estudyante ang naririto sa court para manood. Halos mga babae ang nandito at panay cheer sa grupo ng binata. Pumwesto sina Eleanor sa bench kung saan malayo sa mga nagch-cheer. 

Halos ilang araw na rin nyang inaalam kung anong klaseng tao si Fourth. First, he's a good brother. Kita nya kung paano ito mag-alala sa nakababatang kapatid, the day of the abduction. He's a wise businesses man. Makikita naman yun sa tagumpay na natatamo ng De Salvo Group sa ilalim ng pamumuno nya. He's smart, sporty and well..... handsome— Sa dami ba naman ng babaeng narito para magcheer sakanya at nagsisigaw pa ng 

"Ang gwapo mo Fourth!"

Everyone says, he's nearly perfect. Pero pilit paring naghahanap si Eleanor ng katangiang hindi maganda rito. Or naghahanap lang sya ng dahilan para hindi ito magustuhan?

Napabuntong hininga sya.

"Hoy! Eleanor Lacostales!" She got back to her senses because of her bestfriend's loud voice.

Mas malala pa ata sa megaphone ang boses ng kaibigan kong 'to!

"Kanina pa kita nahahalata ah!" Napakunot ang noo ni Eleanor sa sinabi nito. May kasama pang sampal sa braso ang sinabi ni Flare.

"W-what?" Walang alam na tanong nya.

"Yang mata mo, my friend! Tutok na tutok kay Fourth!" Mapanuksong anito. Saka kinurot pa sya sa tagiliran na akala mo kinikilig. Napa aray nalang si El.

"I-i'm not!" Tanggi nya.

Bwisit! Nautal pa! Aniya sa sarili.

"Tanggi pa more.." Dagdag nito.

"I'm not! Yung bola ang tinitingnan ko! Yung bola! Kasalanan ko bang nasa kanya palagi yung bola?!" Depensa nya sa sarili.

"Luhh nagpalusot pa! HAHAHA!" 

She rolled her eyes and let her friend laugh her ass out. Tudo ang tawa ni Flare habang tinutukso sya. May patusok pa sa tagiliran itong nalalaman habang nanunukso. 

"Oy, tumitingin sya rito!" Bulong ni Flare sakanya. 

Bumaling sya sa pwesto ni Fourth na totoo ngang nakatingin sa direksyon nila. Parang nagtititigan sila. Mata sa mata. Kinapa nya ang kinaroroonan ng bag nya habang hindi inaalis ang tingin sa kulay itim na mga mata ng lalaki. Ng mahawakan na nya ang bag ay deretso syang tumayo at hinatak si Flare paalis doon ng walang sabi-sabi.

ISANG malakas na hampas sa braso ang natanggap ni Eleanor mula sa kaibigan. Kung makahatak naman kasi ito ay parang wala ng bukas. 

Patuloy ang panunukso sakanya ni Flare, tumigil lang ito ng magsimula na ang kanilang klase. Pero naulit ang panunukso sakanya ng kanyang bestfriend, ng pumasok si Fourth at ang mga kaibigan nito sa loob ng classroom nila. 

Hindi parating pumapasok sa klase ang mga ito, pero parating matataas naman ang grado. Lalo na si Fourth na busy sa pagpapatakbo ng kompanya. Panay ang tusok ni Flare sa kanyang tagiliran ng mas lalong papalapit sina Fourth sa direksyon nila. Nasa may gawing likuran kasi ang mga upuan nito. 

Eleanor lightly slapped her friends hand. Parang wala kasi itong planong tigilan ang panunukso at panunusok sakanyang tagiliran. Napairap nalang sya. Flare stuck out her tongue to tease her friend more. Hindi na lang sya pinansin ni El. 

Hindi mapakali si Eleanor sa kanyang kinauupuan. Ilang bwan na syang nakaupo rito simula ng magsimula ang klase, pero ngayon lang sya nakaramdam ng pagka-diskomportable. Lalo na sa tuwing iniisip nya na nasa likuran lang ang lalaking mapapangasawa nya. 

She sighed, and shook her head to erase her thoughts and focus on her class. 

Ang alam niya'y assassin ako ng Scarletti. Paano kaya kung malaman nyang ako ang Empress? Na ako ang na arranged na maikasal sakanya? Hayy...

Muli syang napabuntong hininga sa naisip.

"NAGPRESENTA ang Principal na ang  ang mga students ng paaralan natin ang mag-aassist sa mga bata sa amponan, sa pag-tour nila sa Zoo sa susunod na lunes." Pag-agaw ng atensyon ng kanilang guro. "At isa ang section na 'to sa mga napiling mag-assist. That's the first step for the school's partnership with The Home— yan ang pangalan ng bahay amponan."

Nanatiling tahimik ang lahat at nakikinig.

"Maaasahan ko ba kayo?" 

"Yes Prof!" Sabay na sagot ng lahat. 

LUMIPAS ang mga sumunod na araw ng normal. Matapos ang nangyari sa Fortéz ay naging tahimik ang mafia. Walang naging mga komplikasyon o ingkwentro. Like everyone lied low.

Pero hindi maiiwasan ni Eleanor ang pagdating ng araw ng linggo. Because today, she'll introduce herself to her fiencé. Ang plano ay papasok sya sa building ng De Salvo sa katauhan nyang si Eleanor Lacostales. Saka lang sya magpapakita kapag nakarating na sina Tanda at Sky. Alegrado narin ni Cloud ang mga CCTV. 

Ngunit may ibang plano ata ang tadhana.

Hindi nakagalaw si Eleanor sa kinatatayuan ng magtagpo ang mga mata nila ni Fourth. They're both holding their door's knob. Pareho silang kakabukas lang ng kani-kanilang mga pinto. 

"Y-yeah, I'm on my way there.... Wala pa naman sila dyan diba?.... Ok..... I'll go now.... Bye." Dinig ang paglock nito ng pinto pagkatapos nyang ibaba ang telepono. 

Binalewala nalang iyon ni Eleanor at nilock narin ang sariling pinto. Nakatatlong hakbang palang sya papalayo ng matigilan sya at lumingon pabalik. A familiar hand grabbed her arm that stopped her. 

"A-are you busy?" Nautal ang lalaki.

Hindi alam ni Eleanor kung bakit sinagot nya ito ng pag-iling. Gayong may pupuntahan sya.... Well sa kompanya naman sya ni Fourth pupunta, at paniguradong doon rin pupunta ang lalaki. This day has been set a week ago.

"Really?" Hindi sya nakasagot. "I'm sure they'll cancel the marriage if I'll introduce their assassin as my girlfriend." 

Napanganga si Eleanor sa sinabi ng binata. 

Sasabihin nyang girlfriend nya ako para pigilan ang arrange marriage? Huh! Seguradong pagtatawanan lang sya nina Tanda. Dahil ang fiancé nya at ako ay iisa!

Hindi na sya naka-imik ng hilahin sya ni Fourth, hanggang sa makarating sila sa kotse nito. 

Libreng sakay narin. 

Walang ni isa sakanila ang sumubok na magsalita. Fourth drove his car like there's no others cars on his way. Seryoso ang mukha nito. Ilang beses itong tiningnan ni Eleanor bago iiwas ang tingin. But still, his eye's on the road. Salubong ang kilay nito habang kagat ang isang daliri. Doon natuon ang atensyon ni El. Bumalik lang sya sa huwisyo ng malakas na bumusina si Fourth. Napatikhim sya. At sa loob ng ilang minuto ay saka pa lang tumama ang tingin nila sa isa't isa.

"Thank you... for this help."

Hindi mo sure... Tumango nalang sya sa lalaki kahit hindi naman talaga sya makakatulong rito. Dahil ako parin ang babaeng tinutukoy nilang papakasalan nya. Dapat nga'y sya ang magpapasalamat. 

Sa libreng sakay....

Inalalayan sya nito ng makarating na sila sa harap ng De Salvo. Gladly no one's looking at them while they walk inside the building. Ayaw talaga ni El na maraming mata ang titingin sakanya.

Kahanga-hanga ang ganda at linis ng opisina ni Fourth. Maaliwalas din rito. Hanggang doon ay nanatili syang tahimik— hindi naman talaga sya palasalita, to be exact. Fourth smiled at her and assisted her to sit on the large couch.

Tila nakakailang sa pakiramdam nya ang pag-ngiti nito kaya napaiwas sya. 

"The Collins will arrive in a few minutes, Sir." Imporma ng sekretaryang kakapasok lang.

Ayon na ang hudyat ni Eleanor.

"Uhm.." Pagkuha nya ng atensyon ng binata. 

"Do you need anything?" Tanong sakanya ni Fourth. 

"Can I go to the restroom for a bit?" 

The young De Salvo nodded at her.

"Naroon ang banyo." She bid her excuse. Tumungo sya sa cr na tinuro ni Fourth. Malapit lang ito sa kinauupuan nya. Ilang lakad lang. 

Ng makapasok sa CR ay saka nya tinawagan sina Tanda. 

"El? Are you already there?" Bungad nito.

"Hmm. I'm inside the restroom, in De Salvo's office." Sinadya nyang hinaan ang boses.

"Paano kang napunta diyan?" Halata ang pagtataka sa boses ng matanda.

"Mamaya ko na sasabihin kung papaano. Nasaan na kayo?" Pag-iiba nya ng usapan.

"Nasa harap na ng building."

Eleanor ended the call after that conversation. She stared at the mirror reflecting herself. Ilang segundo pa syang nakatitig doon. When she finally got contented... she started taking off her wig and took off her bun, making her beautiful, long brown hair flow. Saka nya inalis ang kanyang contact lens.

Revealing her true identity.

"SIR, narito na po ang mga Collins." 

Umayos ang tayo ni Fourth saka binati ang kakarating lang na mga bisita. Gumala ang kanyang mga mata at inisa-isa ang mga ito. Inaasahan nyang may babaeng papasok, pero wala. Kumunot ang noo nya, nagtataka.

Where's their Empress? Ang akala nyang magpapakilala ito sakanya at pag-uusapan ang tungkol sa kasal nila. Ngunit bakit wala ito?

Bumaling ang tingin nya kay Sky Cristos na kasalukayang palinga-linga, na animo'y may hinahanap.

"Good morning, Mr. De Salvo." Bati sakanya ng matandang Collins.

"Good morning, Mr. Collins." Huminto sya. "Where's your Empress?"

"I don't know, Mr. De Salvo." Mahinang saad nito. "She said she's on your restroom." Hindi na narinig ni Fourth ang huli nitong sinabi. 

"Anyway...." Pag-iiba nya ng usapan. "It's a pleasure to be visited by you Mr. Collins... But we have a problem with this arranged marriage." Seryosong wika nya. 

Tumaas ang kilay ng lalaki. Napalingon rin sakanya si Sky.

"At ano naman ang problema, Mr De Salvo?" Madiing wika nito.

"I have a girlfriend." Mas madiin nyang saad. "And I can't leave her just for this marriage." He mentained his no expression face.

"Oh.." bahagyang natawa ang matanda. "Really? Where is she? Your girlfriend?" Nakangisi nitong tanong.

"She's inside the C—" 

Hindi na nya natapos ang pagsagot ng mapunta ang tingin nya sa babaeng kakalabas lang sa kanyang CR. His jaw dropped as he stare at the girl's face. Especially it's eyes. 

Those tantalizing green eyes...

"EMPRESS!" 

Mas lalo syang napanganga ng biglang lumuhod si Sky Cristos, nakaluhod ang isang tuhod nito habang nakayuko at nakapatong ang isang braso sa kanyang binti. Habang ang nakakuyom ang isang kamao sa sahig. While the old Collins bowed his head while his palm is on his chest. 

They're like a knight, bowing to their queen. 

But she's an Empress. The Scarletti's Empress.

"P-paano, paano kang napunta dyan? Where's Eleanor?!" Hindi nya napigilan ang pagsigaw. Nagtataka.

"Where is sh—" He stopped midway and stared at her green eyes. Pamilyar ang mga ito sakanya. 

There he finally remembered where he first saw those eyes. Napagtanto na nya ang lahat.

"Stand." Madiing utos ng babae kay Sky. Otomatikong tumayo ito. Maging ang matandang Collins ay nagawa nitong payukuin at pasunudin. 

Napakapit si Fourth sa gilid ng kanyang mesa ng sakanya tumuon ang mga berde nitong mata. Parang hinihigop sya ng mga ito. And he can't concentrate in the current situation. All he can see are those green eyes.

At ng magsimula na itong maglakad papunta sakanya ay parang bibigay ang tuhod nya. You might think that he's overreacting. But that's her effect to him. Parang mapapayuko ka nalang kapag tumingin sayo ang mga mata nito. 

Like it's to great to look at those eyes.. so overwhelming, that it makes you look down. 

Natulala sya sa kamay nitong nakalahad sa harapan nya. At ng magsalita ito ay doon nya nakompirma ang hinala, doon rin nya napansin ang kaparehong damit na sout nito. Those shirt and jeans looks so simple on her earlier. Pero bakit nagmukha itong elegante ngayon?

"Healia Eleanor Lacostales Scarletti. That's my whole name. Nice to meet you."

He composed his self, and accepted her hand. Buong lakas nyang sinalubong ang mga mata nito.

The Empress that everyone wants to see... Is in front of him. At ang akala nyang simpleng babae na isang assassin, ay syang Empress ng nangunguna mafia organization.

They are one..

"Fourth Ycarius De Salvo. It's my pleasure to finally meet you, Empress." Sinubukan nyang hindi mautal, thankfully he did not.

Nanatili itong nakatingin sakanya. He did his best not to look away. 

Her eyes are so beautiful that you'll stare at it. But not too long, dahil mapapaiwas ka nalang sa sinisigaw ng mga matang yun. It shouts power.

Her power.

———

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status