Share

Chapter 4

Author: Lady C.
last update Last Updated: 2025-07-01 14:33:53

After the day that I personally agreed to marry Alejandro, things got a little bit easier. Hindi ko inakala na kahit na hindi pa kami tuluyang kasal ay aasikasuhin na niya ang pag-iinvest sa kumpanya. Sinimulan niya na rin ang pagbabayad ng mga pending loans ng mga assets namin.

Sumakay ako sa elevator paakyat sa office. Marami ang bumabati sa akin tuwing nakasalubong nila ako kaya bumabati din ako pabalik. Hindi pa man ako nakakarating sa office ay may mga nakasalubong akong mga nagbubuhat ng gamit ko.

Teka? Bakit hinahakot nila ang gamit ko?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinakbo ko na ang office ko, at dun ko nakita ang nagpainit sa ulo ko. Si Tita Janet inuutos na ilabas ang lahat ng gamit ko at palitan ng bagong furniture.

"What's happening?!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil lahat iyon gamit pa ni Daddy

Tita Janet greets me with a sweet smile na para bang wala siyang ginagawang mali.

"Alejandro gave us an allowance. I'm sorry, anak, but your dad's things are getting rusty already. Maybe we can change it a bit?" Lalong kumunot ang noo ko.

A bit? Halos i-renovate na niya ang buong office!

"No!" Mas tumaas pa ang boses ko, kitang-kita ko kung paano nag-iba ang reaksyon ni Tita Janet. Ang kaninang malumanay na ekspresyon ng mukha niya ay naging blangko.

"Fine. Take it all back." Blangko at tila galit niyang utos sa mga lalaki. I take a step back, looking at all Dad's things.

"No, just take them to my place. Don't throw anything else." Simula nang mawala si Daddy ay umalis ako sa bahay namin. Staying in that place will only remind me of Dad.

Pansamantala akong umalis sa opisina at nag-ikot muna sa buong building. Sinabi ko na lang kay Tita Janet na sabihan na lang ako kapag tapos na ang ginawa niyang pagpapalit ng mga gamit ni Dad.

Halos kalahating araw ang inabot nila sa pag-aayos ng office kaya hapon na ng makabalik ako. Pagpasok ko ay agad na umasim ang mukha ko sa dami ng nagbago.

"It's neat, right?" Matamis pa rin ang ngiti ni Tita Janet sa labi.

"It's fine, Tita." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya. Idinaan ko ang palad ko sa bagong lamesa.

Alejandro gave her an allowance, I think he's showing off. Kahit paano ay nalagyan ng ngiti ang labi ko.

I didn't imagine that he's sweet.

Muling may mga pumasok na lalaki sa loob ng opisina ko, pero sa pagkakataong ito hindi na gamit ang mga dala nila. Ilang lalaki ang may dala-dalang iba't ibang uri ng bulaklak?

Napangiti ako nang maisip kung sino ang may kagagawan nito. Bago pa man ako makalapit sa mga bulaklak ay lumapit sa akin ang sekretarya ko hawak ang huling bungkos ng bulaklak.

"Ma'am." Inabot niya sa akin ang bulaklak na may maliit na card na naglalaman. Napawi ang ngiti ko sa labi nang makita ang nakasulat.

'12 different flowers for you, 12 flowers for the 12 months that I'm not by your side.'

-Sairo.

Nakauwi na siya? Sairo went home to his homeland in Japan dahil nagkaroon daw ng problema sa kanilang kumpanya doon.

Dapat ay masaya ako na nakauwi siya, pero bakit nakakaramdam ako ng pagkadismaya?

"Oh, Alejandro is so sweet," said Tita Janet. Hindi ko alam kung ako lang o may pait ang pagkakasabi niya.

"It's not Alejandro, Tita. It's from Sairo. He just came back." Inilapag ko ang bulaklak sa lamesa.

My phone rang. It's from an unknown number. Sinagot ko iyon kahit na may pag-aalinlangan.

"Save my number. I'm here at the lobby, come meet me." Kilala ko ang boses na iyon, pero may kakaiba. Nag-uutos at parang galit.

Nakita ko ang nakasilip na mukha ng sekretarya ko. Malamang ay siya ang nagbigay ng numero ko kay Alejandro.

"Alejandro already bought your loyalty, huh?" Pekeng ang ibinigay sa akin ng sekretarya ko.

Sinigurado ko muna na maayos ang sarili ko bago ako bumaba. As I went to the lobby, I saw Alejandro sitting in the lounge with his arms crossed on his chest, looking annoyed.

"You called. Why?" Hindi siya nagsalita, agad lang tumayo at hinawakan ang kamay ko tsaka hinatak palabas ng building. His car's already waiting in front.

"Huy teka, saan mo ako dadalhin?" Inalalayan niya ako pag pasok ng kotse pero hindi pa rin niya ako kinikibo.

Pumasok siya sa kotse at agad na nagpatakbo paalis. Tahimik siyang nagmamaneho habang ako ay wala pa ring ideya kung bakit nakasimangot siya at ayaw akong sagutin.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana ng sasakyan. Naramdaman ko siyang kumilos. Maya-maya pa ay narinig ko na may kausap siya sa telepono.

"Just transfer it to her name." Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na ang telepono.

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ng biyahe namin. Basta alam ko lang mahaba iyon dahil nakatulog ako sa biyahe.

"We're here." Nagising ako sa maamong boses ni Alejandro, Malayo sa boses niya sa telepono kanina.

Ah, baka wala na siyang topak.

Muli niya akong inalalayan pababa ng sasakyan. My eyes widened at the view.

A field of different flowers.

Sobrang ganda, nakakabighani sa ganda.

"It's beautiful, right? "Tumango lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapag salita sa ganda ng tanawin.

"It's yours," he said with a soft voice.

Umatake na naman ang kabayo sa dibdib ko. Sa sobrang bilis tumakbo ay pakiramdam ko mawawasak ang dibdib ko.

I looked at him, hindi makapaniwala.

Now I get it. He knows that Sairo gave me a dozen flowers. Malamang ay kagagawan iyon ng sekretarya ko kaya nalaman niya.

Pakielamera.

"Why?" tanging na tanong ko sa kanya.

"You deserved it. You deserve every flower in the world. Not just a dozen." Lumipat ang tingin niya mula sa mga bulaklak patungo sa akin.

"You dont have to do that," usig ko.

"I know, but i want to."

Iyon na naman ang mga mata niya, nagsusumamo at tila napakaraming gustong sabihin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 12

    Puno ng kaba ang dibdib ko habang hawak-hawak ko si Andra, kasalukuyan kaming patungo sa private plane ni Sairo. Sa mismong araw ng kasal dapat namin ni Alejandro, hindi ko siya sinipot, nagtungo ako sa simbahan kung saan si Sairo ang nagiintay sa akin mula sa dulo ng altar. --Earlier that day--- "You can do one thing." Itinuon ko ang atensiyon ko kay Tita Janet. "Sairo is waiting for you. We set up this thing to help you get out of Alejandro's grasp. I know you want this." Naguguluhan man ay tila may sumiklab na pag-asa sa dibdib ko. Is that really possible? Ang tuluyan akong makawala kay Alejandro mula sa pagkakasundo na ito? Paano ang kumpanya kung hindi ko siya sisiputin? "Transfer the company to my name, and everything will be fine. Sa paraan na iyon ay kahit na si Janelle ang pakasalan niya ay mananatiling ligtas ang kumpanya." Tila nabasa ni Tita Janet ang iniisip ko. "I'll do everything to help you, my Lili," ika niya, niyakap niya ako at hinaplos ang aking pisngi.

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 11

    The day had passed so fast. Ngayon ang araw ng aming kasal sa simbahan. Sa mga araw na nagdaan ay ginawa ko ang makakaya ko para itago si Andra kay Alejandro.Sa tuwing pumupunta ako sa Tagaytay ay sinisigurado kong hindi ako sinusundan ng mga ulupong ni Alejandro. Sa loob ng tatlong araw ay ginawa ko ang makakaya ko para hindi malaman ni Alejandro ang tungkol kay Andra. Sa loob rin ng tatlong araw na iyon ay inilalabas ako ni Alejandro. Mukhang sineseryoso niya ang isang buwan na hinihingi niya mula sa akin. Hindi ko rin lubos na maisip bakit pinauwi ni Tita Janet si Janelle at Andra dito gayong alam niya ang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko matatago ang sikretong ito. Ngayon na ikakasal na kami ni Alejandro, paniguradong mas pababantayan niya ang kilos ko. The real reason why I don't want him to know, Andra, is because of how Andra came to us. Ayokong mabuksan ang isip ni Andra na nabuo siya dahil lang sa isang gabi ng pagkakamali. Ayokong isipin ni Andra na napi

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 10

    'Let's go out.'Mensahe iyon ni Alejandro. I talked to Tita Janet and Janelle; I told them to stay at our property in Tagaytay, iyong malayo sa radar ni Alejandro. He can't know about Andra.Desidido na ako na hindi niya makikilala si Andra bilang anak niya. Ayokong mapilitan siyang panindigan ang anak namin. Nagdesisyon na rin ako na kapag nagkita kami ngayong araw ay aalamin ko kung anong tunay niyang motibo sa akin.'I'll be there at 10.'Dagdag niya pa. Alas-otso na ng gabi, i still had time to prepare. I wore a red maxi spaghetti dress; it had a V-neck shape, making my curves more defined.Light makeup lang din ang inilagay ko sa aking mukha dahil hindi naman ako sanay na magsuot ng makapal na makeup. My features are soft; hindi kailangan ayusan ng matagal.Mabilis lang lumipas ang oras. Alas-diyes sakto ng gabi ay nakaparada na ang sasakyan ni Alejandro sa tapat ng building ng condo ko. Sinipat ko siya mula sa balkonahe.There he was, wearing his expensive suit while leaning on

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 9

    Hindi pa man lumalaki ang tiyan ko ay pinalipad ako ni Daddy pa-America. He said that I should stay there until I gave birth to my child. I chose not to tell Dad who the father is at nirespeto niya iyon. And I chose not to tell Alejandro that we had a child from the mistake we made that night. I don't want my child to know that she was made out of lust. Hindi ko alam kung kakayanin kong palakihin siyang mag-isa sa mga oras na ito. But Tita Janet reassured me that she had my back. Ipinasama si Janelle sa akin pa-America. Para may kasama ako at hindi ako masyadong mahirapan sa pag-adjust sa pamumuhay.Days have passed, and days turned into months. Until the day of my child's birth had come. Pumunta si Daddy at Tita Janet dito sa America nang malaman nila na manganganak na ako. "What's her name?" Daddy asked. He had a sweet smile on his face. Tila galak na galak sa hawak-hawak niyang apo. "Andra.""Alejandra Beatrixxe Legazpi." Thinking that she might not be able to know her father

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 8

    2 years ago...Namulat ang mga mata ko at nakitang hindi ito ang lugar kung saan ko ibinigay ang sarili ko sa kaibigan ni Daddy. Si, Alejandro. I'm not dumb; from the looks of this place, malamang ay ito ang bahay ni Alejandro. Mahimbing ang tulog niya sa tabi ko sa malambot na kama na hinihigaan namin ngayon. Hindi ako pwede mag pa-abot sakanya dito at mas lalong hindi ito pwedeng maka-abot kay Daddy!Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakahiga at agad na inayos ang sarili. Tinawagan ko ang driver ko at agad na nagpasundo. Sinubukan pa akong pigilan ng kasambahay ni Alejandro pero hindi ako pumayag na mag-stay doon. Pag-uwi ko sa bahay ay naroon si Tita Janet at Janelle wala si Daddy, siguro ay nasa kumpanya na. Lumipas ang araw simula nang may nangyari saamin ni Alejandro. Hindi ko inasahan na makakausap ko pa siya matapos ang gabing iyon dahil para sa akin ay isa lang iyong pagkakamali. Until one morning, tumatakbo akong dumalo sa banyo ng kwarto ko. I puked; parang bumabaligtad a

  • Enchanting a Billionaire's Heart   Chapter 7

    “Malandi! Malandi ka! ” Pabirong kinurot-kurot ako ni Yukia sa tagiliran. Habang ako naman ay bagsak ang ulo sa lamesa ng opisina.“Talaga lang ha, Lillianna Beatrice Legazpi? Nauna pa ang honeymoon kaysa sa kasal! ” tudyo pa niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko kagabi at bakit ako nagpadala sa init ng katawan. Nakakahiya! Paano ko haharapin si Alejandro ngayon? Umalis ako sa condo ko habang mahimbing pa ang tulog niya. Gusto ko nalang maglaho dahil sa katangahan na ginawa ko kagabi. “Ano nalang sasabihin sayo ni Tito, Diyos ko lord.” Hindi ko din alam, malamang ay ikakahiya niya ako. “Bakit naman kasi umepal pa si Sairo kagabi? Kung di ka pinuntahan nun ay siguro di pupunta si Alejandro,” Saad ni Yukia. Hindi ko man pansin ay alam kong may mga ulupong si Alejandro na nakabuntot sa akin. Kaya madali niyang nalalaman ang mga nangyayari sa paligid ko.Bigla sumagi sa isip ko ang sinabi ni Alejandro kay Sairo. “I’m afraid for Sai. Alejandro said something about his company.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status