Share

CHAPTER FIFTEEN

Nagsabay pa silang magtanong sa akin. English nga lang iyong kay Sir Maui, at tagalog si Sir Frank.

"Ah...naglakad-lakad lang po diyan sa labas. Sorry po." Bahagya akong yumukod.

"It's okay kahit 'di ka nagyayaya." Tumawa si Sir Frank. Akala ko pa naman, galit siya dahil umalis ako nang walang paalam.

"Take your seat." Magiliw na inilahad pa ni Sir Maui ang kamay niya patungo sa bakanteng upuan sa tapat nila.

"Thank you po." Naupo na ako at nginitian silang dalawa. "Good morning po."

"Good morning." Si Sir Maui ang sumagot sa akin. Tinanguan lang ako ni Sir Frank pero nakangiti naman siya.

Saglit na yumuko ako at pumikit para magdasal bago kumain. Pagdilat ko ay nakapikit din sila at nakayuko. Si Sir Maui nga magkasiklop pa ang mga kamay.

Nag-sign-of-the-cross pa si Sir Maui pagkatapos niya, si Sir Frank ay hindi na.

"Kain na po," masayang anyaya ko sa kanila.

"Sa susunod, Florence, sabihan mo naman kami," pabirong sabi ni Sir Frank. "Pakuha na ako ng omelett
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status