Share

CHAPTER FOURTEEN

   "Nag-iwan pa nga ako sa 'yo ng calling card no'n," nakangiting sabi niya. "Tama, 'di ba?"

   "Ikaw nga po, Sir!" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking iyon sa car show noon - at boss ko pa ngayon.

   Natawa siya sa pagkabigla ko. "But of course, I couldn't call you "baby girl" anymore. That would be inappropriate."

   "Eh...opo," sabi kong napa-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng banggitin niya ulit ang endearment na iyon.

   "Mukha ka lang kasi talagang menor de edad no'n. Parang baby girl nga." Ngumisi siya. "Though, up until now you don't look like your age."

   "Salamat po." Bahagya akong tumango. Maka-ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon, na hindi nga ako mukhang twenty-six.

   "But actually, hindi na kita namumukhaan," pagtatapat niya. "But when you brought it up, it rang a bell and I suddenly remembered that particular day."

   "Okay lang po. Hindi ko na rin po natatandaan 'yong hitsura niyo." Ngumiti ako. "Pero 'yong sinabi niyo po ay malinaw pa sa akin."

   "So, maybe that's why you didn't call me back then." Nagkibit-balikat siya. "You're not interested at all, which I do expect, anyway."

   "Ang totoo po, naiwala ko 'yong card na bigay niyo, Sir," nagpaliwanag ako. "Siguro po noong nagpalit na ako ng damit pagkatapos po no'ng car show, baka nahulog po."

    "But what if you didn't lost it?" Isang mapaglarong ngiti ang nasa mga labi niya. "Are you really gonna call me for the date?"

   "Ahh, ite-text ko po sana kayo. Pero 'di po para sa date. Baka po kasi may hiring kayo," paglalahad ko. "Baka mas maganda po 'yong offer niyo ke'sa sa papasukan ko sana no'ng time na 'yon."

   Natawa siya. "I was in FlipPage that time if I remember it right."

   "Opo. Kaya gusto ko rin po i-try. Kasi karamihan po ng binabasa kong books ay FlipPage ang publisher," pahayag ko. "Kaya feeling ko po, masaya magtrabaho doon."

   "Really?" Tila kumislap ang mga mata niya. "My younger brother's the one managing it now."

    "Ah." Napatangu-tango ako. "Pero dati po, kayo?"

   "Yup. But I'm next in rank to be VP for External Affairs in LDC, so I have to give it up," pagbabahagi niya. "If only I have a choice, I would have stayed there. Not that I am not happy with LDC, but you know, it's a bigger challenge to be one with people spearheading the company, and an opportunity to learn more."

   "Naiintindihan ko po." Bahagya akong tumango.

   "But anyway, we still get to work with each other." Tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. "Hindi man nangyari sa FlipPage, but at least now, it's happening."

   "Oo nga po." Na-realize ko rin iyon. "Thank you so much po na nabigyan ako ng chance sa LDC."

   "Maybe then, we're meant to meet again," sabi niya sa mahinang tinig habang nakatitig sa mga mata ko.

   Sinalubong ko ang tingin niya, pero nagkamali yata ako na ginawa ko iyon. Pakiramdam ko ay bumilis ang pintig ng puso ko at tumigil ang mundo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

   "We're meant to meet again so you'll meet Maui too." Kumindat siya, at mula sa seryoso niyang anyo kanina ay bumalik ang makulit na Sir Frank sa isang iglap.

   "Hala ka, Sir." Natawa tuloy ako. "'Yan na naman po kayo. Hindi naman po kasi seryoso 'yon."

   "Hindi seryoso pero pulang-pula 'yang pisngi mo." Humlakhak siya.

   Wala sa loob na napahawak ako sa magkabila kong pisngi, na lalo niyang ikinatawa.

   "You're really amusing, Florence." Nangingiti siya habang napapa-iling.

   "Happy crush lang po 'yon, Sir," depensa ko habang nakatakip pa rin ang mga palad sa mga pisngi ko.

    "What in the world is a happy crush?" Kumunot ang noo niya.

   "Ahmm...happy crush. Ano po..." Napa-iwas ako ng tingin kasi parang inaarok niya kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi. "Ibig sabihin po, parang.. 'di niyo naman po inaasam na magkatuluyan kayo ng tao na 'yon. Kumbaga, crush niyo lang po siya talaga. Nakaka-inspire siya makita, hinahangaan niyo po kasi guwapo siya, or mabait, or may iba pa siyang qualities na gusto niyo. Gano'n po."

   "Okay. It's the first time I heard about it." Ang hitsura niya ngayon parang naka-diskubre ng bagong kaalaman. "And I think I never had a happy crush in my entire life.""

   "Pero sana po 'wag niyo na po sabihin kay Sir Maui, Sir. Sobrang nakakahiya po," pakiusap ko sa kanya.

   "I told you before, your secret is safe with me," nakangising sabi niya. "But sometimes, I might do my magic ways, so..."

   "Ano pong magic ways?" Naalerto ako.

   Tumawa lang siya bilang tugon.

***

   Maaga pa rin akong nagising kahit halos alas-dose na ng gabi kami naghiwalay ni Sir Frank matapos mag-kape. Naligo na ako at pagkatapos ay nakipag-coordinate na sa resort staff para sa ise-serve na breakfast.

    Pagtingin ko sa relo ay alas-siyete na pala ng umaga. Bigla kong naalala ang bilin ni Sir Frank. Tinawagan ko siya.

   "Good morning po, Sir."

   "Hmmm..." Iyon lang ang sinabi niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. Pero hindi ko alam kung bakit nagtayuan lahat ng balahibo ko sa batok. Para akong nakiliti na hindi ko mawari sa bedroom voice niya.

   "S-Sir! Ah... nag-ano po, eh..." Hindi ko mabuo ang sasabihin kong pangungusap. Nataranta ako.

   "Hmmm? Nag-ano?" Halata sa boses niyang inaantok pa siya pero pakiramdam ko tinutukso niya ako. Pero, malamang, ako lang ang nag-iisip noon. Florence, umayos ka!

   "Nag-ano... nagbilin." Napalunok ako. "Nagbilin po kayo kagabi na tawagan ko po kayo para gisingin."

   "Yeah. I remember." Narinig ko ang paghikab niya kaya humingi siya ng dispensa, "Sorry about that. And thank you for waking me up, Florence. 'Di ko alam kung tumunog ba ang alarm ko, wala kasi akong narinig."

   "You're welcome, Sir." Hinawi ko ang kurtinang tumatakip sa pintong salamin patungo sa balkonahe. "Breakfast will be served po in thirty minutes."

   "By the way, despite that we talk over the phone in the office often times, It is only now I realized your voice sounds sweet," Frank complimented her. 

   Natigilan ako sa komento nito, pero idinaan ko na lang sa biro ang sagot ko, "Baka 'di pa po gising ang diwa niyo."

   Tumawa siya

    Pagkatapos ng usapan namin ni Sir Frank ay naisip ko kung sasabihan ko ba si Sir Maui tungkol sa breakfast o hihintayin na lang siyang bumaba sa komedor.

   Lumabas ako ng kuwarto na nag-iisip pa rin. Baka kasi ma-istorbo ko siya at mapagalitan pa ako. Pero baka naman mas mapagalitan ako kung hindi ko man lang siya i-inform.

    Bahala na.

    Lumakad ako patungo sa pintuan ng kuwarto ni Sir Maui. Huminga pa ako nang malalim bago kumatok nang marahan.

   "One moment." Mula sa loob ng kuwarto ay sumagot siya.

    At nang buksan niya ang pinto ay nahigit ko ang paghinga ko. Bahgayang basa pa ang buhok niya, naka-suot lang ng bathrobe at bahagyang nakalantad ang malapad na dibdib na may iilang hibla ng balahibo.

   OMG!

   "Florence!" Tila nabigla pa siya pagkakita sa akin.

   "Sir...ah..." Napa-iwas ako ng tingin at wala sa loob na napalunok. 

   "Sorry, nagmadali akong buksan ang pinto so I just pulled on this robe." Siya pa ang humingi ng pasensiya. Nahalata niya siguro na nailang ako.

   "W-walang problema po." Pinigilan kong hindi magkandautal-utal. "Eh...sasabihin ko lang po sana na ise-serve po ang breakfast in...in..."

   Ayusin mo, Florence! Ang breakfast ay ihahain pa lang! Hindi iyang nasa harap mo!

   "In thirty minutes po." Sa wakas ay natapos ko rin ang sasabihin ko.

   "Sure. I'll be there." Ngumiti siya. "Thank you."

   Napangiti din tuloy ako. Nakakahawa naman kasi iyong paraan ng pagngiti niya, may biloy pa sa magkabilang-pisngi. Diyos ko po, napaka-guwapo. Pakiramdam ko tuloy, hindi pa nga nagsisimula ang araw ko ay nabuo niya na agad.

   "S-sige po, Sir." Nagpaalam na ako bago pa ako tuluyang mahimlay sa taglay niyang kakisigan.

   "Sige." Isinara niya na ang pintuan. Ako naman ay lumakad na patungo sa dining area. Pero dahil maaga pa, naisipan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan, pampalipas ng oras - at ng mga kakatwang nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

   Palagay ko, normal lang na minsan para akong kinakabahan o hindi mapakali kapag kaharap ko si Sir Maui. Crush ko siya, eh. Pero bakit paminsan-minsan ay parang ganoon din ang nararamdman ko kay Sir Frank?

   Masaya akong malaman na siya pala iyong lalaki na nakilala ko noon sa car show. Iniisip ko tuloy iyong mukha niya noong panahon na iyon. Alam kong guwapo siya, pero nalimutan ko na rin talaga sa tagal ng panahon iyong ekskatong hitsura niya. Saka, pagkakatanda ko, hindi pa ash gray ang buhok niya noon, itim pa. 

   Kaya pala may mga pagkakataon na kapag napapatingin ako sa kanya ay may tila pamilyar na damdaming bumibisita sa akin. Nagkita na pala kasi kami noon.

   Pagtingin ko sa suot kong relo ay limang minuto na lang at 7:30 A.M. na. Naglakad na ulit ako pabalik sa suite namin. Dumiretso na ako sa dining area, at nandoon na si Sir Maui at Sir Frank. Medyo nahiya ako. Ako na lang pala ang hinihintay.

   "Where have you been?"

   "Saan ka galing?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status