(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Catacutan, Florence. Cum Laude." Nagkatinginan kami ni Mama at ngumiti sa isa't-isa. Ito na ang bunga ng lahat ng sakripisyo, lahat ng pagsisikap, lahat ng puyat at pagod sa pinagsasabay na pag-aaral at trabaho bilang kasambahay. Buong pagmamalaki kong tinanggap ang diploma at medalyang isinabit sa leeg ko habang hawak ko ang kamay ni Mama. Siya ang inspirasyon ko para magawa ang lahat ng ito. Pangarap ko kasing maiahon na siya sa pagiging katulong na katulad ko. Gusto kong masabi sa kanya balang-araw na, "Ma, ako na ang bahala." Konting kembot na lang iyon. Next week, magsisimula na ako sa bago kong trabaho. Bago pa kasi itong pagtatapos namin
Sa site ko na lang nalaman na si Patti lang pala ang magpa-flyering sa MOA. In-assign ako ni Sir Tomas, iyong agent na kakilala ni Patti sa game booth na sponsored ng isang kilalang brand ng baterya ng kotse. Panay ang hatak ko pababa sa suot kong red body con dress - kung dress pa nga bang maituturing iyon. Pakiramdam ko, konting yuko ay sisilip na ang kuyukot ko sa kaprasong damit na iyon. Napansin ako ni Patti. "Bakla, okay lang 'yan, ang sexy mo kaya. Ang puti mo pala, chosko." "Nahihiya nga ako," conscious na sabi ko habang naglalakad kami papunta sa booth. "First time ko magsuot ng ganito. Sana man lang dalawa tayo." "Bastos ka. Eh 'di nagmukha akong shanghai roll sa damit na 'yan." Tawanan kaming dalawa. Nagkalat na ang mga tao sa venue, mostly mga kalalakihan. May nadaanan pa kaming pinagkakaguluhan ng crowd, iyon pala, seksing babae na naka-two piece na gumigiling-giling sa harap ng isang kotse habang kunwaring nagka-carwash. Culture shock. Ganito p
Five years later. "Congratulations, Florence!" Nagulat pa ako pagpasok ko ng pantry namin para mag-kape lang sana. Sabay-sabay na binati ako ng mga kasama ko sa opisina. Dahil na-sorpresa ako, ang tagal kong naka-titig lang sa kanila, bago nag-sink-in sa akin kung ano ang nangyayari. "Gulat si mamsh, o!" Tawa nang tawa si Ate IC na ka-opisina ko. "Galaw galaw, 'oy, baka pumanaw." "Sorry." Natawa na lang din ako. "Malay ko ba naman kasing may paandar pala kayo dito. Kaya pala parang mga aligaga kayo kanina pa." "Bitaw ka naman ng isang pang-malakasang speech diyan, Miss Florence." Pambubuyo sa akin ng isa
Isang lalaki ang dumating, matangkad, at siguro nasa mid-thirties ang edad. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may bigote at balbas pero hindi naman kakapalan. Parang bida sa mga Mexican telenovela na sinusubaybayan ni Mama noong bata pa ako. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang buhok niya - ash grey. Hindi ko alam kung uban ba iyon pero parang ang bata pa ni Sir para magka-uban na ganoon karami, saka lahat ng parte ng buhok niya, ganoon. Parang nagpa-kulay lang yata siya, pero in fairness, bagay naman sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda sa ganoong kulay ng buhok. "Good morning, Sir," sabay-sabay naming pagbati pero halata sa mga boses namin na nananatiya kami sa aming bagong boss. Ngumiti siya sa amin. "Chill. Ang stiff niyo masyado. Ganyan ba ka-terror si Dad?" Hindi namin alam kung tatawa ba kami sa biro niya. May isang nagla