Share

CHAPTER SIXTEEN

Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me."

Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit.

"Ano, kayo lang?" sabi pa niya.

"Wala naman kaming sinabi na kami lang,"si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me."

"Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank.

"Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley."

"After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Si Sir Frank.

"Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley." Nagpaalam ako sa kanila bago ako tumalikod.

***

Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tid
Em N. Cee

Credits to the lyrics of the song used. Title : Here In My Heart Artist : Mayonnaise

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status