Share

CHAPTER NINE

Author: Em N. Cee
last update Huling Na-update: 2022-01-03 19:26:57

   Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko.

   "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon.

   "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti.

   Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa.

   At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon.

   "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya?

   Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon.

   Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina.

   "Don't worry, I won't tell Maui." Ngumisi siya. "Your little secret is safe with me."

   Kumindat pa siya bago umalis sa harapan naming tatlo.

***

   "Bakla, chosko! Guwapo naman pala 'yong boss mo!" Kilig na kilig na sabi ni Patti. "Sa sobrang tulaley mo, lumayas na lang! 'Di mo na tuloy kami naipakilala! Pagkakataon ko na sanang umangat sa buhay!"

   "Parang gusto ko na mag-resign," nag-aalaang sabi ko, habang si Luna naman ay natawa sa tinuran ni Patti.

   "Para kang tanga," sabi ni Luna sa akin na kulang na lang batukan ako. "Ang hirap-hirap humanap ng trabaho ngayon tapos aalis ka nang gano'n-gano'n na lang? Sana ayos ka lang?"

   "Nakakahiya kasi, mga bes. Alam na ni Sir Frank." Napa-ngiwi ako.

   "'Wag kang praning. Sinabi naman niya na hindi niya sasabihin do'n sa crush mo." Binuksan ni Luna ang pinto ng kotseng dala niya. "Arat na mga 'tol."

   Sa backseat kami naupo ni Patti.

   "So iyong ikinaguwapong 'yon ng boss mo, mas guwapo pa iyong Maui na sinasabi mo?" Tanong naman ni Patti sa akin.

   "Oo. Pero teka lang. 'Di pa ako maka-move on doon sa nangyari kanina." Napakamot ako sa ulo ko. "Bakit ba kasi nakikinig si Sir Frank sa usapan natin. 'Di ba niya alam na kabastusan ang makinig sa usapan ng may usapan?"

   "Baks, eh baka babatiin ka lang sana niya kasi nakita ka niya doon. Eh, timing naman na ini-ispluk mo 'yung tungkol sa betsung mo, narinig niya," paliwanag ni Patti. "Malay din ba niya, baks."

   "Paano ko ba siya haharapin bukas nito?" Humugot ako ng malalim na paghinga. "Bahala na."

   Ibang bagay na ang pinag-usapan namin nila Patti at Luna habang bumibiyahe pero paminsan-minsan, sumisingit sa utak ko iyong ganap kanina na kasama si Sir Frank.

   Bahala na talaga bukas.

***

   "Dalhin mo kay Maui." Iniabot sa akin ni Sir Frank ang isang sealed long brown envelope. Nakakaloko ang ngiti na nasa mga labi niya. Alam ko naman kung anong dahilan, iyong narinig niya mula sa akin kagabi.

   "Okay po," sabi ko na lang. Kunwari, hindi ako apektado.

   "'Nga pala, umupo ka muna. I have something to tell you," utos niya.

   "Sana po, hindi 'to tungkol sa narinig niyo kagabi." Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. 

   Frank smirked upon seeing Florence's reaction. That was way too cute. Kadalasan ay nabu-buwisit siya sa mga babaeng tila nagpapabebe, pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi nakaka-irita kapag kay Florence. Siguro dahil alam niya ang personalidad nito bilang isang inosenteng babae. "No, it's not about that. We'll be talking about work here, so please take a seat."

   Ginawa ko naman ang sinasabi niya. "Sorry. Yes po, Sir?"

   "Were going somewhere in Siargao. Next month pa naman 'to pero gusto ko nang malaman mo," seryosong wika niya. "There's a property there I wanted to visit and see it's potential to be developed. I want you to come with me."

   Ang layo no'n, ah.

   "Sige po." Tumango ako. "Pero p-puwede pong malaman kung ilang days po tayo doon?"

   "Bakit, 'di ka ba papayagan ng parents mo, baby girl?" Tumatawang pang-aasar niya sa akin. 'Yong pagka-sabi niya ng "baby girl", nag-baby talk pa siya.

   Kakaiba rin talaga ang ugali nito ni Sir Frank.

   "H-hindi naman po sa ganoon. Gusto ko lang po malaman para alam ko rin po kung ilang araw ko po patatauhin sa bahay iyong pinsan ko para samahan si Mama," paliwanag ko.

   "Gano'n ba?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, ang panunukso ay napalitan ng pag-aalala. "Wala siyang kasama sa bahay? Paano kapag nandito ka?"

   "Mag-isa lang po siya doon. Okay lang naman po sa umaga," pahayag ko. "Ang mahirap po ay sa gabi...alam niyo naman po ang panahon ngayon."

   "Pero wala pong problema sa akin Sir na sumama." Bumawi ako agad. "Trabaho po ito kaya okay po sa akin."

   Parang may gusto siyang itanong, hinihintay ko sana pero hindi naman niya itinuloy.

   Iba ang sinabi niya, "Alright. Buti at sinabi ko sa 'yo agad, mapaghahandaan mo pa 'yang magiging kasama ng mother mo. At, gusto ko na ring sabihin sa 'yo na marami pa tayong susunod na mga travels, so better be prepared."

   "Okay po, Sir." Tumango ako. Gusto kong sabayan siya minsan sa biruan kaso baka magkamali ako ng bitaw. O kaya, isipin niya na hindi ko siya iginagalang bilang superior ko.

   "By the way, Maui is also joining us," deklara niya.

   Natigilan ako. Ngumisi naman siya.

   "Surprised?" Nanunudyo niyang tanong.

   "Eh..." Nag-apuhap ako ng sasabihin. Bigla kasi akong kinabahan sa idea na makakasama ko si Sir Maui ng ilang araw sa isang malayong lugar. Paano ko ba siya haharapin na hindi ako nagmumukhang engot at kakausapin na hindi ako nabubulol?

   "Basically, you'll arrange everything for our trip." Sumeryoso siya. "'Yong sa atin lang. Maui's office will take care of his travel needs. Just coordinate with them, alright?"

   Tumango ako. "Okay po, Sir."

   "Sige na, dalhin mo na kay Maui 'yan," pagtukoy niya sa hawak kong envelope na iniabot niya kanina sa akin. Unti-unti na namang sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi niya.

   "K-kailangan po bang sa kanya ko iabot mismo?" Naisipan kong itanong sa kanya. "Or puwede ko po ipa-receive sa staff niya?"

   "Puwede mo naman ipa-receive. Ikaw ang bahala." Sumandal siya sa swivel chair niya, nag-de-kuwatro ng upo, at humalukipkip. "Pero siyempre, mas okay sana kung ikaw ang magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo."

   "Sir Frank!" Natawag ko tuloy siya sa pagka-bigla ko sa pang-aalaska niya sa akin. Lalo lang niya akong tinawanan.

   "Supportive naman ako sa lovelife mo, Florence," tumatawa niyang sabi. "Basta ayusin mo lang lagi ang trabaho mo sa akin."

   "Sir, wala naman pong lovelife," pagtatama ko sa kanya. "Saka...saka 'wag niyo na po ipaalala. Nahihiya na nga po ako. Kalimutan niyo na lang po na narinig niyo 'yong mga sinabi ko doon sa cafe."

   "Eh hindi ko nga malimutan," nakangiti niyang sabi. "I don't know, I just find it cute that a twenty-six year old woman still feels infatuated."

   Sasagot pa sana ako nang magsalita ulit siya, "Alright, you may go."

   "Okay po," sagot ko bago tumalikod at tumungo sa pinto.

   Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa opisina ni Sir Maui. Wala naman akong balak na dumirekta sa kanya. Ipapa-receive ko na nga lang sana sa EA niya, kaso pagbukas ko ng pinto after kong kumatok ng maka-ilang ulit ay naroon pala siya, kausap ang isang staff.

   Lumingon siya sa akin kaya bumati ako, "G-good afternoon po."

   Bahagya lang siyang tumango sabay tingin sa hawak ko. "Is that for me?"

   "Ah...opo, opo Sir," nagulat pang sagot ko. "'Di bale po, dito ko na lang po ibigay kay..."

   Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko.

   Nag-slow-mo iyong paglakad niya sa paningin ko habang tila huminto ang takbo ng oras. Laging ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.

   Huminto siya sa harap ko at inilahad ang kamay niya para ibigay ko sa kanya ang envelope. Pero hindi ako naka-kilos.

   Ang guwapo talaga ni Sir Maui.

   "Galing kay Frank?" Nagtanong siya ulit. Doon ako tila nagising.

   "Ah, opo," sagot ko habang nagtatanong sa isipan ko kung paano niyang nalaman. Ah, baka sinabi na rin ni Sir Frank sa kanya na may dadalhin o ibibigay nga.

   "Right. I remember you," aniya. "Nagkasabay tayo sa elevator minsan and you told me your from VPEA Office."

   Parang nabasa niya ang nasa isip ko.

   "T-tama po, Sir." Kanina pa ako nauutal. Nakakahiya na. Ayaw naman kasi kumalma nitong puso ko.

   "Ironic that you stayed in Accounting for three years but I don't remember you at all." Matipid na ngumiti siya. "But I could recall being with you inside an elevator for a few minutes."

   Hindi ko alam kung anong isasagot sa sinabi niyang iyon.

   "From that day, I swore to myself to remember all the employees here as much as I can." Nawala ang matipid na ngiti sa mga labi niya pero tumitig siya sa akin. "So, thank you."

   Kinailangan kong pasimpleng huminga ng malalim pagkasabi niya noon. Pakiramdam ko, kung hindi ko gagawin iyon, baka right there and then ay tumimbuwang ako sa harap niya. Diyos ko po! Nakakakilig!

   "Wala po 'yon Sir." Sinikap kong huwag mabulol. Nahihiyang nginitian ko siya. "S-Sige po, una na po ako."

   "Okay," sabi niya. "Thanks again."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   EPILOGUE

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    "Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-TWO (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-ONE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SIXTY-NINE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status