Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila.
Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan.
Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili.
Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko.
Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat.
Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo.
Napa-iling na lang ako.
Thank you na rin po, Sir Frank.
***
"Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay-sabay ng punta.
"Upo ka muna, Ma'am." Itinuro ko iyong couch sa hindi kalayuan. "Ano po palang name niyo, itatawag ko lang po kay Sir sa loob."
"Anna," nakangiting sagot niya. "Anna Garcia."
"Okay. One moment po, Ms. Garcia." Nag-dial ako para tawagan si Sir Frank at ipaalam na may bisita siya. Buti pa itong isa na ito, maganda na, mabait pa. Hindi tulad noong una kong na-encounter na si Madeline na nasabihan pa akong "stupid".
Pero hindi na bumalik ang babaeng iyon dito sa opisina kahit na kailan. Pagkatapos noon ay may ilang iba't ibang babae pa na pumunta dito kay Sir Frank.
"Sir," sabi ko nang pick-up-in niya ang tawag ko. "May bisita po kayo, si Ms. Anna Garcia po."
"Patuluyin mo na," sagot niya lang sabay baba ng phone.
Sinamahan ko na si Ms. Garcia at ipinagbukas ng pinto. Tumingin sa amin si Sir Frank at bahagya akong tumango bago isinara ang pintuan.
"May bagong flavor of the week, Mamsh," pabulong na sabi ni Kimverly pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan.
"Ssshh. Baka marinig tayo," saway ko sa kanya sa mahinang boses habang naglalakad ako pabalik sa lamesa ko.
Sumabay siya sa akin. "Totoo naman. Parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng babae 'yan si Sir."
"Mga clients 'yon," sabi ko na lang sa kanya.
"Sino niloko mo?" Tinawanan ako ni Kimverly. "Baklang 'to. Pahiram ng stapler."
Iniabot ko sa kanya ang stapler ko. Alam ko naman na baka tama nga siya, pero alangan namang sa akin pa manggaling na mga jowa ni Sir iyon, o fling, o anupamang katawagan. Isa pa, hindi naman namin pinag-uusapan ni Sir Frank ang tungkol doon.
Lumabas si Sir Frank mula sa opisina niya kasama si Ms. Garcia. Nahuli kong inaayos pa ng huli ang tirante ng suot niyang dress.
"May meeting pa ba ako, Florence?" tanong ni Sir sa akin.
"Me'ron po, Sir. 4:00 PM with Mr. Ryan Rivera po," sagot ko naman.
Tumangu-tango siya. "Move mo sa ibang araw."
"Sir, third time na po natin nai-move ito," paalala ko.
"Move mo ulit," utos niya. "May kailangan lang kaming puntahan."
Pinigil ko ang sarili ko na mag-buntong-hininga. "Okay po."
Pagkatalikod niya kasama si Ms. Garcia, nalaglag ang mga balikat ko. Baka magalit na sa akin nang tuluyan iyong ka-meeting ni Sir. Last time na nag-re-sched ako, sinabihan niya na ako kung bakit daw ako nag-i-sched ng meeting sa araw at oras na may ibang meeting ang boss ko. Ang hindi niya alam, nata-timing kasi lagi na may bumibisitang chicks kay Sir Frank sa oras na kasabay ng nase-set kong meeting sa kanya.
Hindi ko naman puwede sabihin siyempre iyong tungkol sa mga chikababes ni Sir Frank kaya ang idinadahilan ko, biglang nagkaroon ng staff meeting o nagka-emergency meeting. Nauubusan na ako ng puwedeng idahilan.
Bakit ba naman kasi tuwing office hours pa ginagawa ni Sir itong pambababae niya?
Pinakawalan ko ang buntong-hininga na pinigil ko kanina.
***
"So, were you able to arrange our Siargao trip, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank nang ipakita ko sa kanya ang ginawa kong monthly report para sa opisina namin, na isa-submit naman sa presidente ng kumpanya.
"Na-arrange ko na po, Sir. May round trip air ticket na po tayo, at nai-book ko na rin po iyong accommodation na napili niyo," pahayag ko. "May kausap na rin po ako sa Local Government Unit kung sakali po na kailangan nating makipag-meet sa kanila."
"How about the property owner?" Tumingin siya sa akin.
"Expected niya na pong darating tayo, Sir," sagot ko. "Nakausap ko po siya two weeks ago pa po at nag-remind din po ako sa kanya kahapon."
"Good." Tumangu-tango siya. "Sila Maui ba, kasabay natin sa flight?"
"Opo. Kausap ko si Ms. Elise, 'yong EA niya po," sabi ko. "Si Sir Maui lang daw po mag-isa ang bibiyahe kasama natin."
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. "Kilig yarn?"
"Hala ka, Sir." Hindi ko napigilang matawa. "Hindi naman po kasi..."
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, natawa na talaga ako nang tuluyan. "Sorry, Sir..." At natawa na naman ako.
"Kinilig ka talaga sa harap ko?" Nakangiti pero napapa-iling si Sir Frank.
"Hindi po. Doon ako natawa sa pagkasabi niyo ng "kilig yarn"," paliwanag ko. "Sorry, Sir. 'Di ko po expected na manggaling sa inyo."
"Okay lang, natatawa rin ako sa 'yo, eh." Nag-de-kuwatro siya ng mga binti sa pagkaka-upo niya.
"'Nga po pala, Sir." Bigla akong may naalala. "Magse-set din po ba ako ng company vehicle na maghahatid at susundo sa inyo sa airport?"
"Sa akin lang?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Eh... kasi po si Ms. Elise, nagpa-reserve na ng para kay Sir Maui," sabi ko sa kanya.
"'Yaan mo 'yan si Maui," seryosong saad niya. "Ang ibig kong sabihin, ikaw."
"Magco-commute po ako papuntang airport," wika ko.
"Bakit pa?" Parang nagulat pa siya nang malaman iyon. "Sa akin ka na."
"Sa inyo po?" Napatitig ako sa kanya.
"Oo. Sa akin ka na sumabay." Nagkibit-balikat siya. "Dadaanan kita sa inyo. Saan ka ba nakatira?"
"Huh?" Nabigla ako. "H-hindi na po Sir, nakakahiya."
"Anong nakakahiya do'n? Magkasama naman talaga tayo sa pag-alis." Itinulak niya papunta sa direksiyon ko ang notepad at ballpen na nasa lamesa. "Write your address down."
"Pero, Sir..."
"I'm speaking to you as your superior," ma-awtoridad na sabi niya.
Nahihiya man na boss ko pa ang susundo sa akin sa bahay, mukhang wala naman akong magagawa. Kinuha ko ang ballpen at notepad at isinulat doon kung saan ako eksaktong nakatira.
***
"Florence, 'yan na yata iyong boss mo," sabi ni Mama na hinawi ng konting-konti ang kurtina para masilip ang labas ng bahay namin.
Lumapit ako sa kanya at nakisilip din. Nakita kong pababa siya ng kotse niyang itim. For the first time ay nakita ko siyang hindi naka-coat and tie. Ang suot niya ay mustard yellow na sweatshirt at fatigue green na jeans. Nanibago ako.
Sumandal siya sa kotse niya at saglit na luming-linga sa paligid. Buti na lang, maaga ako natapos magbihis at mag-ayos. Hinihintay ko na lang talaga siya.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko na nakapatong sa table, saktong nakita ko rin siya na nasa tenga niya na ang kanyang cellphone.
Itinodo ko na lang ang bukas ng kurtina para kawayan siya at huwag na akong tawagan. Ibinaba niya ang cellphone niya at ngumiti sa akin. Hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko nagliwanag ang paligid nang makita ko ang ngiti niyang iyon.
Napa-iling ako. Ano ba naman itong nangyayari sa akin?
Umalis na ako sa pagkakatayo sa may bintana at binitbit na ang travelling bag na dala ko. Akala ko, hihintayin na lang niya ako sa kotse pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay naroon siya.
"Sir! G-good morning po," pagbati ko.
Tumango siya at ngumiti. "Ready?"
"Ready na po, Sir," sagot ko. "'Nga pala po, Mama ko."
Inakbayan ko papalapit si Mama sa akin.
"Good morning, Mommy. Kasama po ako sa office ni Florence." Naunahan niya na akong magsalita, at ipinakilala niya na ang sarili niya, "Frank po."
Hindi ako naka-imik. Una, dahil tinawag niya si Mama na "Mommy". Sasabihin ko pa lang kasi sana ang pangalan eh inunahan naman niya ako. Pangalawa, dahil tinawag niya ang sarili niyang kasama ko sa office, hindi "boss ni Florence" o "VP for External Affairs ng Ledesma Development Corporation".
Ipinagbukas niya ako ng pinto sa backseat, at doon din din siya naupo, katabi ko. May kasama pala siyang driver. Bumati ako ng "magandang umaga" at magiliw na bumati siya sa akin pabalik.
Tahimik lang kami habang bumibiyahe. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakikinig ng music mula sa car stereo.
You've got a little bit of sex in you
That's all I wanna do You're all I wanna do Playing harmonies on your skin..Napalunok ako sa lyrics na iyon.
"We'll be together for five days, Florence." Biglang nagsalita si Sir Frank. Nang tumingin ako sa gawi niya ay nakatingin din pala siya sa akin.
"Oo nga po Sir, eh," sabi ko na lang.
"Is this the first time you'll be away from home for that long?" tanong niya.
"For that long." Ngumiti ako. "And that far po."
"Talaga?" Napangiti din siya. "Ano na bang pinakamalayo mong napuntahan?"
"La Union po," sagot ko. "Saka three days lang po 'yon."
"With friends?" tanong niya ulit.
"Opo," wika ko. "College friends po."
"I see. Waves there are good for surfing," aniya. "Have you tried?"
"Hindi po, eh. Natakot ako," pagtatapat ko. "'Di po ako marunong mag-swimming. Kabado na nga po ako kapag 'di abot ng paa ko 'yong ilalim ng tubig."
"Really?" Tila ba hindi siya makapaniwala. "But, what's the cause? Nalunod ka na ba noon?"
"Hindi naman po." Umiling ako. "'Di ko rin po ma-explain kung saan ito nanggagaling."
"You don't know what you're missing out." Umiling siya. "It's wonderful down there."
"Marunong po kayo?" ako naman ang nagtanong. "As in sumisisid po kayo?"
Nahalata kong pinigilan niyang matawa sa tanong ko.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with