Share

CHAPTER THREE

Author: Em N. Cee
last update Last Updated: 2021-12-07 07:44:23

   Isang lalaki ang dumating, matangkad, at siguro nasa mid-thirties ang edad. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may bigote at balbas pero hindi naman kakapalan. Parang bida sa mga Mexican telenovela na sinusubaybayan ni Mama noong bata pa ako.

   Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang buhok niya - ash grey. Hindi ko alam kung uban ba iyon pero parang ang bata pa ni Sir para magka-uban na ganoon karami, saka lahat ng parte ng buhok niya, ganoon. Parang nagpa-kulay lang yata siya, pero in fairness, bagay naman sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda sa ganoong kulay ng buhok.

   "Good morning, Sir," sabay-sabay naming pagbati pero halata sa mga boses namin na nananatiya kami sa aming bagong boss.

    Ngumiti siya sa amin. "Chill. Ang stiff niyo masyado. Ganyan ba ka-terror si Dad?"

    Hindi namin alam kung tatawa ba kami sa biro niya. May isang naglakas-loob na sumagot, si Miss Celine.

    "No, Sir. We just want to be formal and courteous at all times."

    "Fuck formalities." Humila siya ng isang upuan, sa desk yata iyon ni Kathryn. Umupo siya doon at nag-de-kuwatro. "Basta gawin niyo ang trabaho niyo, iyon ang importante."

   Medyo nagulat ako sa paraan ng pagsasalita niya. Iyong tatay niya kasi, na dating VP, ay pormal at kagalang-galang. Hindi namin iyon naringgan ng masamang salita kahit kailan.

   "Humila kayo ng kahit anong upuan diyan, mag-usap tayong lahat," utos niya sa amin.

   Iyong iba ay sumunod na pero nagsalita si Miss Celine, "Sir, we could use the conference room if you want."

   "'Wag na." Umiling si Sir Frank. "Ang laki-laki ng conference room na 'yon. Sige na, magsi-upo kayo diyan."

   Ganoon na nga ang ginawa namin. Humila kami ng kahit anong swivel chair na malapit sa kinatatayuan namin at naupo kaming lahat paharap sa kanya.

    "Okay," panimula niya. "Palagay ko naman iyong iba sa inyo kilala na ako dahil minsan nag-aattend na rin ako ng Board Meeting."

   Nagpakilala siya, "Pero sige, for the benefit of everybody, ako si Franco Luis Miguel Ledesma. Ang haba, 'di ba? Kaya Frank na lang. Bahala na kayo kung tatawagin niyo 'kong Boss Frank o Sir Frank o VP Frank. Hindi importante sa 'kin ang mga titulo o salutation na ikinakabit sa pangalan."

   "Kayo naman." Tumingin siya sa gawi ni Kathryn. "Simulan mo, Ma'am."

   "Sir, good morning. I'm Kathryn Bernal," pakilala niya. "I'm currently holding the position of Administrative Assistant and I've been in this company for three years already."

   "May balak ka mag-ten years?" Ngumisi si Sir. Hindi ko tuloy alam kung biro iyon o hindi.

   "I see myself working in this company for a long time, Sir," sagot niya. "I enjoy the working environment here and the tasks could be challenging, but it gives me room to grow."

   Lakas maka-final interview ng sagot. Lalo tuloy akong kinabahan. Isa ito sa mga bagay na nakakapagpa-kaba sa akin nang matindi - ang magsalita sa harapan ng isang crowd, gaano man kalaki o kaliit iyon.

   Sa mga pagkakataon na kailangan kong pakiharapan ang iba't ibang mga tao, lalo na kung trabaho na tulad ng mga raket ko noon, napipilitan na lang talaga akong lakasan ang loob ko.

   Isa rin sa mga dahilan kaya tumagal ako sa Accounting Dept. ay dahil hindi ko kailangang humarap sa mga tao sa araw-araw.

   "Thank you, Kathryn," sabi ni Sir Frank pagkatapos ng palitan nila ng mga tanong at sagot.

   Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Your turn, please."

   Tumikhim pa ako bago nagsimulang magsalita, "Ahmm... I'm Florence Catacutan po. Apelyido ko lang po 'yon pero 'wag niyo po ako katakutan."

   Sinubukan kong mag-biro pampa-bawas ng kaba. Natawa naman itong mga kasama ko.

   "No one will be scared of you." Ngumisi si Sir Frank. "Mukha kang banal. Parang mapapa-sign-of-the-cross nga ako ngayon."

   Mas lalong natawa ang mga bago kong ka-opisina.

   "Admin Assistant ka din?" tanong niya, "Katulad nitong si Kathryn?"

   Umiling ako. "Ahh h-hindi po. Executive Assistant po."

   Kumunot ang noo niya. "Hindi ikaw 'yong nakikita kong kasama ni Dad sa mga board meeting noon."

   "B-bago lang po kasi ako, Sir," paliwanag ko. "Galing po ako sa Accounting Department. Three years po ako doon bago po ako nalipat dito, at unang araw ko po sa opisinang ito ngayon."

   Tumangu-tango siya bago humalukipkip, at tumingin sa akin habang bahgyang naka-paling ang ulo niya sa kanan na para bang napapa-isip siya. "Interesting why Dad hired you as my EA."

   Hindi ko naintindihan kung bakit niya nasabi iyon.

   "But anyway, we'll be working a lot together." Napansin kong may diin iyong pagkakasabi niya ng "a lot". "So, welcome to the both of us, Florence."

   "Welcome, Sir." Nginitian ko siya.

   Ngumiti siya pabalik sa akin. Hindi ngisi kundi totoong ngiti. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.

   Nang matapos magpakilala ng lahat kabilang na ang messenger na si Kuya Jonel at Clerk na si Kimverly, nagsalita ulit si Sir Frank sa aming lahat.

   "Since I'm new here, technically speaking, expect that I'll be asking a lot of questions from you guys. I'll also be needing your assistance on some matters," sinabi niya iyon sa ma-awtoridad na paraan kaya hindi halata na humihingi talaga siya ng tulong.

   "Yes, Sir," si Miss Celine ang sumagot.

   "Do you have any questions for me?" tanong niya, "Before we start working our asses off."

   Tumayo siya mula sa kinauupuan niya nang walang sumagot mula sa amin. "Okay, since you don't have anything to ask, then let's start the day rolling."

   Hindi niya na pinagka-abalahan pang ibalik kung saan niya kinuha iyong hinatak niyang swivel chair. Basta naglakad na siya papunta sa opisina niya. Nakalagpas na siya sa aming lahat nang bigla siyang huminto at lumingon.

   "Florence, follow me."

   "Okay, Sir." Nagmamadaling sumunod ako sa kanya. Ako sana ang magbubukas ng pinto ng opisina pero naunahan niya ako.

   Dire-diretsong naglakad siya papunta sa desk niya at naupo sa swivel chair. Ako, naiwang nakatayo malapit sa pinto.

   "Lock the door," utos niya.

   Napatingin ako sa kanya, at hindi ako nakapagsalita.

   "Lock the door and come here," ulit niya nang mapansin sigurong hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko.

   Bigla akong kinabahan.

"Umupo ka, Florence." Itinuro niya iyong upuan sa tapat niya. Sinunod ko siya kahit kinakabahan ako.

   "Are you scared of me?" tanong niya. Nahalata niya na yata na kabado ako.

   Hindi ako nakasagot.

   "Tinatanong kita." Medyo lumakas ang boses niya kaya mabilis akong napa-sagot ng "hindi po".

   Umiling ako. "Kinakabahan lang po siguro ako."

   "Bakit?" Parang natawa pa siya sa pag-amin ko.

   "F-first time ko po," nabubulol pang tugon ko.

   Ngumisi siya nang makahulugan. "Sabagay, nakaka-kaba nga 'pag first time."

   "First time ko po sa ganitong klaseng trabaho," paglilinaw ko.

   "Ilang taon ka na ba?" tanong niya. "Well, if you don't mind."

   "Twenty-six po," sagot ko habang napapa-isip kung bakit kailangan pa niyang itanong.

   "Talaga? Hindi ka mukhang twenty-six," sabi naman niya. "I thought you were younger."

   Magpapasalamat sana ako dahil compliment naman iyon na maituturing, pero naunahan niya akong magsalita.

   "May boyfriend ka?" tanong niya.

   "Po?" Nagkamali yata ako ng dinig.

   "Boyfriend," ulit niya.

   "B-bakit niyo po gustong malaman?" Nagtaka ako kaya ako naman ang nagtanong.

   Natawa siya. "Baka kasi may mga pagkakataon na kailangan nating mag-overtime. So, kung may susundong boyfriend sa 'yo, kailangan niyang maghintay. Ngayon pa lang sabihan mo na siya."

   Ah, okay. Akala ko gusto niyang malaman kung single ba ako.

   Ano namang paki niya kung single ka o hindi? Assumera! sabi ng isang bahagi ng isip ko.

   "Wala po akong boyfriend." Inamin ko na, at mas lalo siyang natawa. Hindi ko alam kung bakit.

   "’Yon naman pala." Ngumiti siya. "Gusto kong malaman kung bakit ka lumipat dito. Sabi mo kanina ay galing ka sa Accounting."

   "Ahh... eh, 'yung totoo po, Sir, una pong dahilan talaga ay salary." Naisip ko na kailangang maging honest.

   "Okay lang 'yan." Aniya nang siguro ay mapaghalataan niyang nahihiya akong aminin ang totoo. "May pinag-aaral ka bang mga kapatid?"

   "Wala naman po. Solong anak lang po ako," wika ko. "Pero may hinuhulugan po akong bahay na ni-loan ko po sa Pag-IBIG. K-kaya kailangan ko po."

   "I see." Tumangu-tango siya. "Anyway, in the next days we'll get to know each other better. You see, were both new here, so I expect you to go out of your way to familiarize yourself with the work-around, since I'll be relying on you most of the time."

   "I understand, Sir," determinado kong sagot. Iyon naman talaga ang balak kong gawin.

   "Second, I expect you to come earlier than I do." Tumitig siya sa akin. "Ikaw ang una kong gustong makita sa pagsisimula ng araw ko."

   Natigilan ako.

Umiwas ako ng tingin, para kasing hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Alam kong wala namang ibang ibig sabihin iyong huling pangungusap niya. Natural naman iyon dahil baka may kailanganin siya sa akin, tapos wala pa ako sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan, biglang sumikdo ang d****b ko dahil doon.

   "Okay po," sagot ko na lang.

   "Okay, so I hope we'll have a smooth working relationship, Florence," pahayag niya. "At sa pangalan na lang kita tatawagin, ha. Masyadong pormal ang Ms. Catacutan. Isa pa, hindi bagay sa 'yo ang apelyido mo."

   Bumalik ang tingin ko sa kanya pero wala akong nasabi. Nagulat kasi ako sa komento niyang iyon. Pero siguro, kailangan ko nang masanay dahil mukhang walang pasintabi kung magsalita itong bago kong boss.

   "'Yon lang naman muna," nagsalita ulit siya. "Ikaw, may tanong ka ba?"

   "W-wala naman na po." Sinabayan ko iyon ng pag-iling.

   "Alright, you may go,” aniya. Pakitawag si Celine paglabas mo at papuntahin mo rin dito."

   "Okay po." Tumango ako.

   Naglalakad na ako papunta sa pinto nang tawagin niya ako. Huminto ako at humarap sa kanya.

   "Also, when I say lock the door, you just do it. Ayoko lang kasi na may maka-abala sa usapan natin. Expect that I'll be doing that also in my other meetings to come," pahayag niya. "Or when I'm doing something that requires my full concentration. So just call me up from the outside before letting someone in. Is that clear, Florence?"

   Nahiya tuloy ako na naisip ko kanina na baka manyakin niya ako, kaya niya ipinasasara iyong pintuan.

   At ito na naman ang kontrabidang bahagi ng aking isipan, Wow, ganda ka?

   Tumango ako. "Yes, Sir."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   EPILOGUE

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    "Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-TWO (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-ONE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SIXTY-NINE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status