Tara, Florence, were going out for lunch." Niyaya ako ni Kathryn.
"Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?"
"Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning."
"Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako.
"Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office.
Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch 'yon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.
Paano ba ang tamang approach sa ganito?
Ay, bahala na. Lumapit ako sa pinto at kumatok. Kung mapagalitan, eh 'di mapagalitan. 'Di ko na lang uulitin sa susunod.
"Sir..." Tawag ko habang kumakatok. "Sir Frank.."
"Come in." Narinig kong sabi niya mula sa loob.
Binuksan ko ang pinto pero sumilip lang ako. "S-Sir, lunch na po."
Sumenyas siya na pumasok ako at lumapit sa kanya. Tumalima naman ako.
"Saan kayo magla-lunch?" tanong niya.
"Lumabas po sila, Sir. Ako po kasi, may baon," sagot ko at naisipan ko ring alukin siya, "Kayo po? Gusto niyo po ba magpa-order?"
"No need." Umiling siya. "I'm on this meal plan service and they deliver my meals everyday."
Tumango ako habang nag-iisip kung ano bang gagawin. "Parating na po ba?"
"Yeah. Jonel picked it up in the building lobby." Nag-de-kuwatro siya ng upo. Napapansin ko na mukhang mannerism niya iyon.
"Okay po. S-sige, Sir. Mauna na po ako kumain," paalam ko. "Ahh... bababa na lang po ako sa pantry sa 22nd floor."
"You know what, why don't you have lunch with me?" biglang tanong niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya.
---
"So, nagba-baon ka lagi?" tanong ni Sir Frank sa akin.
"Ah, opo. Mas matipid po kasi saka ipinagluluto talaga ako ng Mama ko," sagot ko habang nag-i-slice ng baon kong chicken tonkatsu. Naisipan kong alukin siya, "Kuha po kayo, Sir."
"Sige lang. Thanks." Tanggi niya. Napa-sulyap ako sa kinakain niya. Hindi ko alam kung ano iyon basta dilaw iyong kanin at 'yong ulam na manok parang nilaga lang pero walang sabaw. Siguro may sinusunod na diet ito si Sir.
May sariling pantry pala dito sa loob ng OVPEA, doon kami sabay na kumain ni Sir. Dahil nga umalis lahat ng kasama namin, at si Kuya Jonel din ay sa labas kumain pagka-hatid ng pagkain ni Sir Frank, kaming dalawa lang ang nandoon.
Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko, saka sa totoo lang medyo naiilang ako. Kahit na ba boss ko naman si Sir Frank at dapat masanay na akong kasama siya, ang posisyon niya dito sa kumpanya ay pangatlo na sa pinaka-mataas. Pagkatapos ng VP ay Presidente, at ang susunod ay CEO na. Tapos ay parehas pa niyang tiyuhin ang mga iyon.
"So, what made you stay here in this company for three years?" Biglang tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot agad kasi nagulat ako. "Ahmm... masaya lang po talaga ako. Challenging po 'yong work, pero masaya po, kasi para po kaming pamilya doon sa Accounting."
"Ano 'yon, pagpasok mo dito, doon ka agad na-assign?" tanong niya.
"Yes po." Tumango ako.
"First job?" tanong pa niya.
"Hindi po." Nagkuwento na ako, "Ang una ko pong naging trabaho ay Data Analyst. Kaso, na-acquire po 'yong company namin ng iba pang company na mas malaki, then hindi naging smooth 'yong transition kaya ang dami pong naging floating status at isa na po ako doon."
"Kaya ka nag-apply dito?" tanong niya.
"Opo. Suwerte naman po na natanggap agad ako," pagbabahagi ko pa. "Saka pa lang po ako nag-resign formally sa dati kong company. Doon pa lang din po nila ako in-offer-an ng permanent post. Hindi ko na po tinanggap kasi magsisimula na po ako dito."
"I see." Tumangu-tango siya. "So, 'yong officemates mo sa previous mong department ang pupuntahan mo sana sa 22nd?"
"Ah, eh sana po," tugon ko. "P-pero okay lang naman po. Kung bumaba ako do'n, maiiwan ko po kayo mag-isa dito."
Ngumiti siya. "Eh, si Maui, kumusta naman sa inyo?"
"Po?" Narinig ko naman ang sinabi niya, nagulat lang talaga ako pagkarinig sa pangalan na iyon.
"'Di ba, siya ang VP for Finance?" pag-uusisa niya. "Sa hierarchy, siya ang pinaka-head mo, ninyo."
"Bihira po kasi namin makahalubilo si Sir Maui," sagot ko. "M-medyo tahimik lang po kasi siya, pero mabait naman po."
"Talaga?" Sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko naman itanong.
At hindi ko rin alam kung anong isasagot sa sinabi niya.
"Ah, Sir, magka-kape po ako," sabi ko sa kanya nang matapos akong kumain. "Gusto niyo po?"
"Kape pagkatapos kumain?" Parang hindi siya makapaniwala.
Tumango ako. "Eh, opo. Masarap po mag-kape kapag busog."
"Damn. Mas masarap mag-yosi," natatawa niyang sambit.
"Hindi po ako naninigarilyo, Sir," sagot ko naman.
"Mukha namang hindi talaga. You seem like a good girl," nakatitig siya sa akin nang sabihin iyon. "Sige nga, pa-try niyang kape mo."
"Okay po." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para magsalang sa coffee maker. Pagpasok ko pa lang kanina sa pantry na ito ay nakita ko na agad iyon. Pakiramdam ko nag-korteng puso ang mga mata ko pagkakita sa kape at coffee maker - dahil coffee is life.
"'Yong timpla mo na, please," pahabol na sabi niya.
Buti na lang nakatalikod ako sa kanya, kung hindi, nakita niya kung paano ako natigilan sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salita. Parang hindi ko siya boss - para ngang ibang tao siya. Pagka-lambing ng bigkas.
"Sige po," tugon kong hindi pa rin bumabaling ng tingin sa kanya.
Pagbalik ko sa mesa ay dala ko na ang dalawang tasa ng kape na nakapatong sa saucer.
"Bango, ah," komento niya nang ilapag ko ang tasa na para sa kanya. "Thanks."
Nginitian ko lang siya at bahagya akong tumango. Umupo ako sa katapat na upuan.
"Ang sarap." Kakaupo ko pa lang nang magsalita siya. "Masarap gumising sa ganito kapag may hang-over ka."
"T-thank you po." Napa-ngiti ako nang alanganin. Natuwa naman ako na nagustuhan niya, pero nakaramdam din ng hiya.
"Salamat din. Nakaligtas ako sa isang stick dahil sa kape mo." Naiiling siya pero nangingiti rin.
Nginitian ko na lang din siya bago ko hinigop ang kape ko.
---
Lumabas si Sir Frank mula sa loob ng opisina niya. May bitbit na laptop bag. Mukhang pauwi na. Nakauwi na rin ang halos lahat sa opisina dahil mag-a-alas sais na iyon ng hapon, kami na lang ni Kimverly ang natira. Sinadya kong magpa-iwan, baka kasi may kailangan pa si Sir Frank sa akin. Saka pinag-aaralan ko rin ang mga files na ibinigay sa akin ni Miss Celine.
Huminto si Sir sa tapat ng lamesa ko. "Florence, anong schedule ko bukas?"
"Sir, bukas po ng morning, 10:00 A.M., may meeting po kayo with Mr. Cordero, and sa afternoon po, 2:00 P.M. ay with Mr. Chan naman po," sagot ko.
"Dito naman lahat 'yan, 'di ba?" tanong niya ulit.
Tumango ako. "Opo."
"Okay." Parang napapa-isip siya. "Kailan 'yong Virtual Anniversary Celebration?"
"Sa Friday pa po," sagot ko.
"Sige." Bahagya siyang tumango. "See you tomorrow, Florence."
"Ingat po," paalala ko. Kusa na lang lumabas iyon sa bibig ko.
"Ikaw din," pagkasabi niya noon ay lumakad na siya. Narinig kong nag-"bye" siya kay Kimverly nang magsabi ang huli ng, "Ingat, Sir." Noong marinig kong sumara na ang pinto, nagsimula na akong magligpit ng mga gamit.
"Nagco-commute ka lang?" tanong sa akin ni Kimverly. Paglingon ko ay nakatayo na pala siya sa likod ko.
"Oo. Sabay tayo? Saan ba ang way mo?" tanong ko din sa kanya.
Sinabi niya kung taga-saan siya, at alam ko ang lugar na iyon. Sinabi ko rin kung saan ang lugar ko. "Iisa lang ang way natin."
Nakita kong natuwa siya. "Taralets! Naku, buti na lang! Naiwan na tayo ng company service, eh. Teka, teka ha, C-CR lang ako."
"Sige lang."
Paglabas niya ng office ay ipinagpatuloy ko ang pagliligpit para pagbalik niya ay ready na ako.
---
"Alam mo naman siguro na mag-pinsan si Sir Maui at si Sir Frank, 'di ba?" tanong sa akin ni Kimverly habang nag-aabang kami ng bus.
Tumango ako. "Bakit?"
"Alam mo din ba na magkagalit 'yang dalawang 'yan?" Isa pang tanong.
"Ha?" Umiling ako. "Hindi, eh."
"Sabi na nga ba, eh. Mga tiga-Accounting huli talaga sa balita. Puro kasi financial statements kaharap niyo." Tumawa siya. "I-chika ko sa 'yo."
Pinara ko ang paparating na bus. Nakatingin kasi ako sa mga papadaang sasakyan habang nakikinig kay Kimverly. Naupo kami sa pangatlong upuan mula sa harap. Pagkatapos naming magbayad sa kunduktor ay ipinagpatuloy ni Kimverly ang ikinukuwento niya kanina.
"'Yon nga, going back, magkagalit si Sir Maui at si Sir Frank." May naisip siyang itanong, "Teka, ilang taon ka na ba sa company all in all?"
"Three years," sagot ko.
"'Yon na nga, 'di mo na siguro inabutan 'yong dating Sir Maui," sabi niya na parang may inaalala.
"Bakit, ano ba siya dati?" Bigla akong naging interesado.
"Hindi siya ganyan na suplado at tahimik," siguradung-sigurado si Kimverly sa sinasabi niyang iyon. "Mabait 'yan, pala-ngiti, basta chummy siya with everyone."
"Weh?" Parang hindi ko makita si Sir Maui na ganoon. Parang simula kasi ng pumasok ako sa kumpanya ay tahimik na siya at hindi halos ngumingiti. Ayokong sabihin na suplado, feeling ko mabait naman talaga siya. Baka wala lang pagkakataon na maka-bonding namin siya o makausap during company events.
"Anong nangyari? Bakit siya nag-iba?" Inusisa ko si Kimverly.
"May jowa kasi 'yan si Sir Maui," kuwento niya. "Actually, ikakasal na nga sila. Kaso, na-aksidente si jowa."
"Tapos?" Kadalasan, hindi naman ako fan ng mga chismis na ganito pero siguro, dahil nga crush ko si Sir Maui noon pa, kaya gusto ko ring may malaman pa tungkol sa kanya.
"Nabangga 'yong sinasakyang kotse. Sadly, na-tegi si jowa, hindi nakaligtas. And guess what, sino ang kasama sa sasakyan nang ma-aksidente?" May pa-blind item pa talaga itong si Kimverly with a "v".
Parang alam ko na kung sino ang tinutumbok nito. "Si Sir Frank?"
"Tumpak!" Tumuro pa siya sa akin na akala mo host ng game show. "At 'yon ang reason kung bakit warla sila hanggang ngayon."
"Sinisisi ni Sir Maui si Sir Frank sa nangyari, ganoon ba?" konklusyon ko. "Tapos ang masama, siya ang nabuhay pero 'yong girlfriend ay hindi?"
"Kasama na 'yon, saka siyempre, dahil may relasyon sila," deklara ni Kimverly.
"Huh? Sinong may relasyon?" Naguluhan ako.
"Si Sir Frank at 'yong jowa ni Sir Maui!"
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with